< 2 Mga Corinto 6 >

1 At kaya, sa sama-samang paggawa, nakikiusap kami sa inyo na huwag tanggapin ang biyaya ng Diyos ng walang katuturan.
Wir ermahnen euch nun als Mitarbeiter, daß ihr die Gnade Gottes nicht vergeblich empfanget.
2 Sapagkat sinabi niya, “Sa tamang panahon, ikaw ay aking pinansin, at sa araw ng pagliligtas, ikaw ay aking tinulungan.” Tingnan ninyo, ngayon ang tamang panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan.
Denn Er spricht: Ich habe dich zur Zeit der Gnade erhört, und dir am Tage des Heils geholfen. Seht, jetzt ist die Zeit der Gnade, jetzt ist der Tag des Heils.
3 Hindi kami maglalagay ng katitisurang bato sa harap ng sino man, sapagkat hindi namin hinahangad na ang aming minesteryo ay humantong sa pagkasira ng pangalan.
Wir geben niemand Ärgernis, auf daß unser Amt kein Vorwurf treffe,
4 Sa halip, pinatutunayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng aming mga ginagawa, na kami ay mga lingkod ng Diyos. Kami ay mga lingkod niya sa maraming pagtitiis, kapighatian, kagipitan, kahirapan
Sondern erweisen uns in allen Dingen als Diener Gottes, durch große Standhaftigkeit in Drangsalen, Ängsten und Nöten,
5 sa panghahagupit, pagkabilanggo, pagkakagulo, pagtatrabaho ng sobra, mga gabing walang tulog, gutom,
Unter Schlägen, in Gefängnissen, in Aufständen, in Mühseligkeiten, in Nachtwachen, in Fasten;
6 sa kalinisan, sa kaalaman, pagtityaga, kabutihan, sa Espiritu Santo, sa tunay na pag-ibig.
In Sittenreinheit, in Erkenntnis, in Langmut, in Freundlichkeit, im Heiligen Geist, in ungeheuchelter Liebe,
7 Kami ay kanyang mga lingkod sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos. Mayroon kaming baluti ng katuwiran sa kanan at sa kaliwang kamay.
In wahrhaftiger Lehre, in der Kraft Gottes, durch die Waffen der Gerechtigkeit zu Schutz und Trutz;
8 Gumagawa kami sa karangalan at kahihiyan, sa panlalait at papuri. Kami ay napagbintangan na sinungaling ngunit kami ay matapat.
Durch Ehre und Schande, durch bösen und durch guten Leumund, als Verführer und als Wahrhaftige,
9 Kami ay gumagawa na parang mga hindi kilala ngunit kami ay mga kilala pa rin. Gumagawa kami na parang mamamatay na— at tingnan ninyo! — nabubuhay pa rin kami. Gumagawa kami na parang pinarurusahan sa aming mga gawa, ngunit hindi para hatulan ng kamatayan.
Als Verkannte, und doch bekannt, als sterbend und siehe, wir leben, als Gezüchtige und doch nicht Ertötete,
10 Gumagawa kami na parang malulungkot, ngunit kami ay laging nagagalak. Gumagawa kami na parang naghihirap, ngunit ginagawa naming mayaman ang marami. Gumagawa kami na parang walang-wala, ngunit mayroon ng lahat ng bagay.
Als Betrübte und die doch allezeit fröhlich sind, als Arme, die aber viele reich machen, als solche, die nichts haben und doch alles besitzen. -
11 Sinabi na namin ang buong katotohanan sa inyo, mga taga-Corinto, at ang aming puso ay nakabukas.
Unser Mund, Korinther, hat sich gegen euch aufgetan; unser Herz ist erweitert.
12 Hindi kami ang pumigil sa inyong mga puso, ngunit pinigilan kayo ng inyong mga sariling damdamin.
Ihr habt in uns keinen engen Raum, habt aber engen Raum in euren Herzen. Zur Wiedervergeltung -
13 Ngayon sa makatarungang pagpapalitan—nagsasalita ako na parang kayo ay mga anak ko—malawak ninyong buksan ang inyong mga puso.
Ich rede zu euch, wie zu meinen Kindern - lasset es auch bei euch weiter werden.
14 Huwag kayong makikipag-isa sa mga hindi mananampalataya. Ano ang kaugnayan ng katuwiran sa kasamaan? At anong kaugnayan mayroon ang ilaw sa kadiliman?
Ziehet nicht am unrechten Joch mit den Ungläubigen; denn was hat die Gerechtigkeit gemein mit der Ungerechtigkeit? Welche Gemeinschaft ist zwischen dem Licht und der Finsternis?
15 Anong kasunduan mayroon si Cristo kay Belial? O anong kabahagi mayroon ang mga mananampalataya sa mga hindi mananampalataya?
Wie stimmt Christus mit Belial? Oder was hat der Gläubige zu schaffen mit dem Ungläubigen?
16 At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko.”
Wie kann der Tempel Gottes mit Götzenbildern in einen Vergleich kommen? Ihr seid ja der Tempel des lebendigen Gottes, wie Gott spricht: Ich will in ihnen wohnen und unter ihnen wandeln, und will ihr Gott sein und sie sollen Mein Volk sein.
17 Kaya, “Lumabas kayo mula sa kanilang kalagitnaan, at maihiwalay kayo,” sabi ng Panginoon. “Huwag humawak ng anumang maruming bagay, at tatanggapin ko kayo.
Darum entfernt euch aus ihrer Mitte, und sondert euch ab von ihnen! spricht der Herr, und rührt das Unreine nicht an, so will Ich euch annehmen.
18 Ako ay magiging Ama sa inyo, at kayo ay magiging aking mga anak na lalaki at babae,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan.
Und will euch Vater sein, und ihr sollt mir Söhne und Töchter sein, spricht der Herr, der Allmächtige.

< 2 Mga Corinto 6 >