< Mattheum 15 >

1 Tunc accesserunt ad eum ab Ierosolymis Scribae, et Pharisaei, dicentes:
At may ilang mga Pariseo at mga eskriba na mula sa Jerusalem ang pumunta kay Jesus. Sinabi nila,
2 Quare discipuli tui transgrediuntur traditiones seniorum? non enim lavant manus suas cum panem manducant.
“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain.”
3 Ipse autem respondens ait illis: Quare et vos transgredimini mandatum Dei propter traditionem vestram? Nam Deus dixit:
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “At kayo—bakit ninyo nilalabag ang kautusan ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian?
4 Honora patrem, et matrem. et: Qui maledixerit patri, vel matri, morte moriatur.
Sapagkat sinabi ng Diyos, 'Igalang mo ang iyong ama at iyong ina,' at 'Sinuman ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay tiyak na mamamatay.
5 Vos autem dicitis: Quicumque dixerit patri, vel matri, Munus, quodcumque est ex me, tibi proderit:
Ngunit sinabi ninyo, 'Sinuman ang magsabi sa kaniyang ama o ina, “Anumang tulong ang matanggap sana ninyo na galing sa akin, ngayon ay isa nang kaloob na ibinigay sa Diyos,”'
6 et non honorificabit patrem suum, aut matrem suam: et irritum fecistis mandatum Dei propter traditionem vestram.
hindi na kailangang igalang ng taong iyon ang kaniyang ama. Sa ganitong paraan binalewala ninyo ang salita ng Diyos alang-alang sa inyong mga kaugalian.
7 Hypocritae, bene prophetavit de vobis Isaias, dicens:
Kayong mga mapagkunwari, tama ang propesiya tungkol sa inyo ni Isaias noong sinabi niya,
8 Populus hic labiis me honorat: cor autem eorum longe est a me.
'Iginagalang ako ng mga taong ito sa kanilang mga labi ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.
9 Sine causa autem colunt me, docentes doctrinas, et mandata hominum.
Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.'''
10 Et convocatis ad se turbis, dixit eis: Audite, et intelligite.
Pagkatapos ay tinawag niya ang maraming tao palapit sa kaniya at sinabi sa kanila, ''Makinig kayo at intindihin ninyo—
11 Non quod intrat in os, coinquinat hominem: sed quod procedit ex ore, hoc coinquinat hominem.
Walang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa isang tao. Sa halip, kung ano ang lumalabas sa kaniyang bibig, ito ang nakapagpaparumi sa tao.''
12 Tunc accedentes discipuli eius, dixerunt ei: Scis quia Pharisaei audito verbo hoc, scandalizati sunt?
Pagkatapos, lumapit ang kaniyang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Alam ba ninyo na nasaktan ang mga Pariseo nang marinig nila ang inyong sinabi?”
13 At ille respondens ait: Omnis plantatio, quam non plantavit Pater meus caelestis, eradicabitur.
Sumagot si Jesus at sinabi, “Bawat halaman na hindi itinanim ng aking Amang nasa langit ay bubunutin.
14 Sinite illos: caeci sunt, et duces caecorum. caecus autem si caeco ducatum praestet, ambo in foveam cadunt.
Hayaan ninyo sila, mga bulag sila na gabay. Kung ang isang bulag na tao ay gagabayan ang kapwa niyang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”
15 Respondens autem Petrus dixit ei: Edissere nobis parabolam istam.
Sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghagang ito.”
16 At ille dixit: Adhuc et vos sine intellectu estis?
Sinabi ni Jesus, “Kayo din ba ay wala pa ring pang-unawa?
17 Non intelligitis quia omne, quod in os intrat, in ventrem vadit, et in secessum emittitur?
Hindi ba ninyo nakikita na kung anumang pumapasok sa inyong bibig ay dadaan sa tiyan at pagkatapos pinapalabas sa palikuran?
18 Quae autem procedunt de ore, de corde exeunt, et ea coinquinant hominem:
Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay galing sa puso. Ang mga bagay na ito ang nakapagpaparumi sa tao.
19 de corde enim exeunt cogitationes malae, homicidia, adulteria, fornicationes, furta, falsa testimonia, blasphemiae.
Sapagkat sa puso nanggagaling ang mga masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, bulaang saksi at mga paghamak.
20 haec sunt, quae coinquinant hominem. Non lotis autem manibus manducare, non coinquinat hominem.
Ito ang mga bagay na nakapagpaparumi sa tao. Ngunit ang kumain na hindi naghugas ng mga kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”
21 Et egressus inde Iesus secessit in partes Tyri, et Sidonis.
Pagkatapos, umalis si Jesus mula roon at pumunta patungo sa mga rehiyon sa lungsod ng Tiro at Sidon.
