< 民数記 28 >

1 主はモーセに言われた、
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
2 「イスラエルの人々に命じて言いなさい、『あなたがたは香ばしいかおりとしてわたしにささげる火祭、すなわち、わたしの供え物、わたしの食物を定めの時にわたしにささげることを怠ってはならない』。
“Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Dapat ninyong ialay ang inyong mga handog sa akin sa mga itinakdang panahon, ang pagkain ng aking mga handog na ipinaraan sa apoy upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para sa akin.'
3 また彼らに言いなさい、『あなたがたが主にささぐべき火祭はこれである。すなわち一歳の雄の全き小羊二頭を毎日ささげて常燔祭としなければならない。
Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
4 すなわち一頭の小羊を朝にささげ、一頭の小羊を夕にささげなければならない。
Dapat mong ihandog ang isang tupa sa umaga, at dapat mong ihandog ang ibang tupa sa gabi.
5 また麦粉一エパの十分の一に、砕いて取った油一ヒンの四分の一を混ぜて素祭としなければならない。
Dapat mong ihandog ang ikasampu ng epa ng pinong harina bilang isang handog na butil, hinaluan ng ikaapat ng isang hin ng hinalong langis.
6 これはシナイ山で定められた常燔祭であって、主に香ばしいかおりとしてささげる火祭である。
Ito ay karaniwang alay na susunugin na inutos sa Bundok Sinai upang magbigay ng isang matamis na halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
7 またその灌祭は小羊一頭について一ヒンの四分の一をささげなければならない。すなわち聖所において主のために濃い酒をそそいで灌祭としなければならない。
Ang inuming handog na kasama nito ay dapat maging ika-apat ng isang hin para sa isa sa mga tupa. Dapat ninyong ibuhos sa banal na lugar ang inuming handog ng matapang na inumin kay Yahweh.
8 夕には他の一頭の小羊をささげなければならない。その素祭と灌祭とは朝のものと同じようにし、その小羊を火祭としてささげ、主に香ばしいかおりとしなければならない。
Dapat ninyong ihandog ang isang tupa sa gabi kasama ang iba pang handog na butil tulad ng isang inihandog sa umaga. Dapat ninyong ihandog din ang isa pang inuming handog kasama nito, isang handog na ipinaraan sa apoy, upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh.
9 また安息日には一歳の雄の全き小羊二頭と、麦粉一エパの十分の二に油を混ぜた素祭と、その灌祭とをささげなければならない。
Sa Araw ng Pamamahinga dapat ninyong ihandog ang dalawang lalaking tupa, bawat isang taong gulang na walang kapintasan, at dalawa sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na pagkaing butil, na hinaluan ng langis, at ang inuming handog kasama nito.
10 これは安息日ごとの燔祭であって、常燔祭とその灌祭とに加えらるべきものである。
Ito ay ang alay na susunugin para sa bawat Araw ng Pamamahinga, bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at ang inuming handog na kasama nito.
11 またあなたがたは月々の第一日に燔祭を主にささげなければならない。すなわち若い雄牛二頭、雄羊一頭、一歳の雄の全き小羊七頭をささげ、
Sa simula ng bawat buwan, dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang tupang lalaki, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan.
12 雄牛一頭には麦粉一エパの十分の三に油を混ぜたものを素祭とし、雄羊一頭には麦粉一エパの十分の二に油を混ぜたものを素祭とし、
Dapat din kayong maghandog ng tatlo sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na butil na hinaluan ng langis para sa bawat toro, at dalawa sa ikasampu ng pinong harina bilang isang handog na butil na hinaluan ng langis para sa bawat lalaking tupa.
13 小羊一頭には麦粉十分の一に油を混ぜたものを素祭とし、これを香ばしいかおりの燔祭として主のために火祭としなければならない。
Dapat din ninyong ihandog ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na butil para sa bawat tupa. Ito ay magiging alay na susunugin, upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
14 またその灌祭は雄牛一頭についてぶどう酒一ヒンの二分の一、雄羊一頭について一ヒンの三分の一、小羊一頭について一ヒンの四分の一をささげなければならない。これは年の月々を通じて、新月ごとにささぐべき燔祭である。
Dapat maging kalahati ng isang hin ng alak ang mga inuming handog ng mga tao para sa isang toro, ang ikatlo ng isang hin para sa isang lalaking tupa, at ikaapat ng isang hin para sa isang batang tupa. Ito ay magiging alay na susunugin para sa bawat buwan sa bawat buwan ng taon.
