< Mathayo 14 >

1 Kwa wakati huo, Herode alisikia habari juu ya Yesu.
Nang mga panahon na iyon, narinig ni Herodes na tetrarka ang mga balita tungkol kay Jesus.
2 Akawaambia watumishi wake, “Huyu ni Yohana Mbatizaji amefufuka kutoka katika wafu. Kwa hiyo nguvu hizi zipo juu yake.”
Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo, muli siyang nabuhay mula sa mga patay. Kaya ang mga kapangyarihang ito ay gumagawa sa kaniya.”
3 Kwa kuwa Herode alikuwa amemkamata Yohana akamfunga na kumtupa gerezani kwa sababu ya Herodia, mke wa Filipo kaka yake.
Sapagkat ipinadakip ni Herodes si Juan, iginapos siya at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe.
4 Kwa kuwa Yohana alimwambia, “Si halali kumchukua yeye kuwa mke wake.”
Sapagkat sinabi ni Juan sa kaniya, “Labag sa batas na gawin mo siyang asawa mo.”
5 Herode angemwua lakini aliwaogopa watu kwa sababu walimwona Yohana kuwa nabii.
Nais ni Herodes na siya ay ipapatay subalit natatakot siya sa mga tao sapagkat itinuring nila itong propeta.
6 Lakini wakati siku ya kuzaliwa Herode ilipofika binti wa Herodia alicheza katikati ya watu na kumpendeza Herode.
Ngunit noong dumating ang kaarawan ni Herodes, ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw sa gitna at nalugod si Herodes.
7 Katika kujibu kili aliahidi kwa kiapo kwamba atampa chochote atakachoomba.
Bilang tugon, nangako siya na may panunumpa na ipagkakaloob ang anumang hihilingin nito.
8 Baada ya kushauriwa na mama yake, alisema, “Nipe mimi hapa katika kombe kichwa cha Yohana Mbatizaji.”
Pagkatapos matagubilinan ng kaniyang ina, sinabi niya, “Ibigay mo sa akin dito, sa isang bandihado, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.”
9 Mfalme alikuwa na sikitiko kwa maombi ya binti, lakini kwa ajili ya kiapo chake, kwa sababu ya wote waliokuwa chakulani pamoja naye aliamuru kwamba inapaswa ifanyike.
Lubhang nabalisa ang hari dahil sa kaniyang kahilingan, ngunit dahil sa kaniyang sumpang binitawan at dahil sa lahat ng naroon sa hapunan na kasama niya, iniutos niya na ito ay mangyari.
10 Alituma Yohana aletwe kutoka gerezani
Nag-utos siya at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
11 ili akatwe kichwa chake na kikaletwa juu ya sinia na akapewa binti na akakipeleka kwa mama yake.
Pagkatapos ay dinala ang kaniyang ulong nasa bandihado at ibinigay sa babae at dinala niya ito sa kaniyang ina.
12 Kisha wanafunzi wake wakaja kuuchukua ule mwili na kuuzika, baada ya hili walienda kumwambia Yesu.
Pagkatapos nito ay dumating ang kaniyang mga alagad at kinuha ang kaniyang bangkay at saka inilibing. Pagkatapos nito, umalis sila at ibinalita ito kay Jesus.
13 Naye Yesu aliposika haya, akijatenga kutoka mahali pale akapanda ndani ya mashuka akaenda sehemu iliyotengwa. Wakati umati ulipo fahamu alikokuwa, walimfuata kwa miguu kutoka mijini.
Ngayon, nang marinig ito ni Jesus, umalis siya mula roon sa pamamagitan ng bangka at nagpunta sa isang liblib na lugar. Nang marinig ito ng mga tao, sinundan siya ng mga ito na naglalakad mula sa mga lungsod.
14 Kisha Yesu alikuja mbele yao akauona umati mkubwa. Akawaonea huruma na kuponya magonjwa yao.
At dumating si Jesus na nauna sa kanila at nakita ang maraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling ang mga may sakit sa kanila.
15 Jioni ilipotimia, wanafunzi wakaja kwake na kusema, “Hii ni sehemu ya jangwa, na siku tayari imepita. Watawanyishe makutano ili waende vijijini wakanunue chakula kwa ajili yao.
Nang sumapit ang gabi, lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi, “Ito ay ilang na lugar at natapos na ang araw. Pauwiin na ninyo ang mga taong napakarami, upang sila ay makapunta sa mga nayon at makapamili ng makakain para sa kanilang sarili.”
16 Lakini Yesu akawaambia, ''Hawana haja ya kwenda zao. Wapeni ninyi chakula”
Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na nila kailangan pang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain.”
