< 1 Mga Hari 2 >

1 Sa pagdating ng araw ng malapit nang mamatay si David, inutusan niya si Solomon na kaniyang anak, sinabi niya,
و چون ایام وفات داود نزدیک شد، پسرخود سلیمان را وصیت فرموده، گفت:۱
2 “Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka.
«من به راه تمامی اهل زمین می‌روم. پس تو قوی و دلیر باش.۲
3 Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
وصایای یهوه، خدای خود را نگاه داشته، به طریق های وی سلوک نما، و فرایض واوامر و احکام و شهادات وی را به نوعی که درتورات موسی مکتوب است، محافظت نما تا درهر کاری که کنی و به هر جایی که توجه نمایی، برخوردار باشی.۳
4 upang tuparin ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya tungkol sa akin, na sinasabi niyang, 'Kung maingat na binabantayan ng mga anak mong lalaki ang kanilang pag-uugali, na lalakad nang matapat sa harapan ko nang kanilang buong puso at kaluluwa, hindi titigil kailanman na magkaroon ka ng isang lalaki sa trono ng Israel.'
و تا آنکه خداوند، کلامی را که درباره من فرموده و گفته است، برقرار دارد که اگرپسران تو راه خویش را حفظ نموده، به تمامی دل و به تمامی جان خود در حضور من به راستی سلوک نمایند، یقین که از تو کسی‌که بر کرسی اسرائیل بنشیند، مفقود نخواهد شد.۴
5 Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.
و دیگر تو آنچه را که یوآب بن صرویه به من کرد می‌دانی، یعنی آنچه را با دو سردار لشکراسرائیل ابنیر بن نیر و عماسا ابن یتر کرد و ایشان را کشت و خون جنگ را در حین صلح ریخته، خون جنگ را بر کمربندی که به کمر خود داشت و بر نعلینی که به پایهایش بود، پاشید.۵
6 Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan. (Sheol h7585)
پس موافق حکمت خود عمل نما و مباد که موی سفید او به سلامتی به قبر فرو رود. (Sheol h7585)۶
7 Subalit, magpakita ka ng kabaitan sa mga anak na lalaki ni Barsilai na taga-Galaad, at hayaan mo silang makasama sa mga kumakain sa iyong mesa, dahil pumunta sila sa akin noong tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.
و اما با پسران برزلای جلعادی احسان نما و ایشان از‌جمله خورندگان بر سفره تو باشند، زیرا که ایشان هنگامی که از برادر تو ابشالوم فرار می‌کردم، نزدمن چنین آمدند.۷
8 Tingnan mo, kasama mo si Semei na anak ni Gera, ang Benjaminita ng Bahurim, na sinumpa ako ng isang napakasamang sumpa noong araw na pumunta ako sa Mahanaim. Bumaba si Semei para salubungin ako sa Jordan, at sumumpa ako sa kaniya kay Yahweh, sinasabi ko, 'Hindi kita papatayin gamit ang espada.'
و اینک شمعی ابن جیرای بنیامینی از بحوریم نزد توست و او مرا در روزی که به محنایم رسیدم به لعنت سخت لعن کرد، لیکن چون به استقبال من به اردن آمد برای او به خداوند قسم خورده، گفتم که تو را با شمشیرنخواهم کشت.۸
9 Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.” (Sheol h7585)
پس الان او را بی‌گناه مشمارزیرا که مرد حکیم هستی و آنچه را که با او بایدکرد، می‌دانی. پس مویهای سفید او را به قبر باخون فرود آور.» (Sheol h7585)۹
10 Pagkatapos, nahimlay na si David kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David.
پس داود با پدران خود خوابید و در شهرداود دفن شد.۱۰
11 Ang mga araw na naghari si David sa Israel ay apatnapung taon. Naghari siya sa Hebron ng pitong taon at sa Jerusalem ng tatlumpu't tatlong taon.
و ایامی که داود بر اسرائیل سلطنت می‌نمود، چهل سال بود. هفت سال درحبرون سلطنت کرد و در اورشلیم سی و سه سال سلطنت نمود.۱۱
12 Pagkatapos naupo si Solomon sa trono ng kaniyang ama na si David, at ang kaniyang pamumuno ay naging matatag.
و سلیمان بر کرسی پدر خودداود نشست و سلطنت او بسیار استوار گردید.۱۲
13 Pagkatapos, pumunta si Adonias na anak ni Haguit kay Batsheba na ina ni Solomon. Sinabi niya, “Pumunta ka ba dito nang may kapayapaan?” Sinagot niya, “Mapayapa.”
