< 1 Mga Hari 2 >

1 Sa pagdating ng araw ng malapit nang mamatay si David, inutusan niya si Solomon na kaniyang anak, sinabi niya,
Sentendo avvicinarsi il giorno della sua morte, Davide fece queste raccomandazioni al figlio Salomone:
2 “Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka.
«Io me ne vado per la strada di ogni uomo sulla terra. Tu sii forte e mostrati uomo.
3 Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
Osserva la legge del Signore tuo Dio, procedendo nelle sue vie ed eseguendo i suoi statuti, i suoi comandi, i suoi decreti e le sue prescrizioni, come sta scritto nella legge di Mosè, perché tu riesca in ogni tua impresa e in ogni tuo progetto,
4 upang tuparin ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya tungkol sa akin, na sinasabi niyang, 'Kung maingat na binabantayan ng mga anak mong lalaki ang kanilang pag-uugali, na lalakad nang matapat sa harapan ko nang kanilang buong puso at kaluluwa, hindi titigil kailanman na magkaroon ka ng isang lalaki sa trono ng Israel.'
perché il Signore attui la promessa che mi ha fatto quando ha detto: Se i tuoi figli nella loro condotta si cureranno di camminare davanti a me con lealtà, con tutto il cuore e con tutta l'anima, sul trono d'Israele siederà sempre uno dei tuoi discendenti.
5 Alam mo rin kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, at kung ano ang ginawa niya sa dalawang kumander ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jeter, na pinatay niya. Pinadanak niya ang dugo ng digmaan sa panahon ng kapayapaan at inilagay ang dugo ng digmaan sa sinturon sa palibot ng kaniyang baywang at sa mga sapatos niya sa kaniyang mga paa.
Anche tu sai quel che ha fatto a me Ioab, figlio di Zeruià, cioè come egli ha trattato i due capi dell'esercito di Israele, Abner figlio di Ner e Amasà figlio di Ieter, come li ha uccisi spargendo in tempo di pace il sangue, come si fa in guerra, e macchiando di sangue innocente la cintura dei suoi fianchi e i sandali dei suoi piedi.
6 Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan. (Sheol h7585)
Tu agirai con saggezza, ma non permetterai che la sua vecchiaia scenda in pace agli inferi. (Sheol h7585)
7 Subalit, magpakita ka ng kabaitan sa mga anak na lalaki ni Barsilai na taga-Galaad, at hayaan mo silang makasama sa mga kumakain sa iyong mesa, dahil pumunta sila sa akin noong tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.
Agirai con bontà verso i figli di Barzillài il Galaadita, che mangeranno alla tua tavola, perché mi hanno assistito mentre fuggivo da Assalonne tuo fratello.
8 Tingnan mo, kasama mo si Semei na anak ni Gera, ang Benjaminita ng Bahurim, na sinumpa ako ng isang napakasamang sumpa noong araw na pumunta ako sa Mahanaim. Bumaba si Semei para salubungin ako sa Jordan, at sumumpa ako sa kaniya kay Yahweh, sinasabi ko, 'Hindi kita papatayin gamit ang espada.'
Tu hai accanto a te anche Simèi figlio di Ghera, Beniaminita, di Bacurìm; egli mi maledisse con una maledizione terribile quando fuggivo verso Macanàim. Ma mi venne incontro al Giordano e gli giurai per il Signore: Non ti farò morire di spada.
9 Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.” (Sheol h7585)
Ora non lasciare impunito il suo peccato. Sei saggio e sai come trattarlo. Farai scendere la sua canizie agli inferi con morte violenta». (Sheol h7585)
10 Pagkatapos, nahimlay na si David kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David.
Davide si addormentò con i suoi padri e fu sepolto nella città di Davide.
11 Ang mga araw na naghari si David sa Israel ay apatnapung taon. Naghari siya sa Hebron ng pitong taon at sa Jerusalem ng tatlumpu't tatlong taon.
La durata del regno di Davide su Israele fu di quaranta anni: sette in Ebron e trentatrè in Gerusalemme.
12 Pagkatapos naupo si Solomon sa trono ng kaniyang ama na si David, at ang kaniyang pamumuno ay naging matatag.
Salomone sedette sul trono di Davide suo padre e il suo regno si consolidò molto.
