< Juan 11 >

1 Ngayon, may isang lalaki na nagngangalang Lazaro na may karamdaman. Siya ay mula sa Bethania na ang nayon ni Maria at ng kaniyang babaeng kapatid na si Martha.
Беше пак један болесник, Лазар из Витаније из села Марије и Марте, сестре њене.
2 Siya rin ang Maria na magpapahid ng mira sa Panginoon at magpupunas gamit ang kaniyang buhok sa mga paa ng Panginoo, siya ang kapatid ni Lazaro na siyang may karamdaman.
(А Марија, које брат Лазар боловаше, беше она што помаза Господа миром и отре ноге Његове својом косом.)
3 At nagpasabi ng mensahe ang magkapatid na babae kay Jesus at sinabi, “Panginoon, tingnan mo, ang iyong minamahal ay may karamdaman.”
Онда послаше сестре к Њему говорећи: Господе! Гле, онај који Ти је мио болестан је.
4 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya, “Ang karamdamang ito ay hindi magtatapos sa kamatayan, sa halip ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito.”
А кад чу Исус, рече: Ова болест није на смрт, него на славу Божију, да се прослави Син Божји с ње.
5 Ngayon mahal ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.
А Исус љубљаше Марту и сестру њену и Лазара.
6 Nang marinig ito ni Jesus, nanatili pa siya ng dalawang araw sa lugar kung nasaan siya.
А кад чу да је болестан, тада оста два дана на оном месту где беше.
7 Pagkatapos nito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Tayo nang muli sa Judea.”
А потом рече ученицима: Хајдемо опет у Јудеју.
8 Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Rabi, ngayon palang ay sinusubukan kang batuhin ng mga Judio, at babalik ka ba muli roon?
Ученици Му рекоше: Рави! Сад Јудејци хтедоше да Те убију камењем, па опет хоћеш да идеш онамо?
9 Sumagot si Jesus, “Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
Исус одговори: Није ли дванаест сахата у дану? Ко дању иде не спотиче се, јер види видело овог света;
10 Gayon pa man, kung siya ay lumalakad sa gabi, siya ay matitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag.
А ко иде ноћу спотиче се, јер нема видела у њему.
11 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog.”
Ово каза, и потом им рече: Лазар, наш пријатељ, заспа; него идем да га пробудим.
12 Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling.
Онда Му рекоше ученици Његови: Господе! Ако је заспао, устаће.
13 Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog.
А Исус им рече за смрт његову, а они мишљаху да говори за спавање сна.
14 Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, “Si Lazaro ay patay na.”
Тада им Исус каза управо: Лазар умре.
15 Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya.
И мило ми је вас ради што нисам био онамо да верујете; него хајдемо к њему.
16 Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus.”
Онда Тома, који се зваше Близанац, рече ученицима: Хајдемо и ми да помремо с њим.
17 Nang dumating si Jesus, nalaman niya na apat na araw ng nasa libingan si Lazaro.
А кад дође Исус нађе га, а он већ четири дана у гробу.
18 Ngayon, malapit ang Bethania sa Jerusalem, mga labinglimang estadio ang layo.
(А Витанија беше близу Јерусалима око петнаест потркалишта.)
19 Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro.
И многи од Јудејаца беху дошли к Марти и Марији да их теше за братом њиховим.
20 At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay.
Кад Марта дакле чу да Исус иде, изађе преда Њ, а Марија сеђаше дома.
21 Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko.
Онда рече Марта Исусу: Господе! Да си Ти био овде не би мој брат умро.
22 Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.”
А и сад знам да шта заиштеш у Бога даће ти Бог.
23 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang kapatid mo ay babangong muli.”
Исус јој рече: Брат ће твој устати.
24 Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”
Марта Му рече: Знам да ће устати о васкрсењу, у последњи дан.
25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
А Исус јој рече: Ја сам васкрсење и живот; који верује мене ако и умре живеће.
26 at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” (aiōn g165)
И ниједан који живи и верује мене неће умрети вавек. Верујеш ли ово? (aiōn g165)
27 Sinabi niya sa kaniya, “Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo.”
Рече Му: Да, Господе! Ја веровах да си Ти Христос, Син Божји који је требало да дође на свет.
28 Matapos niyang sabihin ito, umalis siya at tinawag si Maria na kaniyang kapatid, nang sarilinlan. Sinabi niya, “Narito ang Guro at ipinatatawag ka.”
И ово рекавши отиде те зовну тајно Марију, сестру своју говорећи: Учитељ је дошао, и зове те.
29 Nang marinig ito ni Maria, mabilis siyang tumayo at pumunta kay Jesus.
А она кад чу, уста брзо и отиде к Њему.
30 Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta.
Јер Исус још не беше дошао у село, него беше на оном месту где Га срете Марта.
31 At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.
А Јудејци онда који беху с њом у кући и тешаху је, кад видеше Марију да брзо уста и изиђе, пођоше за њом говорећи да иде на гроб да плаче онамо.
32 Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, “Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
А Марија како дође где беше Исус, и виде Га, паде на ноге Његове говорећи Му: Господе! Да си Ти био овде, не би умро мој брат.
33 Nang makita ni Jesus na siya ay umiiyak at ang mga Judio na kasama niya ay umiiyak din, naghinagpis ang kaniyang espirtu at nabagabag;
Онда Исус кад је виде где плаче, и где плачу Јудејци који дођоше с њом, згрози се у духу, и сам постаде жалостан.
34 sinabi niya, “Saan niyo sya inilibing?” Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, pumarito kayo at tingnan.”
И рече: Где сте га метнули? Рекоше Му: Господе! Хајде да видиш.
35 Si Jesus ay tumangis.
Ударише сузе Исусу.
