< Psalmorum 78 >

1 Intellectus Asaph. Attendite popule meus legem meam: inclinate aurem vestram in verba oris mei.
Dinggin ninyo ang aking mga tinuturo, aking bayan, makinig kayo sa mga salita ng aking bibig.
2 Aperiam in parabolis os meum: loquar propositiones ab initio.
Bubuksan ko ang aking bibig sa mga talinhaga; aawit ako tungkol sa mga bagay na lihim tungkol sa nakaraan.
3 Quanta audivimus et cognovimus ea: et patres nostri narraverunt nobis.
Ito ang mga bagay na narinig at natutunan natin, mga bagay na sinabi sa atin ng ating mga ninuno.
4 Non sunt occultata a filiis eorum, in generatione altera. Narrantes laudes Domini, et virtutes eius, et mirabilia eius quæ fecit.
Hindi natin ito itatago sa kanilang mga kaapu-apuhan. Sasabihin natin sa susunod na salinlahi ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh, ang kaniyang kalakasan, at ang mga kababalaghan na kaniyang ginawa.
5 Et suscitavit testimonium in Iacob: et legem posuit in Israel. Quanta mandavit patribus nostris nota facere ea filiis suis:
Dahil tinatag niya ang mga utos sa tipan kay Jacob at nagtalaga ng batas sa Israel. Inutusan niya ang ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak.
6 ut cognoscat generatio altera. Filii qui nascentur, et exurgent, et narrabunt filiis suis,
Inutos niya ito para malaman ng darating na salinlahi ang kaniyang mga tuntunin, ang mga bata na hindi pa ipinapanganak ay dapat din nilang sabihin ito sa kanilang mga magiging anak.
7 Ut ponant in Deo spem suam, et non obliviscantur operum Dei: et mandata eius exquirant.
Pagkatapos, ilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at hindi kalilimutan ang mga ginawa niya pero susundin ang kaniyang mga kautusan.
8 Ne fiant sicut patres eorum: generatio prava et exasperans. Generatio, quæ non direxit cor suum: et non est creditus cum Deo spiritus eius.
Pagkatapos, hindi (sila) magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.
9 Filii Ephrem intendentes et mittentes arcum: conversi sunt in die belli.
Ang mga taga-Efraim ay armado ng mga pana, pero umatras (sila) sa araw ng labanan.
10 Non custodierunt testamentum Dei, et in lege eius noluerunt ambulare.
Hindi nila iningatan ang tipan sa Diyos, at tumanggi silang sumunod sa kaniyang batas.
11 Et obliti sunt benefactorum eius, et mirabilium eius quæ ostendit eis.
Nakalimutan nila ang kaniyang mga ginawa, ang mga kamangha-manghang bagay na ipinakita niya sa kanila.
12 Coram patribus eorum fecit mirabilia in terra Ægypti, in campo Taneos.
Gumawa siya ng kahanga-hangang mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Soan.
13 Interrupit mare, et perduxit eos: et statuit aquas quasi in utre.
Hinati niya ang dagat at dinala (sila) sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader.
14 Et deduxit eos in nube diei: et tota nocte in illuminatione ignis.
Sa umaga, pinangunahan niya (sila) ng ulap at sa buong gabi sa liwanag ng apoy.
15 Interrupit petram in eremo: et adaquavit eos velut in abysso multa.
Biniyak niya ang mga bato sa ilang, at binigyan (sila) ng maraming tubig, sapat para punuin ang kailaliman ng dagat.
16 Et eduxit aquam de petra: et deduxit tamquam flumina aquas.
Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato at pinadaloy ang tubig gaya ng mga ilog.
17 Et apposuerunt adhuc peccare ei: in iram excitaverunt Excelsum in inaquoso.
Pero pinagpatuloy pa rin nilang magkasala sa inyo, nagrerebelde laban sa Kataas-taasang Diyos sa ilang.
18 Et tentaverunt Deum in cordibus suis: ut peterent escas animabus suis.
Hinamon nila ang Diyos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paghingi ng pagkain para pawiin ang kanilang gutom.
19 Et male locuti sunt de Deo: dixerunt: Numquid poterit Deus parare mensam in deserto?
Nagsalita (sila) laban sa Diyos: Sabi nila, “Kaya ba talaga ng Diyos na maglatag ng lamesa para sa atin sa ilang?
20 Quoniam percussit petram, et fluxerunt aquæ, et torrentes inundaverunt. Numquid et panem poterit dare, aut parare mensam populo suo?
Tingnan ninyo, nang hinampas niya ang bato, bumulwak ang tubig at nag-umapaw ang pagdaloy nito. Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?
21 Ideo audivit Dominus, et distulit: et ignis accensus est in Iacob, et ira ascendit in Israel:
Nang narinig ito ni Yahweh, nagalit siya; kaya nag-alab ang kaniyang apoy laban kay Jacob, nilusob ng galit niya ang Israel,
22 Quia non crediderunt in Deo, nec speraverunt in salutari eius:
dahil hindi (sila) naniwala sa Diyos at hindi (sila) nagtiwala sa kaniyang kaligtasan.