13 Pagkatapos, pumunta si Adonias na anak ni Haguit kay Batsheba na ina ni Solomon. Sinabi niya, “Pumunta ka ba dito nang may kapayapaan?” Sinagot niya, “Mapayapa.”
Adonia figlio di Agghìt si recò da Betsabea, madre di Salomone, che gli chiese: «Vieni con intenzioni pacifiche?». «Pacifiche», rispose quello,
14 Pagkatapos ay sinabi niya, “Mayroon akong nais sabihin sa iyo.” Kaya sumagot siya, “Magsalita ka.”
e soggiunse: «Ho da dirti una cosa». E quella: «Parla!».
15 Sinabi ni Adonias, “Alam mo na ang kaharian ay sa akin, at inasahan akong maging hari ng buong Israel. Gayunpaman, bumaliktad ang naganap sa kaharian at napunta sa aking kapatid, dahil ito ay sa kaniya mula kay Yahweh.
Egli disse: «Tu sai che il regno spettava a me e che tutti gli Israeliti si attendevano che io regnassi. Eppure il regno mi è sfuggito ed è passato a mio fratello, perché gli era stato decretato dal Signore.
16 Ngayon mayroon akong isang kahilingan sa iyo. Huwag mo akong tanggihan.” Sinabi sa kaniya ni Batsheba, “Magsalita ka.”
Ora ti rivolgo una domanda; non respingermi». Ed essa: «Parla!».
17 Sinabi niya, “Pakiusap, kausapin mo si Solomon na hari, dahil hindi ka niya tatanggihan, para ibigay niya sa akin si Abisag na taga-Sunem bilang aking asawa.”
Adonia disse: «Dì al re Salomone - il quale nulla ti può negare - che mi conceda in moglie Abisag la Sunammita».
18 Sinabi ni Batsheba, “Kung ganoon, kakausapin ko ang hari.”
Betsabea rispose: «Bene! Parlerò in tuo favore al re».
19 Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para kausapin siya para kay Adonias. Tumayo ang hari para salubungin siya at yumuko siya sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang trono at nagpakuha ng trono para sa ina ng hari. Naupo siya sa bandang kanang kamay niya.
Betsabea si presentò al re Salomone per parlargli in favore di Adonia. Il re si alzò per andarle incontro, si prostrò davanti a lei, quindi sedette sul trono, facendo collocare un trono per la madre del re. Questa gli sedette alla destra
20 Pagkatapos, sinabi niya, “Gusto kong humiling ng isang maliit na kahilingan sa iyo; huwag mo akong tanggihan.” Sinagot siya ng hari, “Humiling ka, aking ina, dahil hindi kita tatanggihan.”
e disse: «Ho una piccola grazia da chiederti; non me la negare». Il re le rispose: «Chiedi, madre mia, non ti respingerò».
21 Sinabi niya, “Ibigay mo si Abisag na taga-Sunem kay Adonias na iyong kapatid bilang kaniyang asawa.”
E quella: «Si conceda Abisag la Sunammita in moglie ad Adonia tuo fratello».
22 Sumagot si Haring Solomon at sinabi sa kaniyang ina, “Bakit mo hinihingi si Abisag na taga-Sunem para kay Adonias? Bakit hindi mo rin hingin ang kaharian para sa kaniya, dahil siya ang aking nakatatandang kapatid—para sa kaniya, para kay Abiatar na pari, at para kay Joab na anak ni Zeruias?”
Il re Salomone rispose alla madre: «Perché tu mi chiedi Abisag la Sunammita per Adonia? Chiedi anche il regno per lui, poiché egli è mio fratello maggiore e per lui parteggiano il sacerdote Ebiatàr e Ioab figlio di Zeruià».
23 Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay.
Il re Salomone giurò per il Signore: «Dio mi faccia questo e altro mi aggiunga, se non è vero che Adonia ha manifestato quest'idea a danno della propria vita.
24 Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.”
Ebbene, per la vita del Signore che mi ha reso saldo, mi ha fatto sedere sul trono di Davide mio padre e mi ha concesso una casa come aveva promesso, oggi stesso Adonia verrà ucciso».
25 Kaya pinadala ni Haring Solomon si Benaias na anak ni Joiada at nahanap ni Benaias si Adonias at pinatay siya.
Il re Salomone ordinò a Benaià figlio di Ioiadà, di ucciderlo; così morì Adonia.
