< Матеј 26 >

1 И кад сврши Исус речи ове, рече ученицима својим:
At nangyari nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
2 Знате да ће до два дана бити пасха, и Сина човечијег предаће да се разапне.
“Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus”.
3 Тада скупише се главари свештенички и књижевници и старешине народне у двор поглавара свештеничког по имену Кајафе;
At ang mga punong pari at ang mga nakatatanda ng mga tao ay nagkatipun-tipon sa palasyo ng pinakapunong pari na nagngangalang si Caifas.
4 И световаше се како би Исуса из преваре ухватили и убили.
Nagsabwatan sila na hulihin si Jesus ng panakaw at patayin.
5 И говораху: Али не о празнику, да се не би народ побунио.
Sapagkat sinasabi nila, “Hindi sa araw ng pista, upang hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao.
6 А кад Исус беше у Витанији у кући Симона губавог,
Ngayon, habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,
7 Приступи к Њему жена са скленицом мира многоценог, и изли на главу Његову кад сеђаше за трпезом.
habang siya ay nakasandal sa mesa, may babae na lumapit sa kaniya na may dalang isang sisidlang alabastro ng mamahaling pabango, at ibinuhos niya ito sa kaniyang ulo.
8 А кад видеше то ученици Његови, расрдише се говорећи: Зашто се чини таква штета?
Subalit ng makita ng kaniyang mga alagad ito, sila'y nagalit at sinabi, “Anong dahilan sa pag-aaksayang ito?
9 Јер се могло ово продати скупо и новци дати сиромасима.
Maaari sana itong ipagbili ng malaking halaga at ipamimigay sa dukha.”
10 А кад разуме Исус, рече им: Шта сметате жену? Она учини добро дело на мени.
Ngunit si Jesus, na nalalaman ito, sinabi sa kanila, “Bakit ninyo binabagabag ang babaing ito? Sapagkat gumagawa siya ng napakabuting bagay sa akin.
11 Јер сиромахе имате свагда са собом, а мене немате свагда.
Nasa inyo palagi ang mga dukha, subalit hindi ninyo ako makakasama palagi.
12 А она изливши миро ово на тело моје за укоп ме приготови.
Sapagkat nang binuhos niya itong pabango sa aking katawan, ginawa niya ito para sa aking paglilibing.
13 Заиста вам кажем: где се год успроповеда ово јеванђеље по свему свету, казаће се и то за спомен њен што учини она.
Totoo itong sinasabi ko sa inyo, saan man ipangaral ang magandang balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay ipagsasabi din sa pag-alala sa kaniya.”
14 Тада један од дванаесторице, по имену Јуда Искариотски, отиде ка главарима свештеничким,
At ang isa sa Labingdalawa na nagngangalang Judas Iscariote ay pumunta sa mga punong pari
15 И рече: Шта ћете ми дати да вам га издам? А они му обрекоше тридесет сребрника.
at sinabi, “Ano ang nais ninyong ibigay sa akin, upang siya'y ibigay ko sa inyo?” At nagtimbang sila ng tatlumpung piraso ng pilak para sa kaniya.
16 И отада тражаше згоду да Га изда.
Mula ng panahong iyon humanap siya ng pagkakataon upang ibigay siya sa kanila.
17 А у први дан пресних хлебова приступише ученици к Исусу говорећи: Где ћеш да ти зготовимо пасху да једеш?
Ngayon sa unang araw ng tinapay na walang pampaalsa, nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi, “Saan mo nais na tayo ay maghanda upang iyong kainin ang pagkain ng Paskwa?”
18 А Он рече: Идите у град к томе и томе, и кажите му: Учитељ каже: време је моје близу, у тебе ћу да учиним пасху с ученицима својим.
Sinabi niya, “Pumunta kayo sa lungsod sa isang tao roon at sabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng Guro, “Ang panahon ko ay malapit na. Gaganapin ko ang Paskwa sa inyong bahay kasama ng aking mga alagad."”'
19 И учинише ученици како им заповеди Исус, и уготовише пасху.
Ginawa ng mga alagad kung ano ang ipinag-utos ni Jesus sa kanila, at inihanda nila ang pagkain ng Paskwa.
20 А кад би увече, седе за трпезу са дванаесторицом.
Nang sumapit ang gabi, umupo siya upang kumain kasama ang mga labingdalawang alagad.
21 И кад јеђаху рече им: Заиста вам кажем: један између вас издаће ме.
Habang sila'y kumakain, sinabi niya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.”
22 И забринувши се врло почеше сваки говорити Му: Да нисам ја, Господе?
At sila'y lubhang nalungkot, at ang bawat isa ay nagsimulang nagsipagtanong sa kaniya, “Tiyak na hindi ako, Panginoon?”
23 А Он одговарајући рече: Који умочи са мном руку у зделу онај ће ме издати.
Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.
24 Син човечији дакле иде као што је писано за Њега; али тешко оном човеку који изда Сина човечијег; боље би му било да се није ни родио онај човек.
Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak.”
