< Levitico 11 >

1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
ヱホバ、モーセとアロンに告てこれに言給はく
2 “Magsalita kayo sa bayan ng Israel, sabihin ninyo, ' ito ang mga bagay na buhay na maaari ninyong kainin sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
イスラエルの子孫に告て言へ地の諸の獣畜の中汝らが食ふべき四足は是なり
3 Maaari ninyong kainin ang alinmang hayop na hati ang kuko at gayundin ang ngumunguya ng pagkain.
凡て獣畜の中蹄の分たる者すなはち蹄の全く分たる反芻者は汝等これを食ふべし
4 Gayunman, ang ilang mga hayop maging ang ngumunguya ng pagkain o may hati ang kuko, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, mga hayop tulad ng kamelyo, dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko. Kaya marumi ang kamelyo para sa inyo.
但し反芻者と蹄の分たる者の中汝等の食ふべからざる者は是なり即ち駱駝是は反芻ども蹄わかれざれば汝等には汚たる者なり
5 Gayundin ang liebre na nakatira sa batuhan: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi rin ito para sa inyo.
山鼠是は反芻ども蹄わかれざれば汝等には汚たる者なり
6 At ang kuneho: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi ito para sa inyo.
兎是は反芻ども蹄わかれざれば汝等には汚たる者なり
7 At ang baboy kahit hati ang kuko, hindi ito ngumunguya, kaya marumi ito para sa inyo.
猪是は蹄あひ分れ蹄まったく分るれども反芻ことをせざれば汝等には汚たる者なり
8 Hindi ninyo dapat kainin alinman sa kanilang karne, ni hawakan ang kanilang patay na katawan. Marumi ang mga ito para sa inyo.
汝等是等の者の肉を食ふべからずまたその死體にさはるべからず是等は汝等には汚たる者なり
9 Ang mga hayop na nabubuhay sa tubig na maaari ninyong kainin ay iyong may mga palikpik at may mga kaliskis, maging nasa karagatan man o nasa mga ilog.
水にある諸の族の中汝等の食ふべき者は是なり凡て水の中にをり海河に居る者にして翅と鱗のある者は汝等これを食ふべし
10 Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
凡て水に動く者凡て水に生る者即ち凡て海河にある者にして翅と鱗なき者は是汝等には忌はしき者なり
11 Dahil ang mga ito ay dapat kasuklaman, hindi ninyo dapat kainin ang kanilang laman; gayundin, dapat kasuklaman ang mga patay na katawan ng mga ito.
是等は汝等には忌はしき者なり汝等その肉を食ふべからずまたその死體をば忌はしき者となすべし
12 Anumang mga walang mga palikpik o mga kaliskis na nasa tubig ay dapat ninyong kasuklaman.
凡て水にありて翅も鱗もなき者は汝等には忌はしき者たるべし
13 Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre.
鳥の中に汝等が忌はしとすべき者は是なり是をば食ふべからず是は忌はしき者なり即ち鵰黄鷹鳶
14 ang halkon, anumang uri ng palkon,
鸇鷹の類
15 bawat uri ng uwak,
諸の鴉の類
16 ang kuwagong may sungay at ang malaking kuwago, ang tagak at ang anumang uri ng lawin.
駝鳥梟鴎雀鷹の類
17 Dapat din ninyong kasuklaman ang maliit na kuwago at ang malaking kuwago, ang maninisid-isda,
鶴鵜鷺
18 ang puting kuwago at kuwagong kamalig, ang ibong ospri,
白鳥鸅鸕大鷹
19 ang tagak, anumang uri ng bakaw, ang ubabila at gayundin ang paniki.
鶴鸚鵡の類鷸および蝙蝠
20 Dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na kulisap na lumalakad gamit ang mga paa.
また凡て羽翼のありて四爬にあるくところの昆蟲は汝等には忌はしき者なり
21 Gayunman maaari ninyong kainin alinman sa lumilipad na mga kulisap na lumalakad din gamit ang paa, kung may mga binti sila sa itaas ang kanilang mga paa, na ginagamit upang tumalon sa lupa.
