< 2 Samuel 17 >

1 Pagkatapos sinabi ni Ahitofel kay Absalom, “Ngayon hayaan mo akong pumili ng labindalawang libong kalalakihan at babangon ako at tutugisin si David ngayong gabi.
亞希多弗又對押沙龍說:「求你准我挑選一萬二千人,今夜我就起身追趕大衛,
2 Pupunta ako sa kaniya habang pagod siya at nanghihina at gugulatin ko siya sa takot. Tatakas ang mga taong kasama niya at ang hari lamang ang aking sasalakayin.
趁他疲乏手軟,我忽然追上他,使他驚惶;跟隨他的民必都逃跑,我就單殺王一人,
3 Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng tao, tulad ng isang babaeng ikakasal na papunta sa kaniyang asawa at ang lahat ng taong nasasakupan mo ay magiging mapayapa.”
使眾民都歸順你。你所尋找的人既然死了,眾民就如已經歸順你;這樣,也都平安無事了。」
4 Kasiya-siya kay Absalom at sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel kung ano ang sinabi ni Ahitofel.
押沙龍和以色列的長老都以這話為美。
5 Pagkatapos sinabi ni Absalom, “Ngayon tawagin din si Cusai ang Arkite at pakinggan natin kung ano ang kaniyang sasabihin.”
押沙龍說:「要召亞基人戶篩來,我們也要聽他怎樣說。」
6 Nang dumating si Cusai kay Absalom, ipinaliwanag ni Absalom sa kaniya kung ano ang sinabi ni Ahitofel at pagkatapos tinanong si Cusai, “Dapat ba naming gawin ang anumang sabihin ni Ahitofel? Kung hindi, sabihan kami kung ano ang payo mo.”
戶篩到了押沙龍面前,押沙龍向他說:「亞希多弗是如此如此說的,我們照着他的話行可以不可以?若不可,你就說吧!」
7 Kaya sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi mabuti ang ibinigay na payo ni Ahitofel sa panahong ito.”
戶篩對押沙龍說:「亞希多弗這次所定的謀不善。」
8 Idinagdag ni Cusai, “Alam mong malakas na mga mandirigma ang iyong ama at ang kaniyang mga tauhan at mabangis sila at katulad sila ng isang osong ninakawan ng mga anak sa isang bukid. Ang iyong ama ay isang taong mandirigma; hindi siya matutulog kasama ang hukbo ngayong gabi.
戶篩又說:「你知道,你父親和跟隨他的人都是勇士,現在他們心裏惱怒,如同田野丟崽子的母熊一般,而且你父親是個戰士,必不和民一同住宿。
9 Tingnan mo, marahil ngayon ay nagtatago siya sa isang hukay o sa ibang lugar. Mangyayari ito kapag napatay ang ilan sa iyong tauhan sa simula ng isang pagsalakay na sasabihin ng sinumang makarinig nito, “Isang malupit na pagpatay ang naganap sa mga sundalong sumunod kay Absalom.'
他現今或藏在坑中或在別處,若有人首先被殺,凡聽見的必說:『跟隨押沙龍的民被殺了。』
10 Pagkatapos kahit na siguro ang matatapang na mandirigma, na ang mga puso ay katulad ng puso ng Leon, ay matatakot dahil alam ng buong Israel na isang magiting na tao ang iyong ama at napakalakas ng kalalakihang kasama niya.
雖有人膽大如獅子,他的心也必消化;因為以色列人都知道你父親是英雄,跟隨他的人也都是勇士。
11 Kaya pinapayuhan kita na dapat sama-samang magtipon ang buong Israel sa iyo, mula sa Dan hanggang Beer-seba, kasindami ng buhangin na nasa tabing-dagat at pupunta ka mismo sa labanan.
依我之計,不如將以色列眾人-從但直到別是巴,如同海邊的沙那樣多-聚集到你這裏來,你也親自率領他們出戰。
12 Pagkatapos pupunta tayo sa kaniya kahit saan man siya matagpuan at lulukuban natin siya tulad ng hamog na nuhuhulog sa lupa. Wala tayong ititira kahit isa sa kaniyang tauhan, o siya mismo na buhay.
這樣,我們在何處遇見他,就下到他那裏,如同露水下在地上一般,連他帶跟隨他的人,一個也不留下。
13 Kung tatakas siya sa isang lungsod, sa gayon magdadala ang buong Israel sa lungsod na iyan ng mga lubid at hihilain natin ito sa ilog, hanggang sa wala nang kahit isang maliit na bato ang matatagpuan doon.”
他若進了哪一座城,以色列眾人必帶繩子去,將那城拉到河裏,甚至連一塊小石頭都不剩下。」
14 Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom.
押沙龍和以色列眾人說:「亞基人戶篩的計謀比亞希多弗的計謀更好!」這是因耶和華定意破壞亞希多弗的良謀,為要降禍與押沙龍。
15 Pagkatapos sinabi ni Cusai kina Zadok at Abiatar na mga pari, “Pinayuhan ni Ahitofel sina Absalom at ang mga nakatatanda ng Israel sa gayon at sa gayong paraan, pero nagpayo ako ng ibang bagay.
