< I Paralipomenon 7 >

1 Porro filii Issachar: Thola, et Phua, Iasub, et Simeron, quattuor.
Ang apat na anak na lalaki ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.
2 Filii Thola: Ozi et Raphaia, et Ieriel, et Iemai, et Iebsem, et Samuel, principes per domos cognationum suarum. De stirpe Thola viri fortissimi numerati sunt in diebus David, viginti duo millia sexcenti.
Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang pinagmulan ng mga angkan na nagmula sa kanilang mga ninuno, ang mga angkan ni Tola. Sila ay mga malalakas at matatapang na lalaki. Ayon sa kanilang mga talaan, ang kanilang bilang ay 22, 600 noong panahon ni David.
3 Filii Ozi: Izrahia, de quo nati sunt Michael, et Obadia, et Ioel, et Iesia, quinque omnes principes.
Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahias. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias, ang mga pinuno ng limang angkan.
4 Cumque eis per familias, et populos suos, accincti ad prælium, viri fortissimi, triginta sex millia: multas enim habuerunt uxores, et filios.
Ayon sa talaan ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, mayroon silang 36, 000 na mga hukbong pandigma sapagkat marami silang mga asawa at mga anak na lalaki.
5 Fratres quoque eorum per omnem cognationem Issachar robustissimi ad pugnandum, octoginta septem millia numerati sunt.
Ang kanilang mga kapatid, ang mga tribu ni Isacar ay mayroong 87, 000 na mga mandirigma ayon sa talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno.
6 Filii Beniamin: Bela, et Bechor, et Iadihel, tres.
Ang tatlong anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.
7 Filii Bela: Esbon, et Ozi, et Oziel, et Ierimoth, et Urai, quinque principes familiarum, et ad pugnandum robustissimi: numerus autem eorum, viginti duo millia et triginta quattuor.
Ang limang anak na lalaki ni Bela ay sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri. Sila ay mga mandirigma at pinagmulan ng mga angkan. Ayon sa mga talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, nasa 22, 034 ang bilang ng mga mandirigma ng kanilang hukbo.
8 Porro filii Bechor: Zamira, et Ioas, et Eliezer, et Elioenai, et Amri, et Ierimoth, et Abia, et Anathoth, et Almath: omnes hi, filii Bechor.
Ang mga anak na lalaki ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elionai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet. Ang lahat ng ito ay kaniyang mga anak.
9 Numerati sunt autem per familias suas principes cognationum suarum ad bella fortissimi, viginti millia et ducenti.
Ayon sa mga talaan ng kanilang angkan, nasa 20, 200 ang bilang ng mga pinuno ng pamilya at mga mandirigma.
10 Porro filii Iadihel: Balan. Filii autem Balan: Iehus, et Beniamin, et Aod, et Chanana, et Zethan, et Tharsis, et Ahisahar.
Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
11 Omnes hi filii Iadihel, principes cognationum suarum, viri fortissimi, decem et septem millia, et ducenti ad prælium procedentes.
Ang lahat ng ito ay mga anak ni Jediael. Ang nakasulat sa mga talaan ng kanilang mga angkan ay 17, 200 na mga pinuno at mga mandirigmang nababagay maglingkod sa militar.
12 Sepham quoque, et Hapham filii Hir: et Hasim filii Aher.
(Si Supim at Hupim ay mga anak ni Ir at si Husim naman ay anak ni Aher.)
13 Filii autem Nephthali: Iaziel, et Guni, et Ieser, et Sellum, filii Bala.
Ang mga anak na lalaki ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Sila ang mga apo ni Bilha.
14 Porro filius Manasse, Esriel: concubinaque eius Syra peperit Machir patrem Galaad.
Si Manases ay may anak na lalaki na nagngangalang Azriel na anak niya sa kaniyang asawang alipin na Aramea. Isinilang din niya si Maquir na ama ni Gilead.
15 Machir autem accepit uxores filiis suis Happhim, et Saphan: et habuit sororem nomine Maacha: nomen autem secundi, Salphaad, natæque sunt Salphaad filiæ.
Nakapangasawa si Maquir mula sa angkan nina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid na babae ay Maaca. Isa pa sa kaapu-apuhang lalaki ni Manases ay si Zelofehad na mayroon lamang mga anak na babae.
16 Et peperit Maacha uxor Machir filium, vocavitque nomen eius Phares: porro nomen fratris eius, Sares: et filii eius, Ulam, et Recen.
Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagsilang ng isang batang lalaki at tinawag siyang Peres. Ang pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki ay Seres na ang mga anak ay sina Ulam at Requem.
17 Filius autem Ulam, Badan. Hi sunt filii Galaad, filii Machir, filii Manasse.
Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Gilead na anak ni Maquir na anak ni Manases.
18 Soror autem eius Regina peperit virum-decorum, et Abiezer, et Mohola.
Isinilang ng kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet sina Ishod, Abiezer at Mahla.
19 Erant autem filii Semida, Ahin, et Sechem, et Leci, et Aniam.
Ang mga anak na lalaki naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhhi at Aniam.
20 Filii autem Ephraim: Suthala, Bared filius eius, Thahath filius eius, Elada filius eius, Thahath filius eius, huius filius Zabad,
Ang mga sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Efraim. Ang anak na lalaki ni Efraim ay si Sutela. Ang anak na lalaki ni Sutela ay si Bered. Ang anak na lalaki ni Bered ay si Tahat. Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Elada. Ang anak na lalaki ni Elada ay si Tahat.
