< Josue 21 >

1 Pagkatapos pumunta ang mga pinuno ng mga angkan ng mga Levita kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
茲にレビの族長等來りて祭司ヱレアザル、ヌンの子ヨシユアおよびイスラエルの子孫の支派の族長等の許にいたり
2 Sinabi nila sa kanila sa Silo sa lupain ng Canaan, “Inutusan kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises na bigyan kami ng mga lungsod para manirahan, kasama ang mga lupang pastulan para sa aming mga alagang hayop.”
カナンの地シロにおいて之に語りて言ふヱホバかつて我らに住べき邑々を與ふることおよびその郊地を我らの家畜のために與ふる事をモーセによりて命じおきたまへりと
3 Kaya sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, ibinigay ng bayan ng Israel sa mga Levita mula sa kanilang minana ang mga sumusunod na lungsod, kabilang ang kanilang mga lupang pastulan, para sa mga Levita.
イスラエルの子孫すなはちヱホバの命にしたがひて自己の產業の中より左の邑々とその郊地とをレビ人に與ふ
4 Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
先コハテ人の宗族のために籤を掣り祭司アロンの子孫たるレビ人籤によりてユダの支派の中シメオンの支派の中およびベニヤミンの支派の中より十三の邑を獲
5 Ang mga natirang angkan ng mga Kohatita ay tumanggap ng sampung lungsod sa pamamagitan ng mga palabunutan ng sampung lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi ni Efraim, Dan, at mula sa kalahating lipi ni Manases.
その餘のコハテの子孫は籤によりてエフライムの支派の宗族の中ダンの支派の中マナセの支派の半の中より十の邑を獲たり
6 At binigyan ang mga taong mula sa Gerson sa pamamagitan ng palabunutan ng labintatlong lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi nina Isacar, Aser, Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Bashan.
またゲシヨンの子孫は籤によりてイツサカルの支派の宗族の中アセルの支派の中ナフタリの支派の中およびバシヤンにあるマナセの支派の半の中より十三の邑を獲たり
7 Ang bayan na mga kaapu-apuhan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lungsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
またメラリの子孫は其宗族にしたがひてルベンの支派の中ガドの支派の中およびゼブルンの支派の中より十二の邑を獲たり
8 Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
イスラエルの子孫ヱホバのモーセによりて命じたまひし所にしたがひて此の邑々とその郊地とを籤によりてレビ人に與ふ
9 Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
即ち先ユダの子孫の支派の中およびシメオンの子孫の支派の中より左に名を擧たる邑々を與ふ
10 Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
是はレビの子孫コハテ人の宗族なるアロンの子孫に歸す其は彼ら第一の籤にあたりたればなり
11 Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
即ちユダの山地なるキリアテアルバ即ちヘブロンおよびその周圍の郊地をこれに與ふ此アルバはアナクの父なりき
12 Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.
その邑の田野およびその村々はこれをエフンネの子カレブに與へて所有となさしむ
13 Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
祭司アロンの子孫に與へし者は即ち人を殺し者の逃るべき邑なるヘブロンとその郊地リブナとその郊地
14 Jattir kasama ang mga lupang pastulan nito, at Estemoa kasama ang mga lupang pastulan nito.
ヤツテルとその郊地エシテモアとその郊地
15 Ibinigay din nila ang Holon kasama ang mga lupang pastulan nito, Debir kasama ang mga lupang pastulan nito,
ホロンとその郊地デビルとその郊地
16 Ain kasama ang mga lupang pastulan nito, Jutta kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet-Semes kasama ang mga lupang pastulan nito. Mayroong siyam na lungsod na ibinigay mula sa dalawang liping ito.
アインとその郊地ユツタとその郊地ベテシメシとその郊地此九の邑は此ふたつの支派の中より分ちしものなり
17 Mula sa lipi ni Benjamin ibinigay ang Gabaon kasama ang mga lupang pastulan nito, ang Geba kasama ang mga lupang pastulan nito,
またベニヤミンの支派の中よりギベオンとその郊地ゲバとその郊地
18 Anatot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Almon kasama ang mga karatig-pook nito—apat na lungsod.
アナトテとその郊地アルモンとその郊地など四の邑をあたへたり
19 Ang mga lungsod na ibinigay sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ay labintatlong lungsod lahat, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
アロンの子孫たる祭司等の邑は合せて十三邑又之につける郊地あり
20 Para sa natirang pamilya ng Kohat—ang mga Levitang kabilang sa pamilya ng Kohat—mayroon silang mga lungsod na ibinigay sa kanila mula sa lipi ni Efraim sa pamamagitan ng mga palabunutan.
この他のコハテの子孫なるレビ人の宗族籤によりてエフライムの支派の中より邑を獲たり
21 Sa kanila ibinigay ang Secem kasama ang mga lupang pastulan nito sa maburol na lupain ng Efraim—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya—Gezer kasama ang mga lupang pastulan nito,
即ち之に與へしは人を殺せる者の逃るべき邑なるエフライムの山地のシケムとその郊地およびゲゼルとその郊地
22 Kibzaim kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet Horon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
キブザイムとその郊地ベテホロンとその郊地など四の邑なり
23 Mula sa lipi ni Dan, ibinigay sa angkan ng Kohat ang Elteke kasama ang mga lupang pastulan nito, Gibbeton kasama ang mga lupang pastulan nito,
又ダンの支派の中より分ちて與へし者はエルテケとその郊地ギベトンとその郊地
24 Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
アヤロンとその郊地ガテリンモンとその郊地など四の邑なり
25 Mula sa kalahating lipi ni Manases, ibinigay ang Taanac sa angkan ng Kohat kasama ang mga lupang pastulan nito at Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod.
