< I Paralipomenon 17 >

1 Cum autem habitaret David in domo sua, dixit ad Nathan prophetam: Ecce ego habito in domo cedrina: arca autem fœderis Domini sub pellibus est.
At nangyari nang nakatira na ang hari sa kaniyang tahanan, sinabi niya kay propeta Natan, “Tingnan mo, ako ay nakatira sa isang tahanan na sedar, ngunit ang kaban ng tipan ni Yahweh ay nananatili sa ilalim ng isang tolda.”
2 Et ait Nathan ad David: Omnia, quæ in corde tuo sunt, fac: Deus enim tecum est.
Pagkatapos, sinabi ni Natan kay David, “Humayo ka, gawin mo kung ano ang nasa iyong puso, sapagkat ang Diyos ay sumasaiyo.”
3 Igitur nocte illa factus est sermo Dei ad Nathan, dicens:
Ngunit nang gabing iyon, ang salita ng Diyos ay dumating kay Natan at sinabi,
4 Vade, et loquere David servo meo: Hæc dicit Dominus: Non ædificabis tu mihi domum ad habitandum.
“Humayo ka at sabihin mo sa lingkod kong si David, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi mo ako ipagtatayo ng isang bahay na matitirhan.
5 Neque enim mansi in domo ex eo tempore, quo eduxi Israel, usque ad diem hanc: sed fui semper mutans loca tabernaculi, et in tentorio
Sapagkat hindi ako tumira sa isang bahay mula sa araw na dinala ko ang Israel hanggang sa kasalukuyang araw na ito. Sa halip, ako ay naninirahan sa isang tolda, isang tabernakulo, sa iba't ibang lugar.
6 manens cum omni Israel. Numquid locutus sum saltem uni Iudicum Israel, quibus præceperam, ut pascerent populum meum, et dixi: Quare non ædificastis mihi domum cedrinam?
Sa lahat ng lugar na nilipatan ko kasama ang buong Israel, mayroon ba akong sinabi na kahit ano sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na pinili kong magpastol sa aking mga tao, nagsasabi, “Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng isang tahanan na sedar?”'”
7 Nunc itaque sic loqueris ad servum meum David: Hæc dicit Dominus exercituum: Ego tuli te, cum in pascuis sequereris gregem, ut esses dux populi mei Israel.
“At ngayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, na pinuno ng hukbo: “Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, nang sa gayon ikaw ay maging pinuno ng bayan kong Israel.
8 Et fui tecum quocumque perrexisti: et interfeci omnes inimicos tuos coram te, fecique tibi nomen quasi unius magnorum, qui celebrantur in terra.
At kasama mo ako saan ka man magpunta at nilupig ko ang lahat ng iyong kaaway sa iyong harapan. At gagawan kita ng isang pangalan, katulad ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.
9 Et dedi locum populo meo Israel: plantabitur, et habitabit in eo, et ultra non commovebitur: nec filii iniquitatis atterent eos, sicut a principio,
Ako ay magtatakda ng isang lugar para sa bayan kong Israelita at patitirahin ko sila doon, nang sa gayon manirahan sila sa sarili nilang lugar at hindi na sila magagampala. Hindi na sila aapihin ng mga masasamang tao, tulad ng ginawa nila noon,
10 ex diebus quibus dedi iudices populo meo Israel, et humiliavi universos inimicos tuos. Annuncio ergo tibi, quod ædificaturus sit tibi Dominus domum.
tulad ng ginagawa nila mula sa mga araw na inutusan ko ang mga hukom na pamahalaan ang bayan kong Israel. At susupilin ko ang lahat ng iyong kaaway. Gayon din, sinasabi ko sa iyo na ako, si Yahweh ay magtatayo ng isang tahanan para sa iyo.
11 Cumque impleveris dies tuos ut vadas ad patres tuos, suscitabo semen tuum post te, quod erit de filiis tuis: et stabiliam regnum eius.
At mangyayari na kapag natapos na ang iyong mga araw upang ikaw ay pumunta sa iyong mga ninuno, gagawin kong tagapamuno ang iyong kaapu-apuhan na susunod sa iyo, at sa isa sa iyong sariling kaapu-apuhan, itatatag ko ang kaniyang kaharian.
12 Ipse ædificabit mihi domum, et firmabo solium eius usque in æternum.
Ipagtatayo niya ako ng isang tahanan, at itatatag ko ang kaniyang trono magpakailanman.
13 Ego ero ei in patrem, et ipse erit mihi in filium: et misericordiam meam non auferam ab eo, sicut abstuli ab eo, qui ante te fuit.
Ako ay magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak ko. Hindi ko babawiin ang matapat kong kasunduan sa kaniya, tulad ng pagbawi ko nito mula kay Saulo, na namuno bago ikaw.
