< 2 Samuel 13 >

1 Nangyari na pagkatapos nito labis na naakit si Amnon anak na lalaki ni David, kay Tamar na kaniyang kapatid na babae sa ama na kapatid na babaeng buo ni Absalom, isa pa sa mga anak na lalaki ni David.
大衛的兒子押沙龍有一個美貌的妹子,名叫她瑪。大衛的兒子暗嫩愛她。
2 Bigong-bigo si Amnon na nagkasakit siya dahil sa kaniyang kapatid na babae sa ama na si Tamar. Isa siyang birhen at tila malayong makagawa ng anumang bagay si Amnon sa kaniya.
暗嫩為他妹子她瑪憂急成病。她瑪還是處女,暗嫩以為難向她行事。
3 Pero may kaibigan si Amnon na ang pangalan ay si Jonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David. Isang tusong lalaki si Jonadab.
暗嫩有一個朋友,名叫約拿達,是大衛長兄示米亞的兒子。這約拿達為人極其狡猾;
4 Sinabi ni Jonadab kay Amnon, “Bakit, nalulumbay ka bawat umaga, anak ng hari? Hindi mo ba sasabihin sa akin?” Kaya sumagot si Amnon sa kaniya, “Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na si Absalom.”
他問暗嫩說:「王的兒子啊,為何一天比一天瘦弱呢?請你告訴我。」暗嫩回答說:「我愛我兄弟押沙龍的妹子她瑪。」
5 Pagkatapos sinabi ni Jonadab sa kaniya, “Humiga ka sa iyong higaan at magkunwaring may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kanya, 'Pakiusap, maaari mo bang papuntahin ang aking kapatid na babaeng si Tamar para bigyan ako ng isang bagay na makakain at lutuin ito sa aking harapan, para maaari ko itong makita at kainin mula sa kaniyang kamay?'”
約拿達說:「你不如躺在床上裝病;你父親來看你,就對他說:『求父叫我妹子她瑪來,在我眼前預備食物,遞給我吃,使我看見,好從她手裏接過來吃。』」
6 Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
於是暗嫩躺臥裝病。王來看他,他對王說:「求父叫我妹子她瑪來,在我眼前為我做兩個餅,我好從她手裏接過來吃。」
7 Pagkatapos nagpadala ng salita si David kay Tamar sa kaniyang palasyo na nagsasabing, “Pumunta ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na lalaking si Amnon at maghanda ng pagkain para sa kaniya.”
大衛就打發人到宮裏,對她瑪說:「你往你哥哥暗嫩的屋裏去,為他預備食物。」
8 Kaya pumunta si Tamar sa bahay ng kaniyang kapatid na lalaking si Amnon kung saan siya nakahiga. Kumuha siya ng masa at minasa ito at hinulmang tinapay sa kaniyang paningin at pagkatapos hinurno niya ito.
她瑪就到她哥哥暗嫩的屋裏;暗嫩正躺臥。她瑪摶麵,在他眼前做餅,且烤熟了,
9 Kinuha niya ang kawali at ibinigay ang tinapay sa kaniya, pero tumanggi siyang kumain. Pagkatapos sinabi ni Amnon sa ibang nandoon, “Palabasin ang lahat, palayo sa akin.” Kaya umalis ang lahat mula sa kaniya.
在他面前將餅從鍋裏倒出來,他卻不肯吃,便說:「眾人離開我出去吧!」眾人就都離開他,出去了。
10 Kaya sinabi ni Amnon kay Tamar, “Dalhin ang pagkain sa loob ng aking silid para makakain ako mula sa iyong kamay.” Kaya kinuha ni Tamar ang tinapay na kaniyang ginawa at dinala ito sa loob ng silid ni Amnon na kaniyang kapatid.
暗嫩對她瑪說:「你把食物拿進臥房,我好從你手裏接過來吃。」她瑪就把所做的餅拿進臥房,到她哥哥暗嫩那裏,
11 Nang dinala niya ang pagkain sa kanya, siya'y hinawakan niya at sinabi sa kaniya, “Halika, sumiping sa akin, aking kapatid.”
