< Lucas 13 >

1 Nang panahong iyon, sinabi sa kaniya ng ilang tao na naroon ang tungkol sa mga taga-Galilea, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa kanilang mga sariling alay.
Upravo u taj čas dođoše neki te mu javiše što se dogodilo s Galilejcima kojih je krv Pilat pomiješao s krvlju njihovih žrtava.
2 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan ang mga taga-Galilea na ito kaysa sa ibang mga taga-Galilea dahil nagdusa sila sa ganitong paraan?
Isus im odgovori: “Mislite li da ti Galilejci, jer tako postradaše, bijahu grešniji od drugih Galilejaca?
3 Hindi, sinasabi ko sa inyo. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat sa ganoon ding paraan.
Nipošto, kažem vam, nego ako se ne obratite, svi ćete slično propasti!
4 O iyong labing walong tao sa Siloam na nabagsakan ng tore at namatay, sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan sila kaysa sa ibang tao sa Jerusalem?
Ili onih osamnaest na koje se srušila kula u Siloamu i ubila ih, zar mislite da su oni bili veći dužnici od svih Jeruzalemaca?
5 Hindi, sinasabi ko. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo ay mamatay din.”
Nipošto, kažem vam, nego ako se ne obratite, svi ćete tako propasti.”
6 Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito, “May isang taong may isang puno ng igos na nakatanim sa kaniyang ubasan at dumating siya at naghanap ng bunga nito ngunit wala siyang matagpuan.
Nato im pripovjedi ovu prispodobu: “Imao netko smokvu zasađenu u svom vinogradu. Dođe tražeć ploda na njoj i ne nađe
7 Sinabi niya sa hardinero, 'Tingnan mo, tatlong taon na akong pumaparito, at sinubukang maghanap ng bunga ng puno ng igos na ito ngunit wala akong natagpuan. Putulin mo ito. Bakit hahayaang sayangin nito ang lupa?'
pa reče vinogradaru: 'Evo, već tri godine dolazim i tražim ploda na ovoj smokvi i ne nalazim. Posijeci je. Zašto da iscrpljuje zemlju?'
8 Sumagot ang hardinero at sinabi, 'Pabayaan mo muna ito sa taong ito hanggang sa aking mahukayan ang palibot nito at malagyan ito ng pataba.
A on mu odgovori: 'Gospodaru, ostavi je još ove godine dok je ne okopam i ne pognojim.
9 Kung mamunga ito sa susunod na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin mo ito!”'
Možda će ubuduće ipak uroditi. Ako li ne, posjeći ćeš je.'”
10 Ngayon, nagtuturo si Jesus sa isa sa mga sinagoga sa Araw ng Pamamahinga.
Jedne je subote naučavao u nekoj sinagogi.
11 Masdan, may isang babaeng naroon na labing-walong taon nang may masamang espiritu ng panghihina, at siya ay baluktot at hindi siya lubusang makatayo.
Kad eto žene koja je osamnaest godina imala duha bolesti. Bila je zgrbljena i nikako se nije mogla uspraviti.
12 Nang makita siya ni Jesus, tinawag niya ito at sinabi, “Babae, napalaya ka na mula sa iyong panghihina.”
Kad je Isus opazi, dozva je i reče joj: “Ženo, oslobođena si svoje bolesti!”
13 Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae, at kaagad siyang naunat at niluwalhati niya ang Diyos.
I položi na nju ruke, a ona se umah uspravi i poče slaviti Boga.
14 Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya sumagot ang pinuno at sinabi sa maraming mga tao, “May anim na araw kung saan kinakailangang magtrabaho. Pumarito kayo at mapagaling sa mga araw na iyon, huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
Nadstojnik sinagoge - ozlovoljen što je Isus u subotu izliječio - govoraše mnoštvu: “Šest je dana u koje treba raditi! U te dakle dane dolazite i liječite se, a ne u dan subotni!”
15 Sinagot siya ng Panginoon at sinabi, “Mga mapagkunwari! Hindi ba kinakalag ng bawat isa sa inyo ang tali ng kaniyang asno o baka mula sa sabsaban nito upang painumin sa Araw ng Pamamahinga?
Odgovori mu Gospodin: “Licemjeri! Ne driješi li svaki od vas u subotu svoga vola ili magarca od jasala da ga vodi na vodu?
16 Kaya ito ring babaeng anak ni Abraham, na labing-walong taon nang iginapos ni Satanas, hindi ba nararapat kalagan ang kaniyang gapos sa Araw ng Pamamahinga?”
Nije li dakle i ovu kćer Abrahamovu, koju Sotona sveza evo osamnaest je već godina, trebalo odriješiti od tih spona u dan subotni?”
17 Nang sinabi niya ang mga bagay na ito, lahat ng sumalungat sa kaniya ay napahiya, ngunit nagagalak ang maraming tao sa mga maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
Na te njegove riječi postidješe se svi protivnici njegovi, a sav se narod radovaše zbog svega čime se on proslavio.
18 At sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos, at ano ang maaari kong ihambing dito?
Govoraše dakle: “Čemu je slično kraljevstvo Božje? Čemu da ga prispodobim?
