< 1 Mga Corinto 14 >

1 Magsumikap na matamo ang pag-ibig at maging masigasig sa mga kaloob ng Espiritu, lalung-lalo na upang maaari kayong makapagpahayag ng propesiya.
Sekvu amon; tamen deziregu spiritajn donacojn, sed prefere, ke vi profetadu.
2 Sapagkat ang sinumang nagsasalita ng ibang wika ay hindi nakikipag-usap sa mga tao kundi sa Diyos. Sapagkat walang sinuman ang nakakaunawa sa kaniya dahil siya ay nagsasalita ng mga lihim na bagay sa Espiritu.
Ĉar tiu, kiu per lingvo parolas, ne al homoj parolas, sed al Dio; ĉar neniu komprenas, sed en la spirito li parolas misterojn.
3 Ngunit ang sinumang nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin sila, upang palakasin ang kanilang loob, at upang sila ay aliwin.
Sed la profetanto parolas al homoj edifon kaj konsilon kaj konsolon.
4 Pinalalakas ng sinumang nagsasalita ng ibang wika ang kaniyang sarili, ngunit pinalalakas ng sinumang nagpapahayag ng propesiya ang iglesiya.
Tiu, kiu per lingvo parolas, edifas sin mem; sed la profetanto edifas la eklezion.
5 Ngayon nais kong magsalita kayong lahat sa iba't ibang mga wika. Ngunit mas higit pa riyan, nais kong makapagpapahayag kayo ng propesiya. Higit na dakila ang sinumang nagpapahayag ng propesiya kaysa sa sinumang nagsasalita ng iba't ibang mga wika (maliban kung may magbibigay ng kahulugan), upang mapalakas ang iglesiya.
Mi volas, ke vi ĉiuj parolu per lingvoj, sed prefere, ke vi profetadu; kaj pli granda estas la profetanto, ol la per lingvoj parolanta, krom se li ankaŭ interpretas, por ke la eklezio ricevu edifon.
6 Ngunit ngayon, mga kapatid, kung papariyan ako sa inyo na nagsasalita ng iba't ibang mga wika, paano ako makapagbibigay ng pakinabang sa inyo? Hindi ko kaya, maliban kung magsasalita ako sa inyo nang may pagpapahayag, o kaalaman, o propesiya, o pagtuturo.
Sed nun, fratoj, se mi venus al vi, parolante per lingvoj, kiel mi vin helpus, se mi ne parolus al vi, aŭ en formo de malkaŝado, aŭ de sciado, aŭ de profetado, aŭ de instruado?
7 Kung ang mga instrumento na walang buhay gaya ng plauta o ng alpa ay walang tunog na pagkakakilanlan, paano malalaman ng sinuman kung anong instrumento ang tinutugtog?
Eĉ la senvivaĵoj, kiuj produktas sonon, ĉu fluto, ĉu harpo, se ili ne donas diferencon en la sonoj, kiel oni scios, kio estas flutata aŭ harpata?
8 Sapagkat kung hinihipan ang trumpeta sa hindi tiyak na tunog, paano malalaman ng sinuman kung kailan ang oras para humanda sa pakikipaglaban?
Ĉar se la trumpeto donos necertan voĉon, kiu pretiĝos por batalo?
9 Kagaya din ito sa inyo. Kung magwiwika kayo ng salitang hindi naiintindihan, paano mauunawaan ng sinuman ang inyong sinabi? Magsasalita kayo at walang sinuman ang makakaunawa sa inyo.
Tiel ankaŭ vi, se vi per la lango ne donas parolon facile kompreneblan, kiel oni scios, kio estas parolata? ĉar en la aeron vi parolus.
10 Walang dudang maraming magkakaibang wika sa mundo, at lahat ay may kahulugan.
Eble estas tiom da specoj de voĉoj en la mondo, kaj nenia estas sensignifa.
11 Ngunit kung hindi ko alam ang kahulugan ng wika, magiging dayuhan ako sa tagapagsalita, at magiging dayuhan din sa akin ang tagapagsalita.
Se do mi ne scios la signifon de la voĉo, mi estos, rilate la parolanton, barbaro, kaj la parolanto estos por mi barbaro.
12 Gayon din naman sa inyo. Yamang sabik kayo para sa mga pagpapahayag ng Espiritu, maging masigasig upang sumagana sa pagpapalakas ng iglesiya.
Tiel same ankaŭ vi, dum vi fervore deziras spiritajn donacojn, klopodu, ke vi havu abunde por la edifo de la eklezio.