23 Et mandavit nubibus desuper, et ianuas cæli aperuit.
Gayumpaman, inutusan niya ang mga kalangitan at binuksan ang pinto nito.
24 Et pluit illis manna ad manducandum, et panem cæli dedit eis.
Nagpaulan siya ng manna para sa kainin nila, at binigyan (sila) ng butil mula sa langit.
25 Panem angelorum manducavit homo: cibaria misit eis in abundantia.
Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga anghel. Nagpadala siya sa kanila ng masaganang pagkain.
26 Transtulit Austrum de cælo: et induxit in virtute sua Africum.
Pinaihip niya ang silangang hangin sa kalangitan, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginabayan niya ang katimugang hangin.
27 Et pluit super eos sicut pulverem carnes, et sicut arenam maris volatilia pennata.
Nagpaulan siya ng karne para sa kanila gaya ng alikabok, mga ibon na singdami ng mga buhangin sa dagat.
28 Et ceciderunt in medio castrorum eorum: circa tabernacula eorum.
Nahulog ito sa gitna ng kanilang kampo, sa buong paligid ng kanilang mga tolda.
29 Et manducaverunt et saturati sunt nimis, et desiderium eorum attulit eis:
Kaya kumain (sila) at nabusog. Binigay niya ang gusto nila.
30 non sunt fraudati a desiderio suo. Adhuc escæ eorum erant in ore ipsorum,
Pero hindi pa rin (sila) nabusog; ang kanilang pagkain ay nasa mga bibig pa rin nila.
31 et ira Dei ascendit super eos. Et occidit pingues eorum, et electos Israel impedivit.
Pagkatapos, nilusob (sila) ng galit ng Diyos at pinatay ang pinakamalalakas sa kanila. Tinumba niya ang mga batang lalaki ng Israel.
32 In omnibus his peccaverunt adhuc: et non crediderunt in mirabilibus eius.
Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nagkasala at hindi (sila) naniwala sa kaniyang kahanga-hangang mga ginawa.
33 Et defecerunt in vanitate dies eorum: et anni eorum cum festinatione.
Dahil dito, pinaikli ng Diyos ang kanilang mga araw; ang kanilang mga taon ay napuno ng takot.
34 Cum occideret eos, quærebant eum: et revertebantur, et diluculo veniebant ad eum.
Sa tuwing pinapahirapan (sila) ng Diyos, nagsisimula silang hanapin siya, at babalik (sila) at masidhing hahanapin siya.
35 Et rememorati sunt quia Deus adiutor est eorum: et Deus excelsus redemptor eorum est.
Maaalala nila na ang Diyos ang kanilang bato at ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang tagapagligtas.
36 Et dilexerunt eum in ore suo, et lingua sua mentiti sunt ei:
Pero bobolahin siya nila sa pamamagitan ng kanilang bibig at magsisinungaling (sila) sa pamamagitan ng kanilang mga salita.
37 Cor autem eorum non erat rectum cum eo: nec fideles habiti sunt in testamento eius.
Dahil ang kanilang mga puso ay hindi matatag na nakatuon sa kaniya, at hindi (sila) tapat sa kaniyang tipan.
38 Ipse autem est misericors, et propitius fiet peccatis eorum: et non disperdet eos. Et abundavit ut averteret iram suam: et non accendit omnem iram suam:
Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi (sila) winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
39 Et recordatus est quia caro sunt: spiritus vadens, et non rediens.
Inalala niya na (sila) ay gawa sa laman, isang hangin na umiihip at hindi na bumalik.
40 Quoties exacerbaverunt eum in deserto, in iram concitaverunt eum in inaquoso?
Napakadalas nilang nagrebelde laban sa kaniya sa ilang at pinagdalamhati siya sa tigang na mga rehiyon!
41 Et conversi sunt, et tentaverunt Deum: et Sanctum Israel exacerbaverunt.
Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos at sinaktan ang Banal ng Israel.
42 Non sunt recordati manus eius, die qua redemit eos de manu tribulantis,
Hindi nila inisip ang kaniyang kapangyarihan, kung paano niya (sila) niligtas mula sa mga kalaban
43 Sicut posuit in Ægypto signa sua, et prodigia sua in campo Taneos.
nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.
44 Et convertit in sanguinem flumina eorum, et imbres eorum, ne biberent.
Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi (sila) makainom mula sa kanilang mga batis.
45 Misit in eos cœnomyiam, et comedit eos: et ranam, et disperdidit eos.
Nagpadala siya ng kulupon ng mga langaw na lumamon sa kanila at mga palaka na kumalat sa kanilang lupain.
46 Et dedit ærugini fructus eorum: et labores eorum locustæ.
Binigay niya ang kanilang mga pananim sa mga tipaklong at ang trabaho nila sa mga balang.
47 Et occidit in grandine vineas eorum: et moros eorum in pruina.
Winasak niya ang kanilang mga taniman gamit ang yelo at ang kanilang mga punong sikamore ng mas maraming pang yelo.
48 Et tradidit grandini iumenta eorum: et possessionem eorum igni.
Nagpaulan siya ng yelo sa kanilang mga baka at naghagis ng mga kidlat sa kanilang mga baka.
