< Psalmorum 39 >

1 In finem, ipsi Idithun, Canticum David. Dixi: Custodiam vias meas: ut non delinquam in lingua mea. Posui ori meo custodiam, cum consisteret peccator adversum me.
Napagpasyahan ko, “Iingatan ko kung ano ang aking sasabihin para hindi magkasala dahil sa aking dila. Bubusalan ko ang aking bibig habang nasa harapan ng masamang tao.”
2 Obmutui, et humiliatus sum, et silui a bonis: et dolor meus renovatus est.
Nanatili akong tahimik; pinigilan ko ang aking mga salita kahit na sa pagsasabi ng mabuti, at ang aking paghihirap ay lalong lumala.
3 Concaluit cor meum intra me: et in meditatione mea exardescet ignis.
Nag-aalab ang aking puso; kapag iniisip ko ang tungkol sa mga bagay na ito, nakapapaso ito tulad ng isang apoy. Kaya sa wakas nagsalita na ako.
4 Locutus sum in lingua mea: Notum fac mihi Domine finem meum. Et numerum dierum meorum quis est: ut sciam quid desit mihi.
Yahweh, ipaalam mo sa akin kung kailan ang katapusan ng aking buhay at ang kahabaan ng aking mga araw. Ipakita mo sa akin kung paano ako lilipas.
5 Ecce mensurabiles posuisti dies meos: et substantia mea tamquam nihilum ante te. Verumtamen universa vanitas, omnis homo vivens.
Tingnan mo, ginawa mo lamang kasing lapad ng aking kamay ang aking mga araw, at ang haba ng aking buhay ay balewala para sa iyo. Tunay na ang bawat tao ay parang isang hininga. (Selah)
6 Verumtamen in imagine pertransit homo: sed et frustra conturbatur. Thesaurizat: et ignorat cui congregabit ea.
Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
7 Et nunc quæ est expectatio mea? nonne Dominus? et substantia mea apud te est.
Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay? Ikaw lamang ang aking pag-asa.
8 Ab omnibus iniquitatibus meis erue me: opprobrium insipienti dedisti me.
Ako ay bigyan mo ng katagumpayan sa lahat ng aking mga kasalanan: huwag mo akong gawing paksa ng pangungutya ng mga mangmang.
9 Obmutui, et non aperui os meum, quoniam tu fecisti:
Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
10 amove a me plagas tuas.
Itigil mo na ang pagpapahirap sa akin; nalulula ako sa pamamagitan ng hampas ng inyong kamay.
11 A fortitudine manus tuæ ego defeci in increpationibus: propter iniquitatem corripuisti hominem. Et tabescere fecisti sicut araneam animam eius: verumtamen vane conturbatur omnis homo.
Kapag itinutuwid mo ang mga tao dahil sa kasalanan, dahan-dahan mong inuubos ang kanilang lakas tulad ng isang gamu-gamo; tunay na balewala ang lahat ng tao tulad ng singaw. (Selah)
12 Exaudi orationem meam Domine, et deprecationem meam: auribus percipe lacrimas meas. Ne sileas: quoniam advena ego sum apud te, et peregrinus, sicut omnes patres mei.
Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno.
13 Remitte mihi, ut refrigerer priusquam abeam, et amplius non ero.
Ibaling mo ang iyong pagtitig mula sa akin para muli akong makangiti bago ako mamatay.”

< Psalmorum 39 >