13 Kaya kailangang manalangin ang sinumang nagsasalita ng ibang wika na maaari niyang ipaliwanag ito.
Tial kiu parolas per lingvo, tiu preĝu, ke li interpretu.
14 Sapagkat kung mananalangin ako sa ibang wika, nananalangin din ang aking espiritu, ngunit walang pakinabang ang aking pag-iisip.
Ĉar se mi preĝas per lingvo, mia spirito preĝas, sed mia intelekto estas senfrukta.
15 Ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng aking espiritu, ngunit mananalangin din ako sa pamamagitan ng aking pag-iisip. Ako ay aawit sa pamamagitan ng aking espiritu, at aawit din ako sa pamamagitan ng aking pag-iisip.
Kio do estas? Mi preĝos spirite, kaj mi preĝos ankaŭ intelekte; mi kantos spirite, kaj mi kantos ankaŭ intelekte.
16 O kaya'y pinupuri ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng espiritu, paano magsasabi ng “Amen” ang tagalabas kapag kayo ay nagpapasalamat, kung hindi niya alam kung ano ang inyong sinasabi?
Alie, se vi benas spirite, kiamaniere tiu, kiu okupas la lokon de la malklerulo, diros Amen ĉe via dankesprimo? ĉar li ne scias, kion vi diras.
17 Sapagkat tiyak na kayo ay nagpasalamat ng sapat, ngunit hindi napalakas ang ibang tao.
Ĉar vi ja bone dankesprimas, sed la alia ne estas edifata.
18 Nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay nagsasalita ng iba't ibang wika nang higit pa sa inyong lahat.
Mi dankas Dion, mi parolas per lingvoj pli ol vi ĉiuj;
19 Ngunit sa iglesiya mas gugustuhin kong magsalita ng limang salita sa aking pang-unawa upang turuan ko ang iba, kaysa sampung libong salita sa ibang wika.
tamen en la eklezio mi preferus paroli kvin vortojn per mia intelekto, por ke mi instruu ankaŭ aliajn, ol dek mil vortojn per lingvo.
20 Mga kapatid, huwag maging mga bata sa inyong pag-iisip. Sa halip, kung tungkol sa kasamaan, maging gaya ng mga sanggol. Ngunit maging ganap sa inyong pag-iisip.
Fratoj, ne estu infanoj en viaj mensoj; tamen en malico estu infanetoj, sed en la mensoj estu plenaĝuloj.
21 Sa kautusan ito ay nasusulat, “Sa pamamagitan ng mga taong may ibang wika at sa pamamagitan ng mga bibig ng mga dayuhan ako ay magsasalita sa mga taong ito. Kahit hindi nila ako pakikinggan,” sabi ng Panginoon.
En la leĝo estas skribite: Per balbutantaj lipoj kaj per lingvo fremda Mi parolos al ĉi tiu popolo; kaj tamen tiel ili ne volos aŭskulti Min, diras la Eternulo.
22 Samakatwid ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay isang palatandaan, hindi sa mga mananampalataya, kundi sa mga mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng ppropesiya ay isang palatandaan, hindi para sa mga hindi mananampalataya kundi sa mga mananampalataya.
Tial la lingvoj estas kiel signo, ne al la kredantoj, sed al la nekredantoj; sed la profetpovo estas kiel signo, ne al la nekredantoj, sed al la kredantoj.
23 Samakatuwid, kung ang buong iglesya ay magsasama-sama at magsasalitang lahat ng iba't ibang wika, at may mga tagalabas at hindi manananampalatayang pumasok, hindi ba nila sasabihin na kayo ay nababaliw?
Se do la tuta eklezio kunvenos, kaj ĉiuj parolos per lingvoj, kaj tien envenos nekleruloj aŭ nekredantoj, ĉu ili ne diros, ke vi frenezas?
24 Ngunit kung kayong lahat ay nagpapahayag at may isang hindi mananampalataya o tagalabas na pumasok, mahihikayat siya sa pamamagitan ng lahat ng kaniyang maririnig. Masisiyasat siya sa pamamagitan ng lahat ng nasabi.
Sed se ĉiuj profetos, kaj envenos nekredanto aŭ neklerulo, li estos konvinkata de ĉiuj, li estos juĝata de ĉiuj;
25 Mailalantad ang mga lihim ng kaniyang puso. Bilang kalalabasan, magpapatirapa siya at sasamba sa Diyos. Kaniyang ihahayag na ang Diyos ay tunay na nasa inyong kalagitnaan.
la sekretoj de lia koro estos elmontrataj; kaj sekve li falos sur sian vizaĝon kaj adoros Dion, deklarante, ke Dio ja estas ĉe vi.