25 А Јуда, издајник Његов, одговарајући рече: Да нисам ја, рави? Рече му: Ти каза.
Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya ay nagsabi, “Ako ba, Rabi?” Sinabi niya sa kaniya. “Ikaw mismo ang nagsabi.”
26 И кад јеђаху, узе Исус хлеб и благословивши преломи га, и даваше ученицима, и рече: Узмите, једите; ово је тело моје.
Habang sila'y kumakain, kumuha si Jesus ng tinapay, ipinagpasalamat ito, at pinagputol-putol. Binigay niya ito sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan.”
27 И узе чашу и давши хвалу даде им говорећи: Пијте из ње сви;
Kumuha siya ng kopa at nagpasalamat, at ibinigay ito sa kanila at sinabi, “Inumin ninyo ito, kayong lahat.
28 Јер је ово крв моја новог завета која ће се пролити за многе ради отпуштења греха.
Sapagkat ito ay ang aking dugo ng kasunduan na ibinuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan.
29 Кажем вам пак да нећу одсад пити од овог рода виноградског до оног дана кад ћу пити с вама новог у царству Оца свог.
Subalit sasabihin ko sa inyo, buhat ngayon hindi na ako muling iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na ako ay iinom nito ng panibago kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”
30 И отпојавши хвалу изиђоше на гору Маслинску.
At pagka-awit nila ng isang himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
31 Тада рече им Исус: Сви ћете се ви саблазнити о мене ову ноћ; јер у писму стоји: Ударићу пастира и овце од стада разбежаће се.
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.'
32 А по васкрсењу свом ја идем пред вама у Галилеју.
Ngunit pagkatapos nang aking pagkabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
33 А Петар рече Му: Ако се и сви саблазне о тебе ја се нећу никад саблазнити.
Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ang lahat ay aalis dahil sa iyo, ako ay hinding-hindi aalis.”
34 Рече му Исус: Заиста ти кажем: ноћас док петао не запева три пута ћеш ме се одрећи.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses.”
35 Рече Њему Петар: Да бих знао и умрети с Тобом нећу Те се одрећи. Тако и сви ученици рекоше.
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila.” At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36 Тада дође Исус с њима у село које се зове Гетсиманија, и рече ученицима: Седите ту док ја идем тамо да се помолим Богу.
Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin.”
37 И узевши Петра и оба сина Зеведејева забрину се и поче тужити.
Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.
38 Тада рече им Исус: Жалосна је душа моја до смрти; почекајте овде, и стражите са мном.
At sinabi niya sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko.”
39 И отишавши мало паде на лице своје молећи се и говорећи: Оче мој! Ако је могуће да ме мимоиђе чаша ова; али опет не како ја хоћу него како Ти.
Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, “Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo.”
40 И дошавши к ученицима нађе их где спавају, и рече Петру: Зар не могосте један час постражити са мном?
Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?
41 Стражите и молите се Богу да не паднете у напаст; јер је дух срчан, али је тело слабо.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”
42 Опет по други пут отиде и помоли се говорећи: Оче мој! Ако ме не може чаша ова мимоићи да је не пијем, нека буде воља Твоја.
Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”
43 И дошавши нађе их опет где спавају; јер им беху очи отежале.
At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.
44 И оставивши их отиде опет и трећи пут те се помоли говорећи оне исте речи.
At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.
45 Тада дође к ученицима својим и рече им: Једнако спавате и почивате; ево се приближи час, и Син човечији предаје се у руке грешника.
Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
46 Устаните да идемо; ево се приближи издајник мој.
Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin.”
47 И док Он још тако говораше, гле, Јуда, један од дванаесторице, дође, и с њим људи многи с ножевима и с кољем од главара свештеничких и старешина народних.
Habang siya'y nagsasalita, si Judas na isa sa Labingdalawa ay dumating. Kasama niya ang napakaraming tao na mula sa mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao. Dumating sila na may dalang mga espada at mga pamalo.
48 А издајник Његов даде им знак говорећи: Кога ја целивам онај је; држите га.
Ngayon ang tao na magkanulo kay Jesus ay nagbigay ng hudyat sa kanila na nagsasabi, “Kung sinuman ang aking hahalikan, siya na iyon. Sunggaban siya.”
49 И одмах приступивши к Исусу рече: Здраво, рави! И целива Га.
Agad-agad lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Binabati kita, Rabi” At hinalikan niya siya.
50 А Исус рече му: Пријатељу! Шта ћеш ти овде? Тада приступивши дигоше руке на Исуса и ухватише Га.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, gawin mo kung ano ang ipinunta mo dito.” Pagkatapos, nagsidatingan sila at hinawakan si Jesus, at sinunggaban siya.
51 И гле, један од оних што беху са Исусом машивши се руком извади нож свој те удари слугу поглавара свештеничког, и одсече му ухо.
Masdan ito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay inunat ang kaniyang kamay at hinugot ang kaniyang espada at tinapyas ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52 Тада рече му Исус: Врати нож свој на место његово; јер сви који се маше за нож од ножа ће изгинути.