19 Ito ay tulad ng isang buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan, at ito ay tumubo at naging isang malaking puno, at namugad sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.”
Ono je kao kad čovjek uze gorušičino zrno i baci ga u svoj vrt. Uzraste i razvi se u stablo te mu se ptice nebeske gnijezde po granama.”
20 Muli, sinabi niya, “Saan ko maaaring ihambing ang salita ng Diyos?
I opet im reče: “Čemu da prispodobim kraljevstvo Božje?
21 Ito ay tulad ng lebadura na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong takal ng harina hanggang sa ito ay umalsa.”
Ono je kao kad žena uze kvasac i zamijesi ga u tri mjere brašna dok sve ne uskisne.”
22 Binisita ni Jesus ang bawat bayan at baryo sa daan patungong Jerusalem at tinuruan sila.
Putujući tako u Jeruzalem, prolazio je i naučavao gradovima i selima.
23 May nagsabi sa kaniya, “Panginoon, kakaunti lamang bang tao ang maliligtas?” Kaya sinabi niya sa kanila,
Reče mu tada netko: “Gospodine, je li malo onih koji se spasavaju?” A on im reče:
24 “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan, dahil marami ang susubok ngunit hindi sila makakapasok.
“Borite se da uđete na uska vrata jer mnogi će, velim vam, tražiti da uđu, ali neće moći.”
25 Kapag tumayo na ang may-ari ng bahay at isinara ang pintuan, at kayo ay tatayo sa labas at kakalabugin ang pinto at sasabihin, 'Panginoon, Panginoon, papasukin mo kami.' At siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala o kung taga-saan kayo.'
“Kada gospodar kuće ustane i zaključa vrata, a vi stojeći vani počnete kucati na vrata: 'Gospodine, otvori nam!', on će vam odgovoriti: 'Ne znam vas odakle ste!'
26 Pagkatapos ay inyong sasabihin, 'Kami ay kumain at uminom sa iyong harapan at nagturo ka sa aming mga lansangan.'
Tada ćete početi govoriti: 'Pa mi smo s tobom jeli i pili, po našim si trgovima naučavao!'
27 Ngunit sasagot siya, 'Sinasabi ko sa inyo, hindi ko alam kung taga-saan kayo. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!'
A on će vam reći: 'Kažem vam: ne znam odakle ste. Odstupite od mene, svi zlotvori!'”
28 Magkakaroon ng pagnanangis at pagngangalit ng ngipin kapag nakita ninyo sina Abraham, Isaac, Jacob at ang lahat ng propeta sa kaharian ng Diyos, ngunit kayo—kayo ay itinapon sa labas.
“Ondje će biti plač i škrgut zubi kad ugledate Abrahama i Izaka i Jakova i sve proroke u kraljevstvu Božjem, a sebe vani, izbačene.
29 Darating sila mula sa silangan, kanluran, hilaga, at timog at sila ay uupo sa hapag-kainan sa kaharian ng Diyos.
I doći će s istoka i zapada, sa sjevera i juga i sjesti za stol u kraljevstvu Božjem.
30 At alamin ninyo ito, ang mga pinakahuli ay ang mga una, at ang una ay magiging huli.”
Evo, ima posljednjih koji će biti prvi, ima i prvih koji će biti posljednji.”
31 Hindi nagtagal, may ilang mga Pariseong dumating at sinabi sa kaniya, “Pumunta ka at umalis dito dahil nais kang patayin ni Herodes.”
U taj čas pristupe neki farizeji i reknu mu: “Otiđi, otputuj odavde jer te Herod hoće ubiti.”
32 Sinabi ni Jesus, “Pumunta kayo at sabihin sa asong-gubat na iyon, 'Tingnan mo, nagpapalayas ako ng mga demonyo at nagpapagaling ako ngayon at bukas, at sa ikatlong araw ay maaabot ko ang aking layunin.'
A on će njima: “Idite i kažite toj lisici: 'Evo, izgonim đavle i liječim danas i sutra, a treći dan dovršujem.
33 Gayunman, kinakailangan na ako ay magpatuloy ngayon, bukas at sa susunod na araw, sapagkat hindi katanggap-tanggap na pumatay ng isang propeta sa labas ng Jerusalem.
Ali danas, sutra i prekosutra moram nastaviti put jer ne priliči da prorok pogine izvan Jeruzalema.'”
34 Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga ipinadala sa iyo. Kaydalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi mo ito ninais.
“Jeruzaleme, Jeruzaleme, koji ubijaš proroke i kamenuješ one što su tebi poslani! Koliko li puta htjedoh skupiti djecu tvoju kao kvočka piliće pod krila i ne htjedoste!
35 Tingnan mo, iniwan ang iyong bahay. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ako makikita hanggang sabihin mo, 'Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.”'
Evo, napuštena vam kuća. A kažem vam, nećete me vidjeti dok ne dođe čas te reknete: “Blagoslovljen Onaj koji dolazi u ime Gospodnje!”

< Lucas 13 >