拿着餅上前給他吃,他便拉住她瑪,說:「我妹妹,你來與我同寢。」
12 Sumagot siya sa kaniya, “Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay!
她瑪說:「我哥哥,不要玷辱我。以色列人中不當這樣行,你不要做這醜事;
13 Saan ako maaaring pumunta para makatakas sa kahihiyang idudulot nito sa aking buhay? At tatatakan ka ng gawaing ito bilang isang hangal na walang kahihiyan sa buong Israel. Pakiusap, hinihiling kong kausapin mo ang hari. Papayagan ka niyang pakasalan ako.”
你玷辱了我,我何以掩蓋我的羞恥呢?你在以色列中也成了愚妄人。你可以求王,他必不禁止我歸你。」
14 Pero, hindi nakinig si Amnon sa kaniya. Yamang malakas siya kaysa kay Tamar, siya'y sinunggaban niya at sumiping siya sa kaniya.
但暗嫩不肯聽她的話,因比她力大,就玷辱她,與她同寢。
15 Pagkatapos kinapootan ni Amnon si Tamar ng matinding pagkapoot. Siya'y kinapootan niya ng higit pa kaysa kaniyang paghahangad sa kaniya. Sinabi ni Amnon sa kaniya, “Bumangon ka at umalis.”
隨後,暗嫩極其恨她,那恨她的心比先前愛她的心更甚,對她說:「你起來,去吧!」
16 Pero sumagot siya sa kaniya. “Hindi! Dahil ang malaking kasamaang ito na pagpapaalis mo sa akin ay mas masama pa sa kung ano ang ginawa mo sa akin!” Pero hindi nakinig si Amnon sa kaniya.
她瑪說:「不要這樣!你趕出我去的這罪比你才行的更重!」但暗嫩不肯聽她的話,
17 Sa halip, tinawag niya ang kaniyang pansariling lingkod at sinabi, “Dalhin mo ang babaeng ito palayo sa akin at ikandado ang pintuan pagkaalis niya.”
就叫伺候自己的僕人來,說:「將這個女子趕出去!她一出去,你就關門,上閂。」
18 Pagkatapos dinala siya palabas ng kaniyang lingkod at kinandado ang pintuan pagkalabas niya. Suot-suot ni Tamar ang isang ginayakang balabal dahil sa ganoong paraan nagbibihis ang mga anak na babae ng hari na siyang mga birhen.
那時她瑪穿着彩衣,因為沒有出嫁的公主都是這樣穿。暗嫩的僕人就把她趕出去,關門上閂。
19 Naglagay si Tamar ng mga abo sa kaniyang ulo at pinunit ang kaniyang balabal. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumakad papalayo, umiiyak ng malakas habang umaalis.
她瑪把灰塵撒在頭上,撕裂所穿的彩衣,以手抱頭,一面行走,一面哭喊。
20 Sinabi sa kaniya ng kapatid niyang si Absalom, “Kinasama mo ba si Amnon ang iyong kapatid? Pero ngayon manatiling tahimik, aking kapatid. Siya ay iyong kapatid. Huwag isapuso ang bagay na ito.” Kaya mag-isang nanatili si Tamar sa bahay ni Absalom na kaniyang kapatid.
她胞兄押沙龍問她說:「莫非你哥哥暗嫩與你親近了嗎?我妹妹,暫且不要作聲,他是你的哥哥,不要將這事放在心上。」她瑪就孤孤單單地住在她胞兄押沙龍家裏。
21 Pero nang marinig ni David ang lahat ng mga bagay na ito, labis siyang nagalit.
大衛王聽見這事,就甚發怒。
22 Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
押沙龍並不和他哥哥暗嫩說好說歹;因為暗嫩玷辱他妹妹她瑪,所以押沙龍恨惡他。
23 Nangyari pagkatapos ng dalawang buong taon si Absalom ay nagtrabaho bilang manggugupit ng tupa sa Baal Hazor na malapit sa Efraim at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari para bumisita roon.
過了二年,在靠近以法蓮的巴力‧夏瑣有人為押沙龍剪羊毛;押沙龍請王的眾子與他同去。
24 Pumunta si Absalom sa hari at sinabi, “Tingnan mo ngayon, may mga manggugupit ng tupa ang iyong lingkod. Pakiusap, nawa'y ang hari at kaniyang mga lingkod ay sumama sa akin, iyong lingkod.”