و ادنیا پسر حجیت نزد بتشبع، مادر سلیمان آمد و او گفت: «آیا به سلامتی آمدی؟» او جواب داد: «به سلامتی.»۱۳
14 Pagkatapos ay sinabi niya, “Mayroon akong nais sabihin sa iyo.” Kaya sumagot siya, “Magsalita ka.”
پس گفت: «با تو حرفی دارم.» او گفت: «بگو.»۱۴
15 Sinabi ni Adonias, “Alam mo na ang kaharian ay sa akin, at inasahan akong maging hari ng buong Israel. Gayunpaman, bumaliktad ang naganap sa kaharian at napunta sa aking kapatid, dahil ito ay sa kaniya mula kay Yahweh.
گفت: «تو می‌دانی که سلطنت با من شده بود و تمامی اسرائیل روی خود را به من مایل کرده بودند تا سلطنت نمایم، اما سلطنت منتقل شده، از آن برادرم گردید زیراکه از جانب خداوند از آن او بود.۱۵
16 Ngayon mayroon akong isang kahilingan sa iyo. Huwag mo akong tanggihan.” Sinabi sa kaniya ni Batsheba, “Magsalita ka.”
و الان خواهشی از تو دارم؛ مسالت مرا رد مکن.» او وی را گفت: «بگو.»۱۶
17 Sinabi niya, “Pakiusap, kausapin mo si Solomon na hari, dahil hindi ka niya tatanggihan, para ibigay niya sa akin si Abisag na taga-Sunem bilang aking asawa.”
گفت: «تمنا این که به سلیمان پادشاه بگویی زیرا خواهش تو را رد نخواهد کردتا ابیشک شونمیه را به من به زنی بدهد.»۱۷
18 Sinabi ni Batsheba, “Kung ganoon, kakausapin ko ang hari.”
بتشبع گفت: «خوب، من نزد پادشاه برای تو خواهم گفت.»۱۸
19 Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para kausapin siya para kay Adonias. Tumayo ang hari para salubungin siya at yumuko siya sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang trono at nagpakuha ng trono para sa ina ng hari. Naupo siya sa bandang kanang kamay niya.
پس بتشبع نزد سلیمان پادشاه داخل شد تابا او درباره ادنیا سخن گوید. و پادشاه به استقبالش برخاسته، او را تعظیم نمود و بر کرسی خودنشست و فرمود تا به جهت مادر پادشاه کرسی بیاورند و او به‌دست راستش بنشست.۱۹
20 Pagkatapos, sinabi niya, “Gusto kong humiling ng isang maliit na kahilingan sa iyo; huwag mo akong tanggihan.” Sinagot siya ng hari, “Humiling ka, aking ina, dahil hindi kita tatanggihan.”
و اوعرض کرد: «یک مطلب جزئی دارم که از تو سوال نمایم. مسالت مرا رد منما.» پادشاه گفت: «ای مادرم بگو زیرا که مسالت تو را رد نخواهم کرد.»۲۰
21 Sinabi niya, “Ibigay mo si Abisag na taga-Sunem kay Adonias na iyong kapatid bilang kaniyang asawa.”
و او گفت: «ابیشک شونمیه به برادرت ادنیا به زنی داده شود.»۲۱
22 Sumagot si Haring Solomon at sinabi sa kaniyang ina, “Bakit mo hinihingi si Abisag na taga-Sunem para kay Adonias? Bakit hindi mo rin hingin ang kaharian para sa kaniya, dahil siya ang aking nakatatandang kapatid—para sa kaniya, para kay Abiatar na pari, at para kay Joab na anak ni Zeruias?”
سلیمان پادشاه، مادر خود راجواب داده، گفت: «چرا ابیشک شونمیه را به جهت ادنیا طلبیدی؟ سلطنت را نیز برای وی طلب کن چونکه او برادر بزرگ من است، هم به جهت او و هم به جهت ابیاتار کاهن و هم به جهت یوآب بن صرویه.»۲۲
23 Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay.
و سلیمان پادشاه به خداوند قسم خورده، گفت: «خدا به من مثل این بلکه زیاده از این عمل نماید اگر ادنیا این سخن رابه ضرر جان خود نگفته باشد.۲۳
24 Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.”
و الان قسم به حیات خداوند که مرا استوار نموده، و مرا برکرسی پدرم، داود نشانیده، و خانه‌ای برایم به طوری که وعده نموده بود، برپا کرده است که ادنیا امروز خواهد مرد.»۲۴
25 Kaya pinadala ni Haring Solomon si Benaias na anak ni Joiada at nahanap ni Benaias si Adonias at pinatay siya.
پس سلیمان پادشاه به‌دست بنایاهو ابن یهویاداع فرستاد و او وی را زدکه مرد.۲۵
26 At kay Abiatar na pari, sinabi ng hari, “Pumunta ka sa Anatot, sa sarili mong bukirin. Dapat kang patayin, pero hindi kita papatayin sa oras na ito, dahil binuhat mo ang kaban ng tipan ng Panginoong si Yahweh sa harap ni David na aking ama at kasama kang naghirap sa bawat paghihirap ng aking ama.”
