< 1 Mga Corinto 2 >

1 Nang pumunta ako sa inyo, mga kapatid, hindi ako pumariyan na may kahusayan ng pananalita o karunungan nang aking ipinahayag ang mga lihim na katotohanan tungkol sa Diyos.
ⲁ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲁⲛⲟⲕ ϩⲱ ⲉⲧⲁⲓ⳿ⲓ ϩⲁⲣⲱⲧⲉⲛ ⲛⲁ⳿ⲥⲛⲏⲟⲩ ⲛⲉⲧⲁⲓ⳿ⲓ ⲁⲛ ⲕⲁⲧⲁ ⲟⲩϭⲓⲥⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲟⲩⲥⲁϫⲓ ⲓⲉ ⲟⲩⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⲉⲓⲧⲁⲙⲟ ⳿ⲙⲙⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲉⲡⲓⲙⲩⲥⲧⲏⲣⲓⲟⲛ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
2 Sapagkat nagpasya akong walang kilalanin nang ako ay nasa inyo maliban kay Jesu-Cristo na siyang ipinako sa krus.
ⲃ̅⳿ⲙⲡⲓϯϩⲁⲡ ⲅⲁⲣ ⳿ⲉ⳿ⲉⲙⲓ ⳿⳿ⲛ⳿ϩⲗⲓ ϧⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ ⳿ⲉⲃⲏⲗ ⳿ⲉⲒⲏ̅ⲥ̅ Ⲡⲭ̅ⲥ̅ ⲟⲩⲟϩ ⲫⲁⲓ ⳿ⲉⲁⲩⲁϣϥ.
3 At nakasama ninyo ako sa kahinaan, at pagkatakot, at sa matinding panginginig.
ⲅ̅⳿ⲁⲛⲟⲕ ϩⲱ ϧⲉⲛ ⲟⲩⲙⲉⲧⲁⲥⲑⲉⲛⲏⲥ ⲛⲉⲙ ⲟⲩϩⲟϯ ⲛⲉⲙ ⲟⲩ⳿ⲥⲑⲉⲣⲧⲉⲣ ⳿ⲉⲛⲁϣⲱϥ ⲁⲓ⳿ⲓ ϩⲁⲣⲱⲧⲉⲛ.
4 At ang aking mensahe at pagpapahayag ay hindi sa mapang-akit na pananalita ng karunungan. Sa halip, kasama ng mga ito ang pagpapakita ng Espiritu at ng kapangyarihan,
ⲇ̅ⲟⲩⲟϩ ⲡⲁⲥⲁϫⲓ ⲛⲉⲙ ⲡⲁϩⲓⲱⲓϣ ⲛⲁϥϧⲉⲛ ϩⲁⲛⲑⲱⲧ ⳿ⲛϩⲏⲧ ⲁⲛ ⳿ⲛⲧⲉ ϩⲁⲛⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⳿ⲛⲣⲱⲙⲓ ⲁⲗⲗⲁ ϧⲉⲛ ⲟⲩⲱⲛϩ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛⲧⲉ ⲟⲩⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲛⲉⲙ ⲟⲩϫⲟⲙ.
5 upang ang inyong pananampalataya ay hindi sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
ⲉ̅ϩⲓⲛⲁ ⲡⲉⲧⲉⲛⲛⲁϩϯ ⳿ⲛⲧⲉϥ⳿ϣⲧⲉⲙϣⲱⲡⲓ ϧⲉⲛ ⲟⲩⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⳿ⲛⲣⲱⲙⲓ ⲁⲗⲗⲁ ϧⲉⲛ ⲟⲩϫⲟⲙ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
6 Ngayon nagsasalita kami ng karunungan sa mga ganap, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga namumuno sa kapanahunang ito, na lumilipas. (aiōn g165)
ⲋ̅ⲟⲩⲥⲟⲫⲓⲁ ⲇⲉ ⲡⲉⲧⲉⲛⲥⲁϫⲓ ⳿ⲙⲙⲟⲥ ϧⲉⲛ ⲛⲏ ⲉⲧϫⲏⲕ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⲟⲩⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⲇⲉ ⳿ⲛⲑⲁ ⲡⲁⲓⲉⲛⲉϩ ⲁⲛ ⲧⲉ ⲟⲩⲇⲉ ⳿ⲛⲑⲁ ⲛⲓⲁⲣⲭⲱⲛ ⲁⲛ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲁⲓⲉⲛⲉϩ ⲛⲁⲓ ⲉⲑⲛⲁⲕⲱⲣϥ. (aiōn g165)
