< Deuteronomio 16 >

1 Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi.
Debes guardar el mes de Abib para celebrar la Pascua al Señor tu Dios, porque fue en el mes de Abib que el Señor tu Dios te sacó de Egipto por la noche.
2 Iaalay ninyo ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos gamit ang ilan sa mga kawan at mga alagang hayop sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo.
El sacrificio de la Pascua de tu rebaño o manada debe ser ofrecido al Señor tu Dios en el lugar que el Señor elija.
3 Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito; pitong araw kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito, ang tinapay ng dalamhati; dahil mabilis kayong lumabas mula sa lupain ng Ehipto. Gawin ninyo ito sa lahat ng araw ng inyong buhay para inyong maisip ang araw na kayo ay nakalabas mula sa lupain ng Ehipto.
No comas pan ordinario con él. Durante siete días debes comer con el sacrificio pan preparado sin levadura, el pan de las penurias, porque tuviste que salir de Egipto con mucha prisa. Así recordarán el día en que abandonaron Egipto por el resto de sus vidas.
4 Dapat walang makitang lebadura sa inyo sa bawat hangganan sa ikapitong araw; ni kahit anong karne na inyong ialay sa gabi sa unang araw na manatili hanggang umaga.
No tendrán levadura guardada en ningún lugar de su país durante siete días. No guarden la carne que sacrifiquen por la tarde del primer día hasta la mañana.
5 Hindi ninyo maaaring ialay ang Paskua sa loob ng alin man sa inyong mga tarangkahan ng inyong lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos.
No sacrifiquen el animal de la Pascua en cualquiera de los pueblos que el Señor su Dios les da.
6 Sa halip, mag-alay sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. Doon ninyo isasagawa ang pag-aalay ng paskua sa gabi at sa paglubog ng araw, sa panahon ng taon na kayo ay nakalabas ng Ehipto.
El sacrificio de la Pascua debe ser ofrecido por ti sólo en el lugar que el Señor tu Dios elija. Debes hacerlo al atardecer, a la misma hora que salieron de Egipto.
7 Dapat ninyo itong ihawin at kainin sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos; kinaumagahan kayo ay babalik at pupunta sa inyong mga tolda.
Cocínalo y cómelo en el lugar que el Señor tu Dios elija. Luego, por la mañana, regresa a tus tiendas.
8 Sa loob ng anim na araw kayo ay kakain ng tinapay na walang lebadura; sa ika pitong araw magkaroon ng isang taimtim na pagtitipon para kay Yahweh na inyong Diyos; sa araw na iyon hindi kayo dapat magtrabaho.
Coman pan sin levadura durante seis días, y el séptimo día tendrán una reunión sagrada para honrar al Señor su Dios. No harás ese día ningún trabajo.
9 Bibilang kayo ng pitong linggo para sa inyong sarili; dapat ninyong simulan ang pagbibilang ng pitong linggo sa oras na inyong simulang ilagay ang karit sa nakatayong butil.
Cuenta siete semanas a partir de la fecha en que comience la cosecha de granos.
10 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Luego celebra el Festival de las Semanas para honrar al Señor tu Dios dándole una ofrenda voluntaria, dependiendo de cuánto te haya bendecido el Señor tu Dios.
11 Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
Celebrarás en presencia del Señor, en el lugar que él elija. Esto los incluye a ustedes, a sus hijos e hijas, a sus esclavos y esclavas, y a los levitas que viven en sus ciudades, así como a los extranjeros, huérfanos y viudas que hay entre ustedes.
12 Isaisip ninyo na kayo ay naging isang alipin sa Ehipto; Dapat ninyong sundin at gawin ang mga batas na ito.
No olviden que una vez fueron esclavos en Egipto, así que tengan cuidado de seguir estos preceptos.
13 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Kanlungan ng pitong araw matapos ninyong malikom ang ani mula sa inyong giikang palapag at mula sa pigaan ng ubas.
Celebren la Fiesta de los Tabernáculos durante siete días, una vez que hayan terminado de trillar el grano y de prensar las uvas.
14 Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
Disfruten de la fiesta ustedes, sus hijos e hijas, sus esclavos y esclavas, y los levitas que viven en sus ciudades, así como los extranjeros, huérfanos y viudas que hay entre ustedes.
15 Sa loob ng pitong araw dapat ninyong sundin ang Pista para kay Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh, dahil pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong ani at sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay, at dapat kayo ay lubusang masiyahan.
Celebren esta fiesta durante siete días para honrar al Señor su Dios en el lugar que él elija, porque el Señor su Dios bendecirá toda su cosecha y todo lo que hagan, para que sean realmente felices.
16 Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala;
Todos tus hombres deben presentarse ante el Señor tu Dios en el lugar que él elija tres veces al año: la Fiesta del Pan sin Levadura, la Fiesta de las Semanas y la Fiesta de los Tabernáculos. Nadie debe presentarse ante el Señor sin una ofrenda.
17 sa halip, ang bawat tao ay magbibigay ayon sa kaniyang kakayahan, para malaman ninyo ang pagpapalang ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Cada uno de ustedes debe traer cualquier regalo que pueda, dependiendo de cuánto el Señor su Dios le ha bendecido.
18 Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
Elijan jueces y oficiales para cada una de sus tribus en cada pueblo que el Señor su Dios les dé. Deben juzgar a la gente con justicia.
19 Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid.
No perviertan la justicia ni muestren favoritismo. No aceptes un soborno, porque un soborno ciega a los sabios y tuerce las palabras de los verdaderos.
20 Dapat ninyong sundin ang katarungan, sa katarungan lamang, para kayo ay maaaring mamuhay at manahin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Hagan siempre lo que es justo y recto, para que puedan seguir viviendo, ocupando la tierra que el Señor su Dios les da.
21 Dapat hindi kayo magtayo para sa iyong mga sarili ng isang Asera, anumang uri ng baras, katabi ng altar ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gagawin para sa inyong sarili.
No pongas nunca un palo de madera de Asera junto al altar que construyas para el Señor tu Dios,
22 Ni magtayo kayo para sa inyong sarili ng anumang banal na batong haligi, na kinasusuklaman ni Yahweh na inyong Diyos.
y no te hagas un altar de piedra para ídolos, porque el Señor tu Dios aborrece esto.

< Deuteronomio 16 >