< Лука 12 >

1 Кад се на њих скупише хиљаде народа да стадоше газити један другог, онда поче најпре говорити ученицима својим: Чувајте се квасца фарисејског, који је лицемерје.
Samantala, nang ang libu-libong mga tao ay nagkatipon-tipon, na halos ang bawat isa ay nagkakatapak-tapakan, sinimulan muna niyang sabihin sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo, na ang pagkukunwari.
2 Јер ништа није сакривено што се неће открити, ни тајно што се неће дознати;
Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman.
3 Јер шта у мраку рекосте, чуће се на виделу; и шта на ухо шаптасте у клетима, проповедаће се на крововима.
Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
4 Али вам кажем, пријатељима својим: не бојте се од оних који убијају тело и потом не могу ништа више учинити.
Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa.
5 Него ћу вам казати кога да се бојите: бојте се Оног који има власт пошто убије бацити у пакао; да, кажем вам, Оног се бојте. (Geenna g1067)
Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. (Geenna g1067)
6 Не продаје ли се пет врабаца за два динара? И ниједан од њих није заборављен пред Богом.
Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos.
7 А у вас је и коса на глави избројана. Не бојте се дакле; ви сте бољи од много врабаца.
Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya.
8 Него вам кажем: који год призна мене пред људима признаће и Син човечији њега пред анђелима Божијим;
Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos,
9 А који се одрече мене пред људима њега ће се одрећи пред анђелима Божијим.
ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10 И сваки који рече реч на Сина човечијег опростиће му се, а који хули на Светог Духа неће му се опростити.
Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
11 А кад вас доведу у зборнице и на судове и пред поглаваре, не брините се како ћете или шта одговорити, или шта ћете казати;
Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin,
12 Јер ће вас Свети Дух научити у онај час шта треба рећи.
dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
13 Рече Му пак неки из народа: Учитељу! Реци брату мом да подели са мном достојање.
At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
14 А Он му рече: Човече! Ко је мене поставио судијом или кметом над вама?
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?”
15 А њима рече: Гледајте и чувајте се од лакомства; јер нико не живи оним што је сувише богат.
At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
16 Каза им, пак, причу говорећи: У једног богатог човека роди њива.
Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, “Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana,
17 И мишљаше у себи говорећи: Шта ћу чинити? Немам у шта сабрати своју летину.
at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?'
18 И рече: Ево ово ћу чинити: покварићу житнице своје и начинићу веће; и онде ћу сабрати сва своја жита и добро своје;
Sinabi niya, 'Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at tatayuan ko ng mas malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at iba pang mga ari-arian.
19 И казаћу души својој: Душо! Имаш много имање на много година; почивај, једи, пиј, весели се.
Sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa, marami kang mga ari-arian na naitago sa maraming taon. Magpahinga ng mabuti, kumain, uminom, at magpakasaya.'”
20 А Бог њему рече: Безумниче! Ову ноћ узеће душу твоју од тебе; а шта си приправио чије ће бити?
Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Hangal na tao, ang iyong kaluluwa ay kukunin ngayong gabi, at ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito?
21 Тако бива ономе који себи тече благо, а не богати се у Бога.
Ganyan ang isang tao na nag-iipon ng kayamanan para sa kaniyang sarili at hindi mayaman para sa Diyos.”
22 А ученицима својим рече: Зато вам кажем: не брините се душом својом шта ћете јести; ни телом у шта ћете се обући:
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabahala tungkol sa inyong buhay—kung ano ang inyong kakainin, o tungkol sa inyong katawan—kung ano ang inyong susuotin.
23 Душа је претежнија од јела и тело од одела.
Sapagkat ang buhay ay mas higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay mas higit kaysa sa mga damit.
24 Погледајте гавране како не сеју ни жању, који немају подруме ни житнице, и Бог их храни: а колико сте ви претежнији од птица?
Isipin ninyo ang mga uwak, hindi sila naghahasik o umaani. Wala silang bodega o kamalig, ngunit sila ay pinapakain ng Diyos. Gaano na lamang kayo kahalaga kaysa sa mga ibon!
25 А ко од вас бринући се може примакнути расту свом лакат један?