49 Misit in eos iram indignationis suæ: indignationem, et iram, et tribulationem: immissiones per angelos malos.
Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.
50 Viam fecit semitæ iræ suæ, non pepercit a morte animabus eorum: et iumenta eorum in morte conclusit.
Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit; hindi niya (sila) niligtas mula sa kamatayan pero ibinigay niya (sila) sa salot.
51 Et percussit omne primogenitum in terra Ægypti: primitias omnis laboris eorum in tabernaculis Cham.
Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.
52 Et abstulit sicut oves populum suum: et perduxit eos tamquam gregem in deserto.
Inakay niya ang sarili niyang bayan gaya ng tupa at ginabayan (sila) mula sa ilang gaya ng isang kawan.
53 Et deduxit eos in spe, et non timuerunt: et inimicos eorum operuit mare.
Inakay niya (sila) nang may kapanatagan at walang takot, pero nagapi ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 Et induxit eos in montem sanctificationis suæ, montem, quem acquisivit dextera eius. Et eiecit a facie eorum Gentes: et sorte divisit eis terram in funiculo distributionis.
Pagkatapos, dinala niya (sila) sa hangganan ng kaniyang banal na lupain, sa kaniyang bundok na nakuha ng kaniyang kanang kamay.
55 Et habitare fecit in tabernaculis eorum tribus Israel.
Tinaboy niya ang mga bansa sa kanilang mga harapan at itinalaga (sila) sa kanilang pamana; pinatira niya ang mga tribu ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Et tentaverunt, et exacerbaverunt Deum excelsum: et testimonia eius non custodierunt.
Pero hinamon at sumuway (sila) sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.
57 Et averterunt se, et non servaverunt pactum: quemadmodum patres eorum, conversi sunt in arcum pravum.
Hindi (sila) tapat at kumilos (sila) nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama; hindi (sila) maaasahan tulad ng isang sirang pana.
58 In iram concitaverunt eum in collibus suis: et in sculptilibus suis ad æmulationem eum provocaverunt.
Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.
59 Audivit Deus, et sprevit: et ad nihilum redegit valde Israel.
Nang marinig ito ng Diyos, nagalit siya at lubusang itinakwil ang Israel.
60 Et repulit tabernaculum Silo, tabernaculum suum, ubi habitavit in hominibus.
Iniwan niya ang banal na santuwaryo ng Shilo, ang tolda kung saan siya naninirahan kasama ng mga tao.
61 Et tradidit in captivitatem virtutem eorum: et pulchritudinem eorum in manus inimici.
Hinayaan niyang mahuli ang kaniyang lakas at ibinigay niya ang kaniyang kaluwalhatian sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
62 Et conclusit in gladio populum suum: et hereditatem suam sprevit.
Ibinigay niya ang kaniyang bayan sa mga espada, at nagalit siya sa kaniyang pamana.
63 Iuvenes eorum comedit ignis: et virgines eorum non sunt lamentatæ.
Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata, at ang mga dalaga nila ay walang mga kantang pangkasal.
64 Sacerdotes eorum in gladio ceciderunt: et viduæ eorum non plorabantur.
Nahulog ang kanilang mga pari sa espada, at ang kanilang mga balo ay hindi makaiyak.
65 Et excitatus est tamquam dormiens Dominus, tamquam potens crapulatus a vino.
Pagkatapos, gumising ang Diyos mula sa pagkakatulog, gaya ng isang mandirigma na sumisigaw dahil sa alak.
66 Et percussit inimicos suos in posteriora: opprobrium sempiternum dedit illis.
Pinaatras niya ang kaniyang mga kaaway; inilagay niya (sila) sa walang hanggang kahihiyan.
67 Et repulit tabernaculum Ioseph: et tribum Ephraim non elegit:
Tinanggihan niya ang tolda ni Jose, at hindi niya pinili ang tribu ni Efraim.
68 Sed elegit tribum Iuda, montem Sion quem dilexit.
Pinili niya ang tribu ng Juda at Bundok ng Sion na iniibig niya.
69 Et ædificavit sicut unicornium sanctificium suum in terra, quam fundavit in sæcula.
Itinayo niya ang kaniyang banal na santuwaryo gaya ng langit, gaya ng daigdig na kaniyang itinatag magpakailanman.
70 Et elegit David servum suum, et sustulit eum de gregibus ovium: de post fœtantes accepit eum.
Pinili niya si David, ang kaniyang lingkod, at kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.
71 Pascere Iacob servum suum, et Israel hereditatem suam:
Kinuha siya mula sa pagsunod sa mga babaeng tupa kasama ng mga kanilang anak, at dinala siya para maging pastol ni Jacob, ng kaniyang bayan, at ng Israel, na kaniyang pamana.
72 Et pavit eos in innocentia cordis sui: et in intellectibus manuum suarum deduxit eos.
Pinatnubayan (sila) ni David nang may dangal sa kaniyang puso, at ginabayan (sila) sa pamamagitan ng kahusayan ng kaniyang mga kamay.

< Psalmorum 78 >