< Deuteronomio 13 >

1 Cuando se levantare en medio de ti profeta o soñador de sueño, y te diere señal, o milagro,
Kung may lilitaw sa inyo na isang propeta o isang nagbibigay kahulugan sa mga panaginip, at kung siya ay magbibigay sa inyo ng isang palatandaan o isang himala,
2 Y la señal, o milagro, que él te dijo, viniere, diciendo: Vamos en pos de dioses ajenos, que no conociste, y sirvámosles:
at kung darating ang tanda o ang himala, kung saan siya ay nagsalita sa inyo at sinabing, 'Sumunod tayo sa ibang mga diyus-diyosan, na hindi ninyo kilala, at sambahin natin sila,'
3 No oirás las palabras del tal profeta, ni al tal soñador de sueño: porque Jehová vuestro Dios os tienta por saber si amáis a Jehová vuestro Dios con todo vuestro corazón, y con toda vuestra alma.
huwag makinig sa mga salita ng propetang iyon, o ng mga nagbibigay kahulugan sa mga panaginip; dahil sinusubukan kayo ni Yahweh na inyong Diyos para malaman kung mahal ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at buong kaluluwa.
4 En pos de Jehová vuestro Dios andaréis, y a él temeréis, y sus mandamientos guardaréis, y su voz oiréis, y a él serviréis, y a él os llegaréis.
Maglalakad kayo kasunod ni Yahweh na inyong Diyos, parangalan siya, susundin ang kaniyang mga kautusan, at sumunod sa kaniyang boses, at sambahin ninyo siya at kumapit sa kaniya.
5 Y el tal profeta, o soñador de sueño, morirá porque habló rebelión contra Jehová vuestro Dios, que te sacó de tierra de Egipto, y te rescató de casa de siervos para echarte del camino, que Jehová tu Dios te mandó que anduvieses por él, y escombrarás el mal de en medio de ti.
Ilalagay sa kamatayan ang propeta o nagbibigay kahulugan sa mga panaginip na iyon, dahil nagsasalita siya ng paghihimagsik laban kay Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, at ang siyang tumubos sa inyo palabas sa bahay ng pagkaalipin. Gusto kayong ilayo ng propetang iyon sa daan kung saan kayo inutusang lumakad ni Yahweh na inyong Diyos. Kaya alisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
6 Cuando te incitare tu hermano, hijo de tu madre, o tu hijo, o tu hija, o la mujer de tu seno, o tu amigo que sea como tu alma, diciendo en secreto: Vamos, y sirvamos a dioses ajenos, que ni tú, ni tus padres conocistes,
Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
7 De los dioses de los pueblos que están en vuestros al derredores, cercanos a ti, o lejos de ti desde el un cabo de la tierra hasta el otro cabo de ella,
alinman sa mga diyus-diyosan ng mga tao na nakapalibot sa inyo, malapit sa inyo, o malayo mula sa inyo, mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa ibang dulo ng mundo.'
8 No consentirás con él, ni lo oirás, ni tu ojo le perdonará, ni habrás compasión, ni lo encubrirás.
Huwag sumang-ayon o makinig sa kaniya. Ni dapat siyang kaawaan ng inyong mata, ni papatawarin o itago siya.
9 Mas matando le matarás: tu mano será primero sobre él para matarle, y después la mano de todo el pueblo.
Sa halip, siguraduhin ninyong papatayin siya; ang inyong kamay ang mauun para patayin siya, at pagkatapos ang kamay na ng lahat ng mga tao.
10 Y apedrearle has con piedras, y morirá: por cuanto procuró echarte de Jehová tu Dios, que te sacó de tierra de Egipto, de casa de siervos;
Babatuhin ninyo siya hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng mga bato, dahil sinubukan niyang hilain kayo palayo mula kay Yahweh na inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pagkaalipin.
11 Para que todo Israel oiga, y tema, y no tornen a hacer cosa semejante a esta mala cosa en medio de ti.
Makikinig at matatakot ang buong Israel, at hindi magpapatuloy sa paggawa ng ganitong uri ng kasamaan sa inyo.
12 Cuando oyeres de alguna de tus ciudades, que Jehová tu Dios te da para que mores en ellas, que se dice:
Kung marinig ninyo sa sinuman na nagsasabi tungkol sa isa sa inyong mga lungsod na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para tirahan:
13 Hombres, hijos de impiedad, han salido de en medio de ti, que impelieron a los moradores de su ciudad, diciendo: Vamos y sirvamos a dioses ajenos, que vosotros no conocisteis;
Ang ilan sa masamang mga kasamahan ay umalis mula sa inyo at lumayo ang naninirahan sa kanilang lungsod at sinabing, 'Tayo na at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala.'
14 Tú inquirirás y buscarás, y preguntarás con diligencia: y si pareciere verdad, cosa cierta, que tal abominación se hizo en medio de ti;
Pagkatapos suriin ninyo ang katibayan, gumawa ng pagsasaliksik, at siyasatin ito ng mabuti. Kung ito ay totoo at tiyak na isang kasuklam-suklam na bagay na nagawa sa inyo—
15 Hiriendo herirás a filo de espada los moradores de aquella ciudad, destruyéndola a filo de espada con todo lo que en ella hubiere y sus bestias:
pagkatapos siguraduhing lumusob sa mga naninirahan sa lungsod sa pamamagitan ng talim ng tabak, ganap itong wasakin at ang lahat ng mga tao na narito, kasama ng alagang hayop, sa pamamagitan ng talim ng tabak.
16 Y todo el despojo de ella juntarás en medio de su plaza, y quemarás a fuego la ciudad y todo su despojo, todo ello, a Jehová tu Dios: y será montón perpetuo: nunca más se edificará.
pagsama-samahin ninyo ang lahat ng natirang mapapakinabangan pa mula rito sa gitna ng daan, at sunugin ang lungsod, gayon din ang lahat ng natirang mapapakinabangan rito— para kay Yahweh na inyong Diyos. Magiging isang bunton ng mga pagkasira magpakailanman ang lungsod; hindi na ito dapat pang maitayong muli.
17 Y no se pegará algo a tu mano del anatema; porque Jehová se aparte de la ira de su furor, y te dé mercedes, y haya misericordia de ti, y te multiplique, como lo juró a tus padres,
Wala ni isa sa mga bagay na iyon na inihiwalay para wasakin ang dapat manatili sa inyong kamay. Ito ang dapat na kalagayan, nang sa gayon tatalikod si Yahweh mula sa kabagsikan ng kaniyang galit, pakitaan kayo ng awa, may kahabagan sa inyo, at paparamihin ang inyong mga bilang, na ayon sa kaniyang isinumpa sa inyong mga ama.
18 Cuando obedecieres a la voz de Jehová tu Dios guardando todos sus mandamientos que yo te mando hoy, para hacer lo que es recto en ojos de Jehová tu Dios.
Gagawin niya ito dahil nakikinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinabi ko sa inyo ngayon, para gawin iyon na siyang tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.

< Deuteronomio 13 >