و پادشاه به ابیاتار کاهن گفت: «به مزرعه خود به عناتوت برو زیرا که تو مستوجب قتل هستی، لیکن امروز تو را نخواهم کشت، چونکه تابوت خداوند، یهوه را در حضور پدرم داودبرمی داشتی، و در تمامی مصیبت های پدرم مصیبت کشیدی.»۲۶
27 Kaya inalis ni Solomon si Abiatar mula sa pagiging pari ni Yahweh, para matupad niya ang salita ni Yahweh, na sinabi niya tungkol sa sambahayan ni Eli sa Silo.
پس سلیمان، ابیاتار را ازکهانت خداوند اخراج نمود تا کلام خداوند را که درباره خاندان عیلی در شیلوه گفته بود، کامل گرداند.۲۷
28 Dumating ang balita kay Joab, dahil sinuportahan ni Joab si Adonias, pero hindi niya sinuportahan si Absalom. Kaya pumunta si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.
و چون خبر به یوآب رسید، یوآب به خیمه خداوند فرار کرده، شاخهای مذبح را گرفت زیراکه یوآب، ادنیا را متابعت کرده، هرچند ابشالوم رامتابعت ننموده بود.۲۸
29 Sinabi kay Haring Solomon na si Joab ay tumakas papunta sa tolda ni Yahweh at ngayo'y nasa tabi ng altar. Kaya sinugo ni Solomon si Benaias na anak ni Joiada, sinasabi niya, “Humayo ka, patayin mo siya.”
و سلیمان پادشاه را خبردادند که یوآب به خیمه خداوند فرار کرده، واینک به پهلوی مذبح است. پس سلیمان، بنایاهوابن یهویاداع را فرستاده، گفت: «برو و او را بکش.»۲۹
30 Kaya pumunta si Benaias sa tolda ni Yahweh at sinabi sa kaniya, “Ang sabi ng hari, 'Lumabas ka.'” Sumagot si Joab, “Hindi, mamamatay ako dito.” Kaya bumalik si Benaias sa hari, sinasabi niya, “Sinabi ni Joab na gusto niyang mamatay sa altar.”
و بنایاهو به خیمه خداوند داخل شده، او راگفت: «پادشاه چنین می‌فرماید که بیرون بیا.» اوگفت: «نی، بلکه اینجا می‌میرم.» و بنایاهو به پادشاه خبر رسانیده، گفت که «یوآب چنین گفته، و چنین به من جواب داده است.»۳۰
31 Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.
پادشاه وی را فرمود: «موافق سخنش عمل نما و او را کشته، دفن کن تا خون بی‌گناهی را که یوآب ریخته بود از من و از خاندان پدرم دورنمایی.۳۱
32 Nawa'y ibalik ni Yahweh ang dugo sa kaniyang sarili, dahil nilusob niya ang dalawang lalaking mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya at pinatay sila gamit ang espada, sila Abner na anak ni Ner, ang kapitan ng hukbo ng Israel, at Amasa na anak ni Jeter, ang kapitan ng hukbo ng Juda, nang hindi nalalaman ng aking amang si David.
و خداوند خونش را بر سر خودش ردخواهد گردانید به‌سبب اینکه بر دو مرد که از اوعادلتر و نیکوتر بودند هجوم آورده، ایشان را با شمشیر کشت و پدرم، داود اطلاع نداشت، یعنی ابنیر بن نیر، سردار لشکر اسرائیل و عماسا ابن یتر، سردار لشکر یهودا.۳۲
33 Kaya nawa ang dugo nila ay bumalik sa ulo ni Joab at sa ulo ng kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Pero kay David at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at kaniyang sambahayan, at sa kaniyang trono, nawa'y magkaroon ng kapayapaan mula kay Yahweh magpakailanman.”
پس خون ایشان برسر یوآب و بر سر ذریتش تا به ابد برخواهد گشت و برای داود و ذریتش و خاندانش و کرسی‌اش سلامتی از جانب خداوند تا ابدالاباد خواهد بود.»۳۳
34 Pagkatapos, umalis si Benaias na anak ni Joiada at sinalakay si Joab at pinatay siya. Inilibing siya sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
پس بنایاهو ابن یهویاداع رفته، او را زد و کشت و او را در خانه‌اش که در صحرا بود، دفن کردند.۳۴
35 Nilagay ng hari si Benaias na anak ni Joiada sa hukbo kapalit niya, at nilagay niya si Sadoc na pari kapalit ni Abiatar.
