< Job 3 >

1 Pagkatapos nito, binuksan ni Job ang kaniyang bibig at isinumpa ang araw ng kapanganakan niya.
Después de esto Job comenzó a hablar, maldiciendo el día de su nacimiento.
2 Sinabi niya,
Y dijo:
3 “Sana napuksa na lang ang araw na ipinanganak ako, ang gabi na binalitang 'isang sanggol na lalaki ang ipinanganak.'
“Que el día en que nací sea borrado, así como la noche en que se anunció que un niño había sido concebido.
4 Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
Que ese día se convierta en tinieblas. Que el Dios de arriba no lo recuerde. Que no brille la luz sobre él.
5 Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
Cúbranlo con oscuridad y sombra de muerte. Una nube negra debería ensombrecerlo. Debería ser tan aterrador como la oscuridad de un eclipse de día.
6 At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
Borren esa noche como si nunca hubiera existido. No la cuenten en el calendario. Que no tenga día en ningún mes.
7 Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
“Que en esa noche no nazcan niños, que no se escuchen sonidos de felicidad.
8 Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
Que la maldigan los que maldicen ciertos días, los que tienen el poder de sacar al Leviatán.
9 Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
Que sus estrellas de la madrugada permanezcan oscuras. Que al buscar la luz, no vea ninguna, que no vea el resplandor del amanecer
10 dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
porque no cerró el vientre de mi madre para impedirme ver los problemas.
11 Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
“¿Por qué no nací muerto? ¿Por qué no morí al nacer?
12 Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
¿Por qué hubo un regazo para que me acostara, y pechos para que me amamantaran?
13 Dapat sana tahimik na akong nakahiga ngayon, nakatulog na sana ako at namamahinga
Ahora estaría acostado en paz, durmiendo y descansando
14 kasama ng mga hari at taga-payo sa lupa, na nagtayo ng mga puntod para sa kanilang mga sarili na ngayon ay gumuho na.
junto con los reyes de este mundo y sus funcionarios cuyos palacios ahora yacen en ruinas;
15 O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
o con los nobles que coleccionaban oro y llenaban sus casas de plata.
16 O kaya, patay na ako nang ipinanganak, tulad ng mga sanggol na hindi na nasilayan ang liwanag.
¿Por qué no fui un aborto, enterrado en secreto, un bebé que nunca vio la luz?
17 Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga.
Allí, en la tumba, los malvados no dan más problemas, y los que ya no tienen fuerzas tienen su descanso.
18 Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo, hindi na nila maririnig ang boses ng mga tagapamahala sa kanila.
Allí los prisioneros descansan y no escuchan las órdenes de sus opresores.
19 Ang mga karaniwan at mga tanyag na tao ay naroroon, ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo.
Tanto los pequeños como los grandes están allí, y los esclavos son liberados de sus amos.
20 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
¿Por qué Dios da vida a los que sufren, a los que viven amargamente,
21 ang taong gusto nang mamatay pero hindi mamatay-matay, ang taong naghahanap ng kamatayan higit pa sa paghahanap ng kayamanan?
a los que esperan una muerte que no llega y a los que buscan la muerte más desesperadamente que la caza de un tesoro?
22 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong lubos na masaya at nagagalak kung hinahanap naman niya ay libingan?
¡Son tan increíblemente felices cuando llegan a la tumba!
23 Bakit ibinibigay ang liwanag sa isang taong inililihim ang kaniyang pamamaraan, isang tao kung saan naglagay ang Diyos ng mga bakod?
¿Por qué se da luz a quien no sabe a dónde va, a quien Dios ha cercado?
24 Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
“Mis gemidos son el pan que como, y mis lágrimas son el agua que bebo.
25 Dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay dumating na sa akin; kung ano ang ikinatatakot ko ay narito na.
Porque todo lo que temía me ha sucedido; todo lo que temía me ha sobrevenido.
26 Wala akong kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan bagkus ang dumating sa akin ay kabalisahan.
No tengo paz, ni tranquilidad, ni descanso. Lo único que siento es rabia”.

< Job 3 >