< Job 25 >

1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi, 2 “Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit. 3 May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag? 4 Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae? 5 Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay. 6 Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!”

< Job 25 >