< Jeremias 48 >

1 Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel para sa Moab, “Kaawa-awa ang Nebo sapagkat winasak na ito. Ang Kiryataim ay nasakop na at hinamak. Ang kaniyang kutang tanggulan ay dinurog at naging kahihiyan.
萬軍のヱホバ、イスラエルの神モアブの事につきてかくいひたまふ嗚呼ネボは禍なるかな是滅されたりキリヤタイムは辱められて取られミスガブは辱められて毀たる
2 Nawala na ang karangalan ng Moab. Ang kanilang mga kaaway sa Hesbon ay may masamang balak laban sa kaniya. Sinabi nila, 'Halikayo at wasakin natin siya bilang isang bansa. Ang Madmena ay mawawala din— hahabulin kayo ng isang espada.'
モアブの榮譽は失さりぬヘシボンにて人衆モアブの害を謀り去來之を絕ちて國をなさざらしめんといふマデメンよ汝は滅されん劍汝を追はん
3 Pakinggan ninyo! Isang tunog ng sumisigaw ang dumarating mula sa Horonaim kung saan may pagguho at malaking pagkawasak.
ホロナイムより號咷の聲きこゆ毀敗と大なる滅亡あり
4 Nawasak na ang Moab. Ipinarinig ng kaniyang mga anak ang kanilang pag-iyak.
モアブ滅されてその嬰孩等の號咷聞ゆ
5 Umiiyak silang umakyat sa burol ng Luhit, sapagkat sa daanan pababa ng Horonaim, ang mga hiyawan ay naririnig dahil sa pagkawasak.
彼らは哭き哭きてルヒテの坂を登る敵はホロナイムの下り路にて滅亡の號咷をきけり
6 Tumakas na kayo! Iligtas ninyo ang inyong mga buhay at maging tulad ng mga puno ng juniper sa ilang.
逃て汝らの生命を救へ曠野に棄られたる者の如くなれ
7 Nang dahil sa tiwala ninyo sa inyong mga kaugalian at kayamanan, kayo ay masasakop. At si Quemos ay ilalayo at bibihagin kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno.
汝は汝の工作と財寶を賴むによりて汝も執へられん又ケモシは其祭司およびその牧伯等と偕に擄へうつさるべし
8 Sapagkat darating ang mga tagawasak sa bawat lungsod, walang lungsod ang makakatakas. Kaya ang lambak ay mamamatay at ang kapatagan ay mawawasak, gaya ng sinabi ni Yahweh.
殘害者諸の邑に來らん一の邑も免れざるべし谷は滅され平地は荒されんヱホバのいひたまひしがごとし
9 Bigyan ng pakpak ang Moab sapagkat tiyak na lilipad ito palayo. Ang kaniyang mga lungsod ay magiging isang kaparangan kung saan walang maninirahan sa kanila.
翼をモアブに予へて飛さらしむ其諸邑は荒て住者なからん
10 Sumpain nawa ang mga tamad sa paggawa ng mga gawain ni Yahweh! Isumpa nawa ang sinumang patuloy na ginagamit ang espada sa pagdanak ng dugo!
ヱホバの事を行ふて怠る者は詛はれ又その劍をおさへて血を流さざる者は詛はる
11 Naramdaman ng Moab na ligtas siya mula pa sa pagkabata. Katulad siya ng kaniyang alak na hindi pa naibuhos sa mga banga. Hindi siya nakaranas ng pagkabihag. Samakatuwid, ang lasa niya ay nanatiling masarap gaya ng dati, ang kaniyang linamnam ay hindi nagbago.
モアブはその幼時より安然にして酒の其滓のうへにとざまりて此器よりかの器に斟うつされざるが如くなりき彼擄うつされざりしに由て其味尚存ちその香氣變らざるなり
12 Kaya tingnan mo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh— paparating na ang panahon na ipadadala ko ang mga magpapatiwarik sa kaniya at ibubuhos ang lahat ng kaniyang palayok at babasagin ang kaniyang mga banga.