26 At kay Abiatar na pari, sinabi ng hari, “Pumunta ka sa Anatot, sa sarili mong bukirin. Dapat kang patayin, pero hindi kita papatayin sa oras na ito, dahil binuhat mo ang kaban ng tipan ng Panginoong si Yahweh sa harap ni David na aking ama at kasama kang naghirap sa bawat paghihirap ng aking ama.”
Al sacerdote Ebiatàr il re ordinò: «Vattene in Anatòt, nella tua campagna. Meriteresti la morte, ma oggi non ti faccio morire perché tu hai portato l'arca del Signore davanti a Davide mio padre e perché hai partecipato a tutte le traversie di mio padre».
27 Kaya inalis ni Solomon si Abiatar mula sa pagiging pari ni Yahweh, para matupad niya ang salita ni Yahweh, na sinabi niya tungkol sa sambahayan ni Eli sa Silo.
Così Salomone escluse Ebiatàr dal sacerdozio del Signore, adempiendo la parola che il Signore aveva pronunziata in Silo riguardo alla casa di Eli.
28 Dumating ang balita kay Joab, dahil sinuportahan ni Joab si Adonias, pero hindi niya sinuportahan si Absalom. Kaya pumunta si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.
Quando la notizia giunse a Ioab - questi era stato dalla parte di Adonia, ma non per Assalonne - Ioab si rifugiò nella tenda del Signore e si afferrò ai corni dell'altare.
29 Sinabi kay Haring Solomon na si Joab ay tumakas papunta sa tolda ni Yahweh at ngayo'y nasa tabi ng altar. Kaya sinugo ni Solomon si Benaias na anak ni Joiada, sinasabi niya, “Humayo ka, patayin mo siya.”
Fu riferito al re Salomone come Ioab si fosse rifugiato nella tenda del Signore e si fosse posto al fianco dell'altare. Salomone inviò Benaià figlio di Ioiadà con l'ordine: «Và, colpiscilo!».
30 Kaya pumunta si Benaias sa tolda ni Yahweh at sinabi sa kaniya, “Ang sabi ng hari, 'Lumabas ka.'” Sumagot si Joab, “Hindi, mamamatay ako dito.” Kaya bumalik si Benaias sa hari, sinasabi niya, “Sinabi ni Joab na gusto niyang mamatay sa altar.”
Benaià andò nella tenda del Signore e disse a Ioab: «Per ordine del re, esci!». Quegli rispose: «No! Morirò qui». Benaià riferì al re: «Ioab ha parlato così e così mi ha risposto».
31 Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.
Il re gli disse: «Fà come egli ha detto; colpiscilo e seppelliscilo; così allontanerai da me e dalla casa di mio padre il sangue che Ioab ha sparso senza motivo.
32 Nawa'y ibalik ni Yahweh ang dugo sa kaniyang sarili, dahil nilusob niya ang dalawang lalaking mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya at pinatay sila gamit ang espada, sila Abner na anak ni Ner, ang kapitan ng hukbo ng Israel, at Amasa na anak ni Jeter, ang kapitan ng hukbo ng Juda, nang hindi nalalaman ng aking amang si David.
Il Signore farà ricadere il suo sangue sulla sua testa, perché egli ha colpito due uomini giusti e migliori di lui e li ha trafitti con la sua spada - senza che Davide mio padre lo sapesse - ossia Abner, figlio di Ner, capo dell'esercito di Israele e Amasà figlio di Ieter, capo dell'esercito di Giuda.
33 Kaya nawa ang dugo nila ay bumalik sa ulo ni Joab at sa ulo ng kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Pero kay David at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at kaniyang sambahayan, at sa kaniyang trono, nawa'y magkaroon ng kapayapaan mula kay Yahweh magpakailanman.”
Il loro sangue ricada sulla testa di Ioab e sulla testa della sua discendenza per sempre, mentre su Davide e sulla sua discendenza, sul suo casato e sul suo trono si riversi per sempre la pace da parte del Signore».
34 Pagkatapos, umalis si Benaias na anak ni Joiada at sinalakay si Joab at pinatay siya. Inilibing siya sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
Benaià figlio di Ioiadà andò, lo assalì e l'uccise; Ioab fu sepolto nella sua casa, nel deserto.
35 Nilagay ng hari si Benaias na anak ni Joiada sa hukbo kapalit niya, at nilagay niya si Sadoc na pari kapalit ni Abiatar.
