< 2 Samuel 9 >

1 Sinabi ni David, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob alang-alang kay Jonatan?”
爰にダビデいひけるはサウルの家の遺存れる者尚あるや我ヨナタンの爲に其人に恩惠をほどこさんと
2 May isang lingkod sa pamilya ni Saul na ang pangalan ay Siba, at ipinatawag siya para kay David. Sinabi ng hari sa kaniya, “Ikaw ba si Siba?” Tumugon siya, “Oo. Ako ang inyong lingkod.”
サウルの家の僕なるヂバと名くる者ありければかれをダビデの許に召きたるに王かれにいひけるは汝はヂバなるか彼いふ僕是なり
3 Kaya sinabi ng hari, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob sa Diyos?” Tumugon si Siba sa hari, “May nalalabi pang anak na lalaki si Jonatan, na pilay ang paa.”
王いひけるは尚サウルの家の者あるか我其人に神の恩惠をほどこさんとすヂバ王にいひけるはヨナタンの子尚あり跛足なり
4 Sinabi ng hari sa kaniya, “Nasaan siya?” Tumugon si Siba sa hari, “Nasa bahay siya ni Maquir anak na lalaki ni Ammiel sa Lo Debar.”
王かれにいひけるは其人は何處にをるやヂバ王にいひけるはロデバルにてアンミエルの子マキルの家にをる
5 Pagkatapos ipinasundo at ipinakuha siya ni Haring David sa bahay ni Maquirr anak na lalaki ni Ammiel mula sa Lo Debar.
ダビデ王人を遣はしてロデバルより即ちアンミエルの子マキルの家よりかれを携來らしむ
6 Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, “Mefiboshet.” Sumagot siya, “Ako ang inyong lingkod!”
サウルの子ヨナタンの子なるメピボセテ、ダビデの所に來り伏て拝せりダビデ、メピボセテよといひければ答て僕此にありと曰ふ
7 Sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot, dahil titiyakin kong kagandahang-loob ang ipapakita ko sa iyo alang-alang kay Jonatan na iyong ama at ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ni Saul na iyong lolo, at lagi kang kakain sa aking lamesa.”
ダビデかれにいひけるは恐るるなかれ我必ず汝の父ヨナタンの爲に恩惠を汝にしめさん我汝の父サウルの地を悉く汝に復すべし又汝は恒に我席において食ふべしと
8 Yumuko si Mefiboset at sinabing, “Ano ba ang iyong lingkod, na dapat mong pakitaan ng pabor ang tulad kong isang patay na aso?”
かれ拝して言けるは僕何なればか汝死たる犬のごとき我を眷顧たまふ
9 Pagkatapos tinawag ng hari si Siba, lingkod ni Saul at sinabi sa kaniya, “Ibinigay ko sa anak na lalaki ng iyong amo ang lahat ng mga ari-arian ni Saul at ng kaniyang pamilya.
王サウルの僕ヂバを呼てこれにいひけるは凡てサウルとその家の物は我皆汝の主人の子にあたへたり
10 Ikaw ang mag-aararo ng lupa para sa kaniya, ikaw at iyong mga anak na lalaki at iyong mga lingkod, at dapat anihin ninyo ang mga pananim para ang apo ng iyong amo ay magkaroon ng makakain. Pero si Mefisobet lalaking apo ng iyong amo ay laging kakain sa aking lamesa.” Mayroong labing limang anak na lalaki at dalawampung lingkod si Siba.
汝と汝の子等と汝の僕かれのために地を耕へして汝の主人の子に食ふべき食物を取りきたるべし但し汝の主人の子メピボセテは恒に我席において食ふべしとヂバは十五人の子と二十人の僕あり
11 Pagkatapos sinabi ni Siba sa hari, “Gagawin lahat ng iyong lingkod ang mga iniuutos ng aking among hari sa kaniyang lingkod.” Idinagdag ng hari, “Tungkol naman kay Mefisobet siya ay kakain sa aking lamesa, tulad ng isa sa mga anak na lalaki ng hari.
ヂバ王にいひけるは總て王わが主の僕に命じたまひしごとく僕なすべしとメピボセテは王の子の一人のごとくダビデの席にて食へり
12 May isang binatang anak na lalaki si Mefisobet na ang pangalan ay Mica. At ang lahat ng nakatira sa bahay ni Siba ay naging mga lingkod ni Mefisobet.
メピボセテに一人の若き子あり其名をミカといふヂバの家に住る者は皆メピボセテの僕なりき
13 Kaya nanirahan si Mefisobet sa Jerusalem, at lagi siyang kumakain sa lamesa ng hari, kahit pilay ang pareho niyang paa.
メピボセテはエルサレムに住みたり其はかれ恒に王の席にて食ひたればなりかれは兩の足ともに跛たる者なり

< 2 Samuel 9 >