26 Ano nga ang susunod mga kapatid? Kung magsasama-sama kayo, ang bawat isa ay may salmo, may katuruan, may pahayag, may pagsasalita sa wika, o may pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng bagay upang mapatatag ang iglesya.
Kio do estas, fratoj? Kiam vi kunvenas, ĉiu havas psalmon, havas instruon, havas malkaŝaĵon, havas lingvon, havas interpretaĵon. Ĉio fariĝu por edifo.
27 Kung mayroon mang nagsasalita sa iba't ibang wika, hayaan na may dalawa o tatlo, at magsalitan ang bawat isa. At dapat na mayroong magpaliwanag sa kung ano ang nasabi.
Se oni parolas per lingvo, tio estu duope, aŭ triope je plejmulto, kaj laŭvice; kaj unu interpretu;
28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa sa iglesya. Hayaang magsalita ang bawat isa sa kaniyang sarili at sa Diyos.
sed se ne ĉeestas interpretanto, oni silentu en la eklezio; kaj li parolu al si kaj al Dio.
29 Hayaang magsalita ang dalawa o tatlong propeta at ang iba na makinig ng may pagkaalam sa kung ano ang nasabi.
Kaj la profetoj parolu duope aŭ triope, kaj la aliaj interdiferencigu.
30 Ngunit kung may kaalaman na naibigay sa isa sa mga nakaupo sa pagtitipon, manahimik ang nagsasalita.
Sed se al alia apudsidanta io malkaŝiĝos, la unua silentu.
31 Sapagkat ang bawat isa sa inyo ay maaring magpahayag ng isa-isa upang matuto ang bawat isa at ang lahat ay mapalakas.
Ĉar vi ĉiuj povas profeti unuope laŭvice, por ke ĉiuj lernu, kaj ĉiuj ricevu konsilon;
32 Sapagkat ang mga espiritu ng mga propeta ay napapasailalim sa pamamahala ng mga propeta.
kaj la spiritoj de la profetoj estas submetataj al la profetoj;
33 Sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kalituhan kundi ng kapayapaan. Gaya ng lahat ng nasa iglesya ng mga mananampalataya,
ĉar Dio estas Dio ne de konfuzo, sed de paco; kiel en ĉiuj eklezioj de la sanktuloj.
34 dapat manahimik ang mga kababaihan sa mga iglesya. Sapagkat hindi sila pinahihintulutang magsalita. Sa halip, dapat silang magpasakop tulad ng sinasabi sa kautusan.
La virinoj silentadu en la eklezioj; ĉar ne estas permesate al ili paroli, sed ili submetiĝu, kiel ankaŭ diras la leĝo.
35 Kung mayroon man silang nais matutuhan, hayaan silang magtanong sa kanilang mga asawa sa tahanan. Sapagkat nakakahiya para sa isang babae ang magsalita sa iglesya.
Kaj se ili volas lerni ion, ili demandu al siaj edzoj hejme; ĉar estas honte por virino paroli en la eklezio.
36 Nagmula ba sa inyo ang salita ng Diyos? Kayo lamang ba ang naabot nito?
Kio? ĉu el vi la vorto de Dio eliris? ĉu ĝi venis al vi solaj?
37 Kung mayroon man ang nag-iisip sa sarili niya na isa siyang propeta o espiritwal, dapat niyang kilalanin na ang mga bagay na isinulat ko sa inyo ay ang mga kautusan ng Panginoon.
Se iu ŝajnas al si esti profeto aŭ laŭspirita, li sciiĝu pri tio, kion mi skribas al vi, ke ĝi estas la ordono de la Sinjoro.
38 Ngunit kung may sinumang hindi kumikilala nito, huwag siyang kilalanin.
Sed se iu ne scias, li ne sciu.
39 Kaya mga kapatid, masigasig ninyong mithiin ang magpahayag ng propesiya at huwag pagbawalan ang sinuman sa pagsasalita sa iba't ibang mga wika.
Tial, fratoj, deziregu profeti, kaj ne malpermesu paroli per lingvoj.
40 Ngunit gawin ang lahat na may angkop at kaayusan.
Sed ĉio fariĝu konvene kaj laŭorde.

< 1 Mga Corinto 14 >