ヱホバいひたまふ此故にわがこれを傾くる者を遣はす日來らん彼らすなはち之を傾け其器をあけ其罇を碎くべし
13 Pagkatapos, mapapahiya ang Moab kay Quemos, na gaya ng sambahayan ng Israel na napahiya sa Bethel na dahilan ng kanilang pagtitiwala.
モアブはケモシのために羞をとらん是イスラエルの家がその恃めるところのベテルのために羞をとりしが如くなるべし
14 Paano ninyo masasabi, 'Kami ay mga kawal, mga makapangyarihang mandirigmang lalaki'?
汝ら何ぞ我らは勇士なり強き軍人なりといふや
15 Mawawasak ang Moab at sasalakayin ang kanilang mga lungsod. Sapagkat ang mga makikisig na binata nito ay napunta na sa lugar ng patayan. Ito ang pahayag ng Hari! Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
モアブはほろぼされその諸邑は騰りその選擇の壯者は下りて殺さる萬軍のヱホバと名る王これをいひ給ふ
16 Ang kapahamakan ng Moab ay malapit ng mangyari, ang mga sakuna ay mabilis na darating.
モアブの滅亡近けりその禍速に來る
17 Kayong lahat na nasa paligid ng Moab, tumangis kayo. Kayong lahat na nakakaalam sa kaniyang katanyagan, isigaw ninyo ito, 'Kaawa-awa, ang matibay na tungkod at ang ikinararangal na pamalo ay nawasak na'.
凡そ其四周にある者よ彼のために歎けその名を知る者よ強き竿美しき杖いかにして折しやといへ
18 Bumaba kayo mula sa inyong mga dakilang lugar at umupo kayo sa tuyong lupa, kayong mga babaeng anak na naninirahan sa Dibon. Sapagkat sinasalakay ka ng wawasak sa Moab, siya na sisira sa iyong mga matibay na tanggulan.
デボンに住る女よ榮をはなれて下り燥ける地に坐せよモアブを敗る者汝にきたりて汝の城を滅さん
19 Tumayo kayo sa mga lansangan at magbantay, kayong mga tao na nakatira sa Aroer. Tanungin ninyo ang mga nagsisitakbuhan at nagsisitakas, sabihin ninyo, 'Ano ang nangyari?'
アロエルに住る婦よ道の側にたちて闥ひ逃きたる者と脱れいたる者に事いかんと問へ
20 Ipinahiya na ang Moab, sapagkat dinurog na ito. Tumangis at tumaghoy. Sumigaw para sa tulong. Sabihin ito sa mga tao malapit sa Ilog ng Arnon na ang Moab ay winasak na.
モアブは敗られて羞をとる汝ら呼はり咷びモアブは滅されたりとアルノンに告よ
21 Dumating na ngayon ang kaparusahan sa maburol na lupain, sa Holon, Jaza at Mefaat,
鞫災平地に臨みホロン、ヤハヅ、メパアテ
22 sa Dibon, Nebo at Beth-Diblataim,
デボン、ネボ、ベテデブラタイム
23 sa Kiryataim, Bethgamul at Bethmeon,
キリヤタイム、ベテガムル、ベテメオン
24 sa Keriot at Bozra at sa lahat ng lungsod sa lupain ng Moab, sa mga pinakamalayo at pinakamalapit na mga lungsod.
ケリオテ、ボズラ、モアブの地の諸邑の遠き者にも近き者にも臨めり
25 Ang sungay ng Moab ay sinibak na, ang kaniyang bisig ay nabali na. Ito ang pahayag ni Yahweh.
モアブの角は碎け其臂は折たりとヱホバいひたまふ
26 Lasingin siya, sapagkat nagmayabang siya laban sa akin, akong si Yahweh. Ngayon ay ipinapalakpak ng Moab ang kaniyang mga kamay sa kahihiyan sa sarili niyang suka, kaya naging tampulan na rin siya ng katatawanan.