At sino sa inyo ang sa pag-aalala ay makapagdaragdag ng kahit isang kubit sa haba ng kaniyang buhay?
26 А кад ни најмање шта не можете, зашто се бринете за остало?
Kung gayon na hindi ninyo magawa ang kahit pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababahala sa ibang mga bagay?
27 Погледајте љиљане како расту: не труде се, нити преду; али ја вам кажем да ни Соломун у свој слави својој не обуче се као један од њих.
Isipin ninyo ang mga liryo—kung paano sila lumalaki. Sila ay hindi nagtatrabaho o ni nagsusulid man lang. Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagdamit na tulad ng isa sa mga ito.
28 А кад траву по пољу, која данас јесте, а сутра се у пећ баца, Бог тако одева, а камоли вас, маловерни!
Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
29 И ви не иштите шта ћете јести или шта ћете пити, и не брините се;
Huwag hanapin kung ano ang inyong kakainin, at kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabahala.
30 Јер ово све ишту и незнабошци овог света; а Отац ваш зна да вама треба ово.
Dahil ang mga bagay na ito ang hinahanap ng lahat ng mga bansa sa mundo, at alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.
31 Него иштите царство Божије, и ово ће вам се све додати.
Ngunit hanapin ang kaniyang kaharian, at ang lahat ng bagay na ito ay maidadagdag sa inyo.
32 Не бој се мало стадо! Јер би воља вашег Оца да вам да царство.
Huwag matakot, maliit na kawan, dahil ang inyong Ama ay lubos na nalulugod na ibigay sa inyo ang kaharian.
33 Продајте шта имате и дајте милостињу; начините себи торбе које неће оветшати, хазну која се никад неће испразнити, на небесима, где се лупеж не прикучује нити мољац једе.
Ipagbili ang inyong mga ari-arian at ibigay ito sa mahihirap. Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka na hindi nasisira—mga kayamanan sa kalangitan na hindi nawawala, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, at hindi sinisira ng tanga.
34 Јер где је ваше благо онде ће бити и срце ваше.
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.
35 Нека буду ваша бедра запрегнута и свеће запаљене;
Isuksok ninyo ang inyong mahabang damit sa inyong sinturon, at panatilihing nag-aapoy ang inyong mga ilawan,
36 И ви као људи који чекају господара свог кад се врати са свадбе да му одмах отворе како дође и куцне.
at maging katulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang amo na bumalik mula sa kasalan, upang kung siya ay bumalik at kumatok, agad nilang bubuksan ang pinto para sa kaniya.
37 Благо оним слугама које нађе господар кад дође, а они страже. Заиста вам кажем да ће се запрегнути, и посадиће их, и приступиће, те ће им служити.
Pinagpala ang mga lingkod na iyon, na masusumpungan ng amo na nagbabantay sa kaniyang pagbabalik. Totoo, sinasabi ko sa inyo na isusuksok niya ang mahaba niyang damit sa kaniyang sinturon, pauupuin sila para sa pagkain, at lalapit at pagsisilbihan sila.
38 И ако дође у другу стражу, и у трећу стражу дође, и нађе их тако, благо оним слугама.
Kung ang amo ay dadating sa pangalawang pagbantay sa gabi o kahit sa pangatlong pagbantay at nakita silang handa, pinagpala ang mga lingkod na iyon.
39 Али ово знајте: кад би знао домаћин у који ће час доћи лупеж, чувао би и не би дао поткопати кућу своју.
Dagdag pa nito alamin ninyo ito, na kung alam ng amo ang oras ng pagdating ng magnanakaw, hindi niya hahayaang mapasok ang kaniyang tahanan.
40 И ви, дакле, будите готови: јер у који час не мислите доћи ће Син човечији.
Maging handa din, dahil hindi niyo alam ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.”
41 А Петар Му рече: Господе! Говориш ли нама ову причу или свима?
Sinabi ni Pedro, “Panginoon, sa amin mo lamang ba sinasabi ang talinghagang ito o para rin sa lahat?”
42 А Господ рече: Ко је дакле тај верни и мудри пристав ког постави господар над чељади својом да им даје храну на оброк?
Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon?