Il re lo sostituì, nominando capo dell'esercito Benaià figlio di Ioiadà, mentre mise il sacerdote Zadòk al posto di Ebiatàr.
36 Pagkatapos ay pinadala at pinatawag niya si Semei, at sinabi sa kaniya, “Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem at manirahan doon, at huwag kang lalabas mula doon papunta kahit saang lugar.
Il re mandò a chiamare Simèi per dirgli: «Costruisciti una casa in Gerusalemme; ivi sia la tua dimora; non ne uscirai per andartene qua e là.
37 Dahil sa araw na umalis ka, at dumaan sa Lambak ng Kidron, dapat mong malaman na tiyak kang mamamatay. Ang dugo ay mapupunta sa iyong sarili.”
Quando ne uscirai, oltrepassando il torrente Cedron - sappilo bene! - sarai degno di morte; il tuo sangue ricadrà sulla tua testa».
38 Kaya sinabi ni Semei sa hari, “Ang sinasabi mo ay mabuti. Tulad ng sinabi ng aking panginoon na hari, gagawin ng iyong lingkod.” Kaya nanirahan si Semei sa Jerusalem nang maraming araw.
Simèi disse al re: «L'ordine è giusto! Come ha detto il re mio signore, così farà il tuo servo». Simèi dimorò in Gerusalemme per molto tempo.
39 Pero sa pagtatapos ng tatlong taon, dalawa sa mga lingkod ni Semei ay tumakas papunta kay Achish na anak ni Maaca na hari ng Gat. Kaya sinabi nila kay Semei, “Tingnan mo, ang mga lingkod mo ay nasa Gat.”
Dopo tre anni, due schiavi di Simei fuggirono presso Achis figlio di Maaca, re di Gat. Fu riferito a Simei che i suoi schiavi erano in Gat.
40 At tumayo si Semei, inihanda niya ang kaniyang asno, at pumunta kay Achish sa Gat para hanapin ang kaniyang mga lingkod. Umalis siya at kinuha ang kaniyang mga lingkod mula sa Gat.
Simei si alzò, sellò l'asino e partì per Gat andando da Achis in cerca dei suoi schiavi. Simei vi andò e ricondusse i suoi schiavi da Gat.
41 Nang sinabihan si Solomon na umalis si Semei mula sa Jerusalem papuntang Gat at bumalik,
Fu riferito a Salomone che Simei era andato da Gerusalemme a Gat e che era ritornato.
42 nagsugo ang hari at pinatawag si Semei at sinabi sa kaniyang, “Hindi ba kita pinanumpa kay Yahweh, at nagpatotoo sa iyo, sinasabi ko, 'Dapat mong malaman na sa araw na aalis ka at pupunta sa ibang lugar, tiyak na mamamatay ka?' Pagkatapos ay sinabi mo sa akin, 'Ang sinabi mo ay mabuti.'
Il re, fattolo chiamare, gli disse: «Non ti avevo forse giurato per il Signore e non ti avevo io testimoniato che, quando tu fossi uscito per andartene qua e là - lo sapevi bene! - saresti stato degno di morte? Tu mi avevi risposto: L'ordine è giusto! Ho capito.
43 Kaya bakit hindi mo iningatan ang iyong panunumpa kay Yahweh, at ang utos na binigay ko sa iyo?”
Perché non hai rispettato il giuramento del Signore e il comando che ti avevo impartito?».
44 Sinabi rin ng hari kay Semei, “Alam mo sa iyong puso ang lahat ng kasamaan na ginawa mo sa aking ama na si David. Kaya ibabalik ni Yahweh ang kasamaan mo sa iyong sarili.
Il re aggiunse a Simei: «Tu conosci tutto il male che hai fatto a Davide mio padre. Il Signore farà ricadere la tua malvagità sulla tua testa.
45 Pero pagpapalain si Haring Solomon, at matatatag ang trono ni David sa harap ni Yahweh magpakailanman.”
Invece sia benedetto il re Salomone e il trono di Davide sia saldo per sempre davanti al Signore».
46 Kaya inutusan ng hari si Benaias na anak ni Joiada na umalis at patayin si Semei. Kaya ang pamumuno ay matibay na naitatag sa kamay ni Solomon.
Il re diede ordine a Benaià figlio di Ioiadà, di andare ad ucciderlo. E quegli morì. Il regno si consolidò nelle mani di Salomone.

< 1 Mga Hari 2 >