< Ezekiel 11 >

1 Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
Tada me podiže duh, i odnese me na istoèna vrata doma Gospodnjega koja gledaju na istok, i gle, na vratima bijaše dvadeset i pet ljudi, i meðu njima vidjeh Jazaniju sina Azurova i Felatiju sina Venajina, poglavare narodne.
2 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;
I reèe mi: sine èovjeèji, ovi ljudi smišljaju bezakonje, i zlo svjetuju u tom gradu,
3 Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.
Govoreæi: nije blizu; da gradimo kuæe; ovaj je grad lonac a mi meso.
4 Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.
Zato prorokuj protiv njih, prorokuj, sine èovjeèji.
5 At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.
I pade na me duh Gospodnji i reèe mi: reci: ovako veli Gospod: dome Izrailjev, tako govoriste, i znam misli srca vašega.
6 Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.
Mnoge pobiste u tom gradu, i napuniste ulice njihove pobijenijeh.
7 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.
Zato ovako veli Gospod Gospod: koje pobiste i pobacaste usred njega, oni su meso, a on je lonac, a vas æu izvesti iz njega.
8 Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
Bojite se maèa; maè æu pustiti na vas, govori Gospod Gospod.
9 At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.
I izvešæu vas iz njega, i daæu vas u ruke tuðincima, i izvršiæu na vama sudove.
10 Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Od maèa æete pasti, na meði Izrailjevoj sudiæu vam, i poznaæete da sam ja Gospod.
11 Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;
Ovaj grad neæe vam biti lonac niti æete vi biti u njemu meso; na meði Izrailjevoj sudiæu vam.
12 At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.
I poznaæete da sam ja Gospod, jer po uredbama mojim ne hodiste niti zakona mojih izvršivaste, nego èiniste po zakonima tijeh naroda što su oko vas.
13 At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?
A kad prorokovah, umrije Felatija sin Venajin; tada padoh na lice svoje i povikah iza glasa i rekoh: jaoh Gospode Gospode! hoæeš li da istrijebiš ostatak Izrailjev?
14 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
A glas Gospodnji doðe mi govoreæi:
15 Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.
Sine èovjeèji, braæa su tvoja, braæa tvoja, rodbina tvoja i dom Izrailjev vaskoliki, kojima govoriše Jerusalimljani: idite daleko od Gospoda, nama je data zemlja u našljedstvo.
16 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.
Zato reci: ovako veli Gospod Gospod: ako ih i odagnah daleko meðu narode, ako ih i rasijah po zemljama, opet æu im biti svetinja za malo u zemljama u koje otidoše.
17 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.
Zato reci: ovako veli Gospod Gospod: sabraæu vas iz naroda i pokupiæu vas iz zemalja u koje se rasijaste, i daæu vam zemlju Izrailjevu.
18 At sila'y magsisiparoon, at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.
I kad doðu u nju, izbaciæe iz nje sve gadove njezine i sve gnusobe njezine.
19 At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman;
I daæu im jedno srce i nov duh metnuæu u njih, i izvadiæu iz tijela njihova kameno srce i daæu im srce mesno,
20 Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.
Da bi hodili po mojim uredbama i držali moje zakone i izvršivali ih; i biæe mi narod, i ja æu im biti Bog.
21 Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.
A kojima srce ide po želji gnusoba njihovijeh i gadova njihovijeh, njihov æu put obratiti na njihovu glavu, govori Gospod Gospod.
22 Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.
Potom mahnuše heruvimi krilima svojim, i toèkovi otidoše prema njima, i slava Boga Izrailjeva bješe ozgo nad njima.
23 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.
I podiže se slava Gospodnja isred grada, i stade na gori koja je s istoka gradu.
24 At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.
A mene duh podiže i odnese u utvari duhom Božjim u Haldejsku k roblju; i utvara koju vidjeh otide od mene.
25 Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.
I kazah roblju sve rijeèi Gospodnje što mi pokaza.

< Ezekiel 11 >