< 1 Mga Corinto 9 >

1 Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako isang apostol? Hindi ko ba nakita si Jesus, ang ating Panginoon? Hindi ba't kayo ang aking mga gawa sa Panginoon?
Ne suis-je pas libre? Ne suis-je pas apôtre? N’ai-je pas vu Jésus notre Seigneur? N’êtes-vous pas, vous, mon ouvrage dans le Seigneur?
2 Kung hindi ako apostol sa iba, gayunman, apostol naman ako sa inyo. Sapagkat kayo ang patunay ng aking pagka-apostol sa Panginoon.
Si je ne suis pas apôtre pour d’autres, je le suis pour vous du moins; car vous êtes le sceau de mon apostolat dans le Seigneur.
3 Ito ang aking pagtatanggol sa mga sumusuri sa akin.
C’est ici ma défense auprès de ceux qui m’interrogent.
4 Wala ba kaming karapatang kumain at uminom?
N’avons-nous pas le droit de manger et de boire?
5 Wala ba kaming karapatan na isama ang aming mga asawa na isang mananampalataya, gaya ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?
N’avons-nous pas le droit de mener avec nous une sœur comme femme, comme [font] aussi les autres apôtres, et les frères du Seigneur, et Céphas?
6 O kami lamang ba ni Bernabe ang dapat magtrabaho?
N’y a-t-il que moi et Barnabas qui n’ayons pas le droit de ne pas travailler?
7 Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? O sino ang nag-aalaga ng kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa mga ito?
Qui jamais va à la guerre à ses propres dépens? Qui plante une vigne et n’en mange pas le fruit? Ou qui paît un troupeau et ne mange pas du lait du troupeau?
8 Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito batay sa makataong kapangyarihan? Hindi ba sinabi din ito ng batas?
Est-ce que je dis ces choses selon l’homme? Ou la loi aussi ne dit-elle pas ces choses?
9 Sapagkat nasusulat sa kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil.” Ang baka nga ba talaga ang pinahahalagahan ng Diyos?
Car dans la loi de Moïse il est écrit: « Tu n’emmuselleras pas le bœuf qui foule le grain ». Dieu s’occupe-t-il des bœufs?
10 Hindi ba siya nagsasalita tungkol sa amin? Naisulat ito para sa amin, sapagkat ang siyang nag-aararo ay nag-aararo sa pag-asa at ang gumigiik ay kailangang gumiik na umaasa na makikibahagi sa ani.
ou parle-t-il entièrement pour nous? Car c’est pour nous que cela est écrit, que celui qui laboure doit labourer avec espérance, et que celui qui foule le grain [doit le fouler] dans l’espérance d’y avoir part.
11 Kung naghasik kami ng mga espirituwal na bagay sa inyo, kalabisan ba sa amin na umani ng mga materyal na bagay mula sa inyo?
Si nous avons semé pour vous des [biens] spirituels, est-ce beaucoup que nous moissonnions de vos [biens] charnels?
12 Kung ginagawa ng iba ang karapatang ito mula sa inyo, hindi ba mas lalo na kami? Gayunman, hindi namin inangkin ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat kaysa maging hadlang sa ebanghelyo ni Cristo.
Si d’autres ont part à ce droit sur vous, ne l’avons-nous pas bien plus? Mais nous n’avons pas usé de ce droit, mais nous supportons tout, afin de ne mettre aucun obstacle à l’évangile du Christ.
13 Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay kumukuha ng pagkain mula sa templo? Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa altar ay nakikibahagi sa kung ano ang naihandog sa altar?
Ne savez-vous pas que ceux qui s’emploient aux choses sacrées mangent [de ce qui vient] du temple; que ceux qui servent à l’autel ont leur part de l’autel?
14 Sa ganoon ding paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga nagpapahayag ng ebanghelyo ay dapat kunin ang kanilang kabuhayan mula sa ebanghelyo.
De même aussi, le Seigneur a ordonné à ceux qui annoncent l’évangile, de vivre de l’évangile.
15 Ngunit hindi ko inangkin ang kahit anuman sa mga karapatang ito. At hindi ako nagsusulat upang maganap ito sa akin. Mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa bawian ako ng sinuman ng maipagmamalaki.
Mais moi je n’ai usé d’aucune de ces choses, et je n’ai pas écrit ceci, afin qu’il en soit fait ainsi à mon égard; car il serait bon pour moi de mourir, plutôt que [de voir] quelqu’un anéantir ma gloire.
