< Ii Paralipomenon 32 >

1 Post quæ et huiuscemodi veritatem, venit Sennacherib rex Assyriorum, et ingressus Iudam, obsedit civitates munitas, volens eas capere.
Pagkatapos ng mga bagay na ito at ang mga gawaing ito na nagpapakita ng katapatan, si Sinaquerib, ang hari ng Asiria, ay dumating at pumasok sa Juda; nagkampo siya upang lusubin ang mga matitibay na lungsod, na binalak niyang sakupin.
2 Quod cum vidisset Ezechias, venisse scilicet Sennacherib, et totum belli impetum verti contra Ierusalem,
Nang makita ni Ezequias na dumating si Senaquerib at nilalayon na labanan ang Jerusalem,
3 inito cum principibus consilio, virisque fortissimis ut obturarent capita fontium, qui erant extra urbem: et hoc omnium decernente sententia,
sumangguni siya sa kaniyang mga pinuno at sa kaniyang mga makapangyarihang tauhan upang harangan ang tubig ng mga bukal na nasa labas ng lungsod; tinulungan nila siyang gawin ito.
4 congregavit plurimam multitudinem, et obturaverunt cunctos fontes, et rivum, qui fluebat in medio terræ, dicentes: Ne veniant reges Assyriorum, et inveniant aquarum abundantiam.
Kaya maraming tao ang nagtipon-tipon at hinarangan ang lahat ng mga bukal at ang sapa na dumadaloy sa kalagitnaan ng lupain. Sinabi nila, “Bakit paririto ang mga Hari ng Asiria at makakasumpong ng maraming tubig?”
5 Ædificavit quoque, agens industrie, omnem murum, qui fuerat dissipatus, et extruxit turres desuper, et forinsecus alterum murum: instauravitque Mello in Civitate David, et fecit universi generis armaturam et clypeos:
Nagkaroon si Ezequias ng lakas ng loob at itinayo ang lahat ng mga pader na nasira; pinataas niya ang mga ito hanggang sa mga tore, gayon din ang iba pang mga pader na nasa labas. Pinatibay din niya ang Millo sa lungsod ni David, at gumawa siya ng maraming bilang ng mga sandata at mga kalasag.
6 constituitque principes bellatorum in exercitu: et convocavit universos in platea portæ civitatis, ac locutus est ad cor eorum dicens:
Naglagay siya ng mga pinunong kawal na mangangasiwa sa mga tao. Tinipon niya silang sama-sama sa kaniyang harapan sa malawak na lugar sa tarangkahan ng lungsod at pinalakas niya ang kanilang kalooban. Sinabi niya,
7 Viriliter agite, et confortamini: nolite timere, nec paveatis regem Assyriorum, et universam multitudinem, quæ est cum eo: multo enim plures nobiscum sunt, quam cum illo.
“Magpakalakas at magpakatapang kayo. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob dahil sa hari ng Asiria at sa lahat ng mga hukbo na kasama niya, Sapagkat kasama natin ang mas malakas kaysa sa mga kasama niya.
8 Cum illo enim est brachium carneum: nobiscum Dominus Deus noster, qui auxiliator est noster, pugnatque pro nobis. Confortatusque est populus huiuscemodi verbis Ezechiæ regis Iuda.
Kawal lamang sa laman ang mga kasama niya, ngunit kasama natin si Yahweh, na ating Diyos, upang tulungan tayo, at upang makipaglaban para sa atin.” At pinalakas nila ang loob ng bawat isa ayon sa sinalita ni Ezequias, na hari ng Juda.
9 Quæ postquam gesta sunt, misit Sennacherib rex Assyriorum servos suos in Ierusalem (ipse enim cum universo exercitu obsidebat Lachis) ad Ezechiam regem Iuda, et ad omnem populum, qui erat in urbe, dicens:
Pagkatapos nito, si Sinaquerib, na hari ng Asiria ay nagpadala ng kaniyang mga lingkod sa Jerusalem (ngayon siya ay nasa harap na ng Laquis at ang lahat ng kaniyang mga kawal ay kasama niya), para kay Ezequias, na hari ng Juda, at sa lahat ng taga-Juda na nasa Jerusalem. Sinabi niya,
10 Hæc dicit Sennacherib rex Assyriorum: In quo habentes fiduciam sedetis obsessi in Ierusalem?
“Ito ang sinabi ni Sinaquerib, na hari ng Asiria: 'Sa ano kayo umaaasa upang mapagtiisan ninyo ang isang nakaambang paglusob sa Jerusalem?
11 Num Ezechias decipit vos, ut tradat morti in fame et siti, affirmans quod Dominus Deus vester liberet vos de manu regis Assyriorum?
