< Lucas 19 >

1 Pumasok si Jesus at dumaraan sa Jerico.
I uđe u Jerihon. Dok je njime prolazio,
2 Masdan ninyo, mayroong lalaki doon na nagngangalang Zaqueo. Siya ay isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya ay mayaman.
eto čovjeka imenom Zakej. Bijaše on nadcarinik, i to bogat.
3 Sinusubukan niyang makita kung sino si Jesus, ngunit hindi niya makita sa dami ng tao, dahil siya ay maliit.
Želio je vidjeti tko je to Isus, ali ne mogaše od mnoštva jer je bio niska stasa.
4 Kaya tumakbo siya sa unahan ng mga tao at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita siya, dahil daraan si Jesus sa daang iyon.
Potrča naprijed, pope se na smokvu da ga vidi jer je onuda imao proći.
5 Nang makarating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat sa araw na ito, kinakailangan kong manatili sa iyong tahanan.”
Kad Isus dođe na to mjesto, pogleda gore i reče mu: “Zakeju, žurno siđi! Danas mi je proboraviti u tvojoj kući.”
6 Kaya nagmadali siya, bumaba at tinanggap siya nang may galak.
On žurno siđe i primi ga sav radostan.
7 Nang makita ito ng lahat, dumaing silang lahat, sinasabi, “Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan.”
A svi koji to vidješe stadoše mrmljati: “Čovjeku se grešniku svratio!”
8 Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.”
A Zakej usta i reče Gospodinu: “Evo, Gospodine, polovicu svog imanja dajem siromasima! I ako sam koga u čemu prevario, vraćam četverostruko.”
9 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa bahay na ito, dahil anak din siya ni Abraham.
Reče mu na to Isus: “Danas je došlo spasenje ovoj kući jer i on je sin Abrahamov!
10 Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga taong nawawala.”
Ta Sin Čovječji dođe potražiti i spasiti izgubljeno!”
11 Habang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siyang magsalita at nagsabi ng isang talinghaga, dahil malapit siya sa Jerusalem, at inakala nila na ang kaharian ng Diyos ay magsisimula na kaagad.
Kako su oni to slušali, dometnu on prispodobu - zato što bijaše nadomak Jeruzalemu i oni mislili da će se umah pojaviti kraljevstvo Božje.
12 Kaya sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik.
Reče dakle: “Neki je ugledan čovjek imao otputovati u daleku zemlju da primi svoje kraljevstvo pa da se vrati.
13 Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga lingkod, at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, 'Mag-negosyo kayo hanggang ako ay bumalik.'
Dozva svojih deset slugu, dade im deset mna i reče: 'Trgujte dok ne dođem.'
14 Ngunit kinamuhian siya ng kaniyang mga mamamayan at pinasunod sa kaniya ang isang lupon ng kinatawan, sinasabi, 'Ayaw namin na ang taong ito ang mamuno sa amin.'
A njegovi ga građani mrzili te poslaše za njim poslanstvo s porukom: 'Nećemo da se ovaj zakralji nad nama.'”
15 Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo.
“Kad je on primio kraljevstvo i vratio se, naredi da mu dozovu one sluge kojima je predao novac da sazna što su zaradili.”
16 Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.'
“Pristupi prvi i reče: 'Gospodaru, tvoja mna donije deset mna.'
17 Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.'
Reče mu: 'Valjaš, slugo dobri! U najmanjem si bio vjeran, vladaj nad deset gradova!'
18 Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.'
Dođe i drugi govoreći: 'Mna je tvoja, gospodaru, donijela pet mna.'
19 Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.'
I tomu reče: 'I ti budi nad pet gradova!'”
20 At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela,
“Treći, opet dođe govoreći: 'Gospodaru, evo ti tvoje mne. Držao sam je pohranjenu u rupcu.
21 sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.'
Bojao sam te se jer si čovjek strog: uzimaš što nisi pohranio, žanješ što nisi posijao.'”
22 Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik.
“Kaže mu: 'Iz tvojih te usta sudim, zli slugo! Znao si da sam čovjek strog, da uzimam što nisam pohranio i žanjem što nisam posijao?
23 Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?'
Zašto onda nisi uložio moj novac u novčarnicu? Ja bih ga po povratku podigao s dobitkom.'
24 Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.'
Nato reče nazočnima: 'Uzmite od njega mnu i dajte onomu koji ih ima deset.'
25 Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.'
Rekoše mu: 'Gospodaru, ta već ima deset mna!'
26 'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya.