22 Et ecce mulier Chananaea a finibus illis egressa clamavit, dicens ei: Miserere mei Domine fili David: filia mea male a daemonio vexatur.
Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, “Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo.
23 Qui non respondit ei verbum. Et accedentes discipuli eius rogabant eum dicentes: Dimitte eam: quia clamat post nos.
Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus kahit isang salita. Lumapit ang kaniyang mga alagad at nagmakaawa sa kaniya, sinabi, “Paalisin ninyo siya sapagkat sumisigaw siyang sumusunod sa atin.”
24 Ipse autem respondens ait: Non sum missus nisi ad oves, quae perierunt domus Israel.
Subalit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel.”
25 At illa venit, et adoravit eum, dicens: Domine, adiuva me.
Ngunit lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan, na nagsasabi, “Panginoon, tulungan mo ako.”
26 Qui respondens ait: Non est bonum sumere panem filiorum, et mittere canibus.
Sumagot siya at sinabi, “Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis sa mga tuta.”
27 At illa dixit: Etiam Domine: nam et catelli edunt de micis, quae cadunt de mensa dominorum suorum.
Sinabi niya, “Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo.
28 Tunc respondens Iesus, ait illi: O mulier, magna est fides tua: fiat tibi sicut vis. Et sanata est filia eius ex illa hora.
Pagkatapos, sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ayon sa iyong hinihiling.” At gumaling ang kaniyang anak na babae sa oras na iyon.
29 Et cum transisset inde Iesus, venit secus Mare Galilaeae: et ascendens in montem, sedebat ibi.
Umalis si Jesus sa lugar na iyon at pumunta malapit sa Dagat ng Galilea. Pagkatapos umakyat siya sa isang burol at doon umupo.
30 Et accesserunt ad eum turbae multae, habentes secum mutos, caecos, claudos, debiles, et alios multos: et proiecerunt eos ad pedes eius, et curavit eos:
Napakaraming tao ang lumapit sa kaniya. Kasama nila ang mga pilay, bulag, pipi at mga lumpo, at marami pang iba na may mga sakit. Inilagay sila sa paanan ni Jesus at sila ay pinagaling niya.
31 ita ut turbae mirarentur videntes mutos loquentes, claudos ambulantes, caecos videntes: et magnificabant Deum Israel.
Kaya namangha ang maraming tao nang nakita nila ang mga pipi na nakapagsalita, ang lumpo na napagaling, ang pilay na nakakalakad at mga bulag na nakakakita. Pinuri nila ang Diyos ng Israel.
32 Iesus autem, convocatis discipulis suis, dixit: Misereor turbae, quia triduo iam perseverant mecum, et non habent quod manducent: et dimittere eos ieiunos nolo, ne deficiant in via.
Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga tao dahil sila ay nanatili kasama ko sa loob na ng tatlong araw at walang makain. Ayaw ko silang pauwiin na hindi kumakain upang hindi sila himatayin sa daan.”
33 Et dicunt ei discipuli: Unde ergo nobis in deserto panes tantos, ut saturemus turbam tantam?
Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Saan naman tayo kukuha ng sapat na tinapay sa ilang para busugin ang napakamaraming tao?”
34 Et ait illis Iesus: Quot habetis panes? At illi dixerunt: Septem, et paucos pisciculos.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “IIan ang tinapay na meron kayo?” Sinabi nila, “Pito, at kaunting maliliit na isda.”
35 Et praecepit turbae, ut discumberent super terram.
At inutosan ni Jesus ang maraming tao na maupo sa lupa.
36 Et accipiens septem panes, et pisces, et gratias agens, fregit, et dedit discipulis suis, et discipuli dederunt populo.
Kinuha niya ang pitong tinapay at mga isda, at pagkatapos magbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At ibinigay ng mga alagad ang mga ito sa mga tao.
37 Et comederunt omnes, et saturati sunt. Et quod superfuit de fragmentis, tulerunt septem sportas plenas.
Ang lahat ng tao ay nakakain at nabusog. At inipon nila ang mga pagkain mula sa pira-pirasong natira, pitong basket ang napuno.
38 Erant autem qui manducaverunt, quattuor millia hominum, extra parvulos, et mulieres.
Mayroong apat na libong lalaki ang kumain, bukod sa mga babae at mga bata.
39 Et, dimissa turba, ascendit in naviculam: et venit in fines Magedan.
Pagkatapos, pinauwi ni Jesus ang maraming tao at sumakay siya sa bangka at pumunta sa rehiyon ng Magadan.

< Mattheum 15 >