戶篩對祭司撒督和亞比亞他說:「亞希多弗為押沙龍和以色列的長老所定的計謀是如此如此,我所定的計謀是如此如此。
16 Kaya ngayon, magmadaling umalis at ibalita kay David; sabihin sa kaniya, 'Huwag magkampo ngayong gabi sa mga tawiran ng Araba, pero tiyaking tumawid sa lahat ng paraan, o masasakmal ang hari kasama ang lahat ng taong kasama niya.'''
現在你們要急速打發人去,告訴大衛說:『今夜不可住在曠野的渡口,務要過河,免得王和跟隨他的人都被吞滅。』」
17 Ngayon si Jonatan at Ahimaaz ay nananatili sa balon ng Rogel; madalas pumunta ang isang babaeng lingkod at nagdadala ng mga mensahe sa kanila. Pagkatapos aalis sila at sasabihin kay Haring David, para hindi sila makita na pumupunta sa lungsod.
那時,約拿單和亞希瑪斯在隱‧羅結那裏等候,不敢進城,恐怕被人看見。有一個使女出來,將這話告訴他們,他們就去報信給大衛王。
18 Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba.
然而有一個童子看見他們,就去告訴押沙龍。他們急忙跑到巴戶琳某人的家裏;那人院中有一口井,他們就下到井裏。
19 Kinuha ng asawa ng lalaki ang pantakip ng balon at inilatag ito sa bukana ng balon at hinagisan ito ng trigo, kaya walang isa ang nakakaalam na nasa balon sina Jonatan at Ahimaaz.
那家的婦人用蓋蓋上井口,又在上頭鋪上碎麥,事就沒有洩漏。
20 Dumating ang mga tauhan ni Absalom sa bahay ng babae at sinabing, “Nasaan sina Ahimaaz at Jonatan?” Sinabi sa kanila ng babae, “Tumawid sila sa ilog.” Kaya pagkatapos nilang maghanap sa paligid at hindi sila natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem.
押沙龍的僕人來到那家,問婦人說:「亞希瑪斯和約拿單在哪裏?」婦人說:「他們過了河了。」 僕人找他們,找不着,就回耶路撒冷去了。
21 Pagkapos nang umalis sila umakyat sina Jonatan at Ahimaaz mula sa balon. Nagtungo sila kay haring David para mag-ulat; sinabi nila sa kaniya, “Bumangon ka at magmadaling tumawid sa tubig dahil nagbigay si Ahitofel ng gayon at gayong payo tungkol sa iyo.”
他們走後,二人從井裏上來,去告訴大衛王說:「亞希多弗如此如此定計害你,你們務要起來,快快過河。」
22 Pagkatapos bumangon si David at ang lahat ng taong kasama niya, at tumawid sila sa Jordan. Pagliwanag ng umaga walang isa sa kanila ang nabigong tumawid sa Jordan.
於是大衛和跟隨他的人都起來,過約旦河。到了天亮,無一人不過約旦河的。
23 Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.
亞希多弗見不依從他的計謀,就備上驢,歸回本城;到了家,留下遺言,便吊死了,葬在他父親的墳墓裏。
24 Pagkatapos dumating si David sa Mahanaim. Samantalang si Absalom, tumawid siya sa Jordan, siya at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya.
大衛到了瑪哈念,押沙龍和跟隨他的以色列人也都過了約旦河。
25 Pagkatapos ginawang pinuno ni Absalom si Amasa sa hukbo sa halip na si Joab. Si Amasa ay anak na lalaki ni Jeter na Israelita na sumiping kay Abigail, anak na babae ni Nahas at kapatid ni Zeruias, ang ina ni Joab.
押沙龍立亞瑪撒作元帥,代替約押。亞瑪撒是 以實瑪利人 以特拉的兒子。以特拉曾與拿轄的女兒亞比該親近;這亞比該與約押的母親洗魯雅是姊妹。
26 Pagkatapos nagkampo ang Israel at si Absalom sa lupain ng Galaad.
押沙龍和以色列人都安營在基列地。
27 Nang dumating si David sa Mahanaim, sina Sobi anak na lalaki ni Nahas mula sa Rabba na mga taga-Ammon at Maquir anak na lalaki ni Ammiel mula sa Lo Debar at Barzilai na taga-Galaad na mula sa Rogelim,
大衛到了瑪哈念,亞捫族的拉巴人拿轄的兒子朔比,羅‧底巴人亞‧米利的兒子瑪吉,基列的羅基琳人巴西萊,
28 nagdala ng mga tulugang banig at mga kumot, mga mangkok at mga banga, mga trigo at harinang sebada, sinangag na butil, mga patani, mga lentil,
帶着被、褥、盆、碗、瓦器、小麥、大麥、麥麵、炒穀、豆子、紅豆、炒豆、
29 pulot, mantikilya, tupa at keso. Kaya maaaring kumain si David at ang mga taong kasama niya. Sinabi ng mga lalaking ito, “Gutom ang mga tao, pagod at uhaw sa ilang.”
蜂蜜、奶油、綿羊、奶餅,供給大衛和跟隨他的人吃;他們說:「民在曠野,必飢渴困乏了。」

< 2 Samuel 17 >