< Exodo 21 >

1 “Ngayon ito ang mga kautusan na dapat mong igawad sa harapan nila:
これはあなたが彼らの前に示すべきおきてである。
2 Kung bibili ka ng isang lingkod na Hebreo, maninilbilhan siya sa iyo sa loob ng anim na taon at sa ikapitong taon makakaalis siya nang malaya at walang babayaran na anumang bagay.
あなたがヘブルびとである奴隷を買う時は、六年のあいだ仕えさせ、七年目には無償で自由の身として去らせなければならない。
3 Kung dumating siyang mag-isa, aalis siyang malaya mag-isa; kung siya ay may asawa, aalis kasama niyang malaya ang kaniyang asawa.
彼がもし独身できたならば、独身で去らなければならない。もし妻を持っていたならば、その妻は彼と共に去らなければならない。
4 Kung ang kaniyang amo ang siyang nagbigay ng asawa para sa kaniya at nagkaanak sila ng mga lalaki o mga babae, ang asawa at ang kaniyang mga anak ay pag-aari ng kaniyang amo at dapat umalis siyang malaya mag-isa.
もしその主人が彼に妻を与えて、彼に男の子また女の子を産んだならば、妻とその子供は主人のものとなり、彼は独身で去らなければならない。
5 Pero kung malinaw na sinasabi ng lingkod, “Mahal ko ang aking amo, aking asawa at aking mga anak; hindi ako aalis na malaya,”
奴隷がもし『わたしは、わたしの主人と、わたしの妻と子供を愛します。わたしは自由の身となって去ることを好みません』と明言するならば、
6 pagkatapos dadalhin siya ng kaniyang amo sa Diyos. Dadalhin siya ng kaniyang amo sa pintuan o sa haligi ng pintuan at kailangang butasan ang kaniyang tainga ng kaniyang amo gamit ang isang pambutas. Pagkatapos ang lingkod ay maninilbihan sa kaniya ng buong buhay niya.
その主人は彼を神のもとに連れて行き、戸あるいは柱のところに連れて行って、主人は、きりで彼の耳を刺し通さなければならない。そうすれば彼はいつまでもこれに仕えるであろう。
7 Kung ipinagbili ng isang lalaki ang kaniyang anak na babae na maging lingkod na babae, hindi siya makakaalis na malaya gaya ng mga lingkod na lalaki.
もし人がその娘を女奴隷として売るならば、その娘は男奴隷が去るように去ってはならない。
8 Kung hindi malulugod ang kaniyang amo, na siyang nagtalaga para sa kaniyang sarili, kinakailangan na ipatubos niya siya. Wala siyang karapatan na ipagbili ito sa mga taong dayuhan. Siya ay walang ganoong karapatan, yamang siya ay tinatrato niya ng pandaraya.
彼女がもし彼女を自分のものと定めた主人の気にいらない時は、その主人は彼女が、あがなわれることを、これに許さなければならない。彼はこれを欺いたのであるから、これを他国の民に売る権利はない。
9 Kung itatalaga siya ng kaniyang amo bilang asawa para sa kaniyang anak na lalaki, dapat ituring niya siya na parang anak niya rin na babae.
彼がもし彼女を自分の子のものと定めるならば、これを娘のように扱わなければならない。
10 Kung kukuha ng isa pang asawa ang amo para sa kaniyang sarili, hindi niya dapat bawasan ang kaniyang pagkain, damit o ang kaniyang karapatan bilang asawa.
彼が、たとい、ほかに女をめとることがあっても、前の女に食物と衣服を与えることと、その夫婦の道とを絶えさせてはならない。
11 Pero kung hindi niya maibibigay ang tatlong bagay na ito para sa kaniya, makakaalis siyang malaya at walang babayaran na anumang pera.
彼がもしこの三つを行わないならば、彼女は金を償わずに去ることができる。
12 Sinumang manakit ng isang tao at ito ay namatay, ang taong iyon ay siguraduhing malalagay sa kamatayan.
人を撃って死なせた者は、必ず殺されなければならない。
13 Kung hindi ito ginawa ng tao na may paghahanda, sa halip hindi ito sinadya, pipili ako ng lugar kung saan maaari siyang tumakas.
しかし、人がたくむことをしないのに、神が彼の手に人をわたされることのある時は、わたしはあなたのために一つの所を定めよう。彼はその所へのがれることができる。
14 Kung ang isang tao ay sinadyang lusubin ang kaniyang kapitbahay para patayin siya sa mapanlinlang, pagkatapos dapat mo siyang kunin, kahit kung siya ay nasa altar ng Diyos, kaya maaari siyang mamatay.
しかし人がもし、ことさらにその隣人を欺いて殺す時は、その者をわたしの祭壇からでも、捕えて行って殺さなければならない。
15 Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
自分の父または母を撃つ者は、必ず殺されなければならない。
16 Sinumang dumukot ng isang tao at ito ay kaniyang ipinagbili, o ang tao ay natagpuan sa kaniyang pangangalaga, ang taong dumukot ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
人をかどわかした者は、これを売っていても、なお彼の手にあっても、必ず殺されなければならない。
17 Sinumang sumpain ang kaniyang ama o kaniyang ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
自分の父または母をのろう者は、必ず殺されなければならない。
18 Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga;
人が互に争い、そのひとりが石または、こぶしで相手を撃った時、これが死なないで床につき、
19 pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala.