16 Sapagkat kung ipinangangaral ko ang ebanghelyo, wala akong dahilan para magmayabang dahil dapat ko itong gawin. At kaawa-awa ako kung hindi ko ipangangaral ang ebanghelyo!
Car, si j’évangélise, je n’ai pas de quoi me glorifier, car c’est une nécessité qui m’est imposée, car malheur à moi si je n’évangélise pas.
17 Sapagkat kung gagawin ko ito ng maluwag sa kalooban, may gantimpala ako. Ngunit kung hindi maluwag sa kalooban, may responsibilidad pa rin ako sa ipinagkatiwala sa akin.
Car, si je fais cela volontairement, j’en ai un salaire; mais si c’est malgré moi, une administration m’est confiée.
18 At ano ang aking gantimpala? Na kung ako ay nangangaral, maiaalok ko ang ebanghelyo nang walang bayad at hindi ko lubos na gagamitin ang aking karapatan sa ebanghelyo.
Quel est donc mon salaire? C’est que, en évangélisant, je rends l’évangile exempt de frais, pour ne pas user comme d’une chose à moi de mon droit dans l’évangile.
19 Sapagkat kahit malaya ako sa lahat, naging alipin ako sa lahat upang makahikayat pa ako ng mas marami.
Car, étant libre à l’égard de tous, je me suis asservi à tous, afin de gagner le plus de gens;
20 Sa mga Judio, naging katulad ako ng isang Judio upang makahikayat ng mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautuan, naging katulad ako ng isang nasa ilalim ng batas upang makahikayat ng mga nasa ilalim ng batas. Ginawa ko ito kahit na wala ako sa ilalim ng batas.
et pour les Juifs, je suis devenu comme Juif, afin de gagner les Juifs; pour ceux qui étaient sous la loi, comme si j’étais sous la loi, n’étant pas moi-même sous la loi, afin de gagner ceux qui étaient sous la loi;
21 Sa mga nasa labas ng kautusan, naging katulad ako ng nasa labas ng kautusan, kahit na ako mismo ay wala sa labas ng kautusan ng Diyos ngunit sa ilalim ng kautusan ni Cristo. Ginawa ko ito upang aking mahikayat ang mga nasa labas ng kautusan.
pour ceux qui étaient sans loi, comme si j’étais sans loi (non que je sois sans loi quant à Dieu, mais je suis justement soumis à Christ), afin de gagner ceux qui étaient sans loi.
22 Sa mga mahihina ako ay naging mahina, upang aking mahikayat ang mga mahihina. Naging kagaya ako ng lahat ng mga bagay upang sa lahat ng paraan ay maligtas ko ang ilan.
Je suis devenu pour les faibles [comme] faible, afin de gagner les faibles; je suis devenu toutes choses pour tous, afin que de toute manière j’en sauve quelques-uns.
23 Ginawa ko ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng ebanghelyo, upang makalahok ako sa lahat ng pagpapala nito.
Et je fais toutes choses à cause de l’évangile, afin que je sois coparticipant avec lui.
24 Hindi ba ninyo alam na sa isang takbuhan, ang lahat ng mananakbo ay tumatakbo, ngunit iisa lamang ang makatatanggap ng gantimpala? Kaya tumakbo ka upang makamit ang gantimpala.
Ne savez-vous pas que ceux qui courent dans la lice courent tous, mais un seul reçoit le prix? Courez de telle manière que vous le remportiez.
25 Ginagawa ng manlalaro ang pagpipigil sa sarili sa lahat ng kaniyang pagsasanay. Ginagawa nila ito upang makatanggap ng koronang nasisira, ngunit tumatakbo tayo upang makatanggap ng koronang hindi nasisira.
Or quiconque combat dans l’arène vit de régime en toutes choses; eux donc, afin de recevoir une couronne corruptible; mais nous, [afin d’en recevoir] une incorruptible.
26 Samakatwid hindi ako tumatakbo ng walang layunin o sumusuntok sa hangin.
Moi donc je cours ainsi, non comme ne sachant pas vers quel but; je combats ainsi, non comme battant l’air;
27 Ngunit sinusupil ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin upang pagkatapos kong mangaral sa iba ay hindi ako maalisan ng karapatan.
mais je mortifie mon corps et je l’asservis, de peur qu’après avoir prêché à d’autres, je ne sois moi-même réprouvé.

< 1 Mga Corinto 9 >