< Josue 8 >

1 Sinabihan ni Yahweh si Josue, “Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain.
Dixit autem Dominus ad Iosue: Ne timeas, neque formides: tolle tecum omnem multitudinem pugnatorum, et consurgens ascende in oppidum Hai. ecce tradidi in manum tuam regem eius, et populum, urbemque et terram.
2 Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod.”
Faciesque urbi Hai, et regi eius, sicut fecisti Iericho, et regi illius: praedam vero, et omnia animantia diripietis vobis: pone insidias urbi post eam.
3 Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi.
Surrexitque Iosue, et omnis exercitus bellatorum cum eo, ut ascenderent in Hai: et electa triginta millia virorum fortium misit nocte,
4 Inutusan niya sila, “Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
praecepitque eis, dicens: Ponite insidias post civitatem, nec longius recedatis: et eritis omnes parati.
5 Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati.
ego autem, et reliqua multitudo, quae mecum est, ascendemus ex adverso contra urbem. Cumque exierint contra nos, sicut ante fecimus, fugiemus, et terga vertemus:
6 Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila.
donec persequentes ab urbe longius protrahantur: putabunt enim nos fugere sicut prius.
7 Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.
Nobis ergo fugientibus, et illis persequentibus, consurgetis de insidiis, et vastabitis civitatem: tradetque eam Dominus Deus vester in manus vestras.
8 Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo.”
Cumque ceperitis, succendite eam, et sic omnia facietis, ut iussi.
9 Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
Dimisitque eos, et perrexerunt ad locum insidiarum, sederuntque inter Bethel, et Hai, ad Occidentalem plagam urbis Hai: Iosue autem nocte illa in medio mansit populi,
10 Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
surgensque diluculo recensuit socios, et ascendit cum senioribus in fronte exercitus, vallatus auxilio pugnatorum.
11 Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai.
Cumque venissent, et ascendissent ex adverso civitatis, steterunt ad Septentrionalem urbis plagam, inter quam et eos erat vallis media.
12 Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.
Quinque autem millia viros elegerat, et posuerat in insidiis inter Bethel et Hai ex occidentali parte eiusdem civitatis:
13 Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak.
omnis vero reliquus exercitus ad aquilonem aciem dirigebat, ita ut novissimi illius multitudinis Occidentalem plagam urbis attingerent. Abiit ergo Iosue nocte illa, et stetit in vallis medio.
14 Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
Quod cum vidisset rex Hai, festinavit mane, et egressus est cum omni exercitu civitatis, direxitque aciem contra desertum, ignorans quod post tergum laterent insidiae.
15 Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang.
Iosue vero, et omnis Israel cesserunt loco, simulantes metum, et fugientes per solitudinis viam.
16 Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
At illi vociferantes pariter, et se mutuo cohortantes, persecuti sunt eos. Cumque recessissent a civitate,
17 Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.
et ne unus quidem in urbe Hai et Bethel remansisset qui non persequeretur Israel (sicut eruperant aperta oppida relinquentes, )
18 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay.” Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod.
dixit Dominus ad Iosue: Leva clypeum, qui in manu tua est, contra urbem Hai, quoniam tibi tradam eam.
19 Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.
Cumque elevasset clypeum ex adverso civitatis, insidiae, quae latebant, surrexerunt confestim: et pergentes ad civitatem, ceperunt, et succenderunt eam.
20 Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila.
Viri autem civitatis, qui persequebantur Iosue, respicientes et videntes fumum urbis ad caelum usque conscendere, non potuerunt ultra huc illucque diffugere: praesertim cum hi, qui simulaverant fugam, et tendebant ad solitudinem, contra persequentes fortissime restitissent.
21 Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.
Vidensque Iosue et omnis Israel quod capta esset civitas, et fumus urbis ascenderet, reversus percussit viros Hai.
22 At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas.
Siquidem et illi qui ceperant et succenderant civitatem, egressi ex urbe contra suos, medios hostium ferire coeperunt. Cum ergo ex utraque parte adversarii caederentur, ita ut nullus de tanta multitudine salvaretur,
23 Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
regem quoque urbis Hai apprehenderunt viventem, et obtulerunt Iosue.
24 Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
Igitur omnibus interfectis, qui Israelem ad deserta tendentem fuerant persecuti, et in eodem loco gladio corruentibus, reversi filii Israel percusserunt civitatem.
25 Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai.
Erant autem qui in eodem die conciderant a viro usque ad mulierem, duodecim millia hominum, omnes urbis Hai.
26 Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
Iosue vero non contraxit manum, quam in sublime porrexerat, tenens clypeum donec interficerentur omnes habitatores Hai.
27 Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.
Iumenta autem et praedam civitatis diviserunt sibi filii Israel, sicut praeceperat Dominus Iosue.
28 Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.
Qui succendit urbem, et fecit eam tumulum sempiternum:
29 Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
regem quoque eius suspendit in patibulo usque ad vesperam et solis occasum. Praecepitque Iosue, et deposuerunt cadaver eius de cruce: proieceruntque in ipso introitu civitatis, congesto super eum magno acervo lapidum, qui permanet usque in praesentem diem.
30 Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal,
Tunc aedificavit Iosue altare Domino Deo Israel in monte Hebal:
31 gaya ni Moises ang lingkod ni Yahweh na inutusan ang bayan ng Israel, ayon sa nakasulat sa aklat ng batas ni Moises: “Isang altar mula sa hindi nahating mga bato, na walang ni isa ang makahawak sa isang bakal na kagamitan.” At naghandog siya rito ng handog na susunugin kay Yahweh, at nag-alay sila ng mga handog para sa kapayapaan.
sicut praeceperat Moyses famulus Domini filiis Israel, et scriptum est in volumine legis Moysi: Altare vero de lapidibus impolitis, quos ferrum non tetigit: et obtulit super eo holocausta Domino, immolavitque pacificas victimas.
32 At doon sa presensya ng bayan ng Israel, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng batas ni Moises.
Et scripsit super lapides Deuteronomium legis Moysi, quod ille digesserat coram filiis Israel.
33 Lahat ng Israel, kanilang nakatatanda, mga opisyales, at kanilang mga hukom ay tumayo sa magkabilang bahagi ng kaban sa harap ng mga pari at mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh—ang dayuhan gayundin ang ipinanganak na katutubo—nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim ang kalahati sa kanila at nakatayo sa harap ng Bundok Ebal ang ibang kalahati. Pinagpala nila ang bayan ng Israel, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kanila sa simula.
Omnis autem populus, et omnes maiores natu, ducesque ac iudices stabant ex utraque parte arcae, in conspectu sacerdotum qui portabant arcam foederis Domini, ut advena ita et indigena. Media pars eorum iuxta montem Garizim, et media iuxta montem Hebal, sicut praeceperat Moyses famulus Domini. Et primum quidem benedixit populo Israel.
34 Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas.
Post haec legit omnia verba benedictionis et maledictionis, et cuncta quae scripta erant in legis volumine.
35 Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.
Nihil ex his, quae Moyses iusserat, reliquit intactum, sed universa replicavit coram omni multitudine Israel, mulieribus ac parvulis et advenis, qui inter eos morabantur.

< Josue 8 >