< ヨハネの黙示録 18 >

1 この後、わたしは、もうひとりの御使が、大いなる権威を持って、天から降りて来るのを見た。地は彼の栄光によって明るくされた。
Pagkatapos ng mga ito nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may dakilang kapangyarihan, at ang daigdig ay tumatanglaw sa pamamagitan ng kaniyang kaluwalhatian.
2 彼は力強い声で叫んで言った、「倒れた、大いなるバビロンは倒れた。そして、それは悪魔の住む所、あらゆる汚れた霊の巣くつ、また、あらゆる汚れた憎むべき鳥の巣くつとなった。
Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, “Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!” Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon.
3 すべての国民は、彼女の姦淫に対する激しい怒りのぶどう酒を飲み、地の王たちは彼女と姦淫を行い、地上の商人たちは、彼女の極度のぜいたくによって富を得たからである」。
Dahil ang lahat ng bansa ay uminom ng alak ng pagnanasa ng kaniyang sekswal na imoralidad na nagdulot sa kaniya ng poot. Ang mga hari ng mundo ay gumawa ng sekswal na imoralidad kasama niya. Ang mga mangangalakal sa mundo ay naging mayaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng marangya niyang pamumuhay.
4 わたしはまた、もうひとつの声が天から出るのを聞いた、「わたしの民よ。彼女から離れ去って、その罪にあずからないようにし、その災害に巻き込まれないようにせよ。
Pagkatapos, narinig ko ang isa pang tinig, mula sa langit na sinasabi, “Lumabas kayo mula sa kaniya, aking bayan, para hindi kayo makibahagi sa kaniyang mga kasalanan, at para hindi ninyo tanggapin ang anumang sa kaniyang mga salot.
5 彼女の罪は積り積って天に達しており、神はその不義の行いを覚えておられる。
Ang kaniyang mga kasalanan ay patung-patong hanggang sa langit, at inalala ng Diyos ang kaniyang mga masasamang gawain.
6 彼女がしたとおりに彼女にし返し、そのしわざに応じて二倍に報復をし、彼女が混ぜて入れた杯の中に、その倍の量を、入れてやれ。
Bayaran mo siya katulad ng pagbabayad niya sa iba at bayaran mo siya ng dalawang ulit, dahil sa kaniyang ginawa, sa kaniyang paghalo sa kopa, paghaluin ng dalawang ulit ang bayad para sa kaniya.
7 彼女が自ら高ぶり、ぜいたくをほしいままにしたので、それに対して、同じほどの苦しみと悲しみとを味わわせてやれ。彼女は心の中で『わたしは女王の位についている者であって、やもめではないのだから、悲しみを知らない』と言っている。
Gaya ng pagluwalhati niya sa kaniyang sarili, at namuhay sa karangyaan, bigyan mo siya ng higit sa katumbas na pagdurusa at pagdadalamhati. Dahil sinabi niya sa kaniyang puso, “Ako ay nakaupong tulad ng isang reyna; hindi ako balo, at hindi kailanman makikita ang kalungkutan.
8 それゆえ、さまざまの災害が、死と悲しみとききんとが、一日のうちに彼女を襲い、そして、彼女は火で焼かれてしまう。彼女をさばく主なる神は、力強いかたなのである。
Kaya isang araw ay dadaanan siya ng kaniyang sariling mga salot: kamatayan, kalungkutan at kagutuman. Siya ay tutupukin ng apoy, dahil ang Panginoong Diyos ay makapangyarihan, at siya ang kaniyang hukom.
9 彼女と姦淫を行い、ぜいたくをほしいままにしていた地の王たちは、彼女が焼かれる火の煙を見て、彼女のために胸を打って泣き悲しみ、
Ang mga hari ng mundo na nakagawa ng mga sekswal na imoralidad at hindi nakapagpigil kasama niya ay tatangis at mananaghoy sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog.
10 彼女の苦しみに恐れをいだき、遠くに立って言うであろう、『ああ、わざわいだ、大いなる都、不落の都、バビロンは、わざわいだ。おまえに対するさばきは、一瞬にしてきた』。
Tatayo sila sa malayo, takot sa kaniyang paghihirap, sinasabing, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod, sa Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Dahil ang i sa loob ng isang oras ang iyong kaparusahan ay darating.