Kažem vam: svakomu koji ima još će se dati, a od onoga koji nema oduzet će se i ono što ima.
27 Ngunit ang aking mga kaaway, ang mga may ayaw na maghari ako sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sila sa harapan ko.'”
A moje neprijatelje - one koji me ne htjedoše za kralja - dovedite ovamo i smaknite ih pred mojim očima!'”
28 Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito, nauna na siyang pumunta, paakyat sa Jerusalem.
Rekavši to, nastavi put uzlazeći u Jeruzalem.
29 At nangyari nang palapit na siya sa Bethfage at sa Bethania, sa bundok na tinatawag na Olivet, nagsugo siya ng dalawa sa mga alagad,
Kad se približi Betfagi i Betaniji, uz goru koja se zove Maslinska, posla dvojicu učenika
30 sinasabi, “Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok, matatagpuan ninyo ang isang bisiro na hindi pa kailanman nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.
govoreći: “Hajdete u selo pred vama. Čim uđete u nj, naći ćete privezano magare koje još nitko nije zajahao. Odriješite ga i dovedite.
31 Kung may magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan ito ng Panginoon.'”
Upita li vas tko: 'Zašto driješite?', ovako recite: 'Gospodinu treba.'”
32 Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila.
Oni koji bijahu poslani otiđoše i nađoše kako im bijaše rekao.
33 Habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi ng mga may-ari sa kanila, “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?”
I dok su driješili magare, rekoše im gospodari: “Što driješite magare?”
34 Sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.”
Oni odgovore: “Gospodinu treba.”
35 Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus.
I dovedoše ga Isusu i staviše svoje haljine na magare te posjednuše Isusa.
36 Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan.
I kuda bi on prolazio, prostirali bi po putu svoje haljine.
37 Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita,
A kad se već bio približio obronku Maslinske gore, sve ono mnoštvo učenika, puno radosti, poče iza glasa hvaliti Boga za sva silna djela što ih vidješe:
38 na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”
“Blagoslovljen Kralj, Onaj koji dolazi u ime Gospodnje! Na nebu mir! Slava na visinama!”
39 Sinabi sa kaniya ng ilan sa mga Pariseong kasama ng maraming tao, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.”
Nato mu neki farizeji iz mnoštva rekoše: “Učitelju, prekori svoje učenike.”
40 Sumagot si Jesus at sinabing, “Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik sila, ang mga bato ay sisigaw.”
On odgovori: “Kažem vam, ako ovi ušute, kamenje će vikati!”
41 Nang palapit na si Jesus sa lungsod, iniyakan niya ito,
Kad se približi i ugleda grad, zaplaka nad njim
42 sinasabi, “Kung alam mo lang sa araw na ito, kahit ikaw, ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ngayon ang mga ito ay lingid sa iyong mga mata.
govoreći: “O kad bi i ti u ovaj dan spoznao što je za tvoj mir!
43 Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na magtatayo ng harang ang iyong mga kaaway sa palibot mo, at papalibutan ka, at gigipitin ka mula sa bawat panig.
Ali sada je sakriveno tvojim očima. Doći će dani na tebe kad će te neprijatelji tvoji opkoliti opkopom, okružit će te i pritijesniti odasvud.
44 Hahampasin ka nila pababa sa lupa at kasama ang iyong mga anak. Hindi sila magtitira ng isang bato sa ibabaw ng isa pang bato, dahil hindi mo kinilala nang sinusubukan kang iligtas ng Diyos.”
Smrskat će o zemlju tebe i djecu tvoju u tebi. I neće ostaviti u tebi ni kamena na kamenu zbog toga što nisi upoznao časa svoga pohođenja.”
45 Pumasok si Jesus sa templo at sinimulang palayasin ang mga nagtitinda,
Ušavši u Hram, stane izgoniti prodavače.
46 sinasabi sa kanila, “Nasusulat, 'Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
Kaže im: “Pisano je: Dom moj bit će Dom molitve, a vi od njega načiniste pećinu razbojničku!”
47 Kaya araw-araw nagtuturo si Jesus sa templo. Ang mga punong pari at ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay nais siyang patayin,
I danomice naučavaše u Hramu. A glavari su svećenički i pismoznanci tražili kako da ga pogube, a tako i prvaci narodni,
48 ngunit wala silang mahanap na paraan upang gawin ito, dahil ang lahat ng mga tao ay nakikinig nang mabuti sa kaniya.
ali nikako naći što da učine jer je sav narod visio o njegovoj riječi.

< Lucas 19 >