21 et huius filius Suthula, et huius filius Ezer et Elad: occiderunt autem eos viri Geth indigenæ, quia descenderant ut invaderent possessiones eorum.
Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Zabad. Ang anak na lalaki ni Zabad ay si Sutela. (Si Ezer at Elad ay pinatay ng mga tao sa Gat nang pumunta sila upang nakawin ang kanilang mga baka.
22 Luxit igitur Ephraim pater eorum multis diebus, et venerunt fratres eius ut consolarentur eum.
Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa para sa kanila sa loob ng maraming araw at dumating ang kaniyang mga kapatid upang aliwin siya.
23 Ingressusque est ad uxorem suam: quæ concepit, et peperit filium, et vocavit nomen eius Beria, eo quod in malis domus eius ortus esset:
Sinipingan niya ang kaniyang asawa. Nabuntis siya at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag siya ni Efraim na Beria dahil sa kasawiang dumating sa kaniyang pamilya.
24 filia autem eius fuit Sara, quæ ædificavit Bethoron inferiorem et superiorem, et Ozensara.
Ang kaniyang anak na babae ay si Sera na siyang nagpatayo ng Beth-Horong Ibaba at Beth-Horong Itaas at Uzeensera.)
25 Porro filius eius Rapha, et Reseph, et Thale, de quo natus est Thaan,
Ang kaniyang anak na lalaki ay si Refa. Ang anak na lalaki ni Refa ay si Resef. Ang anak na lalaki ni Resef ay si Tela. Ang anak na lalaki ni Tela ay si Tahan.
26 qui genuit Laadan: huius quoque filius Ammiud, qui genuit Elisama,
Ang anak na lalaki ni Tahan ay si Ladan. Ang anak na lalaki ni Ladan ay si Amihud. Ang anak na lalaki ni Amihud ay si Elisama.
27 de quo ortus est Nun, qui habuit filium Iosue.
Ang anak na lalaki ni Elisama ay si Nun. Ang anak na lalaki ni Nun ay si Josue.
28 Possessio autem eorum et habitatio, Bethel cum filiabus suis, et contra Orientem Noran, ac Occidentalem plagam Gazer et filiæ eius, Sichem quoque cum filiabus suis, usque ad Aza cum filiabus eius.
Ang kanilang mga ari-arian at mga tirahan ay sa Bethel at sa mga nayon sa paligid nito. Nakaabot pa sila pasilangan sa Naaran at pakanluran sa Gezer at sa mga nayon nito at sa Shekem at sa mga nayon nito sa Ayyah at sa mga nayon nito.
29 Iuxta filios quoque Manasse Bethsan et filias eius, Thanach et filias eius, Mageddo et filias eius: Dor et filias eius: in his habitaverunt filii Ioseph, filii Israel.
Sa hangganan na sakop ni Manases ay ang Beth-sean at ang mga nayon nito, ang Taanach at ang mga nayon nito, ang Megido at ang mga nayon nito at ang Dor at ang mga nayon nito. Sa mga bayang ito naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Jose na anak ni Israel.
30 Filii Aser: Iemna, et Iesua, et Iessui, et Baria, et Sara soror eorum.
Ang mga anak na lalaki ni Aser ay sina Imna, Isva, Isvi at Berias. Si Sera ang kanilang kapatid na babae.
31 Filii autem Baria: Heber, et Melchiel: ipse est pater Barsaith.
Ang mga anak na lalaki ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit.
32 Heber autem genuit Iephlat, et Somer, et Hotham, et Suaa sororem eorum.
Ang mga anak na lalaki ni Heber ay sina Jaflet, Somer, at Jotam. Si Sua ang kanilang kapatid na babae.
33 Filii Iephlat: Phosech, et Chamaal, et Asoth: hi filii Iephlat.
Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. Ito ang mga anak ni Jaflet.
34 Porro filii Somer: Ahi, et Roaga, et Haba, et Aram.
Ito naman ang mga anak na lalaki ni Somer na kapatid ni Jaflet, sina Rohga, Jehuba at Aram.
35 Filii autem Helem fratris eius: Supha, et Iemna, et Selles, et Amal.
Ito ang mga anak na lalaki ni Helem na kapatid ni Shemer, sina Zofa, Imna, Seles at Amal.
36 Filii Supha: Sue, Harnapher, et Sual, et Beri, et Iamra,
Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Suah, Harnnefer, Sual, Beri, Imra,
37 Bosor, et Hod, et Samma, et Salusa, et Iethran, et Bera.
Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera.
38 Filii Iether: Iephone, et Phaspha, et Ara.
Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.
39 Filii autem Olla: Aree, et Haniel, et Resia.
Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia.
40 Omnes hi filii Aser, principes cognationum, electi atque fortissimi duces ducum: numerus autem eorum ætatis, quæ apta esset ad bellum, viginti sex millia.
Sila ang mga kaapu-apuhan ni Aser, mga pinuno ng kanilang mga pamilya, mga kilalang tao, mga mandirigma at mga pangunahin sa mga pinuno. Ayon sa nakasulat sa talaan, mayroong 26, 000 na mga lalaki ang nababagay na maglingkod sa militar.

< I Paralipomenon 7 >