11 また、地の商人たちも彼女のために泣き悲しむ。もはや、彼らの商品を買う者が、ひとりもないからである。
Ang mga mangangalakal ng mundo ay tatangis at magluluksa para sa kaniya, dahil walang sinuman ang bibili ng kaniyang mga kalakal kailanman-
12 その商品は、金、銀、宝石、真珠、麻布、紫布、絹、緋布、各種の香木、各種の象牙細工、高価な木材、銅、鉄、大理石などの器、
mga kagamitang ginto, pilak, at mamahaling hiyas, mga perlas, pinong lino, lila, seda, telang pula at lahat ng uri ng mabangong kahoy, bawat sisidlang yari sa pangil ng elepante, bawat sisidlang yari sa mamahaling kahoy, ginto, tanso, bakal at marmol,
13 肉桂、香料、香、におい油、乳香、ぶどう酒、オリブ油、麦粉、麦、牛、羊、馬、車、奴隷、そして人身などである。
sinamon, pampalasa, insenso, mira at kamangyan, alak, langis, pinong harina, trigo, baka, at tupa, mga kabayo at karwahe, mga alipin at mga kaluluwa ng tao.
14 おまえの心の喜びであったくだものはなくなり、あらゆるはでな、はなやかな物はおまえから消え去った。それらのものはもはや見られない。
Ang bunga na iyong hinahangad nang buong lakas mo ay nawala mula sa iyo. Lahat ng iyong karangyaan at kaningningan ay naglaho, at hindi na kailanman muling masusumpungan.
15 これらの品々を売って、彼女から富を得た商人は、彼女の苦しみに恐れをいだいて遠くに立ち、泣き悲しんで言う、
Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati.
16 『ああ、わざわいだ、麻布と紫布と緋布をまとい、金や宝石や真珠で身を飾っていた大いなる都は、わざわいだ。
Sasabihin nila, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!”
17 これほどの富が、一瞬にして無に帰してしまうとは』。また、すべての船長、航海者、水夫、すべて海で働いている人たちは、遠くに立ち、
Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan.
18 彼女が焼かれる火の煙を見て、叫んで言う、『これほどの大いなる都は、どこにあろう』。
Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, “Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?”
19 彼らは頭にちりをかぶり、泣き悲しんで叫ぶ、『ああ、わざわいだ、この大いなる都は、わざわいだ。そのおごりによって、海に舟を持つすべての人が富を得ていたのに、この都も一瞬にして無に帰してしまった』。
Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. “Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak.”
20 天よ、聖徒たちよ、使徒たちよ、預言者たちよ。この都について大いに喜べ。神は、あなたがたのために、この都をさばかれたのである」。
“Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!”
21 すると、ひとりの力強い御使が、大きなひきうすのような石を持ちあげ、それを海に投げ込んで言った、「大いなる都バビロンは、このように激しく打ち倒され、そして、全く姿を消してしまう。
Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang bato tulad ng isang malaking gilingang bato at itinapon ito sa dagat, sinasabing, “Sa ganitong paraan ang dakilang lungsod ng Babilonia, ay itatapon pababa nang may karahasan at hindi na makikita kailanman.
22 また、おまえの中では、立琴をひく者、歌を歌う者、笛を吹く者、ラッパを吹き鳴らす者の楽の音は全く聞かれず、あらゆる仕事の職人たちも全く姿を消し、また、ひきうすの音も、全く聞かれない。
Ang tunog ng manunugtog ng alpa, mga musiko, manunugtog ng plauta at mga trumpeta ay hindi na maririnig sa inyo kailanman. Walang anumang uri ng manggagawa ang matatagpuan sa inyo. Walang tunog ng gilingan ang maririnig sa inyo kailanman.
23 また、おまえの中では、あかりもともされず、花婿、花嫁の声も聞かれない。というのは、おまえの商人たちは地上で勢力を張る者となり、すべての国民はおまえのまじないでだまされ、
Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam.
24 また、預言者や聖徒の血、さらに、地上で殺されたすべての者の血が、この都で流されたからである」。
Sa kaniya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga mananampalataya, at ang dugo ng lahat ng mga pinatay sa lupa.

< ヨハネの黙示録 18 >