< Genesis 48 >
1 At nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, may nagsabi kay Jose, “Tingnan mo, maysakit ang iyong ama.” Kaya kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim.
And it came about after these things that someone said to Joseph, "Look, your father is sick." And taking with him his two sons, Manasseh and Ephraim, he went to Jacob.
2 Nang sinabihan si Jacob, “Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka,” Nag-ipon ng lakas si Israel at umupo sa kanyang higaan.
And someone reported to Jacob, and said, "Look, your son Joseph has come to you." Then Israel strengthened himself and sat up in the bed.
3 Sinabi ni Jacob kay Jose, “Nagpakita sa aking ang makapangyarihang Diyos sa Luz sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako
And Jacob said to Joseph, "El Shaddai appeared to me at Luz in the land of Canaan and blessed me,
4 at sinabi sa akin, 'Tingnan mo, palalaguin kita, at pararamihin kita. Gagawin kitang kapulungan sa mga bansa. Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan bilang isang walang hanggang pag-aari.'
and said to me, 'Look, I will make you fruitful and multiply you, and I will make of you a company of peoples, and will give this land to your descendants after you as an everlasting possession.'
5 At ngayon ang dalawa mong anak na lalaki na ipinanganak sa iyo mula sa lupain ng Ehipto bago ako dumating dito, sila ay akin. Sina Efraim at Manasses ay magiging akin, tulad nina Ruben at Simeon na akin.
And now your two sons, who were born to you in the land of Egypt before I came to you into Egypt, are mine; Ephraim and Manasseh will be mine, as Reuben and Simeon are.
6 Ang susunod na mga anak mo pagkatapos nila ay magiging iyo; sila ay nakalista sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
And your offspring born to you after them will be yours. But in their inheritance they are to be called after the names of their brothers.
7 Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).”
But as for me, when I came from Paddan Aram, Rachel died, in my sorrow, in the land of Canaan on the journey, when there was still some distance to go to Ephrath. And I buried her there on the way to Ephrath (that is, Bethlehem)."
8 Nang nakita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya. “Kanino ang mga ito?”
Then Israel saw Joseph's sons, and said, "Who are these?"
9 Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Sila ang mga anak kong lalaki, na ibinigay sa akin ng Diyos dito.” Sinabi ni Israel, “Dalhin mo sila sa akin para mabasbasan ko sila.”
And Joseph said to his father, "They are my sons, whom God has given me here." And he said, "Please bring them to me, so that I can bless them."
10 Ngayon ang mga mata ni Israel ay malabo na dahil sa kanyang katandaan, kaya hindi na siya nakakakita. Kaya dinala sila ni Jose malapit sa kanya, at hinagkan sila at niyakap.
Now the eyes of Israel were failing because of his age, so that he couldn't see. Then he brought them near to him, and he kissed them and embraced them.
11 Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi ko kailanman inasahang makikitang muli ang iyong mukha, pero ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko ang iyong mga anak.”
And Israel said to Joseph, "I did not expect to see your face, but look, God has let me see your offspring as well."
12 Kinuha sila ni Jose mula sa pagitan ng mga tuhod ni Jacob, at saka yumuko na nakasayad ang mukha sa lupa.
Then Joseph brought them out from between his knees, and he bowed himself with his face to the ground.
13 Kapwa sila kinuha ni Jose, si Efraim sa kanyang kanang kamay sa may bandang kaliwang kamay ni Israel, at si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel, at dinala sila malapit sa kanya.
And Joseph took them both, Ephraim in his right hand toward Israel's left hand, and Manasseh in his left hand toward Israel's right hand, and brought them near to him.
14 Inabot ni Israel ang kanyang kanang kamay at inilagay sa ulo ni Efraim, na siyang mas bata, at ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manasses. Pinagsalungat niya ang kanyang mga kamay, dahil si Manasses ang panganay.
And Israel stretched out his right hand and placed it on Ephraim's head, who was the younger, and his left hand on Manasseh's head, crossing his hands, although Manasseh was the firstborn.
15 Binasbasan ni Israel si Jose, na nagsasabing, “And Diyos na kasama ng aking amang si Abraham at si Isaac, ang Diyos na nag-alaga sa akin sa araw na ito,
Then he blessed Joseph, and said, "The God before whom my fathers Abraham and Isaac walked, the God who has been my shepherd all my life to this day,
16 ang anghel na nagbantay sa akin mula sa lahat ng kapahamakan, nawa ay pagpalain niya ang mga kabataang ito. Nawa ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac. Nawa lumago sila at maging napakarami sa mundo.”
the Angel who has redeemed me from all evil, bless the boys. And may my name be carried on in them, and the names of my fathers Abraham and Isaac. And may they grow into a multitude upon the earth."
17 Nang nakita ni Jose ang kanyang ama na nilagay ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim, ikinasama niya ng loob ito. Kinuha niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat mula sa ulo ni Efraim sa ulo ni Manasses.
When Joseph saw that his father placed his right hand on the head of Ephraim, it displeased him, and he grasped his father's hand to move it from Ephraim's head to Manasseh's head.
18 Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Hindi aking ama; ito po ang panganay. Ilagay mo ang iyong kanang kamay sa kanyang ulo.”
And Joseph said to his father, "Not so, my father, for this one is the firstborn. Put your right hand on his head."
19 Tumanggi ang kanyang ama at nagsabi, “Alam ko, anak, alam ko, siya ay magiging isang lahi, at siya rin ay magiging dakilang mga lahi. Pero ang kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila pa kaysa sa kanya, at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming mga bansa.”
But his father refused, and said, "I know, my son, I know. He also will become a people, and he also will be great. However, his younger brother will be greater than he, and his descendants will become a multitude of nations."
20 Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses.
So he blessed them that day, saying, "By you Israel will pronounce blessing, saying, 'God make you as Ephraim and as Manasseh.'" Thus he put Ephraim before Manasseh.
21 Sinabi ni Israel kay Jose, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, pero kasama ninyo ang Diyos, at dadalhin kayo pabalik sa lupain ng inyong mga ama.
Then Israel said to Joseph, "Look, I am about to die, but God will be with you, and God will bring you back from this land to the land of your fathers.
22 Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at aking pana.”
Moreover, I give to you one portion more than your brothers, which I took out of the hand of the Amorites with my sword and with my bow."