43 Благо том слузи ког дошавши господар његов нађе да извршује тако.
Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating.
44 Заиста вам кажем: над свим својим имањем поставиће га.
Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian.
45 Ако ли каже слуга у срцу свом: Неће мој господар још задуго доћи; и стане бити слуге и слушкиње, и јести и пити, и опијати се;
Ngunit kung sinasabi ng lingkod na iyon sa kaniyang puso, “Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon,' at sinimulan niyang bugbugin ang mga lalaki at babaeng lingkod, at kakain at iinom, at malalasing,
46 Доћи ће господар тога слуге у дан кад се не нада, и у час кад не мисли, и расећи ће га, и део његов метнуће с невернима.
ang panginoon ng lingkod na iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya ay pagpipira-pirasuhin at magtatalaga siya ng lugar para sa kaniya kasama ang mga hindi tapat.
47 А онај слуга који зна вољу господара свог, и није се приправио, нити учинио по вољи његовој, биће врло бијен;
Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami.
48 А који не зна па заслужи бој, биће мало бијен. Коме је год много дано много ће се искати од њега; а коме предаше највише највише ће искати од њега.
Ngunit ang hindi nakakaalam, at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa pagbugbog, ay mabubugbog nang kaunti. Ang lahat ng binigyan ng marami, marami din ang hihingiin sa kaniya, at ang pinagkatiwalaan ng marami, marami ang hihingiin nila sa kaniya.
49 Ја сам дошао да бацим огањ на земљу; и како би ми се хтело да се већ запалио!
Pumarito ako upang magbaba ng apoy sa mundo, at ninanais ko na ito ay magningas.
50 Али се мени ваља крстити крштењем, и како ми је тешко док се не сврши!
Ngunit mayroon akong bautismo na kailangang danasin, at labis akong namimighati hanggang sa ito ay matapos!
51 Мислите ли да сам ја дошао да дам мир на земљу? Не, кажем вам, него раздор.
Iniisip ba ninyo na ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo? Hindi, sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkabaha-bahagi.
52 Јер ће, одселе, пет у једној кући бити раздељени, устаће три на два, и два на три.
Dahil mula ngayon may lima sa isang tahanan na magkakabaha-bahagi—tatlong tao laban sa dalawa at dalawang tao laban sa tatlo.
53 Устаће отац на сина и син на оца; мати на кћер и кћи на матер; свекрва на снаху своју и снаха на свекрву своју.
Sila ay magkakabaha-bahagi, ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama; ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina; ang biyenan na babae laban sa manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenan na babae.
54 А народу говораше: Кад видите облак где се диже од запада одмах кажете: Биће дажд; и бива тако.
Sinasabi din ni Jesus sa napakaraming tao, “Kung nakikita ninyong namumuo ang ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi, 'May ulan na paparating', at gayon ang nangyayari.
55 И кад видите југ где дува кажете: Биће врућина; и бива.
At kung iihip ang hangin sa timog, sinasabi ninyo, 'Magkakaroon ng matinding init,' at ito ay nangyayari.
56 Лицемери! Лице неба и земље умете познавати, а време ово како не познајете?
Mga mapagkunwari, alam ninyo kung paano ipakahulugan ang anyo ng mundo at kalangitan, ngunit paanong hindi ninyo alam bigyang-kahulugan ang kasalukuyang panahon?
57 Зашто пак и сами од себе не судите праведно?
Bakit hindi ninyo hatulan kung ano ang tama para sa inyong mga sarili?
58 Јер кад идеш са својим супарником кнезу, гледај не би ли се на путу с њим поравнао да те не притегне судији, и судија да те не преда слузи, и слуга да те не баци у тамницу.
Sapagkat kung ikaw ay pupunta sa harapan ng hukom kasama ang iyong kaaway, sa daan ay sikapin mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa kaniya upang hindi ka niya kaladkarin sa hukom, upang hindi ka dalhin ng hukom sa opisyal at hindi ka ilagay ng opisyal sa bilangguan.
59 Кажем ти: нећеш оданде изићи док не даш и последњи динар.
Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalaya mula doon hanggang mabayaran mo ang kahuli-hulihang salapi.”

< Лука 12 >