< Јудина 1 >

1 Од Јуде, Исуса Христа слуге, а брата Јаковљевог, званима, који су освећени Богом Оцем и одржани Исусом Христом:
Judas, isang lingkod ni Jesu-Cristo, at kapatid na lalaki ni Santiago, sa kanilang mga tinawag, minamahal sa Diyos Ama at nanatili para kay Jesu-Cristo,
2 Милост и мир и љубав да вам се умножи.
nawa ang awa, kapayapaan at pag-ibig ay sumagana sa inyo.
3 Љубазни! Старајући се једнако да вам пишем за опште ваше спасење, би ми потребно да вам пишем молећи да се борите за праведну веру, која је једанпут дана светима.
Minamahal, habang sinisikap kong sumulat sa inyo tungkol sa ating pangkalahatang kaligtasan, kailangang sulatan ko kayo upang hikayatin kayo na magsumikap para sa pananampalataya na minsan nang ibinigay sa lahat ng mga naniniwala.
4 Јер се увукоше неки безбожни људи, који су давно одређени на ово суђење, и Бога нашег благодат претварају у нечистоту, и јединог Господара Бога и Господа нашег Исуса Христа одричу се.
Dahil may ibang mga tao na palihim na nakisama sa kalagitnaan ninyo—mga taong tinatakan ng paghahatol - mga taong walang Diyos na inililihis ang biyaya ng Panginoon patungo sa kahalayan at itinatanggi ang ating nag-iisang Panginoon at Diyos na si Jesu- Cristo.
5 Али ћу вам напоменути, кад и ви знате ово једанпут, да Господ избави народ из земље мисирске, потом погуби оне који не вероваше.
Ngayon nais kong ipaalala sa inyo, kahit na lubos na ninyong alam ito, na ang Panginoon ang nagligtas sa isang bayan palabas sa lupain ng Ehipto, ngunit pagkatapos pinuksa niya ang mga hindi naniwala.
6 И анђеле који не држаше своје старешинство него оставише свој стан чува у вечним оковима под мраком за суд великог дана. (aïdios g126)
At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom. (aïdios g126)
7 Као што Содом и Гомор, и околни њихови градови, који су се прокурвали онако као и они, и ходили за другим месом, поставише се углед и муче се у вечном огњу: (aiōnios g166)
Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. (aiōnios g166)
8 Тако дакле и ови што сањајући тело погане, а поглаварства се одричу, и на славу хуле.
Gayunman sa parehong paraan, ang mga nananaginip na ito ay dinudungisan din ang kanilang mga katawan, at tinatanggihan ang awtoridad, at sinisiraan nila ang dangal ng mga maluwalhating mga anghel.
9 А Михаило Арханђел, кад се препираше с ђаволом и говораше за Мојсијево тело, не смеше проклети суд да изговори, него рече: Господ нека ти запрети.
Subalit maging si Miguel ang arkanghel, nang siya ay nakipagtalo sa diyablo at nakipaglaban sa kaniya tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas magbigay ng mapanirang paghatol laban sa kaniya, sa halip sinabi niya, “Sawayin ka nawa ng Diyos!”
10 А ови хуле на оно што не знаду; а шта знаду по природи као неразумна животиња, у оном се распадају.
Ngunit nagbibigay ng mga paninirang-puri ang mga taong ito laban sa anumang hindi nila maintindihan. At ano kanilang naiintindihan— kung ano ang pag-uugali ng mga hayop na wala sa katuwiran— ang mga ito ang nagpahamak sa kanila.
11 Тешко њима! Јер путем Каиновим пођоше и у превару Валамове плате падоше, и у буни Корејевој изгибоше.
Kaawa-awa sila! Dahil sila ay lumakad sa daan ni Cain, at nahulog sa pagkakamali ni Balaam. Sila ay namatay sa paghihimagsik ni Kora.
12 Ово су они што погане ваше милостиње једући с вама без страха и гојећи се; облаци безводни, које ветрови разносе; јесенска дрвета неродљива, која су двапут умрла, и из корена ишчупана;
Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat-
13 Бесни валови морски, који се пене својим срамотама, звезде лажне, којима се чува мрак вечне таме. (aiōn g165)
marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman. (aiōn g165)
14 Али и за овакве пророкова Енох, седми од Адама, говорећи: Гле, иде Господ с хиљадама светих анђела својих
Si Enoc, ang ika-pito sa linya mula kay Adan, nagpahayag tungkol sa kanila, na sinasabing, “Pagmasdan ninyo! Ang Panginoon ay darating kasama ang libo-libong mga banal,
15 Да учини суд свима, и да покара све безбожнике за сва њихова безбожна дела којима безбожност чинише, и за све ружне речи њихове које безбожни грешници говорише на Њ.
upang magsagawa ng paghuhukom sa bawat isa, at hatulan ang lahat ng hindi maka-diyos sa kanilang mga ginagawa at pamamaraan, at sa lahat ng mga magaspang na pananalita na binigkas ng mga makasalanan laban sa Diyos.
16 Ово су незадовољни викачи, који по жељама својим живе, и уста њихова говоре поносите речи, и за добитак гледају ко је ко.
Ito ay ang mga bumubulong-bulong, mga mareklamo, silang mga sumusunod sa kanilang masasamang pagnanasa, maingay na mga hambog, at sila na nang-uuto para sa sariling kapakinabangan.
17 А ви, љубазни, опомињите се речи које напред казаше апостоли Господа нашег Исуса Христа,
Pero kayo, mga minamahal, alalahanin ang mga salitang sinabi sa inyo noon ng mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo.
18 Јер вам казаше да ће у последње време постати ругачи, који ће ходити по својим жељама и безбожностима.
Sinabi nila sa inyo, “Sa huling panahon, may mga mangungutya na sinusunod ang kanilang sariling hindi maka-diyos na pagnanasa.”
19 Ово су они што се одвајају (од јединости вере), и јесу телесни, који духа немају.
Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
20 А ви, љубазни, назиђујте се својом светом вером, и молите се Богу Духом Светим.
Pero kayo, mga minamahal, habang tinataguyod ninyo ang inyong mga sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, at habang nananalangin kayo sa Banal na Espiritu,
21 И сами себе држите у љубави Божијој, чекајући милост Господа нашег Исуса Христа за живот вечни. (aiōnios g166)
panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
22 И тако разликујући једне милујте.
Magpakita ng habag sa mga nag-aalinlangan.
23 А једне страхом избављајте и из огња вадите; а карајте са страхом, мрзећи и на хаљину опогањену од тела.
Iligtas ang iba sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy. Sa iba magpakita ng habag na may takot, kamumuhian kahit na ang damit na nabahiran ng laman.
24 А Ономе који вас може сачувати без греха и без мане, и поставити праве пред славом својом у радости,
Ngayon sa kanya na may kakayanang ilayo kayo sa pagkakatisod, at dahilan upang tayo ay makatayo sa harapan ng kanyang maluwalhating presensya, walang dungis at may labis na kagalakan,
25 Једином премудром Богу и Спасу нашем, кроз Исуса Христа Господа нашег, слава и величанство, држава и власт пре свију векова и сад и у све векове. Амин. (aiōn g165)
sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen. (aiōn g165)

< Јудина 1 >