< Eclesiastés 5 >

1 Cuando fueres a la casa de Dios, mira bien por tu pie; y acércate más para oír, que para dar el sacrificio de los insensatos; porque no saben que hacen mal.
Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mangmang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawa sa buhay ay masama.
2 No te des priesa con tu boca, ni tu corazón se apresure a pronunciar palabra delante de Dios; porque Dios está en el cielo, y tú sobre la tierra: por tanto tus palabras sean pocas.
Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.
3 Porque como de la mucha ocupación viene el sueño, así la voz del insensato, de la multitud de las palabras.
Kapag ikaw ay napakaraming ginagawa at iniintindi, ikaw ay maaaring magkaroon ng mga masamang panaginip. At habang dumadami ang iyong sinasabi, lalong dumadami ang mga kahangalang maaaring masasabi mo pa.
4 Cuando a Dios prometieres promesa no tardes de pagarla; porque no se agrada de los insensatos. Lo que prometieres, paga.
Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata.
5 Mejor es que no prometas, que no que prometas, y no pagues.
Mas mainam pa na hindi magbigay ng isang panata kaysa magbigay ng isa na hindi mo naman matutupad.
6 No sueltes tu boca para hacer pecar a tu carne; ni digas delante del ángel, que fue ignorancia: ¿por qué harás tú que se aire Dios a causa de tu voz, y que destruya la obra de tus manos?
Huwag hayaan ang inyong mga bibig ay magdulot ng kasalanan sa inyong katawan. Huwag ninyong sabihin sa tagapagbalita ng pari, “Ang panatang iyon ay isang pagkakamali.” Bakit ginagalit ang Diyos sa maling panata, hinahamon ang Diyos upang wasakin ang gawa ng iyong mga kamay?
7 Porque los sueños son en multitud; y las vanidades y las palabras son muchas: mas teme a Dios.
Kaya sa maraming mga panaginip, katulad ng maraming mga salita, ito ay walang kabuluhang parang singaw. Kaya matakot sa Diyos.
8 Si violencias de pobres, y extorsión de derecho y de justicia vieres en la provincia, no te maravilles de esta licencia; porque alto está mirando sobre alto, y más altos están sobre ellos:
Kapag nakikita mong inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastong pagtrato sa iyong lalawigan, huwag magtaka na para bang walang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasa kapangyarihan na nangangalaga sa kanilang nasasakupan at mayroon pang mas mataas sa kanila.
9 Y mayor altura hay en todas las cosas de la tierra: mas el que sirve al campo es rey.
Karagdagan pa, ang ani ng lupain ay para sa lahat, at nakikinabang ang hari mismo sa ani mula sa mga bukirin.
10 El que ama el dinero, no se hartará de dinero; y el que ama el mucho tener, no tendrá fruto. También esto es vanidad.
Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw.
11 Cuando los bienes se aumentan, también se aumentan sus comedores: ¿qué bien pues tendrá su dueño sino ver los de sus ojos?
Habang nadaragdagan ang kasaganaan, gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata?
12 Dulce es el sueño del trabajador, que coma mucho, que poco: mas al rico, la hartura no le deja dormir.
Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing.
13 Hay otra trabajosa enfermedad que ví debajo del sol: las riquezas guardadas de sus dueños para su mal,
Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
14 Las cuales se pierden en malas ocupaciones; y a los hijos que engendraron nada les quedó en la mano:
Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
15 Como salió del vientre de su madre, desnudo, así se vuelve, tornando como vino, y nada tuvo de su trabajo para llevar en su mano.
Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyang kamay mula sa kaniyang paggawa.
16 Este también es un gran mal, que como vino, así se haya de volver. ¿Y de qué le aprovechó trabajar al viento?
Isa pang malubhang kasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?
17 Además de esto, todos los días de su vida comerá en tinieblas, y mucho enojo, y dolor, e ira.
Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama ang kadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.
18 He aquí pues el bien que yo he visto: Que lo bueno es comer, y beber, y gozar del bien de todo su trabajo, con que trabaja debajo del sol todos los días de su vida, que Dios le dio; porque esta es su parte.
Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
19 Y también, que a todo hombre, a quien Dios dio riquezas, y hacienda, también le dio facultad para que coma de ellas, y tome su parte, y goce su trabajo: esto es don de Dios.
Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
20 Porque no se acordará mucho de los días de su vida, porque Dios le responderá con alegría de su corazón.
Sapagkat hindi niya madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan niyang gawin.

< Eclesiastés 5 >