< Mga Awit 27 >

1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Gospod je vidjelo moje i spasenje moje; koga da se bojim? Gospod je krjepost života mojega; koga da se strašim?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
Ako navale na me zlikovci da pojedu tijelo moje, protivnici i neprijatelji moji, spotaæi æe se i pašæe.
3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako.
Ako protiv mene vojska u oko stane, neæe se uplašiti srce moje; ako se na me rat digne, ja se ni onda neæu bojati.
4 Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo.
Za jedno samo molim Gospoda, samo to ištem, da živim u domu Gospodnjem sve dane života svojega, da gledam krasotu Gospodnju i ranim u crkvu njegovu.
5 Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
Jer bi me sakrio u kolibi svojoj u zlo doba; sklonio bi me pod krovom šatora svojega; na kamenu goru popeo bi me.
6 At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Tada bih podigao glavu svoju pred neprijateljima koji bi me opkolili; prinio bih u njegovu šatoru žrtvu hvale; zapjevao bih i hvalio Gospoda.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Èuj, Gospode, glas moj, tebe prizivljem, smiluj se na me i usliši me.
8 Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
Srce moje govori pred tobom što si rekao: “tražite lice moje”; tražim lice tvoje, Gospode!
9 Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan.
Nemoj odvratiti od mene lica svojega, nemoj u gnjevu ostaviti sluge svojega; budi pomoænik moj; nemoj me odbiti, i nemoj me ostaviti, Bože, spasitelju moj!
10 Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
Jer otac moj i mati moja ostaviše me; ali Gospod neka me prihvati.
11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon: at patnubayan mo ako sa patag na landas, dahil sa aking mga kaaway.
Uputi me, Gospode, na put svoj i vodi me pravom stazom poradi onijeh koji me vrebaju.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan.
Nemoj me dati na volju neprijateljima mojim; jer ustaše na me lažni svjedoci; ali zloba govori sama protiv sebe.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay.
Vjerujem da æu vidjeti dobrotu Gospodnju na zemlji živijeh.
14 Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.
Uzdaj se u Gospoda, budi slobodan; neka bude srce tvoje krjepko, uzdaj se u Gospoda.

< Mga Awit 27 >