< 1 Samuels 24 >

1 Da Saul kom tilbake efterat han hadde forfulgt filistrene, fikk han spurt at David var i En-Gedis ørken.
Nang bumalik si Saul mula sa pagtugis sa mga Filisteo, sinabihan siya, “Si David ay nasa desyerto ng Engedi.”
2 Da tok Saul tre tusen mann, som han hadde valgt ut blandt hele Israel, og drog avsted for å lete efter David og hans menn på Stenbukk-klippene.
Pagkatapos kumuha si Saul ng tatlong libong piling kalalakihan mula sa buong Israel at umalis para hanapin si David at kanyang mga tauhan sa mga Bato ng mga Ligaw na Kambing.
3 Han kom da til fårehegnene ved veien; der var en hule, og Saul gikk der inn i sine egne ærender; men David og hans menn satt innerst inne i hulen.
Dumating siya sa tabi ng kulungan ng mga tupa, na kung saan may isang kuweba. Pumasok si Saul sa loob upang paginhawahin ang kanyang sarili.
4 Da sa Davids menn til ham: Se, nu er den dag kommet om hvilken Herren sa til dig: Nu gir jeg din fiende i din hånd, så du kan gjøre med ham som du finner for godt! Så stod David op og skar hemmelig fliken av Sauls kappe.
Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya.”' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul.
5 Men derefter slo samvittigheten David, fordi han hadde skåret av fliken på Sauls kappe.
Pagkatapos bumigat ang damdamin ni David dahil pinutol niya ang gilid ng balabal ni Saul.
6 Og han sa til sine menn: Herren fri mig fra å gjøre slikt mot min herre, mot Herrens salvede, og legge hånd på ham! For Herrens salvede er han.
Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag nawang ipahintulot ni Yahweh na gawin ko ang bagay na ito sa aking panginoon, na hinirang ni Yahweh, para iunat ko ang aking kamay laban sa kanya, sapagkat hinirang siya ni Yahweh.”
7 Og David irettesatte sine menn med hårde ord og lot dem ikke få lov til å overfalle Saul. Men Saul gikk ut av hulen og gav sig på veien.
Kaya pinagsabihan ni David ang kanyang mga tauhan ng mga salitang ito, at hindi sila pinahintulutang salakayin si Saul. Tumayo si Saul, iniwan ang kuweba, at umalis.
8 Derefter stod David op og gikk ut av hulen og ropte efter Saul: Herre konge! Da så Saul sig tilbake, og David bøide sig med ansiktet mot jorden og kastet sig ned.
Pagkatapos, tumayo rin si David, iniwan ang kuweba, at tinawag si Saul: “Aking panginoong hari.” Nang tumingin si Saul sa kanyang likuran, nagpatirapa si David sa lupa at nagpakita sa kanya ng paggalang.
9 Og David sa til Saul: Hvorfor hører du på folk som sier: David søker din ulykke?
Sinabi ni David kay Saul, “Bakit ka nakikinig sa mga kalalakihan na nagsabing, “Tingnan mo, gusto kang saktan ni David?'
10 Idag har du jo med egne øine sett at Herren idag hadde gitt dig i min hånd i hulen, og det var tale om å drepe dig, men jeg hadde medynk med dig og sa: Jeg vil ikke legge hånd på min herre; for Herrens salvede er han.
Ngayon nakita ng iyong mga mata kung paano ka inilagay ni Yahweh sa aking kamay nang nasa kuweba pa tayo. Sinabi ng ilan sa akin na patayin kita, ngunit kinaawaan kita. Sinabi ko, 'Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; dahil hinirang siya ni Yahweh.'
11 Men se, min far, se, her er fliken av din kappe i min hånd! For når jeg skar fliken av din kappe og ikke drepte dig, så kan du vel skjønne og se at jeg ikke har hatt noget ondt eller nogen misgjerning i sinne og ikke har forsyndet mig mot dig, enda du efterstreber mig og vil ta mitt liv.