汝らモアブを醉はしめよ彼ヱホバにむかひて驕傲ればなりモアブは其吐たる物に轉びて笑柄とならん
27 Sapagkat, hindi ba naging tampulan ng katatawanan sa inyo ang Israel? Natagpuan ba siyang isa sa mga magnanakaw kaya umiiling kayo sa tuwing sinasabi ninyo ang tungkol sa kaniya?
イスラエルは汝の笑柄にあらざりしや彼盜人の中にありしや汝彼の事を語るごとに首を搖たり
28 Kayong mga naninirahan sa Moab, lisanin ninyo ang mga lungsod at magkampo kayo sa mga matarik na dalisdis. Maging tulad ng isang kalapati na nakapugad sa bunganga ng butas sa mga batuhan.
モアブに住る者よ汝ら邑を離れて磐の間にすめ穴の口の側に巢を作る斑鳩の如くせよ
29 Narinig namin ang pagmamataas ng Moab, ang kaniyang kapalaluan, ang kaniyang kayabangan, ang kaniyang pagmamalaki, ang kaniyang pansariling kaluwalhatian, at ang kaniyang kahambugan sa kaniyang puso.
われらモアブの驕傲をきけり其驕傲は甚だし即ち其驕慢矜高驕誇およびその心の自ら高くするを聞り
30 Ito ang pahayag ni Yahweh—alam ko mismo ang kaniyang mga mapanghamon na pananalitang walang pakinabang, tulad ng kaniyang mga gawa.
ヱホバいひたまふ我モアブの驕傲とその言の虛きとを知る彼らは僞を行ふなり
31 Kaya hahagulhol ako ng pagtatangis para sa Moab at sisigaw ako sa pighati para sa lahat ng tao ng Moab. Mananaghoy ako para sa mga tao ng Kir-heres
この故に我モアブの爲に咷びモアブの全地の爲に呼はるキルハレスの人々の爲に嗟歎あり
32 Tatangis ako sa inyo ng higit sa pagtatangis ko sa Jazer, sa iyo na puno ng ubas ng Sibma! Ang iyong mga sanga ay lumampas sa Dagat na Asin at umabot hanggang sa Jazer. Nilusob ng mga tagawasak ang iyong mga bunga sa tag-araw at ang iyong alak.
シブマの葡萄の樹よわれヤゼルの哭泣にこえて汝の爲になげくべし汝の蔓は海を踰え延てヤゼルの海にまでいたる掠奪者來りて汝の果と葡萄をとらん
33 Kaya ang pagdiriwang at pagsasaya ay kinuha na mula sa mga bungang-kahoy sa lupain ng Moab. Pinatigil ko na ang alak mula sa mga pigaan ng ubas. Hindi na sila yayapak ng may sigaw ng kasiyahan. Anumang sigaw ay hindi na magiging sigaw ng kasiyahan.
欣喜と歡樂園とモアブの地をはなれ去る我酒醡に酒無からしめん呼はりて葡萄を踐もの無るべし其喚呼は葡萄をふむ喚呼にあらざらん
34 Mula sa mga sigaw sa Hesbon hanggang sa Eleale, ang kanilang tunog ay narinig sa Jajaz, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim at Eglat-selisiya, sapagkat kahit ang mga katubigan sa Nimrim ay natuyo na.
ヘシボンよりエレアレとヤハヅにいたりゾアルよりホロナイムとエグラテシリシヤにいたるまで人聲を揚ぐそはニムリムの水までも絕たればなり
35 Sapagkat tatapusin ko ang sinuman sa Moab na mag-aalay ng handog sa mga dambana at sa sinumang magsusunog ng insenso sa kaniyang mga diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
ヱホバいひたまふ我祭物を崇邱に献げ香をその諸神に焚くところの者をモアブの中に滅さんと
36 Kaya ang puso ko ay tumatangis para sa Moab na katulad ng isang plauta. Ang puso ko ay tumatangis na katulad ng mga plauta para sa mga tao ng Kir-Heres. Ang mga kayamanang natamo nila ay nawala na.