14 Et statuam eum in domo mea, et in regno meo usque in sempiternum: et thronus eius erit firmissimus in perpetuum.
Itatalaga ko siya sa aking tahanan at sa aking kaharian magpakailanman, at itatatag ko ang kaniyang trono magpakailaman.”'”
15 Iuxta omnia verba hæc, et iuxta universam visionem istam, sic locutus est Nathan ad David.
Nagsalita si Natan kay David at ibinalita sa kaniya ang lahat ng mga salitang ito, at sinabi niya rin ang tungkol sa kabuuang pangitain.
16 Cumque venisset rex David, et sedisset coram Domino, dixit: Quis ego sum Domine Deus, et quæ domus mea, ut præstares mihi talia?
Pagkatapos, pumasok si haring David at umupo sa harapan ni Yahweh, sinabi niya, “Sino ako, Yahweh na Diyos, at ano ang aking pamilya na ako ay dinala mo sa kalagayang ito?
17 Sed et hoc parum visum est in conspectu tuo, ideoque locutus es super domum servi tui etiam in futurum: et fecisti me spectabilem super omnes homines Domine Deus.
At ito ay isang maliit na bagay sa iyong paningin, O Diyos. Ikaw ay nagsalita tungkol sa pamilya ng iyong lingkod tungkol sa panahon na darating, at ipinakita mo sa akin ang mga susunod na salinlahi, O Yahweh na Diyos.
18 Quid ultra addere potest David, cum ita glorificaveris servum tuum, et cognoveris eum?
Ano pa ang masasabi ko, akong si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod. Binigyan mo ang iyong lingkod ng isang natatanging pagkilala.
19 Domine, propter famulum tuum iuxta cor tuum fecisti omnem magnificentiam hanc, et nota esse voluisti universa magnalia.
O Yahweh, alang-alang sa iyong lingkod at upang matupad ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito upang ihayag ang lahat ng iyong mga dakilang gawa.
20 Domine, non est similis tui: et non est alius Deus absque te, ex omnibus, quos audivimus auribus nostris.
O Yahweh, wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng lagi naming naririnig.
21 Quis enim est alius, ut populus tuus Israel, gens una in terra, ad quam perrexit Deus, ut liberaret, et faceret populum sibi, et magnitudine sua atque terroribus eiiceret nationes a facie eius, quem de Ægypto liberarat?
At anong bansa sa mundo ang tulad ng iyong bayang Israel na iniligtas mo O Diyos mula sa Egipto bilang mga tao para sa iyo, upang gumawa ng pangalan para sa iyo sa pamamagitan ng mga dakila at mga nakamamanghang gawa? Pinalayas mo ang mga bansa sa harap ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Egipto.
22 Et posuisti populum tuum Israel tibi in populum usque in æternum, et tu Domine factus es Deus eius.
Ginawa mo ang Israel na iyong sariling mga tao magpakailanman, at ikaw, O Yahweh ang naging Diyos nila.
23 Nunc igitur Domine, sermo, quem locutus es famulo tuo, et super domum eius, confirmetur in perpetuum, et fac sicut locutus es.
Kaya ngayon, O Yahweh, nawa manatili magpakailanman ang ipinangako mo tungkol sa iyong lingkod at sa kaniyang pamilya. Gawin mo kung ano ang iyong sinabi.
24 Permaneatque et magnificetur nomen tuum usque in sempiternum: et dicatur: Dominus exercituum Deus Israel, et domus David servi eius permanens coram eo.
Nawa ang iyong pangalan ay manatili magpakailanman at maging dakila, upang sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel ang Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, akong si David na iyong lingkod ay manatili sa iyong harapan.
25 Tu enim Domine Deus meus revelasti auriculam servi tui, ut ædificares ei domum: et idcirco invenit servus tuus fiduciam, ut oret coram te.
Sapagkat ipinahayag mo, o aking Diyos, sa iyong lingkod na ipagtatayo mo siya ng isang tahanan. Kaya ako na iyong lingkod ay nakatagpo ng tapang upang manalangin sa iyo.
26 Nunc ergo Domine tu es Deus: et locutus es ad servum tuum tanta beneficia.
Ngayon, O Yahweh, ikaw ay Diyos, at ginawa mo ang mabuting pangako na ito sa iyong lingkod:
27 Et cœpisti benedicere domui servi tui, ut sit semper coram te: te enim Domine benedicente, benedicta erit in perpetuum.
Ngayon, ikinalugod mo na pagpalain ang tahanan ng iyong lingkod upang ito ay magpatuloy magpakailanman sa iyong harapan. Pinagpala mo ito, O Yahweh, at ito ay pagpapalain magpakailanman.”

< I Paralipomenon 17 >