< ヨハネの黙示録 15 >

1 またわたしは、天に大いなる驚くべきほかのしるしを見た。七人の御使が、最後の七つの災害を携えていた。これらの災害で神の激しい怒りがその頂点に達するのである。
Pagkatapos nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamangha-mangha: Mayroong pitong anghel na may pitong salot, kung saan ito ang mga huling salot (dahil sa kanila ang poot ng Diyos ay tapos na).
2 またわたしは、火のまじったガラスの海のようなものを見た。そして、このガラスの海のそばに、獣とその像とその名の数字とにうち勝った人々が、神の立琴を手にして立っているのを見た。
Nakita ko kung ano ang lumitaw sa isang dagat ng salamin na hinaluan ng apoy, at sa tabi ng dagat nakatayo ang mga matagumpay laban sa halimaw at kaniyang imahe, at laban sa bilang ng kumakatawan sa kaniyang pangalan. Hawak nila ang mga alpa na Ibinigay sa kanila ng Diyos.
3 彼らは、神の僕モーセの歌と小羊の歌とを歌って言った、「全能者にして主なる神よ。あなたのみわざは、大いなる、また驚くべきものであります。万民の王よ、あなたの道は正しく、かつ真実であります。
Inaawit nila ang awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Panginoong Diyos, siya na naghahari sa lahat. Matuwid at tunay ang iyong mga gawa, Hari ng mga bansa.
4 主よ、あなたをおそれず、御名をほめたたえない者が、ありましょうか。あなただけが聖なるかたであり、あらゆる国民はきて、あなたを伏し拝むでしょう。あなたの正しいさばきが、あらわれるに至ったからであります」。
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? Dahil ikaw lamang ang banal. Lahat ng mga bansa ay pupunta at sasamba sa iyong harapan dahil ang iyong mga gawang matuwid ay naihayag.
5 その後、わたしが見ていると、天にある、あかしの幕屋の聖所が開かれ、
Pagkatapos ng mga bagay na ito, tumingin ako, at ang pinakabanal na lugar, kung saan ang tolda ng mga saksi, ay bumukas sa langit.
6 その聖所から、七つの災害を携えている七人の御使が、汚れのない、光り輝く亜麻布を身にまとい、金の帯を胸にしめて、出てきた。
Mula sa pinaka banal na lugar, lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, dinamitan ng dalisay, maliwanag na lino at may mga gintong laso ang nakapalibot sa kanilang mga dibdib.
7 そして、四つの生き物の一つが、世々限りなく生きておられる神の激しい怒りの満ちた七つの金の鉢を、七人の御使に渡した。 (aiōn g165)
Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man. (aiōn g165)
8 すると、聖所は神の栄光とその力とから立ちのぼる煙で満たされ、七人の御使の七つの災害が終ってしまうまでは、だれも聖所にはいることができなかった。
Puno ng usok ang pinakabanal na lugar mula sa kalulwalhatian ng Diyos at mula sa kanIyang kapangyarihan. Walang sinUman ang makakapasok doon hanggang ang pitong salot ng pitong anghel ay tapos na.

< ヨハネの黙示録 15 >