但し羽翼のありて四爬にあるく諸の昆蟲の中その足に飛腿のありて地に飛ぶものは汝等これを食ふことを得べし
22 At maaari rin ninyong kainin ang anumang uri ng balang, lukton, kuliglig o tipaklong.
即ちその中蝗蟲の類大蜢の類小蜢の類螇蚸の類を汝等食ふことを得べし
23 Ngunit dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na mga kulisap na may apat na paa.
凡て羽翼ありて四爬にあるくところの昆蟲はみな汝等には忌はしき者たるなり
24 Magiging marumi kayo hanggang sa gabi kung hahawakan ninyo ang patay na katawan ng isa sa mga ito.
これ等はなんぢらを汚すなり凡て是等の者の死體に捫る者は晩まで汚るべし
25 Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
凡てその死體を身に携ふる者はその衣服を洗ふべしその身は晩まで汚るるなり
26 Marumi para sa inyo ang bawat hayop na hindi ganap na nahati ang kuko o hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang bawat isa na hahawak sa kanila.
凡そ蹄の分れたる獣畜の中その蹄の全く分れざる者あるひは反芻ことをせざる者の死體は汝等には汚穢たるべし凡てこれに捫る者は汚るべし
27 Marumi para sa inyo ang anumang naglalakad sa mga pangamot nito sa lahat ng hayop na lumalakad gamit ang lahat na apat na paa. Magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa ganoong patay na katawan.
四足にてあるく諸の獣畜の中その掌底にて歩む者は皆汝等には汚穢たるべしその死骸に捫る者は晩まで汚るべし
28 Dapat labhan ang kaniyang mga damit at maging marumi hanggang sa gabi ang sinumang pumulot sa ganoong patay na katawan. Marumi para sa inyo ang mga hayop na ito.
その死體を身に携ふる者はその衣服を洗ふべしその身は晩まで汚るるなり是等は汝等には汚たる者なり
29 Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo: ang bubuwit, ang daga, bawat uri ng malalaking butiki,
地に匍ところの匍行者の中汝等に汚穢となる者は是なり即ち鼬鼠鼫鼠大蜥蜴の類
30 ang tuko, ang bayawak, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango.
蛤蚧龍子守宮蛇醫蝘蜓
31 Sa lahat ng mga hayop na gumagapang, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo. Sinumang humawak sa mga ito kapag namatay, magiging marumi hanggang sa gabi.
諸の匍者の中是等は汝等には汚穢たるなり凡てその死たるに捫る者は晩まで汚るべし
32 At kung alinman sa mga ito ang namatay at nahulog sa anumang bagay, magiging marumi ang bagay na iyon, kahit gawa ito sa kahoy, tela, balat o telang magaspang. Anuman ito at anuman ang mga gamit nito, dapat itong ilagay sa tubig; magiging marumi ito hanggang sa gabi. Pagkatapos magiging malinis na ito.
是等の者の死て上に墜たる物は何にもあれ汚るべし木の器具にもあれ衣服にもあれ皮革にもあれ嚢袋にもあれ凡そ事に用ふる器は皆これを水にいるべし是は晩まで汚穢ん斯せば是は清まるべし
33 Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon.
また是等の中の者瓦の器におつればその内にある者みな汚るべし汝らその器を毀つべきなり
34 Lahat ng malinis na pagkain at pinahihintulutang kainin, ngunit kung nabuhusan ng tubig mula sa isang maruming palayok, sa gayon magiging marumi ito. At anumang bagay na maaaring maiinom mula sa bawat palayok ay magiging marumi.
また水の入たる食ふべき食物も是等によりて汚るべく諸般の器にある飮べき飮物も是等に由て汚るべし
35 Magiging marumi ang lahat ng bagay na mabagsakan ng anumang bahagi ng patay na katawan ng maruming hayop, kahit isang pugon ito o mga lutuang palayok. Dapat itong basagin sa pira-piraso. Marumi ito at dapat maging marumi para sa inyo.