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang espada sa kaniyang kaluban, sapagkat ang lahat ng gagamit ng espada ay masasawi sa pamamagitan din ng espada.
53 Или мислиш ти да ја не могу сад умолити Оца свог да ми пошаље више од дванаест легеона анђела?
Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel?
54 Али како би се испунило шта стоји у писму да ово треба да буде?
Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?”
55 У тај час рече Исус људима: Као на хајдука изишли сте с ножевима и с кољем да ме ухватите, а сваки дан сам код вас седео учећи у цркви, и не ухватисте ме.
Sa oras na iyon si Jesus ay nagsabi sa maraming tao, “Pumunta kayo rito na dala-dala ang mga espada at mga pamalo upang hulihin ako katulad ng isang tulisan? Araw-araw ay nakaupo ako sa templo na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli.
56 А ово све би да се збуду писма пророчка. Тада ученици сви оставише Га, и побегоше.
Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad.” At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
57 И они што ухватише Исуса одведоше Га поглавару свештеничком, Кајафи, где се књижевници и старешине сабраше.
Ang mga humuli kay Jesus ang nagdala sa kaniya sa pinakapunong pari na si Caifas, kung saan ang mga eskriba at mga nakatatanda ay nagkatipun-tipon.
58 А Петар иђаше за Њим издалека до двора поглавара свештеничког и ушавши унутра седе са слугама да види свршетак.
Ngunit sumunod si Pedro sa kaniya na may kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Pumunta siya sa loob at umupo kasama ng mga tagapagbantay upang makita ang kahihinatnan.
59 А главари свештенички и старешине и сав сабор тражаху лажна сведочанства на Исуса да би Га убили;
Ngayon, ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng maling patotoo laban kay Jesus, upang siya'y kanilang mapatay.
60 И не нађоше; и премда многи лажни сведоци долазише, не нађоше. Најпосле дођоше два лажна сведока,
Ngunit wala silang mahanap na kahit ano, bagamat maraming maling mga saksi ang nagsilapit. Ngunit mayamaya may dalawang lumapit
61 И рекоше: Он је казао: Ја могу развалити цркву Божју и за три дана начинити је.
at sinabi, “Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw.”'
62 И уставши поглавар свештенички рече Му: Зар ништа не одговараш што ови на тебе сведоче?
Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo?
63 А Исус је ћутао. И поглавар свештенички одговарајући рече Му: Заклињем те живим Богом да нам кажеш јеси ли ти Христос син Божји?
Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, “Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos.
64 Рече му Исус: Ти каза. Али ја вам кажем: одселе ћете видети Сина човечијег где седи с десне стране силе и иде на облацима небеским.
Si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit.”
65 Тада поглавар свештенички раздре хаљине своје говорећи: Хули на Бога; шта нам требају више сведоци? Ево сад чусте хулу његову.
At pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga damit at nagsabi, “Siya ay nagsalita ng kalapastangan! Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Ngayon inyo nang narinig ang kalapastangan.
66 Шта мислите? А они одговарајући рекоше: Заслужио је смрт.
Ano sa tingin ninyo?” Sumagot sila at nagsabi, “Siya'y karapatdapat na mamatay.”
67 Тада пљунуше Му у лице, и ударише Га по лицу, а једни Му даше и приушке
At dinuraan nila siya sa mukha at pinagsusuntok at pinagsasampal
68 Говорећи: Прореци нам, Христе, ко те удари?
at sinabi, “Hulaan mo sa amin, ikaw na Cristo. Sino sa amin ang humampas sa iyo?”
69 А Петар сеђаше напољу на двору, и приступи к њему једна слушкиња говорећи: и ти си био с Исусом Галилејцем.
Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, “Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea.”
70 А он се одрече пред свима говорећи: Не знам шта говориш.
Ngunit ikinaila niya ito sa harap nilang lahat, na sinasabi, “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”
71 А кад изиђе к вратима угледа га друга, и рече онима што беху онде: и овај беше са Исусом Назарећанином.
Nang siya ay lumabas sa isang tarangkahan, isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga nandoon, “Ang taong ito ay kasama din ni Jesus na taga-Nazaret.”
72 Он опет одрече се клетвом: Не знам тог човека.
At muli niyang ikinaila na may sumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan.”
73 А мало потом приступише они што стајаху и рекоше Петру: Ваистину и ти си од њих; јер те и говор твој издаје.
At pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit kay Pedro ang mga nakatayo doon at sinabi, “Tiyak na ikaw rin ay isa sa kanila, sapagkat halatang-halata ka sa iyong pananalita.”
74 Тада се поче клети и преклињати да не зна тог човека. И одмах запева петао.
Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan,” at agad-agad tumilaok ang tandang.
75 И опомену се Петар речи Исусове што му је рекао: Док петао не запева три пута ћеш ме се одрећи. И изашавши напоље плака горко.
At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus na, “Bago tumilaok ang tandang ikakaila mo ako nga tatlong beses.” At siya'y lumabas at labis na umiyak.

< Матеј 26 >