この故に我心はモアブの爲に簫のごとく歎き我心はキルハレスの人衆のために蕭のごとく歎く是其獲たるところの財うせたればなり
37 Sapagkat ang bawat ulo ay kinalbo na, lahat ng balbas ay inahit na. May mga hiwa sa bawat kamay at ang telang magaspang ay nasa kanilang mga baywang.
人みなその髮を剃り皆その鬚をそり皆その手に傷け腰に麻布をまとはん
38 Mayroong pagtatangis sa lahat ng dako, sa bawat bubungan sa Moab at sa kaniyang mga plasa. Sapagkat sinira ko ang Moab na gaya ng paso na walang may gusto. Ito ang mga pahayag ni Yahweh.
モアブにては家蓋の上と街のうちに遍く悲哀ありそはわれ心に適ざる器のごとくにモアブを碎きたればなりとヱホバいひたまふ
39 Paano ito nadurog! Paano sila humagulgol sa kanilang pananaghoy! Tumalikod ang Moab sa kahihiyan. Kaya ang Moab ay magiging tampulan ng panunukso at katatakutan sa lahat ng nakapalibot sa kaniya.
嗚呼モアブはほろびたり彼らは咷ぶ嗚呼モアブは羞て面を背けたりモアブはその四周の者の笑柄となり恐懼となれり
40 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan, ang mga kaaway ay darating na katulad ng lumilipad na agila, na nakaunat ang mga pakpak sa ibabaw ng Moab.
ヱホバかくいひたまふ視よ敵鷲のごとくに飛來りて翼をモアブのうへに舒ん
41 Ang Keriot ay nabihag at ang kaniyang mga matibay na tanggulan ay nasakop. Sapagkat sa araw na iyan, ang puso ng mga kawal ng Moab ay magiging katulad ng mga puso ng mga babaeng nanganganak.
ケリオテは取られ城はみな奪はるその日にはモアブの勇士の心子を產む婦のごとくになるべし
42 Kaya ang Moab ay mawawasak na tulad ng isang tao dahil sila ay nagmalaki laban sa akin, akong si Yahweh.
モアブはヱホバにむかひて傲りしゆゑに滅ぼされて再び國を成ざるべし
43 Mga naninirahan sa Moab, darating sa inyo ang katatakutan at ang hukay at isang patibong. Ito ang pahayag ni Yahweh.
ヱホバいひたまふモアブにすめる者よ恐怖と陷阱と罟汝に臨めり
44 Ang sinumang tumakas dahil sa malaking takot ay mahuhulog sa hukay at sinumang aakyat palabas ng hukay ay mahuhuli sa patibong. Sapagkat ipadadala ko ang lahat ng ito sa taon ng aking paghihiganti laban sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
恐怖をさけて逃るものは陷阱におちいり陷阱より出るものは罟にとらへられん其はわれモアブにその罰をうくべき年をのぞましむればなりヱホバこれをいふ
45 Ang mga tumatakas ay tatayo sa anino ng Hesbon na walang anumang lakas, sapagkat magmumula ang sunog sa Hesbon, liliyab mula sa kalagitnaan ng Sihon. Lalamunin nito ang noo ng Moab at ang ibabaw ng mga ulo ng mga taong mayayabang.
遁逃者は力なくしてヘシボンの蔭に立つ是は火ヘシボンより出で火焔シホンのうちより出てモアブの地および喧閙をなす者の首の頂を燒ばなり
46 Kaawa-awa ka, Moab! Ang mga tao ni Quemos ay nawasak na. Sapagkat ang iyong mga anak na lalaki ay kinuhang bihag at binihag ang iyong mga anak na babae.
嗚呼禍なるかなモアブよケモシの民は亡びたり即ち汝の諸子は擄へうつされ汝の女等は執へゆかれたり
47 Ngunit ibabalik ko ang kayamanan ng Moab sa mga huling araw. Ito ang pahayag ni Yahweh.” Dito nagtatapos ang paghuhukom sa Moab.
然ど末の日に我モアブの擄移されたる者を返さんとヱホバいひ給ふ此まではモアブの鞫をいへる言なり

< Jeremias 48 >