< Jesajas 51 >

1 Klausāties uz Mani, kas taisnībai dzenaties pakaļ, kas To Kungu meklējat. Uzlūkojiet to akmens kalnu, no kā esat cirsti, un to akas bedri, kur esat izrakti.
Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.
2 Uzlūkojiet Ābrahāmu, savu tēvu, un Sāru, kas jūs dzemdējusi. To Es aicināju, kad viņš vēl bija viens pats, un Es to svētīju un vairoju.
Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.
3 Jo Tas Kungs iepriecinās Ciānu, Viņš iepriecinās visas viņas tukšās vietas un darīs viņas tuksnesi kā Edeni un viņas lauku kā Tā Kunga dārzu; prieku un līksmību tur atradīs, pateikšanu un slavas dziesmas.
Sapagka't inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.
4 Ņem Mani vērā, Mana tauta, atgriežat ausis pie Manis, Mani ļaudis, jo no Manis iziet bauslība, un Savu tiesu Es iecelšu tautām par gaišumu.
Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Mana taisnība ir tuvu klāt, Mana pestīšana parādās, un Mans elkonis sodīs tautas. Uz Mani salas gaida un cerē uz Manu elkoni.
Ang katuwiran ko ay malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
6 Paceliet savas acis uz debesīm un skatāties uz zemi apakšā; jo debesis iznīks kā dūmi, un zeme nodils kā drēbe, un viņas iedzīvotāji nomirs kā mušas. Bet Mana pestīšana pastāvēs mūžīgi, Mana taisnība netiks apgāzta.
Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
7 Klausāties uz Mani, kas taisnību pazīstat, ļaudis, kam Mana bauslība ir sirdī. Nebīstaties par cilvēku nievāšanu un neiztrūcinājāties no viņu zaimošanām.
Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
8 Jo tārpi tos ēdīs kā drēbi, un kodes tos sakapās kā vilnu, bet Mana taisnība pastāvēs mūžīgi un Mana pestīšana uz cilšu ciltīm.
Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
9 Uzmosties, uzmosties, apvelc stiprumu, Tā Kunga elkonis, uzmosties kā sendienās, vecu vecos laikos! Vai Tu neesi tas, kas Rahabu (Ēģipti) pāršķēlis un to pūķi nodūris?
Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh bisig ng Panginoon; gumising ka na gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng Rahab, na sumaksak sa buwaya?
10 Vai Tu neesi, kas jūru darījis sausu, tos lielos ūdeņu dziļumus darījis par ceļu, ka tie atpestītie gāja cauri?
Hindi baga ikaw ang tumuyo sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat upang daanan ng natubos?
11 Un Tā Kunga atpirktie griezīsies atpakaļ un nāks uz Ciānu ar gavilēšanu, un mūžīga līksmība būs pār viņu galvām; prieks un līksmība tos apkamps, skumjas un bēdas bēgs projām.
At ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtong-hininga ay tatakas.
12 Es, Es esmu jūsu iepriecinātājs: kas tu esi, ka bīsties no cilvēkiem, kam jāmirst, un no cilvēku bērniem, kas iznīkst kā zāle,
Ako, ako nga, ay siyang umaaliw sa inyo: sino ka na natatakot sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo;
13 Un aizmirsti To Kungu, savu Radītāju, kas debesis izpletis un zemi dibinājis, un bīsties bez mitēšanās cauru dienu no spaidītāja bardzības, kad tas taisās maitāt? Bet kur nu ir tā spaidītāja bardzība?
At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati?
14 Steigšus saslēgtais tiek svabads un nenomirs bedrē, un maizes viņam netrūks.
Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay.
15 Jo Es esmu Tas Kungs, tavs Dievs, kas kustina jūru, ka viņas viļņi kauc: Kungs Cebaot ir Viņa vārds.
Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
16 Un Es lieku Savus vārdus tavā mutē un tevi apklāju ar Savas rokas ēnu, ka Es dēstu debesis un stādu zemi un saku uz Ciānu: tu esi Mana tauta.
At inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig, at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.
17 Uzmosties, uzmosties, celies Jeruzāleme, kas no Tā Kunga rokas esi dzērusi Viņa bardzības biķeri; reibuma biķeri tu esi izdzērusi un izsūkusi.
Gumising ka, gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.
18 No visiem bērniem, ko tā ir dzemdējusi, neviena nebija, kas viņu būtu vadījis(drošībā un miera vietā), un no visiem bērniem, ko tā uzaudzinājusi, neviena, kas viņu pie rokas būtu ņēmis.
Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki.
19 Šīs divējas lietas tev ir notikušas, kas tad tevi žēlos? Posts un nelaime un bads un zobens, kas tad tevi var iepriecināt?
Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; paanong aaliwin kita?
20 Tavi bērni pamiruši, tie guļ uz visu ielu stūriem kā stirna tīklā, tie bija pilni Tā Kunga bardzības, tava Dieva draudu.
Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios.
21 Tāpēc klausies jel šo, tu apbēdinātā un apreibusī, bet ne no vīna.
Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, nguni't hindi ng alak:
22 Tā saka tavs Kungs, Tas Kungs, un tavs Dievs, kas Saviem ļaudīm tiesu nesīs: redzi, Es ņemu no tavas rokas to reibuma biķeri, Savas bardzības biķeri, tev vairs to nebūs dzert.
Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa:
23 Bet Es to došu rokā taviem spaidītājiem, kas uz tavu dvēseli saka: lokies, ka mēs ejam pāri, un noliec savu muguru pār zemi un par ielu tiem, kas staigā pāri.
At aking ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.

< Jesajas 51 >