< Ezekiel 34 >

1 At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
Og Herrens ord kom til mig, og det lød så:
2 “Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga pastol ng Israel! Magpahayag ka at sabihin sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga pastol. Sa Aba ng mga pastol ng Israel na ipinapastol ang kanilang mga sarili! Hindi ba ang mga pastol dapat ang magbabantay sa kawan?
Menneskesønn! Spå mot Israels hyrder, spå og si til dem, til hyrdene: Sa sier Herren, Israels Gud: Ve Israels hyrder, som røkter sig selv! Er det ikke hjorden hyrdene skal røkte?
3 Kinakain ninyo ang mga matatabang bahagi at nakadamit kayo ng lana! Kinatay ninyo ang mga pinatabang kawan! Hindi talaga kayo nagpapastol.
Fettet eter I, og med ullen klær I eder, det fete slakter I; hjorden røkter I ikke.
4 Hindi ninyo pinalakas ang mga may sakit, at hindi ninyo pinagaling ang mga may karamdaman. Hindi ninyo binendahan ang mga may pilay, at hindi ninyo pinanumbalik ang mga naitaboy o hinanap ang nawawala. Sa halip, pinamunuan ninyo sila sa pamamagitan ng lakas at karahasan.
Det svake har I ikke styrket, og det syke har I ikke lægt, og det sønderbrutte har I ikke forbundet, og det bortdrevne har I ikke ført tilbake, og det fortapte har I ikke opsøkt, men med vold og med hårdhet har I hersket over dem.
5 At nangagkalat sila na walang pastol, at sila ay naging pagkain para sa lahat ng mga mababangis na hayop na nabubuhay sa mga parang, pagkatapos na sila ay nangagkalat.
Og således blev de adspredt, fordi de ingen hyrde hadde; de blev til føde for alle markens ville dyr og blev adspredt.
6 Ang aking kawan ay nagkalat sa lahat ng mga kabundukan at sa bawat mataas na burol, at nagkawatak-watak ang mga ito sa ibabaw ng buong mundo. Ngunit wala kahit isa ang naghahanap sa kanila.
Min hjord farer vill på alle fjell og på hver høi bakke, og over hele landet er min hjord spredt; det er ingen som spør, og ingen som leter efter den.
7 Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
Hør derfor Herrens ord, I hyrder!
8 Dahil buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—dahil ang aking kawan ay tinangay at naging pagkain ng lahat ng mga mababangis na hayop sa mga parang (dahil walang pastol at wala sa aking mga pastol ang humanap sa aking kawan, ngunit binantayan ng mga pastol ang kanilang mga sarili at hindi ang aking kawan ang ipinastol)—
Så sant jeg lever, sier Herren, Israels Gud, sannelig, siden min hjord er blitt til rov, og den er blitt til føde for alle markens ville dyr, fordi den var uten hyrde, og mine hyrder ikke spurte efter min hjord, men hyrdene røktet sig selv og ikke røktet min hjord -
9 Kaya nga, mga pastol, pakinggan ang pahayag ni Yahweh:
derfor, I hyrder, hør Herrens ord!
10 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.
Så sier Herren, Israels Gud: Se, jeg kommer over hyrdene og vil kreve min hjord av deres hånd og la dem ophøre med å røkte hjorden, så hyrdene ikke mere skal røkte sig selv, og jeg vil redde min hjord av deres munn, så den ikke skal være til føde for dem.
11 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahanap sa aking kawan at ako ang mag-aalaga sa kanila,
For så sier Herren, Israels Gud: Se, jeg kommer og vil spørre efter min hjord og se til den.
12 tulad ng isang pastol na hinahanap ang kaniyang kawan sa araw na siya ay nasa kalagitnaan ng kaniyang nangagkalat na kawan. Ganoon ko hahanapin ang aking kawan, at sasagipin ko sila mula sa lahat ng mga lugar kung saan sila nangagkalat sa araw ng mga kaulapan at kadiliman.
Likesom en hyrde ser til sin hjord på den dag han er iblandt sine adspredte får, således vil jeg se til mine får og redde dem fra alle de steder hvor de er adspredt på en dag med skyer og skodde.
13 At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.
Og jeg vil føre dem ut fra folkene og samle dem fra landene og føre dem til deres eget land, og jeg vil røkte dem på Israels fjell, i dalene og på alle de steder i landet hvor de bor.
14 Ilalagay ko sila sa magandang mga pastulan; ang mataas na kabundukan ng Israel ang magiging lugar na kanilang panginginainan. Hihiga sila roon sa mga magagandang lugar na panginainan, sa masasaganang mga pastulan, at sila ay manginginain sa mga kabundukan ng Israel.
På en god beitemark vil jeg la dem beite, på Israels høie fjell skal deres havnegang være; der skal de hvile på en god havnegang, og på en fet beitemark skal de beite på Israels fjell.
15 Ako mismo ang magpapastol sa aking kawan, at ako mismo ang magpapahiga sa kanila—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—
Jeg vil selv fø min hjord og selv la den hvile, sier Herren, Israels Gud.
16 Hahanapin ko ang mga nawawala at panunumbalikin ang mga naitaboy; Bebendahan ko ang napilay na tupa at pagagalingin ang may sakit na tupa. At aking lilipulin ang mga pinataba at malalakas! Magpapastol ako nang may katarungan!
Det fortapte vil jeg opsøke, og det bortdrevne vil jeg føre tilbake, og det sønderbrutte vil jeg forbinde, og det syke vil jeg styrke. Men det fete og det sterke vil jeg ødelegge; jeg vil røkte det efter hvad rett er.