و پادشاه بنایاهو ابن یهویاداع را به‌جایش به‌سرداری لشکر نصب کرد و پادشاه، صادوق کاهن را در جای ابیاتار گماشت.۳۵
36 Pagkatapos ay pinadala at pinatawag niya si Semei, at sinabi sa kaniya, “Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem at manirahan doon, at huwag kang lalabas mula doon papunta kahit saang lugar.
و پادشاه فرستاده، شمعی را خوانده، وی راگفت: «به جهت خود خانه‌ای در اورشلیم بناکرده، در آنجا ساکن شو و از آنجا به هیچ طرف بیرون مرو.۳۶
37 Dahil sa araw na umalis ka, at dumaan sa Lambak ng Kidron, dapat mong malaman na tiyak kang mamamatay. Ang dugo ay mapupunta sa iyong sarili.”
زیرا یقین در روزی که بیرون روی و از نهر قدرون عبور نمایی، بدان که البته خواهی مرد و خونت بر سر خودت خواهد بود.»۳۷
38 Kaya sinabi ni Semei sa hari, “Ang sinasabi mo ay mabuti. Tulad ng sinabi ng aking panginoon na hari, gagawin ng iyong lingkod.” Kaya nanirahan si Semei sa Jerusalem nang maraming araw.
وشمعی به پادشاه گفت: «آنچه گفتی نیکوست. به طوری که آقایم پادشاه فرموده است، بنده ات چنین عمل خواهد نمود.» پس شمعی روزهای بسیار در اورشلیم ساکن بود.۳۸
39 Pero sa pagtatapos ng tatlong taon, dalawa sa mga lingkod ni Semei ay tumakas papunta kay Achish na anak ni Maaca na hari ng Gat. Kaya sinabi nila kay Semei, “Tingnan mo, ang mga lingkod mo ay nasa Gat.”
اما بعد از انقضای سه سال واقع شد که دوغلام شمعی نزد اخیش بن معکه، پادشاه جت فرار کردند و شمعی را خبر داده، گفتند که «اینک غلامانت در جت هستند.»۳۹
40 At tumayo si Semei, inihanda niya ang kaniyang asno, at pumunta kay Achish sa Gat para hanapin ang kaniyang mga lingkod. Umalis siya at kinuha ang kaniyang mga lingkod mula sa Gat.
و شمعی برخاسته، الاغ خود را بیاراست و به جستجوی غلامانش، نزد اخیش به جت روانه شد، و شمعی رفته، غلامان خود را از جت بازآورد.۴۰
41 Nang sinabihan si Solomon na umalis si Semei mula sa Jerusalem papuntang Gat at bumalik,
و به سلیمان خبر دادند که شمعی از اورشلیم به جت رفته وبرگشته است.۴۱
42 nagsugo ang hari at pinatawag si Semei at sinabi sa kaniyang, “Hindi ba kita pinanumpa kay Yahweh, at nagpatotoo sa iyo, sinasabi ko, 'Dapat mong malaman na sa araw na aalis ka at pupunta sa ibang lugar, tiyak na mamamatay ka?' Pagkatapos ay sinabi mo sa akin, 'Ang sinabi mo ay mabuti.'
و پادشاه فرستاده، شمعی را خواند و وی را گفت: «آیا تو را به خداوند قسم ندادم و تو را نگفتم در روزی که بیرون شوی و به هر جا بروی یقین بدان که خواهی مرد، و تو مراگفتی سخنی که شنیدم نیکوست.۴۲
43 Kaya bakit hindi mo iningatan ang iyong panunumpa kay Yahweh, at ang utos na binigay ko sa iyo?”
پس قسم خداوند و حکمی را که به تو امر فرمودم، چرانگاه نداشتی؟»۴۳
44 Sinabi rin ng hari kay Semei, “Alam mo sa iyong puso ang lahat ng kasamaan na ginawa mo sa aking ama na si David. Kaya ibabalik ni Yahweh ang kasamaan mo sa iyong sarili.
و پادشاه به شمعی گفت: «تمامی بدی را که دلت از آن آگاهی دارد که به پدر من داود کرده‌ای، می‌دانی و خداوند شرارت تو را به‌سرت برگردانیده است.۴۴
45 Pero pagpapalain si Haring Solomon, at matatatag ang trono ni David sa harap ni Yahweh magpakailanman.”
و سلیمان پادشاه، مبارک خواهد بود و کرسی داود درحضور خداوند تا به ابد پایدار خواهد ماند.»۴۵
46 Kaya inutusan ng hari si Benaias na anak ni Joiada na umalis at patayin si Semei. Kaya ang pamumuno ay matibay na naitatag sa kamay ni Solomon.
پس پادشاه بنایاهو ابن یهویاداع را امر فرمود واو بیرون رفته، او را زد که مرد. و سلطنت در دست سلیمان برقرار گردید.۴۶

< 1 Mga Hari 2 >