< Daniel 2 >

1 Y en el segundo año del reino de Nabucodonosor, soñó Nabucodonosor sueños, y su espíritu se quebrantó, y su sueño se huyó de él.
Sa ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip. Naguluhan ang kaniyang isip, at hindi siya makatulog.
2 Y mandó el rey llamar magos, astrólogos, y encantadores, y Caldeos, para que enseñasen al rey sus sueños: los cuales vinieron, y se presentaron delante del rey.
At ipinatawag ng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabing nakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mga mangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niya na sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga panaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
3 Y el rey les dijo: He soñado un sueño, y mi espíritu se ha quebrantado por saber el sueño.
Sinabi ng hari sa kanila, “Nagkaroon ako ng isang panaginip, at nababahala ang aking isipan na malaman ang kahulugan ng panaginip.”
4 Y los Caldeos hablaron al rey en Siriaco: Rey, para siempre vive: Di el sueño a tus siervos, y mostraremos la declaración.
Pagkatapos, nagsalita ang matatalinong kalalakihan sa wikang Aramaico, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Sabihin mo ang panaginip sa amin, ang inyong mga lingkod at ihahayag namin ang kahulugan.”
5 El rey respondió, y dijo a los Caldeos: El negocio se me fue de la memoria: si no me mostráis el sueño y su declaración, seréis hechos cuartos, y vuestras casas serán puestas por muladares.
Sumagot ang hari sa matatalinong kalalakihan, “Nalutas na ang usaping ito. Kung hindi ninyo maihahayag ang panaginip sa akin at bigyang kahulugan ito, pagpuputul-putulin ko ang inyong katawan at gagawin kong tambakan ng basura ang inyong mga tahanan.
6 Y si mostrareis el sueño y su declaración, recibiréis de mí dones, y mercedes, y grande honra: por tanto mostrádme el sueño, y su declaración.
Ngunit kung sasabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito, makakatanggap kayo ng mga kaloob mula sa akin, isang gantimpala at dakilang karangalan. Kaya sabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito.”
7 Respondieron la segunda vez, y dijeron: Diga el rey el sueño a sus siervos, y mostraremos su declaración.
Sumagot silang muli at sinabi, “Hayaang sabihin ito sa amin ng hari, ang kaniyang mga lingkod, ang panaginip at sasabihin namin sa inyo ang kahulugan nito.”
8 El rey respondió, y dijo: Yo conozco ciertamente que vosotros ponéis dilaciones, porque veis que el negocio se me ha ido de la memoria.
Sumagot ang hari, “Nakatitiyak ako na nangangailangan pa kayo ng mas maraming panahon dahil nakita ninyo kung gaano katatag ang aking pagpapasiya tungkol dito.
9 Si no me mostráis el sueño, una sola sentencia será de vosotros. Ciertamente respuesta mentirosa y perversa que decir delante de mí aparejáis vosotros, entre tanto que se muda el tiempo: por tanto decídme el sueño, para que yo entienda que me podéis mostrar su declaración.
Ngunit kung hindi ninyo sasabihin sa akin ang panaginip, may iisang hatol lamang para sa inyo. Napagpasiyahan ninyong maghanda ng bulaan at mapanlinlang na mga salita na sinang-ayunan ninyo upang sabihin sa akin hanggang magbago ang aking isip. Kung kaya, sabihin ninyo sa akin ang panaginip at pagkatapos ay alam ko na mabibigyang kahulugan ninyo ito para sa akin.”
10 Los Caldeos respondieron delante del rey, y dijeron: No hay hombre sobre la tierra que pueda declarar el negocio del rey: además de esto, ningún rey, príncipe, ni señor preguntó cosa semejante a ningún mago, ni astrólogo, ni Caldeo.
Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanang matugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dakila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ng ganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mula sa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, o mula sa isang matalinong tao.
11 Finalmente el negocio que el rey demanda es singular, ni hay quien lo pueda declarar delante del rey, salvo los dioses, cuya morada no es con la carne.
Ang pangangalingan ng hari ay mahirap, at walang sinuman ang makakapagsabi nito sa hari maliban sa mga diyos at hindi sila naninirahan kabilang sa mga tao.”