Tingnan mo, aking ama, tingnan mo ang gilid ng iyong balabal sa aking kamay. Sapagkat ang katotohanan kung bakit ko pinutol ang gilid ng iyong balabal at hindi kita pinatay, para malaman mo at makita mo na walang masama o pagtataksil sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, kahit na tinutugis mo ang aking buhay para makuha.
12 Herren skal dømme mellem mig og dig, og Herren skal hevne mig på dig, men min hånd skal ikke ramme dig;
Nawa'y humatol si Yahweh sa pagitan mo at sa akin, at nawa'y si Yahweh ang maghiganti para sa akin laban sa iyo, ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
13 det er som det gamle ordsprog sier: Fra ugudelige kommer ugudelighet. Men min hånd skal ikke ramme dig.
Gaya ng sinabi ng lumang kasabihan, 'Mula sa makasalanan lumalabas ang kasamaan.' Ngunit hindi magiging laban sa iyo ang kamay ko.
14 Hvem er det Israels konge har draget ut efter? Hvem er det du forfølger? En død hund, en loppe.
Mula kanino sumunod ang hari ng Israel? Mula kanino ka humahabol? Sa isang patay na aso! Sa isang pulgas!
15 Så skal da Herren være dommer og dømme mellem mig og dig; han se til og føre min sak og dømme mig fri av din hånd!
Nawa'y maging hukom si Yahweh at magbigay ng hatol sa pagitan natin, at tiyakin, at ipakiusap ang layunin ko at pahintulutan akong makatakas mula sa iyong kamay.”
16 Da nu David hadde talt disse ord til Saul, da sa Saul: Er det du som taler, min sønn David? Og Saul brast i gråt.
Nang matapos sabihin ni David ang mga salitang ito kay Saul, Sinabi ni Saul, “Boses mo ba ito, David, aking anak?” Nagtaas ng kanyang boses si Saul at umiyak.
17 Og han sa til David: Du er rettferdigere enn jeg; for du har gjort godt mot mig, men jeg har gjort ondt mot dig.
Sinabi niya kay David, “Mas matuwid ka kaysa sa akin. Dahil sinuklian mo ako nang mabuti, kung saan sinuklian kita ng kasamaan.
18 Du har idag vist mig hvor god du har vært mot mig, idet du ikke drepte mig da Herren hadde gitt mig i din hånd.
Ipinahayag mo ngayong araw na ito kung paano ka gumawa nang mabuti sa akin, dahil hindi mo ako pinatay nang nilagay ako ni Yahweh sa iyong habag.
19 Når en mann treffer på sin fiende, lar han ham da gå sin vei i fred? Herren lønne dig for denne dag - for det du har gjort mot mig!
Dahil kung matatagpuan ng isang tao ang kanyang kaaway, hahayaan ba niya siyang umalis ito nang ligtas? Nawa'y gantimpalaan ka ni Yahweh ng mabuti para sa nagawa mo sa akin ngayon.
20 Jeg vet jo alt at du skal bli konge, og at kongedømmet over Israel skal bli fast i din hånd.
Ngayon alam kong tiyak na magiging tapat na hari ka at itatatag ang kaharian ng Israel sa iyong kamay.
21 Så tilsverg mig da nu ved Herren at du ikke vil utrydde mine efterkommere og ikke utslette mitt navn av min fars hus!
Ipangako mo sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na hindi mo puputulin ang aking mga kaapu-apuhan kasunod ko, at hindi mo sisirain ang aking pangalan sa bahay ng aking ama.”
22 Og David tilsvor Saul det; og Saul drog hjem; men David og hans menn steg op til fjellborgen.
Kaya gumawa si David ng isang panunumpa kay Saul. Pagkatapos umuwi si Saul, pero umakyat sina David at kanyang mga tauhan sa matibay na tanggulan.

< 1 Samuels 24 >