15 また常燔祭とその灌祭とのほかに、雄やぎ一頭を罪祭として主にささげなければならない。
Isang lalaking kambing bilang isang alay para sa kasalanan ang dapat ihandog kay Yahweh. Magiging karagdagan ito sa karaniwang alay na susunugin at ang inuming handog na kasama nito.
16 正月の十四日は主の過越の祭である。
Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, dumadating ang Paskua ni Yahweh.
17 またその月の十五日は祭日としなければならない。七日のあいだ種入れぬパンを食べなければならない。
Idinadaos ang pista sa ikalabing limang araw ng buwang ito. Sa loob ng pitong araw, dapat kainin ang tinapay na walang lebadura.
18 その初めの日には聖会を開かなければならない。なんの労役をもしてはならない。
Sa unang araw, dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
19 あなたがたは火祭として主に燔祭をささげなければならない。すなわち若い雄牛二頭、雄羊一頭、一歳の雄の小羊七頭をささげなければならない。これらはみな全きものでなければならない。
Gayunman, dapat kayong mag-alay ng isang handog na ipinaraan sa apoy, isang alay na susunugin para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang, na walang kapintasan.
20 その素祭には油を混ぜた麦粉をささげなければならない。すなわち雄牛一頭につき麦粉一エパの十分の三、雄羊一頭につき十分の二をささげ、
Kasama ng toro, dapat kayong mag-alay ng isang handog na butil ng tatlo sa ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng langis, at kasama ng lalaking tupa, ang dalawa sa ikasampu.
21 また七頭の小羊にはその一頭ごとに十分の一をささげなければならない。
Sa bawat pitong tupa, dapat kayong maghandog ng isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis,
22 また雄やぎ一頭を罪祭としてささげ、あなたがたのために罪のあがないをしなければならない。
at isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan upang maging pambayad sa kasalanan para sa inyong sarili.
23 あなたがたは朝にささげる常燔祭の燔祭のほかに、これらをささげなければならない。
Dapat ninyong ihandog ang mga ito bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin na kinakailangan sa bawat umaga.
24 このようにあなたがたは七日のあいだ毎日、火祭の食物をささげて、主に香ばしいかおりとしなければならない。これは常燔祭とその灌祭とのほかにささぐべきものである。
Gaya ng nailarawan dito, dapat kayong mag-alay ng mga handog na ito araw-araw, para sa pitong araw ng Paskua, ang pagkaing inihahandog ninyong ipinaraan sa apoy, isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat itong ihandog bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at inuming handog kasama nito.
25 そして第七日に、あなたがたは聖会を開かなければならない。なんの労役をもしてはならない。
Sa ika-pitong araw, dapat kayong magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
26 あなたがたは七週の祭、すなわち新しい素祭を主にささげる初穂の日にも聖会を開かなければならない。なんの労役をもしてはならない。
At saka sa araw ng mga unang bunga, kapag maghandog kayo ng isang bagong handog na butil kay Yahweh sa inyong Pagdiriwang ng mga Linggo, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
27 あなたがたは燔祭をささげて、主に香ばしいかおりとしなければならない。すなわち若い雄牛二頭、雄羊一頭、一歳の雄の小羊七頭をささげなければならない。
Dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupang isang taong gulang.
28 その素祭には油を混ぜた麦粉をささげなければならない。すなわち雄牛一頭につき一エパの十分の三、雄羊一頭につき十分の二をささげ、
Maghandog din kayo ng handog na butil kasama ng mga ito: pinong harina na hinaluan ng langis, tatlo sa ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng langis para sa bawat toro at dalawa sa ikasampu para sa isang lalaking tupa.
29 また七頭の小羊には一頭ごとに十分の一をささげなければならない。
Mag-alay kayo ng isang ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng langis para sa bawat pitong tupa,
30 また雄やぎ一頭をささげてあなたがたのために罪のあがないをしなければならない。
at isang lalaking kambing upang maging pambayad kasalanan para sa inyong mga sarili.
31 あなたがたは常燔祭とその素祭とその灌祭とのほかに、これらをささげなければならない。これらはみな、全きものでなければならない。
Kapag mag-aalay kayo ng ganitong mga hayop na walang kapintasan, kasama ng kanilang inuming handog, dapat itong maging karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito.”

< 民数記 28 >