36 Pagkatapos, sinabi ng mga Judio, “Tignan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro!”
Онда Јудејци говораху: Гледај како га љубљаше,
37 Pero sinabi ng ilan, “Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?”
А неки од њих рекоше: Не могаше ли овај који отвори очи слепцу учинити да и овај не умре?
38 Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
А Исус опет се згрози у себи, и дође на гроб; а беше пећина, и камен лежаше на њој.
39 Sinabi ni Jesus, “Alisin ang bato.” Si Martha, na kapatid ni Lazaro na namatay, ay nagsabi kay Jesus, “Panginoon, sa mga oras na ito ang kaniyang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na ang nakalipas mula nang siya ay mamatay.”
Исус рече: Узмите камен. Рече Му Марта, сестра оног што је умро: Господе! Већ смрди; јер су четири дана како је умро.
40 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung ikaw ay maniwala makita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
Исус јој рече: Не рекох ли ти да ако верујеш видећеш славу Божју?
41 Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako.
Узеше, дакле, камен где лежаше мртвац; а Исус подиже очи горе, и рече: Оче! Хвала Ти што си ме услишио.
42 Alam ko na lagi mo akong pinakikinggan, pero ito ay dahil sa mga taong nakatayong palibot sa akin kaya sinabi ko ito, upang maniwala sila na isinugo mo ako.”
А ја знадох да ме свагда слушаш; него рекох народа ради који овде стоји, да верују да си ме Ти послао.
43 Matapos niyang sabihin ito, sumigaw siya nang may malakas na boses, “Lazaro, lumabas ka!”
И ово рекавши зовну гласно: Лазаре! Изиђи напоље.
44 Lumabas ang patay na lalaki, na nakabalot ang mga kamay at mga paa ng damit panglibing at ang kaniyang mukha ay nababalot din ng tela. Sinabi ni Jesus sa kanila, kalagan ninyo siya at pakawalan.”
И изиђе мртвац обавит платном по рукама и по ногама, и лице његово убрусом повезано. Исус им рече: Разрешите га и пустите нек иде.
45 At ang maraming Judio na pumunta kay Maria at nakita kung ano ang ginawa ni Jesus, ay sumampalataya sa kaniya;
Онда многи од Јудејаца који беху дошли к Марији и видеше шта учини Исус, вероваше Га.
46 ngunit may ilan sa kanila ang umalis papunta sa mga Pariseo at sinabi ang mga ginawa ni Jesus.
А неки од њих отидоше к фарисејима и казаше им шта учини Исус.
47 At tinipon ng mga pinunong pari at ng mga Pariseo ang konseho at sinabi, “Ano ang ating gagawin? Ang taong ito ay maraming ginagawang mga tanda.
Онда главари свештенички и фарисеји сабраше скупштину, и говораху: Шта ћемо чинити? Човек овај чини многа чудеса.
48 Kung hahayaan natin siyang mag-isa katulad ng ganito, lahat ay maniniwala sa kaniya; ang mga Romano ay paparito at kukunin ang ating lugar at gayon din ang ating bansa.
Ако га оставимо тако, сви ће га веровати; па ће доћи Римљани и узети нам земљу и народ.
49 Gayon pa man, may isang lalaki sa kanila, si Caifas na ang pinakapunong pari nang taong iyon ay nagsabi sa kanila, “Wala kayong nalalaman.
А један од њих, по имену Кајафа, који оне године беше поглавар свештенички, рече им: Ви не знате ништа;
50 Hindi ba ninyo iniisip na ito ay naaangkop na may isang taong dapat mamatay para sa mga tao kaysa ang buong bansa ang mamatay.”
И не мислите да је нама боље да један човек умре за народ, неголи да народ сав пропадне.
51 Ngayon, sinabi niya ito hindi sa kaniyang sariling pagkukusa; sa halip, dahil siya ang pinakapunong pari ng taong iyon, nagpropesiya siya na si Jesus ay dapat mamatay para sa bansa,
А ово не рече сам од себе, него, будући поглавар свештенички оне године, прорече да Исусу ваља умрети за народ;
52 at hindi para sa bansa lamang, kundi upang tipunin din ni Jesus ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa iba't ibang lugar.
И не само за народ, него да и расејану децу Божију скупи уједно.
53 Kaya mula ng araw na iyon ay pinagplanuhan na nila kung paano papatayin si Jesus.
Од тога, дакле, дана договорише се да Га убију.
54 Hindi na naglalakad ng hayag si Jesus sa gitna ng mga Judio, ngunit umalis siya doon at pumunta sa isang bansa na malapit sa ilang sa isang bayan na tinatawag na Efraim. Doon ay nanatili siya kasama ang mga alagad.
А Исус више не хођаше јавно по Јудејцима, него оданде отиде у крај близу пустиње у град по имену Јефрем, и онде хођаше с ученицима својим.
55 Ngayon ang Paskwa ng mga Judio ay nalalapit na, marami ang pumunta sa Jerusalem mula sa mga bansa upang linisin ang kanilang mga sarili.
А беше близу пасха јеврејска, и многи из оног краја дођоше у Јерусалим пре пасхе да се очисте.
56 Hinahanap nila si Jesus, at pinag-uusapan nila sa isa't isa habang sila ay nakatayo sa templo, “Ano sa inyong palagay? Hindi kaya siya darating sa kapistahan?”
Тада тражаху Исуса, и стојећи у цркви говораху међу собом: Шта мислите ви зашто не долази на празник?
57 Ngayon, ipinag-utos ng mga punong pari at mga Pariseo na kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan si Jesus ay ipagbigay-alam nila ito upang sa gayon maaari nila siyang dakipin.
А главари свештенички и фарисеји издаше заповест ако Га ко опази где је, да јави да Га ухвате.

< Juan 11 >