< Ceturtā Mozus 1 >

1 Un Tas Kungs runāja uz Mozu Sinaī tuksnesī, saiešanas teltī, pirmā dienā, otrā mēnesī, otrā gadā pēc viņu iziešanas no Ēģiptes zemes, sacīdams:
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 Uzņemiet visas Israēla bērnu draudzes pulku pēc viņu ciltīm, viņu tēvu namiem, skaitīdami visu to ļaužu vārdus, kas ir no vīriešu kārtas, pēc viņu galvām,
Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;
3 Kas divdesmit gadus un pāri ir, visus, kas Israēla starpā iet karā, tos tev būs skaitīt pēc viņu pulkiem, tev un Āronam.
Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.
4 Lai arī līdz ar jums ir no ikkatras cilts viens vīrs, kas ir virsnieks pār savu tēvu namu.
At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.
5 Šie nu ir to vīru vārdi, kam pie jums būs stāvēt. No Rūbena: Elicurs, Šedeūra dēls,
At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.
6 No Sīmeana: Šelumiēls, Curi-Šadaja dēls.
Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
7 No Jūda: Nahšons, Aminadaba dēls,
Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.
8 No Īsašara: Nataneēls, Cuāra dēls,
Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.
9 No Zebulona: Eliabs, Ķelona dēls,
Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.
10 No Jāzepa bērniem, no Efraīma: Elišams, Amiuda dēls, no Manasus: Eamliēls, Pedacura dēls,
Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.
11 No Benjamina: Abidans, Sideona dēls,
Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.
12 No Dana: Ahiēzars, Ami-Šadaja dēls,
Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
13 No Ašera: Paģiēls, Okrana dēls,
Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
14 No Gada: Eliazavs, Deguēļa dēls,
Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.
15 No Naftalus: Ahirus, Enana dēls.
Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.
16 Šie ir tie draudzes runas vīri, virsnieki pār savu tēvu ciltīm, virsnieki pār Israēla tūkstošiem.
Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.
17 Tad Mozus un Ārons ņēma šos vīrus, kā tie ar vārdiem ir nosaukti,
At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:
18 Un sapulcēja visu draudzi pirmā dienā, otrā mēnesī, un tie pierakstījās cilts rakstos pēc savām ciltīm, pēc saviem tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, pēc savām galvām;
At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.
19 Kā Tas Kungs Mozum bija pavēlējis, un tā viņš tos skaitīja Sinaī tuksnesī.
Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.
20 Tad Rūbena, Israēla pirmdzimušā, bērni, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, kam vārdi tapa skaitīti pēc savām galvām, visi no vīriešu kārtas no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
21 Tie tika skaitīti Rūbena ciltī četrdesmit un seši tūkstoši un pieci simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.
22 No Sīmeana bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, kas no tiem tapa skaitīti, pēc vārdu skaita, pēc savām galvām, visi no vīriešu kārtas no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
23 Tie tika skaitīti Sīmeana ciltī piecdesmit deviņi tūkstoši un trīssimt.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.
24 No Gada bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka,
25 Tie tika skaitīti Gada ciltī četrdesmit pieci tūkstoši sešsimt un piecdesmit.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.
26 No Jūda bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
27 Tie tika skaitīti Jūda ciltī septiņdesmit četri tūkstoši un seši simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.
28 No Īsašara bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
29 Tie tika skaitīti Īsašara ciltī piecdesmit četri tūkstoši un četri simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan.
30 No Zebulona bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
31 Tie tika skaitīti Zebulona ciltī piecdesmit septiņi tūkstoši un četri simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.
32 No Jāzepa bērniem, no Efraīma bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
33 Tie tika skaitīti Efraīma ciltī četrdesmit tūkstoši un piecsimt.
Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan.
34 No Manasus bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
35 Tie tika skaitīti Manasus ciltī trīsdesmit divi tūkstoši un divi simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan.
36 No Benjamina bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
37 Tie tika skaitīti Benjamina ciltī trīsdesmit pieci tūkstoši un četrsimt.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.
38 No Dana bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
39 Tie tika skaitīti Dana ciltī sešdesmit divi tūkstoši un septiņsimt.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.
40 No Ašera bērniem, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
41 Tie tika skaitīti Ašera ciltī četrdesmit un viens tūkstotis un pieci simti.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan.
42 Naftalus bērni, viņu dzimumi pēc savām ciltīm, pēc savu tēvu namiem, pēc vārdu skaita, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas gāja karā:
Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
43 Tie tika skaitīti Naftalus ciltī piecdesmit trīs tūkstoši un četrsimt.
Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.
44 Šie ir tie skaitītie, ko skaitījuši Mozus un Ārons un Israēla virsnieki, divpadsmit vīri, - ikviens bija pār savu tēvu namu.
Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang.
45 Un viss viņu skaits no Israēla bērniem pēc tēvu namiem, no divdesmit gadiem un pāri, visi, kas no Israēla gāja karā,
Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka:
46 Visi tie skaitītie bija sešsimt trīs tūkstoši un piecsimt piecdesmit.
Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.
47 Bet Leviti pēc savu tēvu cilts netapa pie tiem pieskaitīti.
Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
48 Jo Tas Kungs bija uz Mozu runājis sacīdams:
Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
49 Levja cilti vien tev nebūs skaitīt, nedz viņu pulku pieņemt pie Israēla bērniem.
Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:
50 Bet tu iecel Levitus pār liecības telti un pār visiem viņas rīkiem un pār visu, kas tai pieder; tiem būs to telti nest un visus viņas rīkus, un viņiem būs pie tās kalpot un ap to telti apmesties.
Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.
51 Un kad telts pacelsies, tad Levitiem to būs noārdīt, un kad telts apmetīsies, tad Levitiem to būs uzcelt; bet ja kāds svešinieks pieiet, tam būs mirt.
At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
52 Un Israēla bērniem būs apmesties ikvienam pie sava lēģera un ikvienam pie sava karoga pēc saviem pulkiem.
At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.
53 Bet Levitiem būs apmesties ap liecības dzīvokli, ka nekāda dusmība nenāk pār Israēla bērnu draudzi; tāpēc Levitiem būs sargāt liecības dzīvokli.
Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
54 Un Israēla bērni darīja pēc visa, tā kā Tas Kungs Mozum bija pavēlējis; tā tie darīja.
Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.

< Ceturtā Mozus 1 >