17 At kayo, aking kawan—ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh— masdan ninyo! Ako ang magiging hukom sa mga tupa, sa mga lalaking tupa, at sa mga kambing!
Og I, min hjord, så sier Herren, Israels Gud: Se, jeg dømmer mellem får og får, mellem værer og bukker.
18 Maliit na bagay ba ang maipastol sa magandang pastulan, kaya ninanais rin ninyong tapakan ng inyong mga paa kung ano ang natira sa pastulan? O maliit na bagay ba ang makainom mula sa mga malinaw na tubig, na kailangang gawin ninyong maputik ang mga ilog sa pamamagitan ng inyong mga paa?
Er det ikke nok med at I får beite den beste beitemark, siden I trår ned resten av eders beitemark med eders føtter? Er det ikke nok at I får drikke det klare vann, siden I gjør resten grumset med eders føtter?
19 Ngunit ang aking mga tupa ay ipinapastol ngayon kung saan tinapakan ng inyong mga paa; sila ngayon ay umiinom sa mga tubig na ginawa ninyong maputik gamit ang inyong mga paa!
Og min hjord - skal den ete det som er trådt ned av eders føtter, og drikke det som er gjort grumset av eders føtter?
20 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa kanila: Masdan ninyo! Ako mismo ang hahatol sa pagitan ng matabang tupa at sa mapapayat,
Derfor sier Herren, Israels Gud, så til dem: Se, jeg kommer og vil dømme mellem de fete får og de magre får.
21 sapagkat tinulak ninyo sila gamit ang inyong mga tagiliran at mga balikat, at sinuwag ninyo ang lahat ng mga mahihina gamit ang inyong mga sungay hanggang sa naikalat ninyo sila palayo mula sa lupain!
Fordi I støter alle de svake bort med side og bog og stanger dem med eders horn, til I får adspredt dem og drevet dem utenfor,
22 Kaya ililigtas ko ang aking kawan; hindi na sila maitatangay. At ako ang hahatol sa mga tupa!
så vil jeg frelse min hjord, og de skal ikke mere være til rov, og jeg vil dømme mellem får og får.
23 Hihirang ako ng isang pastol sa kanila, at siya ang magpapastol sa kanila— ang aking lingkod na si David! Siya ang magpapastol sa kanila; siya ang magiging pastol sa kanila!
Og jeg vil opreise én hyrde over dem, og han skal røkte dem - min tjener David; han skal røkte dem, han skal være deres hyrde.
24 Sapagkat akong si Yahweh ang magiging Diyos nila, at ang aking lingkod na si David ang magiging tagapamuno sa kanilang kalagitnaan— Akong si Yahweh, ang nagpahayag nito!
Og jeg, Herren, vil være deres Gud, og min tjener David skal være fyrste blandt dem; jeg, Herren, har talt.
25 At gagawa ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila at aalisin ang mga masasama at mababangis na hayop mula sa lupain, kaya ang aking tupa ay mamumuhay ng ligtas sa ilang at matutulog sa mga kagubatan.
Og jeg vil gjøre en fredspakt med dem og utrydde ville dyr av landet, og de skal bo trygt i ørkenen og sove i skogene.
26 Magdadala rin ako ng mga pagpapala sa kanila at ang aking nakapalibot na mga burol, sapagkat magpapadala ako ng mga ambon sa takdang panahon. Ito ay mga ambon ng pagpapala!
Og jeg vil gjøre dem og landet omkring min haug til en velsignelse; jeg vil sende regn i rette tid; velsignelses regnstrømmer skal det være.
27 At ang mga punongkahoy sa bukirin ay mamumunga, at ang lupa ang siyang mag-aani sa mga bunga nito. Ang aking tupa ay magiging matiwasay sa kanilang lupain; at malalaman nila na ako si Yahweh, kapag pinutol ko ang mga kabilya ng kanilang pamatok, at kapag sinagip ko sila mula sa kamay ng mga umalipin sa kanila.
Markens trær skal gi sin frukt, og jorden skal gi sin grøde, og de skal bo trygt i sitt land, og de skal kjenne at jeg er Herren, når jeg bryter stengene på deres åk og frir dem av deres hånd som holdt dem i trældom.
28 Hindi na sila madadambong pa ng mga bansa, at hindi na sila lalamunin ng mga mababangis na hayop sa lupa! Sapagkat sila ay mamumuhay nang matiwasay, at hindi na sila matatakot.
Og de skal ikke mere være et rov for folkene, og jordens ville dyr skal ikke fortære dem; de skal bo trygt, og ingen skal skremme dem.
29 Sapagkat lilikha ako ng mapayapang lugar na taniman para sa kanila kaya hindi na sila mamamatay sa gutom sa lupain, at hindi na sila lalaitin pa ng mga bansa.
Og jeg vil la en plantning vokse op for dem, som skal bli dem til navnkundighet, og de skal ikke mere bli bortrevet av hunger i landet og ikke mere bære folkenes hån.
30 At malalaman nila na akong si Yahweh na kanilang Diyos ay kasama nila. Sila ay aking mga tao, ang sambahayan ng Israel— ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Og de skal kjenne at jeg, Herren deres Gud, er med dem, og at de, Israels hus, er mitt folk, sier Herren, Israels Gud.
31 Sapagkat kayo ay aking tupa, ang kawan ng aking pastulan, at aking mga tao! Ako ang magiging Diyos ninyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Og I, min hjord, den hjord jeg før, I er mennesker; jeg er eders Gud, sier Herren, Israels Gud.

< Ezekiel 34 >