< Ecclesiastes 8 >

1 Sapientia hominis lucet in vultu eius, et potentissimus faciem illius commutabit.
Ano ang isang taong matalino? Ito ay isang taong nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay. Ang karunungan sa isang tao ay nagpapaningning ng kaniyang mukha, at ang katigasan sa kaniyang mukha ay nagbabago.
2 Ego os regis observo, et præcepta iuramenti Dei.
Pinapayuhan ko kayong sundin ang utos ng hari dahil sa pangako ng Diyos na ipagtatanggol siya.
3 Ne festines recedere a facie eius, neque permaneas in opere malo: quia omne, quod voluerit, faciet:
Huwag magmadaling lumayo sa harapan niya at huwag kang mamalagi sa maling bagay, dahil magagawa ng hari ang anumang ninanais niya.
4 et sermo illius potestate plenus est: nec dicere ei quisquam potest: Quare ita facis?
Ang salita ng hari ay maghahari, kaya sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
5 Qui custodit præceptum, non experietur quidquam mali. Tempus et responsionem cor sapientis intelligit.
Sinumang sumusunod sa mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan. Ang isang matalinong puso ng tao ay nakikilala ang nararapat na landas at oras ng pagkilos.
6 Omni negotio tempus est, et opportunitas, et multa hominis afflictio:
Sapagkat sa bawat bagay ay mayroong wastong pagtugon at oras sa pagtugon, dahil ang mga kaguluhan ng tao ay napakalaki.
7 quia ignorat præterita, et futura nullo scire potest nuncio.
Walang nakakaalam kung ano ang susunod. Sino ang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang susunod?
8 Non est in hominis potestate prohibere spiritum, nec habet potestatem in die mortis, nec sinitur quiescere ingruente bello, neque salvabit impietas impium.
Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan. Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isang digmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito.
9 Omnia hæc consideravi, et dedi cor meum in cunctis operibus, quæ fiunt sub sole. Interdum dominatur homo homini in malum suum.
Naintindihan ko ang lahat ng ito; inilagay ko sa aking puso ang bawat uri ng gawa na naganap sa ilalim ng araw. Mayroong isang panahon kung saan ang isang tao ay may kakayahang gumawa ng masama sa iba.
10 Vidi impios sepultos: qui etiam cum adhuc viverent, in loco sancto erant, et laudabantur in civitate quasi iustorum operum. Sed et hoc vanitas est.
Kaya nakita kong lantarang inilibing ang masama. Sila ay dinala mula sa lugar at inilibing saka pinuri ng mga tao sa lungsod kung saan nila ginagawa ang masasamang mga gawain. Ito rin ay walang pakinabang.
11 Etenim quia non profertur cito contra malos sententia, absque timore ullo filii hominum perpetrant mala.
Kapag ang isang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ipinatupad, hinihikayat nito ang puso ng taong gumawa ng masama.
12 At tamen peccator ex eo quod centies facit malum, et per patientiam sustentatur, ego cognovi quod erit bonum timentibus Deum, qui verentur faciem eius.
Kahit isang daang ulit gumagawa ng masama ang isang makasalanan at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, gayon man alam ko na magiging mabuti sa mga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan ang kaniyang presensiya sa kanila.
13 Non sit bonum impio, nec prolongentur dies eius, sed quasi umbra transeant qui non timent faciem Domini.
Ngunit hindi magiging mabuti sa isang taong masama; ang kaniyang buhay ay hindi pahahabain. Ang kaniyang mga araw ay katulad ng isang naglalahong anino dahil hindi niya pinararangalan ang Diyos.
14 Est et alia vanitas, quæ fit super terram. Sunt iusti, quibus mala proveniunt, quasi opera egerint impiorum: et sunt impii, qui ita securi sunt, quasi iustorum facta habeant. Sed et hoc vanissimum iudico.
May isa pang walang silbing usok - isang bagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo. Ang mga bagay na nangyayari sa taong matuwid ay nangyayari din sa taong masama, at ang mga bagay na nangyayari sa taong masama ay nangyayari din sa taong matuwid. Sinasabi ko na ito rin ay walang silbing parang singaw.
15 Laudavi igitur lætitiam quod non esset homini bonum sub sole, nisi quod comederet, et biberet, atque gauderet: et hoc solum secum auferret de labore suo in diebus vitæ suæ, quos dedit ei Deus sub sole.
Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahan ang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya sa ilalim ng araw.
16 Et apposui cor meum ut scirem sapientiam, et intelligerem distentionem, quæ versatur in terra: est homo, qui diebus et noctibus somnum non capit oculis.
Nang ginamit ko ang aking puso upang malaman ang karunungan at maunawaan ang gawaing naganap sa ibabaw ng mundo, ang gawaing madalas nagaganap nang walang tulog para sa mga mata sa gabi o sa araw,
17 Et intellexi quod omnium operum Dei nullam possit homo invenire rationem eorum, quæ fiunt sub sole: et quanto plus laboraverit ad quærendum, tanto minus inveniat: etiam si dixerit sapiens se nosse, non poterit reperire.
at namasdan ko lahat ng gawain ng Diyos at hindi maunawaan ng tao ang gawaing ginawa sa ilalim ng araw. Gaano man ang pagsisikap ng tao para hanapin ang mga kasagutan, hindi niya ito mahahanap. Kahit na sa paniwala ng isang matalino ay alam na niya ang lahat, sa totoo lang hindi niya alam.

< Ecclesiastes 8 >