Hindi ba nililinlang kayo ni Ezequias, upang mamatay kayo sa pamamagitan ng pagkagutom at pagka-uhaw, nang sinabi niya sa inyo, “Ililigtas tayo ni Yahweh mula sa kamay ng hari ng Asiria?”
12 Numquid non iste est Ezechias, qui destruxit excelsa illius, et altaria, et præcepit Iuda et Ierusalem, dicens: Coram altari uno adorabitis, et in ipse comburetis incensum?
Hindi ba ito rin ang Ezequias na nag-alis sa kaniyang mga dambana at sa kaniyang mga altar, at inutusan ang Juda at Jerusalem, “sa isang altar kayo sasamba at dito ninyo susunugin ang inyong mga alay?”
13 An ignoratis quæ ego fecerim, et patres mei cunctis terrarum populis? Numquid prævaluerunt dii gentium, omniumque terrarum liberare regionem suam de manu mea?
Hindi ba ninyo alam kung ano ang ginawa ko at ng aking mga ninuno sa lahat ng mga lahi ng ibang mga lupain? Nailigtas ba ng mga diyos ng mga ibang mga lahi sa anumang paraan ang kanilang lupain mula sa aking kapangyarihan?
14 Quis est de universis diis gentium, quas vastaverunt patres mei, qui potuerit eruere populum suum de manu mea, ut possit etiam Deus vester eruere vos de hac manu?
Sa lahat ng mga diyos ng mga bansang iyon na lubusang sinira ng aking mga ninuno, mayroon bang diyos na may kakayahang iligatas ang kaniyang bayan mula sa aking mga kamay? Bakit kayo maililigtas ng inyong Diyos mula sa aking kapangyarihan?
15 Non vos ergo decipiat Ezechias, nec vana persuasione deludat, neque credatis ei. Si enim nullus potuit deus cunctarum gentium atque regnorum liberare populum suum de manu mea, et de manu patrum meorum, consequenter nec Deus vester poterit eruere vos de manu mea.
Ngayon huwag ninyong hayaan na linlangin o hikayatin kayo ni Ezequias sa paraang ito. Huwag kayong maniwala sa kaniya, sapagkat wala diyos ng anumang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng kaniyang bayan mula sa aking mga kamay, o mula sa kamay ng aking mga ninuno. Gaano pa kaya kayo ililigtas ng ang inyong Diyos mula ssa aking kamay?”
16 Sed et alia multa locuti sunt servi eius contra Dominum Deum, et contra Ezechiam servum eius.
Nagsalita pa ang mga alipin ni Sinaquerib ng mas marami laban kay Yahweh na Diyos at sa lingkod niyang si Ezequias.
17 Epistolas quoque scripsit plenas blasphemiæ in Dominum Deum Israel, et locutus est adversus eum: Sicut dii gentium ceterarum non potuerunt liberare populum suum de manu mea, sic et Deus Ezechiæ eruere non poterit populum suum de manu ista.
Sumulat din si Sinaquerib ng liham upang kutyain si Yahweh, ang Diyos ng Israel, at upang magsalita ng laban sa kaniya. Sinabi niya, “Gaya ng mga diyos ng mga tao sa mga lupain na hindi nailigtas ang kanilang mga tao sa aking mga kamay, gayundin ang Diyos ni Ezequias na hindi kayang iligtas ang kaniyang mga tao sa aking mga kamay.”
18 Insuper et clamore magno, lingua Iudaica contra populum, qui sedebat in muris Ierusalem, personabat, ut terreret eos, et caperet civitatem.
Sumigaw sila nang malakas gamit ang salita ng mga Judio sa mga taga-Jerusalem na nasa pader, upang takutin at guluhin sila, nang sa gayon, masakop nila ang lungsod.
19 Locutusque est contra Deum Ierusalem, sicut adversum deos populorum terræ, opera manuum hominum.
Nagsalita sila sa Diyos ng Jerusalem gaya ng pagsasalita nila sa diyos ng ibang mga tao sa lupa, na gawa lamang ng kamay ng tao.
20 Oraverunt igitur Ezechias rex, et Isaias filius Amos prophetes, adversum hanc blasphemiam, ac vociferati sunt usque in cælum.
Si haring Ezequias, at si propetang Isaias na anak ni Amos ay nanalangin dahil sa mga pangyayaring ito at nagmakaawa sa langit.
21 Et misit Dominus Angelum, qui percussit omnem virum robustum, et bellatorem, et principem exercitus regis Assyriorum: Reversusque est cum ignominia in terram suam. Cumque ingressus esset domum dei sui, filii qui egressi fuerant de utero eius, interfecerunt eum gladio.
Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
22 Salvavitque Dominus Ezechiam et habitatores Ierusalem de manu Sennacherib regis Assyriorum, et de manu omnium, et præstitit eis quietem per circuitum.