再び起きあがって、つえにすがり、外を歩くようになるならば、これを撃った者は、ゆるされるであろう。ただその仕事を休んだ損失を償い、かつこれにじゅうぶん治療させなければならない。
20 Kung sinaktan ng isang tao ang kaniyang lingkod na lalaki o ang kaniyang lingkod na babae gamit ang kaniyang tungkod, at kung ang lingkod ay namatay dahil sa pagkakapalo, ang taong iyon ay dapat siguradong maparusahan.
もし人がつえをもって、自分の男奴隷または女奴隷を撃ち、その手の下に死ぬならば、必ず罰せられなければならない。
21 Gayunpaman, kung ang lingkod ay nabuhay ng isang araw o dalawa, ang amo ay hindi na dapat maparusahan, dahil siya rin ang magdurusa sa kawalan ng lingkod.
しかし、彼がもし一日か、ふつか生き延びるならば、その人は罰せられない。奴隷は彼の財産だからである。
22 Kung nag-aaway ang mga lalaki at makasakit ng isang babaeng buntis at nakunan siya, pero wala nang ibang sugat sa kaniya, pagkatapos ang taong salarin ay dapat magmulta; kung may mga hinihingi ang asawa ng babae mula sa kaniya, dapat siyang magbayad ayon sa napagpasyahan ng mga hukom.
もし人が互に争って、身ごもった女を撃ち、これに流産させるならば、ほかの害がなくとも、彼は必ずその女の夫の求める罰金を課せられ、裁判人の定めるとおりに支払わなければならない。
23 Pero kung mayroong malubhang sugat, pagkatapos kailangan mong magbigay ng buhay para sa buhay,
しかし、ほかの害がある時は、命には命、
24 mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa,
目には目、歯には歯、手には手、足には足、
25 paso para sa paso, sugat para sa sugat o pasa para sa pasa.
焼き傷には焼き傷、傷には傷、打ち傷には打ち傷をもって償わなければならない。
26 Kung suntukin ng isang lalaki ang mata ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae at nasira ito, dapat palayain niya ang lingkod katumbas para sa kaniyang mata.
もし人が自分の男奴隷の片目、または女奴隷の片目を撃ち、これをつぶすならば、その目のためにこれを自由の身として去らせなければならない。
27 Kung suntukin niya at nabunutan ng isang ngipin ang kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat palayain niya ang lingkod bilang bayad para sa ngipin.
また、もしその男奴隷の一本の歯、またはその女奴隷の一本の歯を撃ち落すならば、その歯のためにこれを自由の身として去らせなければならない。
28 Kung suwagin ng baka ang isang lalaki o isang babae at namatay ito, dapat batuhin ang baka, at hindi dapat kainin ang laman nito; pero mapapawalang sala ang may-ari ng baka.
もし牛が男または女を突いて殺すならば、その牛は必ず石で撃ち殺されなければならない。その肉は食べてはならない。しかし、その牛の持ち主は罪がない。
29 Pero kung may ugaling pagsuwag dati pa ang baka at binigyan ng babala ang may-ari nito, at hindi niya ito ikinulong, at nakapatay ang baka ng isang lalaki o isang babae, kinakailangang batuhin ang baka. Dapat ding patayin ang may-ari nito.
牛がもし以前から突く癖があって、その持ち主が注意されても、これを守りおかなかったために、男または女を殺したならば、その牛は石で撃ち殺され、その持ち主もまた殺されなければならない。
30 Kung kinakailangan ang kabayaran para sa kaniyang buhay, dapat niyang bayaran ang anumang kailangan niyang bayaran.
彼がもし、あがないの金を課せられたならば、すべて課せられたほどのものを、命の償いに支払わなければならない。
31 Kung sinuwag ng baka ang anak na lalaki o anak na babae ng isang lalaki, dapat gawin ng may-ari ng baka ang hinihingi ng kautusang ito.
男の子を突いても、女の子を突いても、この定めに従って処置されなければならない。
32 Kung sinuwag ng baka ang isang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat magbayad ang may-ari ng baka ng tatlumpung sekel na pilak, at dapat batuhin ang baka.
牛がもし男奴隷または女奴隷を突くならば、その主人に銀三十シケルを支払わなければならない。またその牛は石で撃ち殺されなければならない。
33 Kung magbubukas ng isang hukay ang isang lalaki, o kung humukay ng isang hukay ang isang lalaki, at hindi niya ito tinakpan at may nahulog na baka o asno sa loob nito,
もし人が穴をあけたままに置き、あるいは穴を掘ってこれにおおいをしないために、牛または、ろばがこれに落ち込むことがあれば、
34 kailangan bayaran ng may-ari ng hukay ang nawala. Kailangan magbigay siya ng pera sa may-ari ng namatay na hayop at magiging kaniya ang namatay na hayop.
穴の持ち主はこれを償い、金をその持ち主に支払わなければならない。しかし、その死んだ獣は彼のものとなるであろう。
35 Kung saktan ng baka ng isang tao ang baka ng ibang tao kaya namatay ito, kailangan nilang ipagbili ang buhay na baka at paghatian nila ang halaga nito, kailangan din nilang paghatian ang patay na baka.
ある人の牛が、もし他人の牛を突いて殺すならば、彼らはその生きている牛を売って、その価を分け、またその死んだものをも分けなければならない。
36 Pero kung nalaman na ang baka ay may ugaling nanunuwag sa nakaraan, at hindi ito kinulong ng may-ari, dapat siguraduhin siyang magbayad ng baka para sa baka at ang namatay na hayop ay magiging kaniyang pag-aari.
あるいはその牛が以前から突く癖のあることが知られているのに、その持ち主がこれを守りおかなかったならば、その人は必ずその牛のために牛をもって償わなければならない。しかし、その死んだ獣は彼のものとなるであろう。

< Exodo 21 >