< Ecclesiastes 11 >

1 Mitte panem tuum super transeuntes aquas: quia post tempora multa invenies illum.
Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan: sapagka't iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw.
2 Da partem septem, necnon et octo: quia ignoras quid futurum sit mali super terram.
Magbigay ka ng bahagi sa pito, oo, sa walo; sapagka't hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa.
3 Si repletæ fuerint nubes, imbrem super terram effundent. Si ceciderit lignum ad Austrum, aut ad Aquilonem, in quocumque loco ceciderit, ibi erit.
Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan, ay tumutulo sa lupa: at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan, o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.
4 Qui observat ventum, non seminat: et qui considerat nubes, numquam metet.
Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.
5 Quomodo ignoras quæ sit via spiritus, et qua ratione compingantur ossa in ventre prægnantis; sic nescis opera Dei, qui Fabricator est omnium.
Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat.
6 Mane semina semen tuum, et vespere ne cesset manus tua: quia nescis quid magis oriatur, hoc aut illud: et si utrumque simul, melius erit.
Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka't hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti.
7 Dulce lumen, et delectabile est oculis videre solem.
Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw.
8 Si annis multis vixerit homo, et in his omnibus lætatus fuerit, meminisse debet tenebrosi temporis, et dierum multorum: qui cum venerint, vanitatis arguentur præterita.
Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni't alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka't magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan.
9 Lætare ergo iuvenis in adolescentia tua, et in bono sit cor tuum in diebus iuventutis tuæ, et ambula in viis cordis tui, et in intuitu oculorum tuorum: et scito quod pro omnibus his adducet te Deus in iudicium.
Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: nguni't talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan.
10 Aufer iram a corde tuo, et amove malitiam a carne tua. Adolescentia enim et voluptas vana sunt.
Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.

< Ecclesiastes 11 >