< От Матфея 8 >

1 Когда же сошел Он с горы, за Ним последовало множество народа.
Noong bumaba si Jesus mula sa burol, maraming tao ang sumunod sa kaniya.
2 И вот подошел прокаженный и, кланяясь Ему, сказал: Господи! если хочешь, можешь меня очистить.
Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, “Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis.”
3 Иисус, простерши руку, коснулся его и сказал: хочу, очистись. И он тотчас очистился от проказы.
Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, “Nais ko. Maging malinis ka.” Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.
4 И говорит ему Иисус: смотри, никому не сказывай, но пойди, покажи себя священнику и принеси дар, какой повелел Моисей, во свидетельство им.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila.”
5 Когда же вошел Иисус в Капернаум, к Нему подошел сотник и просил Его:
Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit at kumausap sa kaniya
6 Господи! слуга мой лежит дома в расслаблении и жестоко страдает.
na nagsasabin, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at lubhang nahihirapan.”
7 Иисус говорит ему: Я приду и исцелю его.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pupunta ako at pagagalingin ko siya.”
8 Сотник же, отвечая, сказал: Господи! я недостоин, чтобы Ты вошел под кров мой, но скажи только слово, и выздоровеет слуга мой;
Sumagot ang senturion at sinabing, “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na papasukin ka sa ilalim ng aking bubong, sabihin mo lamang ang salita at gagaling na ang aking lingkod.
9 ибо я и подвластный человек, но, имея у себя в подчинении воинов, говорю одному: пойди, и идет; и другому: приди, и приходит; и слуге моему: сделай то, и делает.
Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya.”
10 Услышав сие, Иисус удивился и сказал идущим за Ним: истинно говорю вам, и в Израиле не нашел Я такой веры.
Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, “Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel.
11 Говорю же вам, что многие придут с востока и запада и возлягут с Авраамом, Исааком и Иаковом в Царстве Небесном;
Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
12 а сыны царства извержены будут во тьму внешнюю: там будет плач и скрежет зубов.
Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin.”
13 И сказал Иисус сотнику: иди, и, как ты веровал, да будет тебе. И выздоровел слуга его в тот час.
Sinabi ni Jesus sa senturion, “Humayo ka! Mangyari sa iyo ang naaayon sa iyong pinaniwalaan.” At gumaling nga ang kaniyang lingkod sa ganap na oras na iyon.
14 Придя в дом Петров, Иисус увидел тещу его, лежащую в горячке,
Pagkarating ni Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat.
15 и коснулся руки ее, и горячка оставила ее; и она встала и служила им.
Hinawakan ni Jesus ang kaniyang kamay at inibsan siya ng lagnat. Bumangon siya at nagsimulang maglingkod sa kaniya.
16 Когда же настал вечер, к Нему привели многих бесноватых, и Он изгнал духов словом и исцелил всех больных,
Nang sumapit ang gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo. Pinalayas niya ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
17 да сбудется реченное через пророка Исаию, который говорит: Он взял на Себя наши немощи и понес болезни.
Sa ganitong paraan natupad ang sinabi ni Isaias na propeta, “Kinuha niya ang ating mga sakit at dinala ang ating mga karamdaman.”
18 Увидев же Иисус вокруг Себя множество народа, велел ученикам отплыть на другую сторону.
Ngayon, nang nakita ni Jesus ang maraming tao sa paligid niya, nagbigay siya ng mga tagubilin na aalis siya upang magpunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea.
19 Тогда один книжник, подойдя, сказал Ему: Учитель! я пойду за Тобою, куда бы Ты ни пошел.
At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, “Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta.”
20 И говорит ему Иисус: лисицы имеют норы и птицы небесные - гнезда, а Сын Человеческий не имеет, где приклонить голову.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo.”
21 Другой же из учеников Его сказал Ему: Господи! позволь мне прежде пойти и похоронить отца моего.
May ibang alagad din ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, payagan mo akong ilibing muna ang aking ama.”
22 Но Иисус сказал ему: иди за Мною и предоставь мертвым погребать своих мертвецов.
Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin, hayaan mong ang patay ang maglibing sa sarili nilang patay.”
23 И когда вошел Он в лодку, за Ним последовали ученики Его.
Nang sumakay na si Jesus sa bangka, sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
24 И вот, сделалось великое волнение на море, так что лодка покрывалась волнами; а Он спал.
Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus.
25 Тогда ученики Его, подойдя к Нему, разбудили Его и сказали: Господи! спаси нас, погибаем.
Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, “Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!”
26 И говорит им: что вы так боязливы, маловерные? потом, встав, запретил ветрам и морю, и сделалась великая тишина.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?” At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan.
27 Люди же, удивляясь, говорили: Кто это, что и ветры и море повинуются Ему?
Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, “Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?”
28 И когда Он прибыл на другой берег в страну Гергесинскую, Его встретили два бесноватые, вышедшие из гробов, весьма свирепые, так что никто не смел проходить тем путем.
Nang dumating si Jesus sa kabilang dako, sa bayan ng mga Gadareno, may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaki na sinapian ng mga demonyo. Galing sila sa mga libingan at lubhang napakarahas kaya walang mga manlalakbay ang nakararaan sa daan na iyon.
29 И вот, они закричали: что Тебе до нас, Иисус, Сын Божий? пришел Ты сюда прежде времени мучить нас.
Masdan ito, sumigaw sila at nagsabi, “Ano ang pakialam namin sa iyo, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago ang itinakdang oras?”
30 Вдали же от них паслось большое стадо свиней.
Ngayon, may kawan ng mga baboy ang nanginginain doon sa hindi kalayuan sa kinarorooonan nila.
31 И бесы просили Его: если выгонишь нас, то пошли нас в стадо свиней.
Patuloy na nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo at nagsasabing, “Kung paaalisin mo kami, ipadala mo kami at papasukin sa kawan ng mga baboy.”
32 И Он сказал им: идите. И они, выйдя, пошли в стадо свиное. И вот, все стадо свиней бросилось с крутизны в море и погибло в воде.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pumunta kayo!” Lumabas ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. At masdan ito, nagmadali ang mga baboy pababa sa isang matarik na burol sa dagat at namatay silang lahat sa tubig.
33 Пастухи же побежали и, придя в город, рассказали обо всем и о том, что было с бесноватыми.
Ang mga lalaking nag-aalaga sa mga baboy ay nagsitakbuhan. Nagpunta sila sa lungsod at ipinamalita ang lahat, lalo na ang nangyari sa mga lalaking sinapian ng mga demonyo.
34 И вот, весь город вышел навстречу Иисусу; и, увидев Его, просили, чтобы Он отошел от пределов их.
Masdan ito, lahat ng lungsod ay nagpunta upang makita si Jesus. At nang makita nila siya, nagmakaawa sila na umalis siya sa kanilang rehiyon.

< От Матфея 8 >