< Jeremiæ 42 >

1 Et accesserunt omnes principes bellatorum, et Iohanan filius Caree, et Iezonias filius Osaiæ, et reliquum vulgus a parvo usque ad magnum:
At lumapit kay propeta Jeremias ang lahat ng mga pinuno ng hukbo at sina Johanan na anak ni Karea, Azarias na anak ni Hosaias at lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
2 Dixeruntque ad Ieremiam prophetam: Cadat oratio nostra in conspectu tuo: et ora pro nobis ad Dominum Deum tuum pro universis reliquiis istis, quia derelicti sumus pauci de pluribus, sicut oculi tui nos intuentur:
Sinabi nila sa kaniya, “Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.
3 Et annunciet nobis Dominus Deus tuus viam, per quam pergamus, et verbum, quod faciamus.
Tanungin mo kay Yahweh na iyong Diyos upang sabihin sa amin ang daang dapat naming puntahan at kung ano ang dapat naming gawin.”
4 Dixit autem ad eos Ieremias propheta: Audivi: ecce ego oro ad Dominum Deum vestrum secundum verba vestra. Omne verbum, quodcumque responderit mihi, indicabo vobis: nec celabo vos quidquam.
Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, “Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo.”
5 Et illi dixerunt ad Ieremiam: Sit Dominus inter nos testis veritatis et fidei, si non iuxta omne verbum, in quo miserit te Dominus Deus tuus ad nos, sic faciemus.
Sinabi nila kay Jeremias, “Nawa ay maging tunay at tapat na saksi laban sa atin si Yahweh, kung hindi namin gagawin ang lahat ng bagay na pinagagawa sa amin ni Yahweh na iyong Diyos.
6 Sive bonum est, sive malum, voci Domini Dei nostri, ad quem mittimus te, obediemus. Ut bene sit nobis cum audierimus vocem Domini Dei nostri.
Maging mabuti man ito o masama, susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos, na aming isinusugo sa iyo, nang sa gayon ay makakabuti ito sa amin kapag susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos.”
7 Cum autem completi essent decem dies, factum est verbum Domini ad Ieremiam.
At nangyari nga ito pagkaraan ng sampung araw, dumating kay Jeremias ang salita ni Yahweh.
8 Vocavitque Iohanan filium Caree, et omnes principes bellatorum, qui erant cum eo, et universum populum a minimo usque ad magnum.
Kaya tinawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo kasama niya at ang lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
9 Et dixit ad eos: Hæc dicit Dominus Deus Israel, ad quem misistis me, ut prosternerem preces vestras in conspectu eius:
At sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, na sa kaniya ninyo ako ipinadala upang maaari kong mailapit ang inyong pagsamo sa kaniya. Sinasabi ito ni Yahweh,
10 Si quiescentes manseritis in terra hac, ædificabo vos, et non destruam; plantabo, et non evellam: iam enim placatus sum super malo quod feci vobis.
'Kung babalik kayo at maninirahan sa lupaing ito, itatayo ko kayo at hindi ko kayo ibabagsak; itatanim ko kayo at hindi bubunutin, sapagkat aalisin ko ang mga sakuna na dinala ko sa inyo.
11 Nolite timere a facie regis Babylonis, quem vos pavidi formidatis: nolite metuere eum, dicit Dominus: quia vobiscum sum ego, ut salvos vos faciam, et eruam de manu eius.
Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia, na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot sa kaniya sapagkat kasama ninyo ako upang iligtas kayo at sagipin kayo mula sa kaniyang kamay, ito ang pahayag ni Yahweh.
12 Et dabo vobis misericordias, et miserebor vestri, et habitare vos faciam in terra vestra.
Sapagkat kaaawaan ko kayo. Mahahabag ako sa inyo at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.
13 Si autem dixeritis vos: Non habitabimus in terra ista, nec audiemus vocem Domini Dei nostri,
Ngunit ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi na kami mananatali sa lupaing ito”—kung hindi kayo makikinig sa aking tinig, ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos.
14 dicentes: Nequaquam, sed ad Terram Ægypti pergemus: ubi non videbimus bellum, et clangorem tubæ non audiemus, et famem non sustinebimus: et ibi habitabimus:
Ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi! Pupunta kami sa lupain ng Egipto, kung saan wala kaming makikitang anumang digmaan, kung saan hindi namin maririnig ang tunog ng trumpeta, at hindi kami magugutom sa pagkain. Maninirahan kami roon.”
15 Propter hoc nunc audite verbum Domini reliquiæ Iuda: Hæc dicit Dominus exercituum, Deus Israel: Si posueritis faciem vestram ut ingrediamini Ægyptum, et intraveritis ut ibi habitetis:
Ngayon, makinig kayo sa salitang ito ni Yahweh, kayong natira ng Juda. Si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito, 'Kung nais ninyo talagang umalis papuntang Egipto, upang pumunta at manirahan doon,
16 gladius, quem vos formidatis, ibi comprehendet vos in Terra Ægypti: et fames, pro qua estis soliciti, adhærebit vobis in Ægypto, et ibi moriemini.
at ang espada na inyong kinatatakutan ay mauunahan kayo roon sa lupain ng Egipto. Ang taggutom na inyong inaalala ang hahabol sa inyo sa Egipto. At mamamatay kayo roon.
17 Omnesque viri, qui posuerunt faciem suam ut ingrediantur Ægyptum, ut habitent ibi, morientur gladio, et fame, et peste: nullus de eis remanebit, nec effugiet a facie mali, quod ego afferam super eos.
Kaya mangyayari ito na ang lahat ng mga kalalakihang umalis upang magpunta sa Egipto na maninirahan doon ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, taggutom o salot. Walang makakaligtas sa kanila, walang sinuman ang makakatakas sa sakuna na aking dadalhin sa kanila.
18 Quia hæc dicit Dominus exercituum, Deus Israel: Sicut conflatus est furor meus, et indignatio mea super habitatores Ierusalem: sic conflabitur indignatio mea super vos, cum ingressi fueritis Ægyptum, et eritis in iusiurandum, et in stuporem, et in maledictum, et in opprobrium: et nequaquam ultra videbitis locum istum.
Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'”
19 Verbum Domini super vos reliquiæ Iuda: Nolite intrare Ægyptum: scientes scietis quia obtestatus sum vos hodie,
Pagkatapos, sinabi ni Jeremias, “Nagsalita si Yahweh tungkol sa inyo—ang natira ng Juda. Huwag kayong pumunta sa Egipto! Natitiyak ko na alam ninyo na ako ang naging saksi laban sa inyo ngayon.
20 quia decepistis animas vestras: vos enim misistis me ad Dominum Deum nostrum dicentes: Ora pro nobis ad Dominum Deum nostrum, et iuxta omnia quæcumque dixerit tibi Dominus Deus noster, sic annuncia nobis, et faciemus.
Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.
21 Et annunciavi vobis hodie, et non audistis vocem Domini Dei vestri super universis, pro quibus misit me ad vos.
Sapagkat ibinalita ko sa inyo ngayon, ngunit hindi kayo nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos o sa anumang bagay tungkol sa kaniyang ipinadala sa akin para sa inyo.
22 Nunc ergo scientes scietis quia gladio, et fame, et peste moriemini in loco, ad quem voluistis intrare ut habitaretis ibi.
Kaya ngayon, tiyak na dapat ninyong malaman na mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot sa lugar kung saan nais ninyong puntahan upang manirahan.”

< Jeremiæ 42 >