又マナセの支派の半の中より分ちて與へし者はタアナクとその郊地ガテリンモンとその郊地など二の邑なり
26 May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
外のコハテの子孫の宗族の邑は合せて十また之につける郊地あり
27 Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
ゲルシヨンの子孫たるレビ人の宗族に與へし者はマナセの支派の半の中よりは人を殺せる者の逃るべき邑なるバシヤンのゴランとその郊地およびベエシテラとその郊地など二の邑なり
28 Sa mga angkan ng Gerson ibinigay din nila ang Kision mula sa lipi ni Isacar, kasama ang mga lupang pastulan nito, Daberet kasama ang mga lupang pastulan nito,
イツサカルの支派の中よりはキシオンとその郊地ダベラとその郊地
29 Jarmut kasama ang mga lupang pastulan nito, at ang Engannim kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
ヤルムテとその郊地エンガンニムとその郊地など四の邑なり
30 Mula sa lipi ni Aser, ibinigay nila ang Misal kasama ang mga lupang pastulan nito, Abdon kasama ang mga lupang pastulan nito,
アセルの支派の中よりはミシヤルとその郊地アブドンとその郊地
31 Helkat kasama ang mga lupang pastulan nito, at Rehob kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
ヘルカテとその郊地レホブとその郊地など四の邑なり
32 Mula sa lipi ni Neftali, ibinigay nila sa mga angkan ng Gerson ang Kedes sa Galilea kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya; Hammotdor kasama ang mga lupang pastulan nito, at Kartan kasama ang mga lupang pastulan nito—tatlong lungsod lahat.
ナフタリの支派の中よりは人を殺せる者の逃るべき邑なるガリラヤのケデシとその郊地およだハンモテドルとその郊地カルタンとその郊地など三の邑なり
33 Mayroong labintatlong lungsod lahat, mula sa mga angkan ng Gerson, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
ゲルシヨン人がその宗族にしたがひて獲たる邑は合せて十三邑にして又これに屬る郊地あり
34 Sa natirang mga Levita— ang mga angkan ni Merari—ay ibinigay mula sa lipi ni Zebulon: Jokneam kasama ang mga lupang pastulan nito, Karta kasama ang mga lupang pastulan nito,
この餘のレビ人なるメラリの子孫の宗族に與へし者はゼブルンの支派の中よりはヨクネアムと其郊地カルタとその郊地
35 Dimna kasama ang mga lupang pastulan nito, at Nahalal kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
デムナとその郊地ナハラルとその郊地など四の邑なり
36 Ibinigay sa mga angkan ni Merari mula sa lipi ni Ruben: Bezer kasama ang mga lupang pastulan nito, Jahaz kasama ang mga lupang pastulan nito,
ルベンの支派の中よりはべゼルとその郊地ヤハヅとその郊地
37 Kedemot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Mepaat kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
ケデモテとその郊地メバアテとその郊地など四の邑なり
38 Mula sa lipi ni Gad ibinigay sa kanila ang Ramot sa Galaad kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya—at Mahanaim kasama ang mga lupang pastulan nito.
ガドの支派の中よりは人を殺せる者の逃るべき邑なるギレアデのラモテとその郊地およびマハナイムとその郊地
39 Ibinigay din sa mga angkan ni Merari ang Hesbon kasama ang mga lupang pastulan nito, at Jazer kasama ang mga lupang pastulan nito. Apat na lungsod itong lahat.
ヘシボンとその郊地ヤゼルとその郊地など合せて四の邑
40 Lahat ng mga ito ang mga lungsod na may maraming angkan ni Merari, na mula sa lipi ni Levi—labindalawang lungsod lahat ang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng mga palabunutan.
是みな外のレビ人なるメラリの子孫がその宗族にしたがひて獲たる邑々なり其籤によりて獲たる邑は合せて十二
41 Ang mga lungsod ng mga Levita na kinuha sa gitna ng lupaing inangkin ng bayan ng Israel ay apatnapu't walong lungsod, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
イスラエルの子孫の所有の中にレビ人が有る邑々は合せて四十八邑又之につける郊地あり
42 Mayroong nakapaligid na mga lupang pastulan ang bawat siyudad na ito. Ganito sa lahat ng mga lungsod na ito.
この邑々は各々その周圍に郊地あり此邑々みな然り
43 Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.
かくヱホバ、イスラエルに與へんとその先祖等に誓ひたまひし地をことごとく與へたまひければ彼ら之を獲て其處に住り
44 Pagkatapos binigyan sila ni Yahweh ng pahinga sa bawat dako, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Walang isa sa kanilang kaaway ang maaaring tumalo sa kanila. Ibinigay ni Yahweh ang lahat ng kanilang kaaway sa kanilang mga kamay.
ヱホバ凡てその先祖等に誓ひたまひし如く四方におて彼らに安息を賜へり其すべての敵の中に一人も之に當ることを得る者なかりきヱホバかれらの敵をことごとくその手に付したまへり
45 Walang isang bagay sa lahat ng mga mabuting pangako na sinabi ni Yahweh sa bahay ng Israel ang hindi nagkatotoo. Natupad ang lahat ng ito.
ヱホバがイスラエルの家に語りたまひし善事は一だに缺ずして悉くみな來りぬ

< Josue 21 >