< 2-я Паралипоменон 19 >

1 И возвращался Иосафат, царь Иудейский, в мире в дом свой в Иерусалим.
Bumalik nang ligtas si Jehoshafat na hari ng Juda sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
2 И выступил навстречу ему Ииуй, сын Анании, прозорливец, и сказал царю Иосафату: следовало ли тебе помогать нечестивцу и любить ненавидящих Господа? За это на тебя гнев от лица Господня.
Lumabas si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin siya at sinabi kay Haring Jehoshafat, “Dapat mo bang tulungan ang masama? Dapat mo bang mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh? Dahil sa ginawa mong ito, nasa iyo ang galit mula kay Yahweh.
3 Впрочем и доброе найдено в тебе, потому что ты истребил кумиры в земле Иудейской и расположил сердце свое к тому, чтобы взыскать Бога.
Gayon pa man, may ilang mabuting makikita sa iyo, iyon ay ang pagtanggal mo ng mga imahen ni Ashera palabas sa lupain, at itinakda mo ang iyong puso na hanapin ang Diyos.”
4 И жил Иосафат в Иерусалиме. И опять стал он обходить народ свой от Вирсавии до горы Ефремовой, и обращал их к Господу, Богу отцов их.
Sa Jerusalem tumira si Jehoshafat, at muli niyang pinuntahan ang mga tao, mula sa Beer-seba hanggang sa burol na lupain ng Efraim at pinanumbalik sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
5 И поставил судей на земле по всем укрепленным городам Иудеи в каждом городе,
Naglagay siya ng mga hukom sa lupain, sa bawat pinatibay na lungsod ng Juda.
6 и сказал судьям: смотрите, что вы делаете, вы творите не суд человеческий, но суд Господа; и Он с вами в деле суда.
Sinabi niya sa mga hukom, “Pag-aralan ninyo ang dapat ninyong gawin, dahil hindi kayo humahatol para sa mga tao, ngunit para kay Yahweh, siya ay nasa inyo sa paghahatol.
7 Итак да будет страх Господень на вас: действуйте осмотрительно, ибо нет у Господа Бога нашего неправды, ни лицеприятия, ни мздоимства.
At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.”
8 И в Иерусалиме приставил Иосафат некоторых из левитов и священников и глав поколений у Израиля - к суду Господню и к тяжбам. И возвратились в Иерусалим.
Bukod dito, nagtalaga si Jehoshafat ng ilan sa mga Levita at mga pari sa Jerusalem, at ilan sa mga pinuno ng mga sinaunang sambahayan ng Israel, para sa pagsasagawa ng paghatol para kay Yahweh, at para sa mga pagtatalo. Tumira sila sa Jerusalem.
9 И дал им повеление, говоря: так действуйте в страхе Господнем, с верностью и с чистым сердцем:
Tinagubilinan niya sila, sinasabi, “Bilang paggalang kay Yahweh, ito ang gagawin ninyo nang tapat at may matuwid na puso:
10 во всяком деле спорном, какое поступит к вам от братьев ваших, живущих в городах своих, о кровопролитии ли, или о законе, заповеди, уставах и обрядах, наставляйте их, чтобы они не провинились пред Господом, и не было бы гнева Его на вас и на братьев ваших; так действуйте, - и вы не погрешите.
Kapag may dumating na pagtatalo mula sa inyong mga kapatid na nakatira sa kanilang lungsod, kung dahil sa pagdanak ng dugo, kung dahil sa mga batas o kautusan, palatuntunan o utos, dapat ninyo silang balaan upang hindi sila magkasala laban kay Yahweh, at upang ang galit ay hindi bumaba sa inyo at sa inyong mga kapatid. Kung kikilos kayo sa ganitong paraan, hindi kayo magkakasala.
11 И вот Амария первосвященник, над вами во всяком деле Господнем, а Зевадия, сын Исмаилов, князь дома Иудина, во всяком деле царя, и надзиратели левиты пред вами. Будьте тверды и действуйте, и будет Господь с добрым.
Tingnan ninyo, si Amarias na pinakapunong pari ang siyang mangangasiwa sa inyo sa lahat ng bagay na nauukol kay Yahweh. Si Zebedias na anak ni Ismael na pinuno ng sambahayan ng Juda, ang mamamahala sa lahat ng bagay patungkol sa hari. Gayon din naman, ang mga Levita ay magiging opisyal na maglilingkod sa inyo. Kumilos nang may tapang, at manahan nawa si Yahweh sa mga mabubuti.

< 2-я Паралипоменон 19 >