7 Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian. (aiōn g165)
ⲍ̅ⲁⲗⲗⲁ ⲟⲩⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ ⲉⲧⲉⲛⲥⲁϫⲓ ⳿ⲙⲙⲟⲥ ϧⲉⲛ ⲟⲩⲙⲩⲥⲧⲏⲣⲓⲟⲛ ⲑⲏⲉⲧϩⲏⲡ ⲑⲏ - ⲉⲧⲁϥⲉⲣϣⲟⲣⲡ ⳿ⲛⲑⲁϣⲥ ⳿ⲛϫⲉ ⲫϯ ϧⲁϫⲱⲟⲩ ⳿ⲛⲛⲓⲉⲛⲉϩ ⳿ⲉⲟⲩⲱⲟⲩ ⲛⲁⲛ. (aiōn g165)
8 Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. (aiōn g165)
ⲏ̅ⲑⲏ⳿ⲉⲧⲉ ⳿ⲙⲡⲉ ⳿ϩⲗⲓ ⳿ⲛⲛⲓⲁⲣⲭⲱⲛ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲁⲓⲉⲛⲉϩ ⲥⲟⲩⲱⲛⲥ ⳿ⲉⲛⲉ ⲁⲩⲥⲟⲩⲱⲛⲥ ⲅⲁⲣ ⲛⲁⲩⲛⲁⲉϣ Ⲡ⳪ ⳿ⲛⲧⲉ ⳿ⲡⲱⲟⲩ ⲁⲛ ⲡⲉ. (aiōn g165)
9 Ngunit gaya ng nasusulat, “Mga bagay na hindi nakita ng mata, na hindi narinig ng tainga, na hindi sumagi sa isipan, ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya.”
ⲑ̅ⲁⲗⲗⲁ ⲕⲁⲧⲁ ⳿ⲫⲣⲏϯ ⲉⲧ⳿ⲥϧⲏⲟⲩⲧ ϫⲉ ⲛⲏ⳿ⲉⲧⲉ ⳿ⲙⲡⲉ ⲃⲁⲗ ⲛⲁⲩ ⳿ⲉⲣⲱⲟⲩ ⲟⲩⲇⲉ ⳿ⲙⲡⲉ ⲙⲁϣϫ ⲥⲟⲑⲙⲟⲩ ⲟⲩⲇⲉ ⳿ⲙⲡⲟⲩϣⲉ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉϫⲉⲛ ⳿ⲡϩⲏⲧ ⳿ⲛⲣⲱⲙⲓ ⲛⲏⲉⲧⲁ ⲫϯ ⲥⲉⲃⲧⲱⲧⲟⲩ ⳿ⲛⲛⲏ ⲉⲑⲛⲁⲙⲉⲛⲣⲓⲧϥ.
10 Ito ang mga bagay na inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat sinasaliksik ng Espiritu ang lahat, kahit ang mga lihim ng Diyos.
ⲓ̅⳿ⲁⲛⲟⲛ ⲅⲁⲣ ⲁϥϭⲟⲣⲡⲟⲩ ⲛⲁⲛ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛϫⲉ ⲫϯ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓⲧⲉⲛ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲅⲁⲣ ⳿ϥϧⲟⲧϧⲉⲧ ⳿ⲛⲉⲛⲭⲁⲓ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⲛⲉⲙ ⲛⲏⲉⲧϣⲏⲕ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
11 Sapagkat sino ang nakakaalam sa iniisip ng tao, maliban ang espiritung nasa kaniya? Ganoon din, walang nakakaalam sa mga lihim ng Diyos maliban ang Espiritu ng Diyos.
ⲓ̅ⲁ̅ⲛⲓⲙ ⲅⲁⲣ ϧⲉⲛ ⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲉⲧⲥⲱⲟⲩⲛ ⳿ⲛⲛⲁ ⲡⲓⲣⲱⲙⲓ ⳿ⲉⲃⲏⲗ ⳿ⲉⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲓⲣⲱⲙⲓ ⲉⲧϣⲟⲡ ⳿ⲛϧⲏⲧϥ ⲡⲁⲓⲣⲏϯ ⲟⲛ ⲛⲁ ⲫϯ ⳿ⲙⲡⲉ ⳿ϩⲗⲓ ⳿ⲉⲙⲓ ⳿ⲉⲣⲱⲟⲩ ⳿ⲉⲃⲏⲗ ⳿ⲉⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
12 Ngunit hindi natin tinanggap ang espiritu ng mundo, kundi ang Espiritu na siyang nagmula sa Diyos, upang maaari nating malaman ang mga bagay na kusang ibinigay sa atin ng Diyos.