12 Por esto el rey con ira y con grande enojo mandó que matasen a todos los sabios de Babilonia.
Ito ang ikinagalit at labis na nagpagalit sa hari, at nagbigay siya ng utos na lipulin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
13 Y el mandamiento se publicó, y los sabios eran llevados a la muerte; y buscaron a Daniel, y a sus compañeros para matarlos.
Kaya nailabas ang kautusan. Lahat ng mga nakilala sa kanilang karunungan ay nahatulan ng kamatayan; hinanap din nila si Daniel at ang kaniyang mga kaibigan upang mailagay din sila sa kamatayan.
14 Entonces Daniel habló avisada y prudentemente a Arioc, capitán de los de la guarda del rey, que había salido para matar los sabios de Babilonia.
Pagkatapos, sumagot si Daniel ng may hinahon at mabuting pagpapasiya kay Arioc na pinuno ng mga tagabantay ng hari, na dumating upang patayin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
15 Habló, y dijo a Arioc, capitán del rey: ¿Qué es la causa que este mandamiento se publica de parte del rey tan apresuradamente? Entonces Arioc declaró el negocio a Daniel.
Tinanong ni Daniel ang pinuno ng tagabantay ng hari, “Bakit pabigla-bigla ang kautusan ng hari?” Kaya sinabi ni Arioc kay Daniel ang nangyari.
16 Y Daniel entró, y pidió al rey que le diese tiempo, y que él mostraría al rey la declaración.
Pagkatapos, pumasok si Daniel at humiling ng kasunduan sa hari upang maiharap niya ang pagpapaliwanag sa hari.
17 Entonces Daniel se fue a su casa; y declaró el negocio a Ananías, Misael, y Azarías sus compañeros;
Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
18 Para demandar misericordias del Dios del cielo sobre este misterio, y que Daniel y sus compañeros no pereciesen con los otros sabios de Babilonia.
Hinimok niya sila na hanapin ang habag mula sa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya at sila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunungan.
19 Entonces el misterio fue revelado a Daniel en visión de noche: por lo cual Daniel bendijo al Dios del cielo;
Nang gabing iyon, naihayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos ng kalangitan
20 Y Daniel habló, y dijo: Sea bendito el nombre de Dios de siglo hasta siglo; porque suya es la sabiduría y la fortaleza.
at sinabi, “Purihin ang pangalan ng Diyos ng walang hanggan at magpakailanman; sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay sa kaniya.
21 Y él es el que muda los tiempos, y las oportunidades: quita reyes, y pone reyes: da la sabiduría a los sabios, y la ciencia a los entendidos:
Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
22 El revela lo profundo y lo escondido: conoce lo que está en tinieblas, y la luz mora con él.
Inihahayag niya ang malalim at nakatagong mga bagay dahil alam niya ang mga nasa kadiliman at ang liwanag ay nananahan sa kaniya.
23 A ti, o! Dios de mis padres, te doy las gracias, y te alabo, que me diste sabiduría y fortaleza; y ahora me enseñaste lo que te pedimos, porque nos enseñaste el negocio del rey.
Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatan at pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akin kung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalam mo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.”
24 Después de esto Daniel entró a Arioc, al cual el rey había puesto para matar a los sabios de Babilonia: fue y díjole así: No mates los sabios de Babilonia: méteme delante del rey, que yo mostraré al rey la declaración.
Sa lahat ng mga ito, pumunta si Daniel upang makipagkita kay Arioc, ang isa na itinakda ng hari upang patayin ang lahat ng matatalino sa Babilonia. Lumapit siya at sinabi sa kaniya, “Huwag mong patayin ang matatalinong kalalakihan sa Babilonia. Samahan mo ako sa harapan ng hari at sasabihin ko ang kahulugan ng panaginip ng hari.
25 Entonces Arioc metió prestamente a Daniel delante del rey, y díjole así: Un varón de los trasportados de Judá he hallado, el cual declarará al rey la interpretación.
At dinala agad ni Arioc si Daniel sa harapan ng hari at sinabi, “Natagpuan ko na ang lalaki sa mga bihag ng Juda na makapaghahayag ng kahulugan sa panaginip ng hari.”
26 Respondió el rey, y dijo a Daniel, (al cual llamaban Baltasar: ) ¿Podrás tú hacerme entender el sueño que ví, y su declaración?
