< Genesis 6 >

1 At nangyari na nang nagsimulang dumami ang sangkatauhan sa mundo at ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila,
وقتی تعداد انسانها روی زمین زیاد می‌شد، و دختران برای ایشان متولد می‌شدند،
2 na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
پسران خدا دیدند که دختران انسانها زیبا هستند، پس هر کدام را که پسندیدند، برای خود به زنی گرفتند.
3 Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.”
آنگاه خداوند فرمود: «روح من همیشه در انسان باقی نخواهد ماند، زیرا او موجودی است فانی و نفسانی. پس صد و بیست سال به او فرصت می‌دهم تا خود را اصلاح کند.»
4 Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
در آن روزها و نیز پس از آن، وقتی پسران خدا و دختران انسانها با هم وصلت نمودند، مردانی غول‌آسا از آنان به وجود آمدند. اینان دلاوران معروف دوران قدیم هستند.
5 Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang.
خداوند دید که شرارت انسان بر زمین چقدر زیاد شده است، و نیتهای دل او دائماً به بدی تمایل دارد.
6 Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso.
پس خداوند از آفرینش انسان متأسف شد و در دل محزون گشت.
7 Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
پس خداوند فرمود: «من نسل بشر را که آفریده‌ام از روی زمین محو می‌کنم. حتی چارپایان و خزندگان و پرندگان را نیز از بین می‌برم، زیرا از آفریدن آنها متأسف شدم.»
8 Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh.
اما در این میان نوح مورد لطف خداوند قرار گرفت.
9 Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos.
این است تاریخچۀ نوح و خاندانش: نوح در میان مردمان زمان خویش مردی صالح بود و با خدا راه می‌رفت.
10 Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet.
نوح سه پسر داشت به نامهای سام، حام و یافث.
11 Ang mundo ay masama sa harapan ng Diyos, at ito'y puno ng karahasan.
در این زمان، گناه و ظلم بسیار زیاد شده بود و از نظر خدا به اوج خود رسیده بود.
12 Nakita ng Diyos ang mundo; masdan, ito ay masama, dahil lahat ng laman ay pinasama ang kanilang gawi sa ibabaw ng mundo.
خدا شرارت بشر بر روی زمین را مشاهده کرد، زیرا همۀ مردم دنیا فاسد شده بودند.
13 Sinabi ng Diyos kay Noe, “Nakikita kong panahon na upang bigyang wakas ang lahat ng laman, sapagkat napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila. Katunayan, wawasakin ko sila kasama ng mundo.
پس خدا به نوح فرمود: «تصمیم گرفته‌ام تمام این مردم را هلاک کنم، زیرا زمین را از شرارت پُر ساخته‌اند. من آنها را همراه زمین از بین می‌برم.
14 Gumawa ka para sa iyong sarili ng arka mula sa kahoy ng saypres. Gumawa ka ng mga silid sa arka, takpan mo ito ng aspalto sa loob at labas.
«اما تو، ای نوح، با چوب درخت سرو یک کشتی بساز و در آن اتاقهایی درست کن، و درون و بیرونش را با قیر بپوشان.
15 Ganito mo ito gagawin: tatlong daang kubit ang haba ng arka, limampung kubit ang luwag nito, at tatlumpung kubit ang taas nito.
آن را طوری بساز که طولش ۳۰۰ ذراع، عرضش ۵۰ ذراع و ارتفاع آن ۳۰ ذراع باشد.
16 Gumawa ka ng bubong para sa arka, at tapusin mo ito sa isang kubit mula sa itaas ng tagiliran. Maglagay ka ng pinto sa gilid ng arka at gumawa ka ng ilalim, pangalawa, at pangatlong palapag.
یک ذراع پایینتر از سقف، پنجره‌ای برای روشنایی کشتی بساز. در داخل آن سه طبقه بنا کن و درِ ورودی کشتی را در پهلوی آن بگذار.
17 Makinig ka, malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig sa mundo, upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay dito mula sa silong ng langit. Lahat ng bagay na nasa mundo ay mamamatay.
«به‌زودی من سراسر زمین را با آب خواهم پوشانید تا هر موجود زنده‌ای که در آن هست، هلاک گردد.
18 Subalit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Papasok ka sa arka, ikaw, at ang iyong mga anak na lalaki, iyong asawa at mga asawa ng iyong mga anak.
اما عهد خود را با تو استوار خواهم ساخت، و تو وارد کشتی خواهی شد؛ تو و پسرانت و زنت و زنان پسرانت، همراه تو.
19 Mula sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman, dalawa ng bawat uri ang dapat mong dalhin sa arka, upang mananatili silang buhay kasama mo, kapwa lalaki at babae.
از تمام حیوانات، یک جفت نر و ماده با خود به داخل کشتی ببر، تا از خطر این طوفان در امان باشند.
20 Mga ibon ayon sa kanilang uri, at ang mga malalaking hayop ayon sa kanilang uri, bawat gumagapang na bagay sa lupa ayon sa kanyang uri, dalawa ng bawat uri ay pupunta sa iyo, upang panatilihin silang buhay.
جفتی از هر نوع پرنده، از هر نوع چارپا و از هر نوع خزنده نزد تو خواهند آمد تا آنها را زنده نگاه داری.
21 Tipunin mo para sa sarili mo ang bawat uri ng pagkaing makakain at itabi ito, para maging pagkain para sa iyo at sa kanila.”
همچنین خوراک کافی برای خود و برای تمام موجودات در کشتی ذخیره کن.»
22 Kaya ginawa ito ni Noe. Ginawa niya ito, ayon sa lahat ng inutos ng Diyos.
نوح تمام اوامر خدا را انجام داد.

< Genesis 6 >

The World is Destroyed by Water
The World is Destroyed by Water