Sa ganitong paraan, iniligtas ni Yahweh si Ezequias at ang mga naninirahan sa Jerusalem mula sa kamay ni Sinaquerib, ang hari ng Asiria, at mula sa lahat ng kamay ng iba, at pinatnubayan sila sa lahat ng paraan.
23 Multi etiam deferebant hostias, et sacrificia Domino in Ierusalem, et munera Ezechiæ regi Iuda: qui exaltatus est post hæc coram cunctis gentibus.
Maraming nagdala ng kaloob kay Yahweh sa Jerusalem, at mga mahahalagang bagay kay Ezequias, ang hari ng Judah, kaya naging tanyag siya sa paningin ng lahat ng bansa mula sa panahong iyon at sa sumunod pang mga panahon.
24 In diebus illis ægrotavit Ezechias usque ad mortem, et oravit Dominum: exaudivitque eum, et dedit ei signum.
Sa mga panahong iyon nagkasakit si Ezequias na halos malapit na niyang ikamatay. Kaya nanalangin siya kay Yahweh, na nagsalita sa kaniya na nagbigay ng tanda sa kaniya na siya ay gagaling.
25 Sed non iuxta beneficia, quæ acceperat, retribuit, quia elevatum est cor eius: et facta est contra eum ira, et contra Iudam et Ierusalem.
Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.
26 Humiliatusque est postea eo quod exaltatum fuisset cor eius, tam ipse, quam habitatores Ierusalem: et idcirco non venit super eos ira Domini in diebus Ezechiæ.
Gayunman, sa bandang huli nagpakumbaba siya sa pagmamataas ng kaniyang puso, siya at kasama ang mga mamamayan ng Jerusalem, kaya hindi dumating ang galit ni Yahweh sa kanila sa panahon ng paghahari ni Ezequias.
27 Fuit autem Ezechias dives, et inclytus valde, et thesauros sibi plurimos congregavit argenti et auri et lapidis pretiosi, aromatum, et armorum universi generis, et vasorum magni pretii.
Nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Ezequias. Nagpagawa siya para sa kaniya ng silid imbakan para sa mga pilak, ginto, mamahaling mga bato at para sa mga pampalasa, at para din sa mga kalasag at para sa lahat ng uri ng mamahaling bagay.
28 Apothecas quoque frumenti, vini, et oleo, et præsepia omnium iumentorum, caulasque pecorum,
Mayroon din siyang mga bahay imbakan para sa mga inaning butil, bagong alak, at langis; at kuwadra para sa lahat ng uri ng mga hayop; mayroon din siyang mga kawan sa kanilang kural.
29 et urbes ædificavit sibi: habebat quippe greges ovium, et armentorum innumerabiles, eo quod dedisset ei Dominus substantiam multam nimis.
Bukod pa rito, nagpatayo siya para sa kaniyang sarili ng mga lungsod at nagkaroon siya ng napakaraming mga tupa at mga kawan, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng napakaraming kayamanan.
30 Ipse est Ezechias, qui obturavit superiorem fontem aquarum Gihon, et avertit eas subter ad Occidentem Urbis David: in omnibus operibus suis fecit prospere quæ voluit.
Si Ezequias din na ito ang nagpatigil sa bukal ng tubig sa itaas ng Gihon, at pinaagos ito pababa patungo sa gilid ng kanlurang bahagi ng lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kaniyang gawain.
31 Attamen in legatione principum Babylonis, qui missi fuerant ad eum, ut interrogarent de portento, quod acciderat super terram, dereliquit eum Deus ut tentaretur, et nota fierent omnia, quæ erant in corde eius.
Gayun pa man, tungkol sa mga sugo ng mga prinsipe ng Babilonia na pinapunta sa kaniya upang magtanong tungkol sa mga kamangha-manghang nangyari sa lupain, hinayaan siya ng Diyos, upang subukin siya, at upang alamin ang lahat ng nasa kaniyang puso.
32 Reliqua autem sermonum Ezechiæ, et misericordiarum eius scripta sunt in visione Isaiæ filii Amos prophetæ, et in libro regum Iuda et Israel.
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ezequias, kabilang ang kaniyang mga gawa na nagpapakita ng katapatan, makikita ninyo na nakasulat ang mga ito sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, at sa Aklat ng mga Hari ng Judah at Israel.
33 Dormivitque Ezechias cum patribus suis, et sepelierunt eum super sepulchra filiorum David: et celebravit eius exequias universus Iuda, et omnes habitatores Ierusalem: regnavitque Manasses filius eius pro eo.
Namatay si Ezequias gaya ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa burol ng libingan ng mga kaapu-apuhan ni David. Sa kaniyang burol pinarangalan siya ng lahat ng mga taga-Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kaniyang anak na lalaki na si Manases.

< Ii Paralipomenon 32 >