Sinabi ng hari kay Daniel (na tinatawag na Beltesazar), “May kakayahan ka bang sabihin sa akin ang panaginip na nakita ko at ang kahulugan nito?”
27 Daniel respondió delante del rey, y dijo: El misterio que el rey demanda, ni sabios, ni astrólogos, ni magos, ni adivinos lo pueden enseñar al rey.
Sumagot si Daniel sa hari at sinabi, “Ang hiwagang pangagailangan ng hari ay hindi maihahayag sa pamamagitan ng mga may karunungan, ni sa pamamagitan ng mga nagsasabi na nakikipag-usap sa patay, ni sa mga salamangkero, at hindi sa mga manghuhula.
28 Mas hay un Dios en los cielos el cual revela los misterios; y él ha hecho saber al rey Nabucodonosor lo que ha de acontecer a cabo de días. Tu sueño, y las visiones de tu cabeza sobre tu cama, es esto:
Gayon pa man, mayroong isang Diyos na naninirahan sa langit, na naghahayag ng mga lihim, at ipinaalam niya sa iyo, Haring Nebucadnezar kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw. Ang iyong panaginip at mga pangitain ng iyong isip habang nakahiga ka sa iyong higaan ay ang mga ito:
29 Tú, o! rey, en tu cama, tus pensamientos subieron por saber lo que había de ser en lo porvenir; y el que revela los misterios, te mostró lo que ha de ser.
Para sa iyo, hari, ang iyong mga pag-iisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan kung ano ang mangyayari sa panahong darating, at ang isang makapaghahayag ng mga lihim na ipaalam sa iyo ay malapit ng mangyari.
30 Y a mí, no por la sabiduría que en mí hay más que en todos los vivientes, ha sido revelado este misterio, mas para que yo notifique al rey la declaración, y que entendieses los pensamientos de tu corazón.
Para sa akin, hindi maihahayag ang lihim na ito sa akin dahil sa anumang karunungan na mayroon ako higit pa sa kahit sinong nabubuhay na tao. Inihayag ang lihim na ito sa akin upang ikaw na hari ay maaaring maunawaan ang kahulugan nito at upang maaari mong malaman ang mga pag-iisip na nasa iyong kalooban.
31 Tú, o! rey, veías, y he aquí una grande imagen. Esta imagen, que era muy grande, y cuya gloria era muy sublime, estaba en pie delante de ti, y su vista era terrible.
Hari, tumingala ka at nakita mo ang isang malaking imahen. Ang imaheng ito ay napaka-makapangyarihan at maliwanag na nakatayo sa iyong harapan. Kakila-kilabot ang liwanag nito.
32 La cabeza de esta imagen era de fino oro: sus pechos y sus brazos de plata: su vientre y sus muslos de metal:
Gawa sa purong ginto ang ulo ng imahen. Gawa sa pilak ang dibib at mga braso nito. Ang gitna at hita nito ay gawa sa tanso,
33 Sus piernas de hierro: sus pies en parte de hierro, y en parte de barro cocido.
at gawa sa bakal ang mga binti nito. Gawa sa pinaghalong bakal at putik ang mga paa nito.
34 Estabas mirando, hasta que una piedra fue cortada, no con manos, la cual hirió a la imagen en sus pies de hierro y de barro cocido, y los desmenuzó.
Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito.
35 Entonces fue también desmenuzado el hierro, el barro cocido, el metal, la plata, y el oro, y se tornaron como tamo de las eras del verano; y levantólos el viento, y nunca más se les halló lugar. Mas la piedra que hirió a la imagen, fue hecha un gran monte, que hinchió toda la tierra.
At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
36 Este es el sueño: la declaración de él diremos también en la presencia del rey.
Ito ang iyong panaginip. Ngayon, sasabihin na namin sa hari ang kahulugan.
37 Tú, o! rey, eres rey de reyes; porque el Dios del cielo te ha dado el reino, la potencia, y la fortaleza, y la majestad.
Ikaw hari, ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ng Diyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at ang karangalan.
38 Y todo lo que habitan hijos de hombres, bestias del campo, y aves del cielo, ha entregado en tu mano; y te ha hecho enseñorear sobre todo ello: tú eres aquella cabeza de oro.