押沙龍來見王,說:「現在有人為僕人剪羊毛,請王和王的臣僕與僕人同去。」
25 Sumagot ang hari kay Absalom. “Hindi, aking anak, kaming lahat ay hindi dapat pumunta dahil magiging pabigat kami sa iyo.” Pinilit ni Absalom ang hari, pero ayaw niyang pumunta, gayun pa man pinagpala niya si Absalom.
王對押沙龍說:「我兒,我們不必都去,恐怕使你耗費太多。」押沙龍再三請王,王仍是不肯去,只為他祝福。
26 Pagkatapos sinabi ni Absalom, “Kung hindi, pakiusap hayaang sumama sa amin ang aking kapatid na si Amnon.” Kaya sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit dapat sumama si Amnon sa iyo?”
押沙龍說:「王若不去,求王許我哥哥暗嫩同去。」王說:「何必要他去呢?」
27 Pinilit ni Absalom si David, kaya hinayaan niyang sumama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari.
押沙龍再三求王,王就許暗嫩和王的眾子與他同去。
28 Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
押沙龍吩咐僕人說:「你們注意,看暗嫩飲酒暢快的時候,我對你們說殺暗嫩,你們便殺他,不要懼怕。這不是我吩咐你們的嗎?你們只管壯膽奮勇!」
29 Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas.
押沙龍的僕人就照押沙龍所吩咐的,向暗嫩行了。王的眾子都起來,各人騎上騾子,逃跑了。
30 Kaya nangyari na, habang nasa daan sila, nakarating na kay David ang balita na nagsasabing, “Pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari at walang ni isang natira sa kanila.”
他們還在路上,有風聲傳到大衛那裏,說:「押沙龍將王的眾子都殺了,沒有留下一個。」
31 Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit.
王就起來,撕裂衣服,躺在地上。王的臣僕也都撕裂衣服,站在旁邊。
32 Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, “Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
大衛的長兄,示米亞的兒子約拿達說:「我主,不要以為王的眾子-少年人都殺了,只有暗嫩一個人死了。自從暗嫩玷辱押沙龍妹子她瑪的那日,押沙龍就定意殺暗嫩了。
33 Kaya huwag hayaan ang aking panginoon na hari na isapuso ang balitang ito, na maniniwalang namatay ang lahat ng anak na lalaki ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay.”
現在,我主我王,不要把這事放在心上,以為王的眾子都死了,只有暗嫩一個人死了。」
34 Tumakas si Absalom. Itinaas ng isang lingkod na nagbabantay ang kaniyang mga mata at nakita ang maraming taong paparating sa daan sa burol sa kanluran niya.
押沙龍逃跑了。 守望的少年人舉目觀看,見有許多人從山坡的路上來。
35 Pagkatapos sinabi ni Jehonadab sa hari, “Tingnan mo, paparating ang mga anak na lalaki ng hari. Kagaya ng sinabi ng iyong lingkod.”
約拿達對王說:「看哪,王的眾子都來了,果然與你僕人所說的相合。」
36 Kaya nangyari na pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita dumating ang mga anak na lalaki ng hari at tumaas ang kanilang mga boses at umiyak. At ang hari at lahat ng kaniyang mga lingkod ay lubhang umiyak.
話才說完,王的眾子都到了,放聲大哭;王和臣僕也都哭得甚慟。
37 Pero tumakas si Absalom at pumunta kay Talmai anak na lalaki ni Amihud, ang hari ng Gesur. Nagluksa si David para sa kaniyang anak na lalaki bawat araw.
押沙龍逃到基述王亞米忽的兒子達買那裏去了。大衛天天為他兒子悲哀。
38 Kaya tumakas si Absalom at pumunta sa Gesur, kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon.
押沙龍逃到基述,在那裏住了三年。
39 Nananabik si Haring David na lumabas para makita si Absalom, dahil naglubag na ang kalooban niya tungkol kay Amnon at sa kaniyang pagkamatay.
暗嫩死了以後,大衛王得了安慰,心裏切切想念押沙龍。

< 2 Samuel 13 >