ⲓ̅ⲃ̅⳿ⲁⲛⲟⲛ ⲇⲉ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲁⲓⲕⲟⲥⲙⲟⲥ ⲁⲛ ⲡⲉⲧⲁⲛϭⲓⲧϥ ⲁⲗⲗⲁ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲡⲓ⳿ⲉⲃⲟⲗ ϧⲉⲛ ⲫϯ ϩⲓⲛⲁ ⳿ⲛⲧⲉⲛ⳿ⲉⲙⲓ ⳿ⲉⲛⲏⲉⲧⲁ ⲫϯ ⲧⲏⲓⲧⲟⲩ ⲛⲁⲛ ⳿ⲛ⳿ϩⲙⲟⲧ.
13 Sinasabi namin ang tungkol sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng salita na hindi kayang ituro sa pamamagitan ng karunungan ng tao, ngunit itinuro ng Espiritu sa amin. Ipinapaliwanag ng Espiritu ang mga espiritwal na mga salita sa espiritwal na karunungan.
ⲓ̅ⲅ̅ⲉⲧⲉ ⲛⲁⲓ ⲛⲉ ⲉⲧⲉⲛⲥⲁϫⲓ ⳿ⲙⲙⲱⲟⲩ ϧⲉⲛ ϩⲁⲛⲙⲉⲧⲣⲉϥϯ⳿ⲥⲃⲱ ⳿ⲛⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲁⲛ ⳿ⲛⲧⲉ ϩⲁⲛⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲥⲟⲫⲓ⳿ⲁ ⲁⲗⲗⲁ ϧⲉⲛ ϩⲁⲛⲙⲉⲧⲣⲉϥϯ ⳿ⲥⲃⲱ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲉⲛⲉⲣⲥⲩⲛ⳿ⲕⲣⲓⲛⲓⲛ ⳿ⲛϩⲁⲛⲡⲛ̅ⲁ̅ⲧⲓⲕⲟⲛ ⳿ⲛⲛⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ⲧⲓⲕⲟⲛ.
14 Hindi makakatanggap ng mga bagay na nabibilang sa Espiritu ng Diyos ang hindi espiritwal na tao, sapagkat kahangalan ang mga ito sa kaniya. Hindi niya nakikilala ang mga ito dahil ang mga ito ay nakikilala sa pamamagitan ng espiritu.
ⲓ̅ⲇ̅ⲡⲓⲯⲩⲭⲓⲕⲟⲥ ⲇⲉ ⳿ⲛⲣⲱⲙⲓ ⳿ⲙⲡⲁϥϣⲉⲡ ⲛⲁ ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ ⲫϯ ⳿ⲉⲣⲟϥ ⲟⲩⲙⲉⲧⲥⲟϫ ⲅⲁⲣ ⲛⲁϥ ⲡⲉ ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲙⲙⲟⲛ ⳿ϣϫⲟⲙ ⳿ⲙⲙⲟϥ ⳿ⲉ⳿ⲉⲙⲓ ϫⲉ ⲁⲩϧⲟⲧϧⲉⲧ ⳿ⲙⲙⲟϥ ⲡⲛ̅ⲁ̅ⲧⲓⲕⲟⲥ.
15 Hahatulan ng isang espiritwal ang lahat ng bagay, ngunit hindi siya sakop sa paghahatol ng iba.
ⲓ̅ⲉ̅ⲡⲓⲡⲛ̅ⲁ̅ⲧⲓⲕⲱⲥ ⲇⲉ ⳿ⲛⲑⲟϥ ϣⲁϥϧⲉⲧϧⲉⲧ ⳿ⲛⲉⲛⲭⲁⲓ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⳿ⲛⲑⲟϥ ⲇⲉ ⳿ⲙⲡⲁⲣⲉ ⳿ϩⲗⲓ ⳿ϣϧⲉⲧϧⲱⲧϥ.
16 “Sapagkat sino ang nakakaalam sa isip ng Panginoon upang siya ay turuan?” Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.
ⲓ̅ⲋ̅ⲛⲓⲙ ⲅⲁⲣ ⲡⲉⲧⲁϥ⳿ⲉⲙⲓ ⳿ⲉ⳿ⲡϩⲏⲧ ⳿ⲙⲠ⳪ ⳿ⲙⲙⲟⲛ ⲛⲓⲙ ⲉⲑⲛⲁ⳿ϣⲧⲥⲁⲃⲟϥ ⳿ⲁⲛⲟⲛ ⲇⲉ ⳿ⲡϩⲏⲧ ⳿ⲙⲠⲭ̅ⲥ̅ ⲡⲉⲧⲉⲙⲙⲟⲛ.

< 1 Mga Corinto 2 >