Ibinigay niya sa iyong kamay ang lugar kung saan naninirahan ang mga tao. Ibinigay niya ang lahat ng hayop sa parang at mga ibon sa kalangitan sa iyong kamay, at ipinamahala niya ang lahat ng ito sa iyo. Ikaw ang gintong ulo ng imahen.
39 Y después de ti se levantará otro reino menor que tú; y otro tercero reino de metal, el cual se enseñoreará de toda la tierra.
Pagkatapos mo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababa sa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tanso ang mamamahala sa buong mundo.
40 Y el reino cuarto será fuerte como hierro; y como el hierro desmenuza, y doma todas las cosas, y como el hierro que quebranta todas estas cosas, desmenuzará y quebrantará.
Magkakaroon ng ikaapat na kaharian, kasintibay ng bakal, dahil winawasak ng bakal ang ibang bagay nang pira-piraso at dudurugin ang lahat ng bagay. Dudurugin niya ang lahat ng mga bagay at wawasakin ang mga ito.
41 Y lo que viste los pies y los dedos en parte de barro cocido de ollero, y en parte de hierro, el reino será diviso, y habrá en él algo de fortaleza de hierro, de la manera que viste el hierro mezclado con el tiesto de barro.
Tulad lamang ng nakita mo, ang paa at mga daliri ng paa na bahagyang gawa sa lutong putik at bahagyang gawa sa bakal, kaya ito ay magiging nahating kaharian; ilan sa kalakasan ng bakal ay naroon, tulad lamang ng nakita mong pinaghalong bakal kasama ang malambot na putik.
42 Y los dedos de los pies en parte de hierro, y en parte de barro cocido, en parte el reino será fuerte, y en parte será frágil.
Habang ang mga daliri sa paa ay bahagyang gawa sa bakal at bahagyang gawa sa putik, kaya ang kaharian ay bahagyang matibay at bahagyang marupok.
43 Cuanto a lo que viste el hierro mezclado con tiesto de barro, mezclarse han con simiente humana: mas no se pegarán el uno con el otro, como el hierro no se mezcla con el tiesto.
Habang nakita mo na inihalo ang bakal sa malambot na putik, kaya magkakahalo ang mga tao; hindi na sila mananatiling magkasama, gaya ng bakal na hindi inihahalo sa putik.
44 Mas en los días de estos reyes el Dios del cielo levantará un reino que eternalmente no se corromperá; y este reino no será dejado a otro pueblo: el cual desmenuzará, y consumirá todos estos reinos, y él permanecerá para siempre.
Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
45 De la manera que viste que del monte fue cortada una piedra, que no con manos, desmenuzó al hierro, al metal, al tiesto, a la plata, y al oro, el Dios grande mostró al rey lo que ha de acontecer en lo porvenir. Y el sueño es verdadero, y fiel su declaración.
Gaya ng iyong nakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nito ang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso. Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayari pagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpapaliwanag na ito ay maaasahan.”
46 Entonces el rey Nabucodonosor cayó sobre su rostro, y humillóse a Daniel, y mandó que le sacrificasen presentes y perfumes.
Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar sa harap ni Daniel at pinarangalan siya; iniutos niya na magsagawa ng handog at ang insensong iyon ay maihandog sa kaniya.
47 El rey habló a Daniel, y dijo: Ciertamente que el Dios vuestro es Dios de dioses, y el Señor de los reyes, y el descubridor de los misterios, pues pudiste revelar este misterio.
Sinabi ng hari kay Daniel, “Totoo na ang iyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, ang Panginoon ng mga hari, at ang siyang naghahayag ng mga lihim, sapagkat may kakayahan kang makapaghayag ng hiwagang ito.”
48 Entonces el rey magnificó a Daniel, y le dio muchos y grandes dones, y púsole por gobernador de toda la provincia de Babilonia, y por príncipe de los gobernadores sobre todos los sabios de Babilonia.
Pagkatapos, binigyan ng mataas na parangal ng hari si Daniel at binigyan siya ng maraming kamangha-manghang mga kaloob. Ginawa niya siyang pinuno sa buong lalawigan ng Babilonia.
49 Y Daniel demandó del rey, y él puso sobre los negocios de la provincia de Babilonia a Sidrac, Misac, y Abdenago: y Daniel a la puerta del rey.
Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.

< Daniel 2 >