17 Wakamwambia, ''Hapa tunayo mikate mitano na samaki wawili tu.”''
Sinabi nila sa kaniya, “Mayroon lamang kaming limang piraso ng tinapay at dalawang isda rito.”
18 Yesu akasema, “Ileteni kwangu.”
Sinabi ni Jesus, “Dalhin ninyo sa akin ang mga iyan.”
19 Kisha Yesu akauamuru umati kukaa chini ya nyasi. Akachukuwa mikate mitano na samaki wawili. Akatazama juu mbinguni, akabariki na kumega mikate akawapa wanafunzi. Wanafunzi wakaupatia umati.
Pagkatapos ay inutusan ni Jesus ang mga maraming tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda. Habang nakatingala sa langit, binasbasan niya at pinagpira-piraso ang mga tinapay at saka ibinigay sa mga alagad. Ipinamahagi naman ito ng mga alagad sa mga tao.
20 Wakala wote na kushiba. Kisha wakavikusanya vipande vyote vya chakula na kujaza vikapu kumi na mbili.
Lahat sila ay nakakain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga natira sa mga pinagpira-pirasong pagkain—labindalawang basket ang napuno.
21 Wale waliokula walikadiriwa kuwa wanaume elfu tano bila ya kusehabu wanawake na watoto.
Lahat ng kumain ay umabot sa limanlibong kalalakihan bukod sa mga kababaihan at mga bata.
22 Mara moja aliwaamuru wanafunzi waingie ndani ya mashua, wakati huo yeye akawaaga umati waende zao.
Kaagad na pinasakay niya ang mga alagad sa bangka upang mauna silang tumungo sa kabilang dako, habang pina-uuwi niya ang mga tao.
23 Baada ya kuwaaga umati kwenda zao, akapanda juu mlimani kuomba pekee yake. Wakati ilipokuwa jioni alikuwa huko pekee yake.
Pagkatapos niyang mapauwi ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok upang manalangin. Nang lumalim na ang gabi, mag-isa lamang siya roon.
24 Lakini sasa mashua ilipokuwa katikati ya bahari ukiyumbayumba kwa sababu ya mawimbi, kwani upepo ulikuwa wa mpisho.
Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
25 Katika usiku wa zamu ya nne Yesu aliwakaribia, akitembea juu ya maji.
Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.
26 Wakati wanafunzi wake walipomwona akiitembea juu ya bahari, walihofu na kusema, “Ni mzuka,'' na kupaaza sauti katika hali ya uoga.
Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, “Multo,” at sila ay nagsigawan sa takot.
27 Yesu akawaambia mara moja, akisema, “Jipeni moyo! ni mimi! msiogope.”
Ngunit agad nagsalita si Jesus sa kanila at sinabi, “Magpakatapang kayo! Ako ito! Huwag kayong matakot.”
28 Petro alimjibu kwa kusema, “Bwana, kama ni wewe, niamuru nije kwako juu ya maji.''
Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig.”
29 Yesu akasema, “Njoo.'' Hivyo Petro akatoka ndani ya mashua na akatembea juu ya maji kwenda kwa Yesu.
Sinabi ni Jesus, “Halika.” Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus.
30 Lakini Petro alipoona mawimbi, aliogopa, na kuanza kuzama, chini, akaita sauti na kusema, “Bwana, niokoe!''
Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, “Panginoon, iligtas mo ako!”
31 Haraka Yesu akanyoosha mkono wake akamnyanyua Petro, na kumwambia, “Wewe mwenye imani ndogo, kwa nini ulikuwa na mashaka?”
Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
32 Ndipo Yesu na Petro walipoingia katika mashua, upepo ulikoma kuvuma.
At nang sumakay si Jesus at Pedro sa bangka, huminto ang hangin sa pag-ihip.
33 Wanafunzi mashuani wakamwabudu Yesu na kusema, “Kweli wewe ni Mwana wa Mungu.”
At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”
34 Na walipokwisha kuvuka, walifika katika nchi ya Genesareti.
Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genasaret.
35 Na watu katika eneo lile walipomtambua Yesu, walituma ujumbe kila sehemu za kando, na kuleta kila aliyekuwa mgonjwa.
Nang nakilala si Jesus ng mga taong tagaroon, ipinamalita nila saan mang lugar sa palibotlibot at dinala nila sa kaniya ang bawat isa na may sakit.
36 Walimsihi kwamba waweze kugusha pindo la vazi lake, na wengi walioligusa waliponywa.
Nagmakaawa sila sa kaniya na kung maaari ay mahawakan nila ang laylayan ng kaniyang kasuotan, at lahat ng humawak dito ay gumaling.

< Mathayo 14 >