是等の者の死體物の上に堕ればその物都て汚るべし爐にもあれ土鍋にもあれ之を毀つべきなり是は汚れて汝等には汚れたる者となればなり
36 Mananatiling malinis ang Isang bukal o hukay kung saan naiipon ang inuming tubig kung mahulog ang ganoong mga nilalang dito. Ngunit kung sinumang humawak sa patay na katawan ng isang maruming hayop sa tubig, magiging marumi siya.
然ど泉水あるひは塘池水の潴は汚るること無し唯その死體に觸る者汚るべし
37 Kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog sa mga butong itatanim, mananatiling malinis ang mga butong iyon.
是等の者の死體は播べき種の上に堕るも其は汚るることなし
38 Ngunit kung nabasa ng tubig ang mga buto at kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog doon, sa gayon magiging marumi ang mga ito para sa inyo.
然ど種の上に水のかかれる時にその死體上に堕なば其は汝等には汚たるべし
39 Kung mamamatay ang anumang hayop na maaari ninyong kainin, sa gayon ay magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa katawan ng patay na hayop.
汝等が食ふところの獣畜の死たる時はその死體に捫る者は晩まで汚るべし
40 At kung sinuman ang kumain sa katawan ng patay na hayop na iyon ay lalabhan niya ang kaniyang damit at magiging marumi hangggang gabi. At sinumang pumulot sa gayong patay na hayop ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at magiging marumi hanggang sa gabi.
その死體を食ふ者はその衣服を濯ふべし其身は晩まで汚るるなりその死體を携ふる者もその衣服を洗ふべしその身は晩まで汚るるなり
41 Ang bawat hayop na gumagapang sa lupa ay kasuklaman ninyo, hindi ito dapat kainin.
地の上に匍ところの諸の匍行物は忌べき者なり食ふべからず
42 Anumang gumagapang gamit ang kanilang tiyan at anumang lumalakad gamit ang kanilang apat na paa o anumang may maraming paa—ang lahat ng mga hayop na gumagapang sa lupa, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil sila ay kinasusuklaman.
即ち地に匍ところの諸の匍行物の中凡て腹ばひ行く者四足にて歩く者ならびに多の足を有つ者是等をば汝等食ふべからず是等は忌べき者たるなり
43 Hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili sa anumang nabubuhay na mga nilalang na gumapang; hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili dahil sa kanila, na dapat kayong gawing marumi sa pamamagitan nila.
汝等は匍ところの匍行物のためにその身を忌はしき者にするなかれ是等をもてその身を汚すなかれ又是等に汚さるるなかれ
44 Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos. Samakatuwid ialay ang inyong sarili sa akin at magpakabanal dahil ako ay banal. Hindi ninyo dapat dungisan ang inyong sarili sa anumang uri ng hayop na gumagalaw sa lupa.
我は汝等の神ヱホバなれば汝等その身を聖潔せよ然ば汝等聖者とならん我聖ければなり汝等は必ず地に匍ところの匍行者をもてその身を汚すことをせざれ
45 Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.
我は汝等の神とならんとて汝等をエジプトの國より導きいだせしヱホバなり我聖ければ汝等聖潔なるべし
46 Ito ang batas tungkol sa mga hayop, sa mga ibon, bawat nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa mga tubig at ang bawat nilalang na mga gumagapang sa lupa,
是すなはち獣畜と鳥と水に動く諸の生物と地に匍ふ諸の匍行物にかかはるところの例にして
47 kung saan gagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng marumi at ng malinis, at sa pagitan ng nabubuhay na mga bagay na maaaring kainin at ang nabubuhay na mga bagay na hindi maaaring kainin”
汚たる者と潔き者とを分ち食るる生物と食はれざる生物とを分つ者なり

< Levitico 11 >