< Isaias 34 >

1 Lumapit kayo, kayong mga bansa, at makinig; bigyang-pansin, kayong bayan! Ang lupa at lahat ng pumupuno rito ay dapat makinig, ang mundo, at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito.
もろもろの国よ、近づいて聞け。もろもろの民よ、耳を傾けよ。地とそれに満ちるもの、世界とそれから出るすべてのものよ、聞け。
2 Dahil si Yahweh ay galit sa lahat ng mga bansa, at galit na galit laban sa lahat ng kanilang mga hukbo; sila ay lubos niyang winasak, ibinigay niya sila para katayin.
主はすべての国にむかって怒り、そのすべての軍勢にむかって憤り、彼らをことごとく滅ぼし、彼らをわたして、ほふらせられた。
3 Ang mga pinatay nila ay maiiwang hindi nakalibing; ang masangsang na amoy ng kanilang mga bangkay ay nasa lahat ng dako, at ang mga bundok ay mabababad ng kanilang dugo.
彼らは殺されて投げすてられ、その死体の悪臭は立ちのぼり、山々はその血で溶けて流れる。
4 Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
天の万象は衰え、もろもろの天は巻物のように巻かれ、その万象はぶどうの木から葉の落ちるように、いちじくの木から葉の落ちるように落ちる。
5 Sa oras na mabusog ang aking espada sa langit mula sa pag-inom; pagmasadan ninyo, bababa ito sa Edom, sa bayan na ibinukod ko para wasakin.
わたしのつるぎは天において憤りをもって酔った。見よ、これはエドムの上にくだり、わたしが滅びに定めた民の上にくだって、これをさばく。
6 Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
主のつるぎは血で満ち、脂肪で肥え、小羊とやぎの血、雄羊の腎臓の脂肪で肥えている。主がボズラで犠牲の獣をほふり、エドムの地で大いに殺されたからである。
7 Ang mababangis na baka ay kakatayin kasama nila, at ang mga batang toro na kasama ang mas nakatatanda. Ang kanilang lupain ay magiging lango sa dugo, at ang kanilang alikabok ay pinataba ng katabaan.
野牛は彼らと共にほふり場にくだり、子牛は力ある雄牛と共にくだる。その国は血で酔い、その土は脂肪で肥やされる。
8 Dahil ito ay magiging araw ng paghihiganti para kay Yahweh at taon kung saan maghihiganti siya laban sa kanila para sa kapakanan ng Sion.
主はあだをかえす日をもち、シオンの訴えのために報いられる年をもたれるからである。
9 Ang mga batis ng Edom ay mapapalitan ng alkitran, ang kaniyang alikabok ay asupre, at kaniyang lupain ay magiging sunog na alkitran.
エドムのもろもろの川は変って樹脂となり、その土は変って硫黄となり、その地は変って燃える樹脂となって、
10 Masusunog ito sa gabi at araw; ang usok nito ay tataas magpakailanman; mula sa bawat salinlahi ito ay magiging isang tambakan ng basura; walang sinuman ang makararaan dito magpakailanman pa man.
夜も昼も消えず、その煙は、とこしえに立ちのぼる。これは世々荒れすたれて、とこしえまでもそこを通る者はない。
11 Pero ang mga mailap na ibon at hayop ay maninirahan doon; ang kuwago at ang uwak ay gagawa ng kanilang pugad dito. Iuunat niya sa ibabaw nito ang hangganan ng pagkawasak at ang panukat ng pagkasira.
たかと、やまあらしとがそこをすみかとし、ふくろうと、からすがそこに住む。主はその上に荒廃をきたらせる測りなわを張り、尊い人々の上に混乱を起す下げ振りをさげられる。
12 Ang kaniyang mga maharlika ay mawawalan ng matatawag na kaharian, at ang lahat ng kaniyang mga prinsipe ay mababalewala.
人々はこれを名づけて「国なき所」といい、その君たちは皆うせてなくなる。
13 Ang mga tinik ay lubos na lalaki sa kaniyang mga palasyo, kulitis at mga dawag sa kaniyang tanggulan. Magiging tahanan ito ng mga asong-gala, ang lugar para sa mga ostrich.
そのとりでの上には、いばらが生え、その城には、いらくさと、あざみとが生え、山犬のすみか、だちょうのおる所となる。
14 Ang mga mabangis na hayop at ang mga asong-gubat ay magtatagpo doon, at ang mabangis na mga kambing ay nagsigawan sa isat-isa. Ang mga panggabing hayop ay mamamalagi doon at maghahanap para sa kanila ng isang lugar na mapapahingahan.
野の獣はハイエナと出会い、鬼神はその友を呼び、夜の魔女もそこに降りてきて、休み所を得る。
15 Ang mga kuwago ay gagawa ng mga pugad, mangingitlog at pipisain ang kanilang mga itlog, pipisain at pangangalagaan ang kanilang inakay. Oo, magtitipon doon ang mga lawin, bawat isa ay may kapareha.
ふくろうはそこに巣をつくって卵を産み、それをかえして、そのひなを翼の陰に集める。とびもまた、おのおのその連れ合いと共に、そこに集まる。
16 Maghanap kayo mula sa balumbon ng kasulatan ni Yahweh; wala isa man sa mga ito ang mawawala. Walang magkukulang ng kapareha; dahil inutos ito ng kaniyang bibig, at sila ay tinipon ng kaniyang espiritu.
あなたがたは主の書をつまびらかにたずねて、これを読め。これらのものは一つも欠けることなく、また一つもその連れ合いを欠くものはない。これは主の口がこれを命じ、その霊が彼らを集められたからである。
17 Nagpalabunutan siya para sa kanilang nasasakupan, at sinukat ito ng kaniyang kamay para sa kanila sa pamamagitan ng isang tali. Aangkinin nila ito magpakailanman, mula sa bawat salinlahi sila ay maninirahan doon.
主は彼らのためにくじを引き、手ずから測りなわをもって、この地を分け与え、長く彼らに所有させ、世々ここに住まわせられる。

< Isaias 34 >